"Tol!" Tawag sa'kin ni Tian.
"Oh!" Sagot ko habang nag so-solve ng math problem.
"Pa-explain nga kung pa'no i-solve 'tong math, wala ako'ng maintindihan!"
Ano ba 'yan! Pa'nong wala s'yang maintindihan eh round off lang naman 'to!
"Ganto 'yan, pag ang dulo ng number ay 5 pataas ira-round off mo pero pag 4 pababa mag iistay ka lang" simpleng paliwanag ko.
"Mag-iistay daw kami sa Cavite ng 1 week" Mahinang sabi ni Lilian, ano daw 'yung sinabi n'ya? Stay lang 'yung narinig ko maingay rin kasi sa room eh.
Na gulat si Jilliam at sinabing "Tian stay ka lang daw kay Lilian!" Gulat pa'rin na sabi n'ya.
Natawa kami ni Zy at pabirong suminghap si Christian sabay hawak sa dibdib.
"Mahal, wag ka mag-alala nag papaturo lang naman ako kay Sam, sayo lang ako promise." sabay taas ng kaniyang kanang kamay, habang kami ni Zy ay natawa pa'rin.
"Ha?" Naguguluhang sabi ni Lilian "Sinasabi n'yo?, Ano'ng stay?, Sabi ko sa Cavite kami mag-iistay ng 1 week!"
"Mahal, wag kana mag paliwanag."Mapag-intinding sabi n'ya ni Tian.
"Bahala ka!" Pagod na sabi ni Lilian.