Chereads / ONE SHITS / Chapter 10 - shutangina 10

Chapter 10 - shutangina 10

Nakaupo kami dito sa ilalim ng puno dito sa school. 'Di kalayuan nakita kong naglalakad si Zy kausap yung crush n'ya si Eddison papunta rito mukhang good mood at si Zhan naman ay tumatakbo natatanaw ko na rin 'yung guard! Mukhang napa-away na naman sya! Na bunggo n'ya si Zy sigurado akong malakas iyon dahil muntik na s'yang matumba! Buti nalang nahawakan s'ya ni Zhan sa kamay, pero hindi pa nakaka-recover si Zy sa muntik na pagkatumba nang higitin s'ya ni Zhan para tumakbo!

Umikot sila sa kabilang puno para hindi makita ng guard. Buti na lang hindi sila nakita dahil nakita kong lumiko yung guard.

Nang makarating na sila dito pinag-babatukan sya ni Zy, "Kupal ka talaga Zhan! Good mood na'ko kanina pero sinira mo lang!" Galit na sabi n'ya.

"Alangan hinahabol ako ng guard anong gusto mo tumigil ako para mag good afternoon sa'yo?" Walang kwentang sagot ni Zhan.

"May galit kaba sakin? Kanina pa kita napapansin ah, kausap ko kanina no'ng recess yung crush ko tapos nang gugulo ka! Ano bang problema mo ha?" Galit na sabi ni Zy, habang kami ay nag-papakiramdaman kung sino ang mag sasalita para awatin sila o kung aawatin ba kasi baka lalo lang lumala.

"Wala akong promblema baka ikaw meron,"

"Wala ako problema! Ikaw nga itong laging nakikipag away eh, tapos mandadamay kapa!" Galit na sagot ni Zy. Napatingin sa kanya si Zhan.

"Kailan kita dinamay?" Seryosong sagot ni Zhan.

"Anong kailan? Kanina lang! Isinama mo pa ako sa pagtakbo mo! Pano kung nahuli ka edi damay ako?" Pasigaw na sagit ni Zy, tumaas naman ang kilay ni Zhan dahil don.

"Hinawakan kita kasi matutumba ka, sinama kita tumakbo kasi hindi ako pwedeng tumigil pero hindi rin naman kita pwedeng pabayaan." Mahinahon ngutin seryosong paliwanag si Zhan.

"Pwede mo naman akong pabayaan kaya ko naman at isa nando'n naman si Eddison!" Galit paring sabi n'ya, hindi ko na rin mabasa ang ekspresyon ni Zhan umiling-iling nalang s'ya habang lumalayo halatang ayaw nya na sagutin si Zy.

"O, ano! Ganyan nalang tatalikuran mo 'ko? Aba! Ang kapal naman ng mukha mo. Ikaw na nga itong may atraso sakin eh." Galit na sigaw ni Zy habang nakahawak ang kamay sa dalawang bewang.

"Mag palamig ka muna ng ulo, mamaya tayo mag-uusap." Seryosong sabi ni Zhan at pumunta sa kabilang puno.

Sinundan ni Tian si Hanz, nag-uusap sila ron. Kinausap naman ni Jilliam si Zy para palamigin ang ulo, binigyan ko s'ya ng Chuckie para naman kahit papaano ay lumamig ang ulo nya, bumili naman ng isa si Lilian para ibigay kay Zhan, nang lumingon ako para tingnan sila Zhan nakita ko ang mapang-asar na tingin ni Tian kay Zhan.

May napapansin talaga akong something d'yan kay Zhan dahil nitong nakakaraang buwan hindi na normal ang pang-iinis n'ya kay Zy, mukhang nakahalata narin si Tian!

Nang tumayo si Tian pinuntahan ko s'ya para tanungin "tol, balita" tanong ko.

Tumawa sya "Confirm," sabi n'ya, na-gets ko agad yon! Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon kung matutuwa ba o magugulat kahit alam ko na naman na may something.

"'di nga!" Hindi makapaniwalang sabi ko, baka kasi nag bibiro sya!

"Oo nga!" Natatawang sabi n'ya.

"Anong plano?" Sabi ko.

"hindi pa sigurado, nag iisip pa sya 'di ko na muna guguluhin, tatanong ko mamaya," natatawa paring sabi n'ya.

"Sabi na eh!" Sabi ko,

"Nahahalata mo rin pala" natatawa parin sya!

"Oo naman antagal ko ng kaibigan yon! Kaya sanay nako sa biruan nila, kaya nahalata ko agad no'ng nag iba 'yung biro ni Zhan!" Natatawang sabi ko.

"Mukang hindi pa nakakahalata si Jill," Sabi nya "delikado pag s'ya yung unang nakahalata," dagdag pa nya.

Maingay kasi si Jill at lahat ng nakikita n'ya sinasabi n'ya talaga samin kaya kung nahalata n'ya paniguradong sinabi n'ya na samin.

"Mahal!" Tawag ni Christian, umirap lang si Lilian at pumunta kila Jill.

"Tanga! 'di mo na talaga tinigilang si Lil," natatawang sabi ko.

"Ang cute nya maasar eh," sabi n'ya.

"Mukhang magiging Zhan the second ka ah," natatawang sabi ko.

"hindi ah," tanggi nya.

"Sus.. kabahan kana, Ikaw na susunod." Pananakot ko sa kanya. Tumawa lang s'ya.

"Tanga, 'yung tawa mo mukhang aware kana ah," pagbibiro ko sabay tawa, tumawa lang s'ya.

Pag-katapos inumin ni Zhan yung Chuckie tumayo na s'ya at lumapit kay Zy, mukhang malamig na ang ulo ni Zy pero seryoso parin,  seryoso akong nanonood sa kanila, wews para lang akong nanonood ng tv ah.

"Usap tayo." Mahinahon ngutin seryosong sabi ni Hanz, tumingin lang si Zy sakanya habang naka taas ang kilay.

"Ano namang pag-uusapan natin?" Pag-tataray ni Zy. Natawa lang si Hanz, mukhang kinikilig si tanga oh! Dahil sa pagtawa ni Hanz lalong tumaas ang kilay ni Zy, nakikita ko si Tian na seryoso ring nanonood at minsa'y napapatawa pa, mahalata ka tanga! Mukhang naguguluhan rin si Jill at Lil.

"Sige tawanan mo lang ako!" Galit na sabi ni Zy. Galit na naman sya!

"Tara na do'n usap tayo." Nakangiting sabi ni Zhan, Kilig na kilig si Tanga!

"Walang tayo!" Pasinghal na sabi ni Zy.

"Bakit? Gusto mo magkaro'n?" Seryosong sabi ni Zhan, nakikita kong nagpipigil ng ngiti si Tian mukhang kinikilig na to ah! Mas malapit ako kay Tian kaya hindi sya halata! Ang hirap mag pigil ng ngiti!

Napairap si Zy "Tara na," nauna s'yang mag lakad papunta sa kabilang puno.

-----------------------------------------------------------------

"oh, magtititigan na lang ba tayo dito?" Masungit kong sabi.

"Ano bang kinakagalit mo para maipaliwanag ko." Mahinahon n'yang sabi.

Napataas ang kilay ko, Gago ba s'ya? "Anong kinakagalit? Tanga ka ba? Baka ikaw ang may galit! Kanina ka pang Umaga, kinakausap ko eddison tapos lagi mo 'kong ginugulo!" Galit kong sabi.

"Bakit kasi kinakausap mo s'ya?" Seryosong sabi n'ya, Naka shabu ba'to? Ang high e!

"Seryoso? tinatanong pa ba 'yan? Minsan lang ako makalapit sa kanya alangan lulubusin ko na!" Obvious na sabi ko, nabu-buwisit na'ko sa kanya ha!

"At saka nagpaturo ako sa math wala akong naintindihan kanina eh," Sabi ko sa kanya, well totoo naman 'yon no! Syempre minsan lang 'yon no edi hinarot ko na baka mamaya last na 'yon at least diba?

"Dapat sakin ka nag paturo." Seryoso parin sabi n'ya, ano bang problema nito? Pero matalino rin naman talaga ang isang to kung gugustuhin n'ya nga kaya n'ya mag top 1, kaso gago nasa star section lang naman sya kasi sinasabihan sya ng bobo ng mga pinsan nya! So bale inspiration ganon pala away lang naman s'ya hindi bobo! Idagdag mo po ang kagwapuhan nya!

"Hindi kita makita no'n," Sabi ko, totoo naman hindi ko s'ya nakita!

"Hindi mo 'ko makita kasi iba ang hinahanap mo." Seryosong sabi n'ya, huh? Nag bibiro ba s'ya? Para masakyan ko.

"Ikaw kaya ang unang hinanap ko," Sabi ko pinili ko na lamang maging seryoso.

"Nando'n lang ako sa gilid imposibleng hindi mo ko nakita," seryoso parin sya!

"E, sa hindi kita nakita eh, Malay ko ba kung saang lupalop ka sumuot? At pag hindi kita nakita ibig sabihin nakikipag away ka," sabi ko, ano bang gusto nyang iparating?

"Pag galit ka sa'kin nakikita mo ko kahit mag tago ako, bakit hindi mo ko nakita kanina? Ibig sabihin hindi ako ng hanap mo," sabi pa nya, eh ano bang paki nya totoo naman na hinanap ko s'ya kaso nakita ko si Eddison na walang tinuturuan kayo lumapit nako, matututo na 'ko makakausap ko pa si crush diba!

"Ano bang gusto mong sabihin ha?" Diretsyahang sabi ko.

"Kung may kailangan ka.. sa'kin ka lang.. lumapit." Sabi n'ya habang nakatungo, Ang cute.

"Mmm, nagseselos ka'ba? Wag kang mag-alala 'di ko ipagkakalat," pabirong sabi ko sabay tawa.

Nakasimangot sya "Seryoso Ako!" Sabi pa n'ya "So, bakit mo 'ko ginugulo kanina no'ng kinakausap ko si eddison?" Tanong ko sa kanya.

"Pangit n'yo tingnan eh," tarantadong sagot n'ya, tangina nito ah bumalik tuloy 'yung inis ko!

"Gago ka?, Kung na-boboringan ka sa buhay mo wag mo 'kong idamay," Inis na sabi ko sa kanya, tarantadong 'to!

Tumawa s'ya habang umiiling-iling, Sige, d'yan ka masaya e! Sumeryorso sya bigla, kita mo 'tong taong 'to!

"Hindi..."

Huh? Anong hindi? Hindi ko na s'ya maintindihan ha! Nakita nya ang pagtataka sa mukha ko kaya dinugtungan nya yung Sasabihin nya.

"Hindi ako na-boboringan sa buhay 'ko, ang pangit n'yo lang talaga tingnan." Sabi n'ya, Wala na ngang magandang sasabihin nanlait pa!

"Kasi..."

Ano ba 'to ayaw n'ya nalang diretsyahin yung sasabihin n'ya!

"Kasi ano!" Inis na tanong ko, naiinis na talaga 'ko sa kanya!

"Kasi mukha kayong tanga," Natatawang n'yang sabi, gago!

"Pero hindi nga, pag may kailangan ka sa'kin kalang lumapit wag sa kanya pangit 'yon, sabi mo crush mo 'yon kasi matalino diba? Mag to-top 1 ako para ako nalang crush mo, matalino na gwapo pa 'di kana lugi ron." He said and leave me speechless, pumunta sya kila Tian na malapit lang sa'min! Paniguradong narinig nila 'yon!

-----------------------------------------------------------------

Nag-uusap na sila Zy at Zhan, habang kami ni Tian kanina pa kinikilig dito!

"Aray Sam!," Sabi ni Tian, kanina ko pa kasi sya hinahampas nakakakilig kasi Mukhang aamin na si Zhan!

"Kasi mukha kayong tanga," Natatawang sabi ni Zhan.

"Pero hindi nga, pag may kailangan ka sa'kin kalang lumapit wag sa kanya pangit 'yon, sabi mo crush mo 'yon kasi matalino diba? Mag to-top 1 ako para ako nalang crush mo, matalino na gwapo pa 'di kana lugi ron." Sabi ni Hanz sabay punta rito.

Kanina pa 'ko kinakagat ng langgam kakatago alam naman pala nya! Gago 'to pagkatapos ng low-key pag-amin n'ya iniwan nya si Zy na na-shock parin sa sinabi nya!

"Tanga ka! Kanina pa 'ko kinakagat ng langgam alam mo naman pala na nakatago kami!" Sabi ni Tian.

"Bakit? Sino ba nag-sabing mag-tago kayo? Natatawang sabi Zhan.

"Akala ko straight forward kang aamin!" Sabi ko, tumawa lang s'ya.

"Hina mo naman pre, kinakahiya kita bilang kaibigan ko." Sabi ni Tian habang umiiling-iling.

"Tangina mo Tian,"