Tinawag ako ni Gav kaya tumayo ako, nag-lalakad na rin s'ya. Paglapit n'ya sa harap ko ay tumayo lang s'ya habang naka-pamulsa, tinaasan ko s'ya ng kilay dahil para na naman s'yang tanga.
Maya-maya ay kinuha n'ya ang salamin ko at inilagay ulit. Tangina last day ng pasok baliw pa rin s'ya, yumuko s'ya at bumulong sakin.
"Deja de ser hermosa por favor me caí más y más," Bulong n'ya. Narinig ko pero hindi ko naman maintindihan. Ang galing talaga.
"huh?" Tanong ko, tinalikuran lang ako ng gago.
Tapos na naman ang mga kaganapan sa room kakain na lang kaya nag cellphone na lang muna ako at nag-scroll sa fb.
Maya-maya ay nakita ko ang post ni Madison 3 minutes ago ang caption ay "Gusto ko lang naman mag picture bakit may nagbe-bebe time pa sa likod grabe naman respeto sa vice president n'yong ganda at talino lang ang ambag."
Nasa likod kami ni Gav. Ang unang picture ay nakatayo s'ya sa harap ko habang nakapamulsa nakatingala ako sa kaniya at medyo nakayuko naman s'ya. Ang pangalawang picture naman ay nilagay n'ya ang salamin ko sakin. At ang pangatlo ay naka yuko at may binubulong.
hinaha react ko na lamang yon panay wow at heart react din ang mga react don.
Kiara Morin Dixon
Mga gago.
Gavin Archer Brewer
Masyado akong gwapo para maging background. @Ann
Madison Ann Adler
Ge lang
higanteng etits.
Jeffer Acheron
(picture)
Picture namin yon sa kabilang side, tangina kahit saang anggulo ata meron kaming picture.
Habang kumakain nagpalaro si ma'am ng bring me.
"Bring me... A ship, at ipaliwang bakit n'yo sila shiniship." Sabi ni ma'am at tumayo si Madison at hinatak ako.
"Bat ako!" Hawak-hawak n'ya rin si Gav sa kabila.
"Ma'am hindi na po kailangan nang paliwanag may video po kami!" Natatawang sabi n'ya nasa likod narin n'ya sila Rea, gago planado ata 'to may USB eh.
"Anong video?" Tanong ko ngumiti lamang sila na parang demonyo, sinaksak na nila sa TV ang USB.
Nag play ang video kung saan naka-tingin ako kay Gav at nakatingin din s'ya sakin nang naka-taas ang kilay, gago tanda ko 'to ah! boring lang ako n'yan nilagyan nila ng malisya mga gago amputa.
"Ano? alam kong gwapo ako pero wag mo kong titigan," Sabi n'ya.
"Kaya nga crush kita eh," Sabi ko sabay kindat sa kaniya tumitig lang sya ng seryoso sakin.
Nag sigawan ang mga kaklase ko dahil sa napanood at pati na'rin si ma'am. Sinabayan ko lang naman ang kahambugan n'ya!
"Nagbibiruan lang kami ron!" Pag tukoy ko sa video.
Naglapitan na ang mga kaklase kong babae sakin at andami pang tinatanong kaya nag tago ako sa likod ni Gav na kanina pa seryoso, humarap sya sakin at hinawakan ang dulo ng skirt ko na may halong pag iingat para hindi dumampi ang kamay n'ya at para narin hindi tumaas ang skirt ko nakita ko s'yang nakatingin ng masama sa kanang bahagi namin at nung tiningnan ko 'yon naka tingin s'ya kay Mark.
"Bakit?"
"Naka tingin s'ya sa hita mo tumataas kanina ang skirt mo," sabi nya at dinala ako sa sulok dahil parang naka wala sa hawla ang mga kaklase ko dahil sa kilig.
"o, balik na sa upuan!" sabi ni Ma'am nag sibalikan naman ang mga kaklase ko uupo na sana ako sa upuan ko kanina ngunit nangaasar na tumingin si Jef kaya hindi na 'ko tumuloy pa, umupo na lang ako sa tabi ni Gav. Ipinatong n'ya ang hoodie n'yang suot sa hita ko, nakatingin si ma'am samin.
"hmm, sana all na lang tayo 'no," Sabi ni ma'am habang naka tingin parin samin. "Anyways isa pa lang ang nadadala n'yo rito ano 'yun lang ba, dalhin n'yo na alam kong marami d'yan." Dagdag ni ma'am.
"Wag ka nang sumali sa pag dala, dito ka nalang maraming manyak sa banda ron." Seryosong sabi ni Gav, tumango na lang ako.
"Ikaw na lang mag dala,"
"Si Madison na lang, sino ba dadalhin?"
"Rea at Dison, Jeff at Raineer." Sabi ko, tumango s'ya at kinulbit si Madison.
"Ano?"
"Dalhin mo ron si Rea at Dison, Jeff at Raineer."
"Bayad," Sabi nya habang naka harap ang palad kay Gav.
"Oo mamaya."
"oks,"
Dinala na ni Madison yung dalawang sinabi ni Gian or should I say sinabi ko.
"Bakit ako?!" sabi ni Rea. Nakatayo lamang si Jae Rehan Dison sa tabi n'ya at mukhang naguguluhan kung bakit s'ya naroroon.
"Sorry par napagutusan lang," natatawang sabi ni Madison habang naka taas ang dalawang kamay.