11
"MGA BOBO!INUNA PA KASI ANG LAPLAPAN KESA TUMAKAS."
Inis kong pinatay ang TV kahit 'di pa tapos ang pinapanood ko. Naiwan akong mag-isa dito sa may living room. Ayaw magpaistorbo ni Cyden dahil may urgent virtual meeting siya,habang si Lolo naman ay nasa kusina abala sa paghahanda nang lulutuin.
Napagdesisyunan kong pumunta sa kusina upang tumulong kay Lolo,baka isipin niyang palamunin ako.
"Tapos ka nang manood?"tanong ni Lolo nang napansin ang pagdating ko, abala pa rin ito sa paghahanda.
"Opo,gusto ko sanang tumulong sa pagluluto"mahinahon kong saad.
"Wag na apo, baka hindi ka sanay magluto hija."
Mabilis akong umiling-iling sa sinabi ni Lolo Fernan. "Nako po,kung hindi niyo po naitatanong ay mahilig akong magluto,"
"Oo na,halika na at tumulong."
"Ano po ba ang lulutuin?"
"Bicol Express."
Ako na mismo ang naghiwa nang mga sangkap at naglinis ng mga gagamitin. Sinimulan na ni Lolo ang pagluluto nang Bicol Express panay tingin lang akon sa ginagawa ni Lolo dahil hindi naman talaga ako marunong magluto.
"Pakiabot naman ng gata" agad ko naman inabot ang gata. "Anong paborito mong ulam hija?"
"Hmm ano po,tinolang manok at adobong manok,"
"Marunong ka ba magluto niyan?"sumulyap siya sa akin bago bumalik sa pagluluto m
Natigilan ako sa tanong ni Lolo Fernan. "H---Hindi po" utal-utal kong sagot.
"But you told me earlier that you know how to cook"aniya at tinikman ang niluluto.
"Marunong naman po" sagot ko. "Pancit Canton ang specialty ko Lolo" pagmamayabang ko.
Humalakhak ito bago nagsalita. "I think everyone can cook Pancit Canton,ang dali lang naman lutuin niyan."
"Pero feeling ko ang sarap kong magluto nang Pancit Canton,it brings out the best in me" I shrugged and laughed at my joke.
"Kamusta naman si Cyden bilang boyfriend mo hija?"
"M---Maayos lang naman po" I smiled falsely.
"Paanong maayos?" pagtatakang tanong ni Lolo Fernan.
"Hmm mabait po,maalaga,malambing at minsan masungit."
Ngimiti ito sa akin at pinagpatuloy ang pagluluto. "Paano ka ba niligawan ng apo ko?"
"A---Ano po, hatid sundo hehe tapos madalas niya po akong dalhin sa mga lugar na hindi ko pa po napupuntahan."
A lot of lies right there.
"Mabuti naman kung ganoon, malaki rin ang pinagbago ni Cyden simula nang nawala ang kanyang magulang at kapatid" mahihimigan ang lungkot sa boses ni Lolo. "Thank you Leo, for loving and staying with Cyden,always."
Hinanda ko na ang hapag kainan namin dahil tapos na rin magluto si Lolo. Mabilis akong nagtungo sa kwarto kung nasaan si Cyden para sabihing kakain na. Kumatok ako ng ilang beses ngunit hindi niya ang pintuan.
"Cyden bungol ka?" Parang bungol ampotek. Ayaw talaga buksan, ano ba trip mo Cyden!
"Cyden,kakain na raw!" Kinabahan ako nang wala akong marinig na boses ni Cyden. Nang hindi ko na matiis binuksan ko nang dahan-dahan ang pinto. Nagulat ako nang makitang walang tao,I thought he is on a meeting,naiwan lamang nakabukas ang kanyang laptop.
Umupo ako sa malambot na kama upang tawagan sila Gab to track Cyden. Nabalikwas ako nang makitang lumabas si Cyden galing sa banyo and for Pete sake he is half naked. A white towel is covering his lower body part, his v-line is damn well-shaped,the biceps and the abs.
Forgive me Lord,for I have sinned!
"An agent who don't know how to knock."
Hindi pa rin maalis ang tingin ko sa kanyang katawan. Nanglaki ang mga mata ko nang bigla siyang lumapit at umupo sa tabi ko.
Ngumisi ito at tumawa nang mahina. Iniwas ko agad ang tingin ko dahil sa kahihiyan.
"Are you done scanning my body?" I saw smirked at me again.
"K---Kakain na raw"utal-utal kong saad.
"Yeah, next time learn how to knock Agent."
"I knocked multiple times it is not my fault if you are nearly deaf" I raised my eyebrows and crossed my arms.
Kahit hapag kainan ay 'di ko siya matingnan ng deritso.Tila bang may pader sa pagitan namin.Nakikinig lamang ako sa usapan ng mag-lolo.Usapang business, sa pagkakadinig ko ay may bagong client daw.Laman pa rin ng utak ko ang eksena kanina, ayaw matanggal sa isipan ko.Hindi naman first time sa akin na makakita nang katawan ng lalaki mukha iba ang atake sa 'kin ng katawan ni Cyden. Kasalanan mo 'to Cyden, super illegal.
"Are you okay Leo?" tanong ni Lolo Fernan ng mapansing tahimik ako.
"P---po? Opo hehe" mapait akong ngimiti at pinagpatuloy ang pagkain.
"Kanina ka pa tahimik, may problema ba hija?"tanong ulit ni Lolo Fernan. "Parang wala ka sa sarili mo."
Narinig kong tumikhim si Cyden dahilan upang uminit ang mga pisngi ko . "Maybe she's tired or she saw something here in your house Lo."
Sasagot na sana ako nang may narinig kaming nagdoorbell. I volunteered to open the door,sumunod naman sila.I am surprised to see Dahlia. It's her again.
"Hello!Leo,right?" I nodded immediately and smiled a bit.
"Pasok ka" I opened the door widely to let her in.
I heard Lolo Fernan greeted her.Siguro close talaga silang dalawa ni Lolo. I saw Cyden's facial expression became dark.
"Nagkita kami nila Cyden at Leo sa park noon and now I am here to invite you guys on my birthday" Dahlia pulled an invitation letter,Lolo Fernan genuinely took it.
"We are going back to Manila before you're birthday" deritsong sagot ni Cyden dahilan upang mawala ang ngiti ni Dahlia.
"W---What do you mean Cy?" Agarang tanong ni Dahlia. "It's just a party,you can bring your girlfriend."
"Are you freakin' dumb? It means we can't come to your effin' party!" Cyden exclaimed that startled us.
"Watch your mouth Cyden Veniel" Kalmadong saad ni Lolo Fernan.
"You can celebrate your birthday without us Dahlia" Cyden said with full conviction.
"Veniel apo,hindi ka pa ba nakaka-move on?" tanong ni Lolo Fernan dahilan upang lalong mainis si Cyden. "That was a long time ago Veniel. Dahlia came here to invite you, paunlakan mo man lang ang kanyang imbitasyon."
"Can't you see? My girl is here. Please find your dang respect, Dahlia."
Saad ni Cyden na ngayon ay mas mahinahon. Napalunok ako nang ilang beses ng bigla akong hinigit ni Cyden.
"And don't worry, I already moved on."
------
I'm open to criticisms! Spread love and positivity:> ily!!!