14
"We will stay here for the meantime" Saad ko.
Inilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng bahay. Hindi ito kalakihan katulad ng penthouse niya ngunit nasisiguro ko na ligtas dito.
Pinalipat kami ni Daddy B dito sa base kung saan merong mga Safe Houses. Ang mga Safe Houses ay para lamang sa mga kliyente na nasa panganib talaga ang buhay or hindi na sila pwedeng tumira sa kanilang bahay dahil sa panganib.
Nang malamang nila ang nangyari,agad silang nagtungo sa penthouse. Sina Gab at Bryce na mismo ang nagdala nang mga gamit namin dito sa base.
"Where's your room?" tanong niya nang mapansing wala ang mga gamit ko.
"Sa dorm ako mananatili Cy, don't worry dadalawin kita dito palagi,"
"Malayo ba ang dorm mo?"
"No, actually doon lang oh"
Tinuro ko ang building na nasa tapat lamang ng mga Safe Houses, hindi masyadong malayo.
"What is your dorm number?"
"Dorm 097."
Ako na mismo ang nag ayos ng mga gamit niya,habang siya ay tutok na naman sa laptop, babad sa trabaho.
Nandito kami ngayon sa opisina ni Daddy B. dahil gusto niyang pag-usapan ang nangyari kahapon. Pagkarating namin sa opisina ay nadatnan namin sina Gab, Bryce at Bella na nag uusap. Akala ko kami lang ni Cyden ang kakausapin niya.
"You're late Agent Leo" bungad sa akin ni Gab at ngumisi.
"And you're too early Gab" I fired back.
"Gayahin mo 'ko Leo, most punctual" pagmamayabang niya sabay kindat.
"Ang yabang! Ngayon ka lang maaga hoy, depungal ka!"
Narinig naming tumikhim Daddy B. kaya napatigil kami sa pagbabangayan.Umupo kami ni Cyden sa tapat nina Gab,Bryce at Bella. Cyden remained silent.
"Mr. Concepcion your life is in great danger," Daddy B said. "But we can assure you that you're safe here. Akala ko noong una ay hindi sila seryoso sa paghihiganti but now they are really into it.
"For now we can't take the risk, right? Dapat natin paghandaan ang lahat. " Sabi ni Bella na nakatingin lamang kay Cyden.
"So, what's the plan Daddy B.?" tanong ni Bella.
"I will assign securities so we can make sure that you are safe" Saad ni Daddy B, at tumingin sa gawi ni Cyden.
"Yeah, as long as Leo is with me," Cyden said and pursed his lips.
"May plano na ba Daddy B?" tanong ulit ni Bella.
"Yes," lahat kami ay nakatingin kay Daddy B at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
"This Saturday, we will conduct Entrapment Operation. Ayon sa informer ko, si Edmund Reyes ay nagbibinta ng mga illegal na droga, iyon ang gagawin nating pain."
"Alam na ba nang ibang agents ang plano mo Daddy B?"
"Oo. Bryce already briefed them on what to do," nilingon niya si Bryce na nakangiti ngayon.
"Baka papalpak ang plano natin Daddy B" pag aalang tanong ko
"Walang kasiguruhan ang lahat Leo,"
"Excuse me, may pupuntahan lang ako" paalam ni Bella at nagmamadaling umalis.
Matapos ang pag-uusap namin ay bumalik na kami sa kanya- kanyang pasilyo. Abala kami sa pag-ubos ng mga pagkaing nilibre sa amin no Daddy B.
"There's a lot of boys here" saad ni Cyden at uminom ng tubig.
"Yes, they are under training" inilibot. Ko paningin ko sa mga lalaking naririto sa cafeteria. "Gusto mo ba maging secret agent?"
"Not in my wildest dream" he shrugged.
"Ang saya kaya maging Agent, tapos ng action ang buhay mo,"
"With your job, death is nigh," Cyden said.
"Alam ko, tanggap na namin yon. Ginusto namin ang trabahong ito, kaya paninindigan namin 'to" Seryoso itong nakatingin sa akin. "Till death do us part, charot"
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa dorm ni Cyden. Tutok na naman siya sa laptop habang ako ay nakatunganga lang sa gilid.
"All this money can't buy me a time machine, no. Can't replace you with a million rings,nooooo"
Naaaliw ako sa pagsabay sa kanta, feeling ko talaga ang ganda ng boses ko. Napansin kong nakatitig si Cyden sa akin. Inlab na naman ang depungal hehe.
"Bakit ganyan ka makatingin?" mataray kong tanong.
"Why? I am just staring at you, Leo. Hindi ka nakakasawang tingnan."
"Baka natatae ka lang Cyden" mapait akong tumawa dahil sa pagka-ilang.
Sasagot na sana siya nang may narinig kaming kumakatok. Binuksan ko ang pintuan at tumambad sa amin si Daddy B.
"Pwede ba kitang kausapin muna Leo?" tanong ni Daddy B.
"O-Opo"
"Don't worry about Cyden, may magbabantay sa kanya."
Nakatingin lamang ako kay Daddy B na seryosong nagmaneho. May importante daw kaming pupuntahan, akala ko sa opisina lang kami mag-uusap,hindi pala.
Hininto no Daddy B ang sasakyan sa tapat ng isang Hotel.
"Bakit tayo nandito Daddy B?"
"Tungkol ito sa sinabi ko noon Leo. Nilagyan ko nang tracking device ang sasakyan niya. And all my suspicions are correct
"W—What do you mean?" napalunok ako ng ilang beses, iniisip ko kung ano ang ibig-sabihin niya.
"Room 212. Go and find out what I am talking about. Wag magpadalos-dalos."Bilin sa akin ni Daddy B. bago ako lumabas ng sasakyan.
Mabilis bilis akong nagtungo sa floor kung nasaan ang room 212. Nang nasa harapan na ako ng pintuan,napahinto ako dahil sa boses na narinig ko.
"Oo Tito, ngayong sabado daw. Mag iingat kayo."
Para akong sinaksak dahil sa narinig ko. Paano niya ito nagagawa? At T—Tito? Hindi ko alam na Tito niya pala si Edmund Reyes, napaka walanghiya!"
"Salamat naman at may impormasyon kang dala,maasahan ka talaga" dinig kong sabi ni Edmund.
"No problem Tito,"
"Ano pa ang mga plano nila? Nang mapaghandaan namin"
"Entrapment Operation ang plano nila. Alam nilang nagbibinta ka nang illegal na droga Tito." Dinig kong sabi niya.
"Mga ulol! Tingnan lang natin kung anong mangyayari ngayon sabado. Lintek lang ang walang ganti, papasabugin ang bungon ng pisteng Concepcion. Hindi ko pa rin malilimutan ang ginawa niya sa amin, isasama ko siya sa impyerno!"
"Gusto kong makitang magmamakaawa si Concepcion na wag siyang patayin" mukhang boses iyon ng kasamahan ni Edmund Reyes.
"Paano naman iyong Agent na palaging kasama nang pisteng Concepcion?!"
"Ako na bahala sa kanya Tito, wag kang mag-aalala. Kayang-kaya ko siya."
Parang gusto kong mabingi. Hindi ko akalaing nagagawa niya ito. Gusto ko siyang saktan dahil sa inis at disappointment.
"I can kill her anytime."
-----
I'm open to criticisms! Spread love and positivity<3 ily!!!