Chapter 17 - GAB

15

"Walanghiya! Paano niya naatim ang tumalikod sa atin Daddy B?"

Nanatiling tahimik lang si Daddy B habang nagmamaneho at nakikinig sa mga sinasabi ko.Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa, dahil ba kamag-anak niya si Edmund Reyes?

"Ano pa ang narinig mo kanina Leo?" Seryosong tanong ni Daddy B.

"Kaya niya raw ako p---patayin"

"Just act cool when that agent is around," paalala niya.

Naluluha akong isispin na kaya niya akong patayin. Kaya niya akong saksakin or barilin para lang sa Tito niyang kriminal.

"This is not new to me,marami nang tumalikod sa trabahong ito."

"Hindi ko kayang tanggapin Daddy B.Kakausapin ko siya na magbago o hindi kaya,magmamakaawa akong isuko na niya ang kanyang T---tito"

Nagmumukha akong tanga dahil sa mga sinasabi ko ngayon.

Napabuntong hininga siya bag'o nagsalita. "Stop it Leo, stop. Wala na tayong magagawa,mapapahamak ka lang sa gagawin mo. May misyon ka pa Leo,iyon ang pagtuonan mo ng pansin" banayad na sabi ni Daddy B.

"Pero paano 'yong plano natin? Alam niya at sinabi na niya kay Edmund Reyes ang plano natin. We need Plan B."

"Wag ka mag- aalala Leo, alam ko na sasabihin niya ang plano natin.Kung matalino sila,mas matalino tayo Leo" sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

"So, hindi na natin itutuloy ang plano?"

"No, that was just an act. Let them wait for us to come, we will change our plans,"

"What's the plan?" Tanong ko.

" I will tell you the new plan next time. Hahayaan natin silang mahulog sa kanilang pain,"

Pagkarating namin ay agad nagpaalam si Daddy B dahil may aasikasuhin daw siyang importante. Nahanap ng mga mata ko si Cyden, nakahalukipkip habang nakaupo sa bench sa labas ng kanyang Safe House. Naghihintay. Naglakad ito papunta sa akin habang ang isa niyang kamay ay nasa bulsa, pogi yarn hehe.

"Where have you been?" bungad niya sa akin.

Umiwas ako nang tingin at umarte. "All my life? All my life?"

"Playtime? Stop playing around Agent" he rolled his eyes.

"Paano mo nalaman na playtime?"

"I know that song, stupid" he hissed and smiled a little. "Ginawa mo rin 'yan sa akin noon sa opisina. You were playing around that time using some song lyrics, I—I even search that freakin' lyrics."

Napangaga ako nang narinig ang sinabi ni Cyden. Seryoso ba siya? Hinanap niya talaga ang kanta gamit ang mga lyrics na sinabi ko,jusmeyo Cy. Ikaw na talaga.

"Anong title nang kanta?"

"Someone you Love by Lewis Capaldi" Sagot niya.

Humagalpak ako ng tawa dahil nahanap niya talaga. Pinalakpakan ko siya bago magsalita. "Magaling ka Concepcion, magaling."

"I know, so don't test me Leo. I am competent of knowing everything."

Iniwan ko muna si Cyden para puntahan ang dorm ko. Kumunot ang noo ko nang makitang sobrang linis ng dorm ko. Hindi ako nagrereklamo ngunit iniwan ko itong makalat, isa itong himala!

"Sobrang linis ba?"

Napatalon ako ng marinig ang boses ni Bella na nasa likuran ko ngayon. Ang hilig sumulpot ni Bella kahit saan.

"Ikaw ba naglinis ng dorm ko?"

"Yup, matagal ka ring nawala dito paniguradong sobrang kalat ng dorm mo, kaya naisipan kong linisin" Bella flashed smile and roamed her eyes around.

"B—Bakit?" pagtataka kong tanong.

"Paulit- ulit ka ghorl? Sobrang kalat nga kaya naisipan kong linisin. Do you like it?"

"Yes, yes.M—May ginalaw ka ba sa mga gamit ko?"

"W—wala Leo" depends ni Bella. "Anong akala mo sa akin, that I have filthy pretty hands?"

Umiiling agad ako. "No.I'm sorry, but thank you so much, Bella, iniwan ko kasing makalat itong dorm kaya nagulat lang ako."

"Okay, good. By the way, saan kaya galing ni Daddy B?"

"Hmm,nagpasama lang si Daddy B sa NBS para bilhin iyong paborito niyang libro" palusot ko. "Paano mo nalaman na kasama ko si Daddy B kanina?"

"Nakita ko kaya papasok sa base."

Bandang ala sais ng gabi nang nagising ako dahil sa gutom. Medyo nahiya ako kanina kay Bella dahil sa pinagsasabi ko,pinagbintagan ko pa siya. Napaka- judgmental mo Leo!

Napabalikwas ako nang maalala si Cyden. Hindi ko pa pala siya nababalikan. Mabilis akong nagbihis para puntahan siya ,ng may marinig akong kumakatok sa pintuan ay agad ko itong binuksan. Tumambad sa harapan ko si Cyden na may hawak na paper bag at nakalimot ang kanyang noo.

He roamed his around and stared at me. "Let's eat."

"Ano yan?"

"Food" tipid niyang sagot.

Inilipag niya bsa lamesa ang mga Tupperware na may lamang ulam at kanin. Napakagat ako ng labi ng makitang merong Adobong Manok at Tinolang Manok. Mga paborito kong ulam!

"I ordered your favorite foods"

"Paano mo nalaman na paborito ko ang mga 'yan?" tanong ko habang hinahanda ang hapag kainan. Buti nalang ay andito pa ang mga kurbyertos ko.

"I heard your conversation with Lolo,"

"Ah sige, kain na tayo"

Binalot kami ng nakakabinging katahimikan habang kumakain. Sinulit ko nalang ang mga pagkain dahil minsan lang akong makakain ng mga paborito kong pagkain.

Parehas kaming nagulat at napahinto sa pagkain ng biglang pumasok si Gab sa dorm ko.

"What are you doing here?" Cyden brows furrowed.

"Para makikain, nalaman ko kasing may pagkain dito. Buti nalang ay makahabol ako."

Agad siyang kumuha ng mga kurbyertos at umupo sa tabi ko. Tinapik ko ang kanyang kamay ng aakmang kukuha siya ng pagkain ,pinandilatan ako Gab dahil sa ginawa ko.

"Sinong may sabing kakain ka dito aber?" mataray kong tanong at sinamaan siya ng tingin.

"Hala Leo, napakadamot mo naman.Hindi ka ganyan before" sagot niya at nagpatuloy sa pagkuha ng pagkain.

"Bakit sayo yan? Sayo ba Gab?"

"Hindi, eh sayo ba Leo?" he fired back.

"H—Hindi rin" utal kong sagot. "Kay Cyden yan,kaya sa kanya ka dapat magpaalam na kakain ka, depungal ka !"

"Diba pre pwede ako kumain dito at kumuha ng mga pagkain?"

"Go on, it doesn't make sense anymore. You already put food on your plate." Cyden said and stared at Gab's plate.

"Ang attitude mo naman pre,"

" OA ka lang talaga, kumain ka nalang Gab,"

"Subuan mo 'ko Leo, please" pabebeng sabi no Gab.

"Malaki ka na Gab, kaya mo na iyan" umiiling-ilinh ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Namimiss ko yung panahon na sabay tayong kumakain tapos sinusubuan mo ako, gusto ko lang balikan ang panahong sweet ka sa akin Leo" umarte ito na parang maiiyak.

"Gusto mong balikan?"

"Oo, paano ba Leo?"

"Ewan ko sayo, problema mo na 'yon.Ang OA ng demonyo na 'to" inirapan niya lamang ako.

"Please Leo, isang beses lang" pagpupumilit ni Gab,nagpuppy eyes pa ang potek.

Sinubuan ko na siya ng pagkain para matapos na ang kaartehan at kalokohan niya.

"Ang sarao talaga pag sinusubuan mo 'ko, kaya mahal na mahal kita eh" malanding saad ni Gab.

Napansin kong tahimik lang si Cyden at hindi na kumakain. Seryoso itong nakatingin kay Gab na para bang gusto niya itong ipatumba.

"Tapos ka nang kumain Cy?" tanong ko.

Binalibg niya ang kanyang tingin sa akin bago magsalita. "Obviously. Now, are you done flirting?"

----

I'm open to criticisms! Spread love and positivity<3 ily!!!