Chereads / BURYING THE PAST[FILIPINO] / Chapter 15 - Be ready

Chapter 15 - Be ready

13

"Uuwi na ba talaga kayo?" Malumanay na tanong ni Terrence sa akin.

Abala ako sa pag aayos ng mga gamit dahil babyahe na kami pauwi nang Manila. Nakakalungkot lisanin ang lugar ito,kahit sa madaling panahon ay nag-enjoy at napamahal na ako sa lugar na 'to.

Kanina pa nagpupumilit si Terrence na sumama sa amin. Gustuhin ko man ngunit hindi pwede, baka mapahamak pa siya. Mamimiss ko talaga si Lolo Fernan, lalo na ang mga luto niya at kanyang hot chocolate.

"Nakakapanibago Oo Terrence, kaya magpakabait ka dito" I smiled and patted his shoulder.

"Diba babalik ka pa dito ate?" he pouted his lips. "Bibisita ka pa, diba?"

"Hindi ko mapapangako iyan Terrence pero susubukan ko" tipid akong ngumiti at bumalik sa ginawang pag-aayos.

Napagtataka lang dahil ang tahimik nila Edmund Reyes at ng kanyang mga kasamahan. For sure,pinaghahandaan nila ang pagkikita namin.

Daddy B. always reminding me to keep an eye on someone. You can't trust no one, lalabas din ang katotohanan.

"Are you done packing your things?" napatalon ako sa gulat ng biglang nagsalita si Cyden, na kakapasok lang.

"Y—Yeah, I'm done" tumango ito. " Aalis na ba tayo?"

"Yes, let's go."

Siya na mismo ang nagbitbit ng mga gamit ko papunta sa sasakyan. Himala talaga Concepcion,himala. Naghihintay na rin sina Lolo Fernan at Terrence sa labas. Alas singko na ng hapon,paniguradong aabutan kami nang gabi.

Nakakainis!Parang ayoko nang umuwi,idagdag mo pa si Terrence na halatang gustong umiyak. Pero kailangan na talaga namin umuwi, ang dami pang naghihintay sa amin sa Manila.

"Mag-iingat kayo sa byahe" bilin ni Lolo Fernan. "Mag-iingat kayo palagi."

"Kayo din po Lolo, mamimiss ko yung mga niluluto mo sa amin," sagot ko.

"Pag bumalik ka dito Leo ay lulutuan kita nang mga paborito mong pagkain" nakangiting saad ni Lolo Fernan.

"Tapos lulutuan ko kayo nang Pancit Canton!" I laughed at my own joke.

"Veniel apo, 'wag mong pababayaan ang sarili mo" paalala niya sa kanyang apo.

"Opo Lo, I will visit you here again if I have time" Cyden said.

"Kung may problema sa kompanya ay 'wag kang magdalawang isip na tawagan ako, Apo" tinapik nito ang balikat ng kanyang apo.

"Yeah,thank you Lo. I will promise to do my best for the company,"

"You must, kailangan mong magsumikap. At saka, alagaan mo ang iyong girlfriend" tumango lamang si Cyden. "Baka mabalitaan ko na hiwalay na kayo, magmahalan kayo Apo."

"Yes lo, I will not disappoint you,"

"Aba tingnan mo si Terrence parang iiyak na" tumawa ng mahina si Lolo Fernan at inakbayan si Terrence. "Wag kang mag aalala Terrence, babalik din sila."

"I'm going to miss you Kuya Cyden and Ate Leo" malungkot na sabi ni Terrence.

"Mamimiss ka rin namin Terrence, lalo na ang kadaldalan mo"

"Basta bumalik kayo ulit,"

"I will" Saad ni Cyden at niyakap si Terrence. "We'll go now."

Niyakap namin sina Lolo Fernan at Terrence na gusto nang umiyak. We bid our goodbyes before going to the car.

"Parang ayoko na umuwi" sabi ko nang nakapasok kami sa sasakyan.

"You want to stay? Then we will stay" deritso siyang nakatingin sa akin.

" 'Wag,kailangan na rin talaga natin bumalik sa Manila."

Sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan. Habang papalayo kami ay hindi ko mapigilang malungkot , tinuring ko na rin sila bilang pamilya, nakakalungkot amp!

"Meron ka bang trabaho bukas?" tanong ko sa kanya.

"Yes, may meeting ako with the investors."

"Sige, gigising ako nang maaga para magluto ng agahan."

Binalot na naman ng katahimikan ang loob ng sasakyan. Lagi naman ganito ang eksena tuwing nasa sasakyan kami. What do I expect? Hindi naman madaldal si Cyden. Hindi yan magsasalita kung hindi mo uunahan.

"Leo…." Tawag ni Cyden.

"Hmm?"

"About the confession I did… I am serious about that" sumalyap siya sa akin bago binalik ang tingin sa kalsada.

Here we go again. Simula noong umamin siya ay nakakailang na. Yung mga galawan niya ay parang totoo talaga ang nararamdam niya. Hindi naman ganito si Cyden noon,nakakapanibago lang. Ayokong pumalpak ang misyong ito dahil sa pag-ibig na yan. This is just a pure mission. Whatever he feels towards me right now,I know that it won't last long.

"Cy,alam kong bored ka lang," iniwas ko ang tingin ko at nilbang nalang ang sarili sa mga nakikita sa daan.

"I know that you won't believe me, but let me show you how serious I am" Cyden said. "They say that Action speaks louder than words, I do agree with that."

Konti nalang talaga maniwala na ako Cy. Bwesit ka! Nakakainis,gusto Kong sabunutan ang sarili ko dahil sa mga naiisip ko ngayon. Love story lang naman namin ni Cyden. Walang love,story lang.

"Nagsasayang ka lang ng oras mo Cy, wala akong oras para diyan."

"I will wait."He pursed his lips.

"How long you're willing to wait?"my brows furrowed.

"I will until you're ready, until you have time for love,"

"Just wait for my next next life, wala akong plano magmahal sa buhay ko ngayon Cy."

Nakarating na kami sa parking lot ng building, maabutan kami ng traffic kanina,napaka usad pagong!

Nang makarating kami sa harapan ng penthouse ay agad niya itong binuksan. Gusto ko nang matulog,punyemas!

Parehas kami napaatras ni Cyden dahil sa gulat. Ang kalat ng buong penthouse niya, parang dinaanan ng bagyo sa sobrang kalat. Basag ang ibang furnitures, ang mga painting na nakasabit noon ngunit ngayon ay nasa sahig na. Ang kalat,sobrang kalat!

Kinuha ko agad ang baril na nakalagay sa loob ng damit ko. I immediately search the whole place,for sure may mga naiwang bakas. Alam kong tama ang hinala ko. I found nothing after searching the whole place.

"They are really good at this" Cyden gritted his teeth. "They really want to play."

Nilibot ng paningin ko ang kabuuan ng living room, lumapit ako sa couch ng may napansin akong nakaipit roon.

"Anong nakasulat?" tanong ni Cyden na nasa likuran ko.

"Be ready from unknown ang nakasulat Cy" sabay pakita sa kanya. "Hindi na natin kailangang hulaan kong sino ang may gawa nito."

"It's them. Edmund Reyes and his piece of sh*t friends" Cyden said and crumpled the paper.

"You're no longer safe here, Cy."

------

I'm open to criticisms! Spread love and positivity <3 ily!!!