Now playing: Higa - Arthur Nery
Felicia POV
Nagising ako kinabukasan na nasa tabi ko pa rin si Skyler.
"Good morning, Kulot!" Masayang pagbati nito sa akin habang nakatitig sa mga mata ko.
Awtomatikong naramdaman ko naman ang pang-iinit ng buong mukha at pati na rin ng tenga ko. Mabilis na kinuha ko 'yung isang unan at itinakip sa buong mukha ko.
Bakit parang mas maganda siya kapag walang saplot? Hanggang ngayon kasi wala pa rin kaming saplot eh.
Narinig ko siyang natawa ng mahina bago marahan na kinuha 'yung unan na nasa mukha ko. At mabilis akong hinalikan sa aking ilong.
"You're so cute when you're blushing." Pag-english nito na hindi ko masyadong maintindihan. Kaya naman napakunot ang noo ko.
"I mean, ang ganda mo lalo kapag namumula ang pisngi." Pag-ulit niya sa kanyang sinabi sa paraang mas maiintindihan ko.
Kusang napakagat ako sa aking labi.
"Ikaw Skyler ha. Hindi ko alam mambobola ka rin pala." Pagkatapos kong sabihin iyon ay isang malakas na pagtawa ang pinakawalan niya. Dahilan para matulala ako sa kanyang mukha.
Ang ganda-ganda talaga ni Skyler. Pero bakit siga siya kung maglakad minsan?
Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang tinititigan siyang tumatawa. At sa kauna-unahang pagkakataon parang ang sarap sa pakiramdam na magising na siya ang katabi. Para bang natupad na ang pangarap ko---
Bigla akong natigilan at basta na lamang napatakip sa aking labi noong maalala na natupad ko na ang bagay na gustong-gusto kong maranasan. Ang lasa ng langit.
Dahil doon ay natigilan si Skyler at napatingin sa akin. Noon naman ay mabilis akong bumangon mula sa aking pagkakahiga kahit na alam kong wala pa rin akong saglot atsaka nagtatatalon sa kanyang harapan.
Naalala ko kasi kagabi. Tatlong beses ipinatikim ni Skyler sa akin 'yung langit. At ang saraaaap.
"Hey, Kulot. Are you okay?" May pag-aalala sa mukha niya pero binigyan ko lamang siya ng ngiti at tuluyang pumasok na sa banyo.
Pagkatapos kong maligo. Tatawagan ko si Kezia. Parang gusto ko kasi bigla mamasyal ngayon kasama siya. At ikukwento ko sa kanya 'yung nangyari kagabi dahil hindi ko pwedeng hindi mailabas itong saya na nararamdaman ko ngayong araw at---
"Kulot, mahigpit kong ipinagbabawal sa'yo, wala kang pwedeng pagsabihan kahit na sino ng tungkol sa nangyaro kagabi. Maliwanag ba?" Biglang sulpot ni Skyler sa likuran ko.
Agad naman na napabusangot ako.
"K-Kahit kay Kezia? O kaya kay Autumn?" Tanong ko sa kanya. Dahil sa mga kaibigan niya, sa kanilang dalawa lamang ako pinakamalapit.
Napatango siya. "Oo. Lalong lalo na sa kanila at sa mga magulang ko." Sagot niya.
Walang nagawa napatango na lamang din ako at bagsak balikat na sinimulan nang maligo. Habang si Skyler naman ay muling tinalikuran na ako.
"Ipahahanda ko lang 'yung breakfast natin." Iyon lamang ang huling narinig ko na sinabi niya.
Napansin ko na tila ba para siyang balisa at kinakabahan. Kung ako ang saya-saya ko siya naman parang hindi mapakali. Bakit kaya?
---
Araw ng Lunes ngayon kaya naging abala ako sa lessons ko buong araw. Habang si Skyler naman ay maagang umalis kanina para pumasok din sa school.
Ngunit bago siya tuluyang umalis ay muling pinaalalahanan niya ako sa mga bagay at nangyari na hindi ko dapat pwedeng ipagsabi kahit kanino.
"Papatayin ako ni Dada Billy kapag nalaman niya. Hindi na niya ako palalapitin sa'yo. Gusto mo ba 'yun?" Iyon ang salitang tumatak sa isipan ko. Syempre, ayaw ko namang mapahamak si Sky dahil sa akin. Paborito ko siyang tao 'no?
Isa pa, magiging malungkot na ang buhay ko kapag malalayo ako sa kanya. Kaya hindi ko susuwayin ang mga bilin at utos niya.
"Hello, Feli girl." Bigla akong napatalon sa kinauupuan ko noong basta na lamang may magsalita mula sa likuran ko.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa biglang pagtibok ng puso ko ng malakas.
"K-Kezia, anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya. Napanguso naman ito.
"Grabe! Hindi mo ba ako na-miss? Yayayain lang kitang lumabas. Samahan mo naman akong mag-mall. Promise hindi malalaman ni Skyler." Sabay kindat pa niya sa akin.
Napakamot ako sa aking ulo bago muling naupo.
"Ayaw." Tipid na sagot ko sa kanya.
Agad naman na tinabihan ako nito sa pag-upo.
"Sige na please." Muling pakiusap niya. "Ibibili kita ng favorite flavour mong ice cream. Ano, G?" Noong marinig ko 'yung salitang ice cream kusang nagningning ang mga mata ko at tila ba nagpapalakpakan pa ang dalawang tenga ko.
Pero...
Hindi ko pwedeng suwayin ang utos ni Sky.
"Pwede bang ipagpaalam mo na lang ako kay Skyler? Ayaw ko lang siyang suwayin." Pakiusap ko kay Kezia.
Napahinga ito ng malalim. "Fine. I will call her now." Napapairap na wika nito bago kinuha ang kanyang cellphone at agad na tinawagan si Sky.
"Hindi ko alam kung anong pinakain sa'yo ni Sky at ganyan na lang pagiging masunurin mo sa kanya." Reklamo nito habang naghihintay na sagutin ni Skyler ang tawag.
"Wala naman. Pero ako kinain niya." Wala sa sariling sagot ko kay Kezia dahilan para mapamura siya ng malutong.
"WHAAAATT?!" Awtomatikong namula rin ang buong itsura niya.
Huli na nang mapagtanto ko kung ano ang nasabi ko kay Kezia. Mabilis na nilapitan ko siya at hinablot ang cellphone sa kanya.
"Waaaahhhhh! 'W-Wag kang maingay kay Skyler." Natatarantang sabi ko sa kanya. "Pakiusap 'wag mong... 'wag mong sasabihin kahit kanino. A-Ayaw kong mapahamak siya. Ayaw kong patayin siya ng Dada Billy n'ya---"
"Hey, Feli girl. Calm down. Relax." Pagpapakalma nito sa akin habang nakahawak sa magkabilaang balikat ko. Ngunit halata naman na natatawa siya dahil sa nalaman.
"Of course hindi ko ipapahamak ang kaibigan ko 'no? Isa pa, para namang hindi ko kilala 'yung babaeng 'yun. Matakaw talaga 'yun sa tahong." Pagkatapos ay binigyan niya akong makahulugang ngiti.
"T-Tahong?" Naguguluhan na tanong ko sa kanya.
"Yes." Tipid niyang sagot. "But before I dial her number again, ang tanong ko lang, masarap ba? Masarap ba siyang kumain?"
Napalunok ako ng mariin at awtomatikong nangamatis ang aking itsura sa kanyang katanungan.
"Nakakapanghina ng tuhod." Sagot ko sa kanya.
"Aaaaahhhhhh!!!" Biglang pagtili nito.
"Oh my gosh! So masarap nga! Okay, I need to calm myself down. Para hindi niya mahalatang kinikilig ako para sa inyong dalawa. Wait, tatawagan ko na muna siya." Malawak ang ngiti na sabi nito bago muling tinawagan si Skyler.
"Hello, Sky---" Agad na natigilan si Kezia dahil mukhang alam na agad ni Skyler kung bakit siya napatawag.
"Chill. Hindi ko naman siya dadalhin kung saan-saan. Lalabas lang kami. Then sa labas na rin kami magdi-dinner." Paliwanag ni Kezia sa kanya.
"Wala namang mangyayari. Ang damot mo naman kay Feli girl. Ano ka? Jowa?" Biglang napangisi si Kezia.
Lalo na noong nagsasalita na si Skyler mula sa kabilang linya.
"Alrighty, Sky. Love you! And thank you." Pa-sweet na sabi nito kay Skyler bago muling ibinaba na ang tawag.
Muli siyang nagbaling ng tingin sa akin habang may malawak na ngiti sa kanyang labi.
"Oh, paano ba 'yan? Pumayag na si Skyler. Pero in one condition daw, magsasama tayo ng bodyguard. But I hate bodyguards so, tatakas tayo." Sabay hablot nito sa aking braso at agad na dumiretso sa may garahe kung nasaan ang kanyang sasakyan.
Kung saan walang nakatingin din sa amin na mga guard.
---
Skyler POV
"What the fuck?! 'Yun na nga lang ang trabaho ninyo HINDI NIYO PA MAGAWA NG MAAYOS!" Sigaw ko sa dalawang pinagkakatiwalaan kong bodyguard ni Felicia at sa ibang guards na rin dito sa mansyon na hindi nakapansin sa pag-alis nila ni Kezia.
Napa-face palm ako.
Dumating kasi ako rito at agad na sinalubong ng dalawang bodyguard. Natataranta sila dahil hindi nila mahanap si Felicia sa mansyon. Tsaka lang nila nalaman na itinakas pala siya ni Kezia noong sandaling tinignan nila ang CCTV footage.
Napapapikit ako ng mariin at hindi magawang alisin ang init ng aking ulo. Isa pa itong si Kezia, hindi sumasagot sa mga tawag ko. Kapag talaga si Kulot napahamak dahil sa ginawa niya, malalagot siya sa akin.
"What are you waiting for?! Find them!" Singhal ko sa mga ito.
I tried to track Felicia's cellphone but she left it here at the mansion. Kaya wala akong choice kundi ipahanap na lamang sila sa buong city at halughugin ang mga lugar kung saan madalas nagpupunta si Kezia.
"Fuck!" Hindi ko mapigilang mapamura noong makitang mag-aalas onse na ng gabi.
Mabilis na kinuha ko ang susi ng aking sasakyan at muling nagtungo sa garahe. Wala akong mapapala kung maghihintay lang ako rito. I need to find them both dahil hindi ako mapakali kung mananatili lamang ako rito.
Mabuti na lang din at nasa Europe ngayon ang parents ko. Alam ko naman na malalalaman at malalaman nila ang incident na ito kaya wala akong magagawa kundi ang maitama ito. At iyon ay hanapin silang dalawa bago pa sila mapahanap. Lalo na si Felicia.
Ngunit pasakay pa lamang ako ng aking sasakyan nang biglang may dalawang sasakyan na dumating isang kulay red ferrari suv na pagmamay-ari ni Kezia at toyota GR Supra na pagmamay-ari naman ni Autumn.
Para naman akong nabunutan ng tinik noong sandaling makita ko ang kanilang mga sasakyan. Means safe na silang lahat.
Ngunit nakababa na sina Kezia at Autumn ng sasakyan, pero si Kulot hindi pa rin.
"Where is she?" Agad na tanong ko sa mga ito. Lalo na kay Kezia.
She looked so worried and restless.
"I-I can't find her. Bumili lang naman ako ng ice cream niya p-pagbalik ko sa table namin, wala na siya." Nanginginig ang boses na paliwanag nito at halatang kinakabahan.
Napanganga ako bago tumango-tango.
"Kaya tinawagan ko si Autumn. Nagpatulong akong hanapin siya pero hindi pa rin namin mahanap." Dagdag pa ni Kezia.
"Sky, come on. Let's find her." Wika naman ni Autumn. Ngunit hindi ko pinansin ang sinabi niya at basta na lamang silang tinalikurang dalawa. Muli akong nagtungo sa sasakyan ko.
"Sky!" Pagtawag muli ni Autumn sa akin at agad akong sinundan. "Please, pakiusap pa niya."
"Ako ba ang kasama niya? Ako ba ang responsableng maghahanap sa kanya? I warned you, didn't I?" Sabay tingin ko kay Kezia na nakabuntot din pala sa akin.
"It's Feli. Si kulot 'yun!" Wika ni Autumn. "Lumalalim na ang gabi. Hindi natin alam kung nasaan siya ngayon." Dagdag pa niya na halatang alalang-alala na.
"So, what? Kung sino ang kasama niya kanina, siya dapat ang responsableng maghanap." Pagkatapos ay tuluyang pumasok na ako sa aking sasakyan at mabilis na binuhay ang makina bago ito pinasibad.
---
All my life, I had never found someone to love and protect, until I met her, Felicia. I like myself more when I'm with her. I see the best version of myself when I'm with her.
Kakaiba kasi siya sa lahat ng babaeng nakilala ko. Sa sobrang kakaiba niya, nakakabaliw siya. Ngunit kahit na gano'n siya, pinangako ko sa sarili ko na poprotekatahan ko siya, higit pa sa sariling buhay ko. Sa abot ng makakaya ko.
"What the hell happened?" Nag-aalala na tanong ni Autumn nang makarating sa lugar kung nasaan ako kasama si Felicia.
Magkasama pa rin sila ni Kezia na to do resbak naman noong tinawagan ko sila dahil naghihintay rin pala ang mga ito ng update tungkol kay Felicia.
Kahit na masama ang loob ko sa kanila. Lalo na kay Kezia. Wala akong choice kundi tawagan sila at humingi ng tulong mula sa kanila.
Napapailing lamang ako na parang wala sa sarili. Natatakot ako na para bang gusto kong umiyak, na parang gusto kong pumatay ng tao at hindi ko maintindhan kung ano ba ang aking nararamdaman.
"Si Felicia. S-She doesn't want to come near me. S-She... she is afraid of me." Nanghihina na sagot ko sa kanila.
"There's blood in your hands and arms, Sky." Wika ni Kezia.
"Ano ba kasing nangyari?!" Dagdag na tanong ni Autumn. Bago nagpalinga-linga sa paligid. "Where's Felicia?"
Dahan-dahan naman na itinuro ko sa kanila kung nasaang corner si Felicia.
Agad na napasinghap sila noong makita nilang tulala ito at hindi nagsasalita.
Mabilis na nilapitan ni Autumn si Felicia at inalalayang tumayo. Agad naman na sinundan sila ni Kezia.
Pilit na isinasakay ng mga ito si Felicia sa aking sasakyan ngunit mariin na tumatanggi si Felicia na animo'y takot na takot pa rin. Kaya naman walang choice na isinakay na lamang siya ni Autumn sa kanyang sasakyan.
Napahinga ng malalim si Autumn at Kezia. Ngunit hindi na ako muling nagsalita pa at tinignan lamang sila ng malamig bago ako tuluyang sumakay na rin sa aking sasakyan. Binuhay ang makina at pagkatapos ay pinaharurot ko na ito habang pinaghahampas ang manobela at paulit-ulit na nagmumura.
Pagdating sa unahan ay bigla ko ring inihinto ito bago napapasabunot sa aking buhok.
Hindi ko kasi alam ang gagawin ngayon. Dahil mukhang natakot na yata sa akin si Felicia. Habang Tinitignan niya ako kanina, para bang ako na ang pinakamasamang tao na nakilala niya sa buong buhay niya.
Nagkaroon na siya ng trauma sa akin.
And because of that, I couldn't help but be hurt by the way she looked at me earlier.
Fuck! Nagawa ko lang naman 'yun out of anger. Dahil pinoprotektahan ko lang siya at hindi ko kayang makita na mapahamak siya o saktan ng iba.