Burp!!!!
Malakas na sambit ng busog na busog na si Van Grego. Naubos niya ng isang oras ang higanteng karne ng Fiery Water Octopus. Kahit si Maater Vulcarian ay halos mapanganga sa abilidad ng batang kumain.
"Mukha yatang hindi ka pa nabusog eh noh. Parang piraso lang ng karne yung halimaw eh!" Sambit ni Master Vulcarian ng pasarkastiko. Sino ba naman ang hindi magugulat sa appetite ng batang martial artists na si Van Grego. kahit sino talaga ay magugulat. Yung pakiramdam na isang kagat, ubos lahat. Parang ang baboy kasi tingnan eh, Kain kung kain, lamon kung lamon. Ni hindi man lang nahiya na nakatingin sa kaniya ng masakit si Master Vulcarian mula sa loob ng Myriad Painting. Pero kabaliktaran naman ito sa naiisip ni Master Vulcarian dahil kung alam lang ng batang ito na parang basura lamang itong kinakain niya sa matataas na mundo kumpara rito. Talagang nakakalungkot din isipin na ang mga nasa mababang mundong ito ay konti lamang o bilang lang sa kamay ang nakapunta na roon at naranasan ang pamumuhay ng mga matataas na Realm. Kung ipinanganak siguro ang batang ito sa matataas na Realm ay siguradong ito ay isa ng ganap na napakatalentadong batang martial artists kaso nga lang ay sa panaginip na lamang ito mangyayari dahil ang batang ito ay dito lumaki sa mahirap at mababang Realm na ito kung saan ay halos ordinaryong nilalang lamang ang naririto liban sa mga Warrior Beasts na pinakamataas na Martial Beasts rito at malapit na ring maubos o mag-extinct. Habang paaptagal ng papatagal ay magde-decline na ang mga lahi ng mga ito isa pa ay bilang lamang sa kamay ang mga ito. Kung hindi siya nagkakamali ay halos papaubos narin ito kung saan ay magiging mahina na rin ito sa hinaharap. Liban na lamang kung mababalik sa sigla o magiging muli ang mga bloodline ng mga ito ngunit napakaimposible rin itong mangyari lalo na sa kasalukuyang lagay ng Realm na ito kung saan ay ultimong lahat ng paligid rito ay puno ng panganib idagdag pang magkakakalayo ang bawat kontinente na singlaki lamang ng malalaking isla at malalayo pa sa bawat isa. Ito ang dahilan kung bakit may division, pag-aaway ng kapwa-nilalang na nakatira rin sa iisang kontinente. Pero sa mata ni Master Vulcarian ay basura ang lahat ng naririto, lahat ng nakikita niya. Kung hindi dahil sa mga traydor niyang mga kalahi ay malamang sa malamang ay hindi siya mapapadpad sa lugar na ito maging ang Myriad Painting.
"Uhmm, busog na po ako Master eh, mamayang kalahating minuto pwedeng magluto ulit?" Sambit ni Van Grego habang hinihimas nito ang kanyang lumulubong tiyan.
"Hmmp! Magpakasaya ka ngayon dahil ilang minuto lamang ay magsisimula na tayo. Tunawin mo na ang lahat ng kinain mo!" Sambit ni Master Vulcarian ng seryoso. Halatang hindi na ito nagbibiro.
Nawala naman ang ngisi ni Van Grego dahil dito. Alam niyang hindi siya makakaangal pa rito. Isa ng kabutihan kung nakakain siya ng karne at alam niyang matagal pa ang susunod. Agad siyang nagcultivate at patuloy niyang tinutunaw ang lahat ng kanyang enerhiya upang wala ng sagabal sa kanyang gagawin.
...
"Talagang dito ko ilulusong o ilulubog ang katawan ko? Ang init nito Master eh ba----!" Sambit ni Van Grego habang nagkakamot ng ulo.
"Wala ng rekla-reklamo bata. Kung gusto mong lumakas at maging makapangyarihan ay wag kang tatamad-tamad. Pasalamat ka at tinutulungan pa kita. Hindi mo ba alam kung ano ang pambihirang epekto nito sa iyong katawan. Ang pinagsamang pambihirang tubig ng Dragon Spring at ng Purple Astral Liguid, ito ay mabisang paraan upang patibayin nag katawan mo na parang isang kalasag." Sambit ni Master Vulcarian habang may ibang tono ito. Halatang nag-uumpisang naiirita na ito na siyang ikinatakot naman ni Van Grego.
"Opo Master, gagawin ko na!" Sambit ni Van Grego habang unti-unti niya ng nilulusong ang katawan nito sa kurting bathtub na paliguan. Kanina ay maingat siyang sumasalok sa loob ng paulit-ulit sa Dragon Spring at pagkatapos ng walang katapusang paghahakot ay napuno ito at pagkatapos ay hinaluan niya ito ng isang buong laman ng Purple Astral Liquid.Minsan iinit at misan ay lalamig. Kakaibang pakiramdam ito ngunit wala siyang pagpipilian kundi ang lumusong sa pambihirang pinagsamang mga likido.
Ngayon ay unti-unting lumubog ang katawan ni Van Grego. Agad niyang naramdaman ang biglang pag-init ng temperatura na kagaya ng napakainit na apoy at bigla ring papalitan ito ng napakalamig na temperatura na animo'y naliligo siya sa napakalamig na yelo.
Maya-maya pa ay nararamdaman ni Van Grego na naaapektuhan na ang kanyang balat dulot ng mga enerhiyang pilit na pumapasok sa kanyang katawan. Agad niyang ni-revolve ang Divine Nine Rotations of True essence, Divine Chronicles of Meridian Reverberations at ng Five Revolution Soul Enhancement upang i-withstand ang nakakapasong init at lamig ng pinagsamang likido ng pambihirang bagay na ito.
Isang linggo
Dalawang linggo
Tatlong linggo
Hanggang sa lumipas na ang isang buwan ay patuloy pa rin sa paglubog ng katawan ng katawan ni Van Grego sa ilalim ng tubig na ito. Ang noo'y pinaghalong kulay asul at ube ng tubig ay ngayon ay halos mangitim na ito. Tandang halos wala na ring natitirang enerhiya sa tubig. Maging ang impurities nito ang nagdulot ng pangingitim ng tubig.
Maya-maya pa ay umahon na si Van Grego sa tubig.
"Mukhang napasarap ata ang ensayong ito sa'yo ah. Malaki ang pinagbago ng iyong katawan maging ang iyong pundasyon sa katawan ay sobrang solido na ito. Umahon ka na diyan bata dahil gagawa ka pa ng Pill.
Ang Diamond Vajra Foundation Pill!" Sambit ni Master Vulcarian sa isip ni Van Grego.
Maya-maya pa ay umahon na ito sa nangingitim na tubig. Lahat ng mga impurities sa kanyang katawan ay lumabas na sa kanyang katawan lalo na sa kanyang balat. Halos bukaz na rin ang mga pores sa kanyang balat sa iba't-ibang parte ng katawan niya na siyang magpapabilis ng kanyang paghigop ng Astral Energies.
"Opo Master!"
Agad na inayos ni Van Grego ang kanyang sarili. Nagpalit na rin siya ng damit lalo pa't marumi na ang kanyang suot na damit noong nakaraang buwan niya pa suot-suot.
Naramdaman ni Van Grego ang malaking pagbabago sa katawan niya. Mas dumoble ang defensive kapability ng kanyang katawan at mas naging elastic ang kanyang balat. Mas kuminis rin ito kumpara sa dati. Ito ay resulta rin ng kanyang pagpupursiging matuto at lumakas.
...
Punong-puno na ng pawis ang noo ni Van Grego ng matapos niya ang paggawa ng Diamond Vajra Foundation Pill. Halos masaid ang kanyang Astral Energies dahil dito. Ang kaunting Essence energy ay said na said na rin kanina pa sa unang bahagi pa lamang ng alchemy process.
Agad siyang nagcultivate upang manumbalik ang lakas niya.
Maya-maya ay kinain niya ang colorless na pill na walang iba kundi ang Diamond Vajra Pill. Agad niyang narmadaman ang pagkatunaw ng pill at siya ring naging bayolenteng purong enerhiya na sumalpok sa bawat parte ng katawan ni Van Grego lalo na sa parteng tiyan niya kung saan ang kanyang meridian. Dito ay mas mahina ang depensa ngunit dahil sa matinding dinanas niya nitong nakarang mga araw ay nakayanang tiisin ni Van Grego ang sakit ng kanyang nararamdaman. Kahit ganoon man ay napasuka pa rin siya ng sariwang mga dugo. Halos nagkaroon ng dleubyo sa loob ng katawan ng batang ito.
Agad niyang pinadaloy ang mga bayolenteng enerhiya sa iba't-ibang parte ng kanyang katawan na siyang biglang nagpanumbalik ng matingkad na kulay ng kga kaugatan. Unti-unting nirevolve ni Van Grego ang mga purong enerhiya sa kanyang katawan at pinilit niyang paghaluin ang purong enrhiya na ito sa kanyang Astral Energies. Tinipon niya ito sa loob ng kanyang mga meridians at makailang suka siyang muli ng sariwang dugo ngunit pinilit niya pa ring makayanan ang impact maging ang sakit ng dulot ng makailang pagkabigo sa pagfuse ng enerhiya.
Maya-maya pa ay humalo na ito sa maiitim na Astral Energies. Parehong Astral Energies ang itim at ang napakapurong enerhiya na animo'y diyamante. Dito ay unti-unting nawalan ng resistance ang napakaitim na enerhiya sa bayolenteng purong enerhiya. Unti-unting kinain ng kulay diyamante ang bawat itim na enerhiyang madaanan nito. Dito ay nagliwanag ang katawan ni Van Grego na animo'y parang diamante kakulay ng bayolenteng purong enerhiya na ngayon ay kontrolado niya na. Ito ay nangangahulugang nagtagumpay siya. Biglang bumuhos sa katawan ni Van Grego ang rumaragasang astral energies. Higit pa rito ay masyadong iba ito kaysa sa normal na mga Diamond Rank Martial Artists. Puno pa rin ng pagtataka si Van Grego.
"Binabati kita bata, ang iyong katawan ay naabot ang requirements upang mapagtagumpayan mong makamit ang pambihirang transpormasyon ng isang Martial Artist, ang Diamond Vajra Body. Ang lakas mo ngayon ay mahahalintulad sa lakas ng tatlong kabayo. Maaari mong mapantayan at labanan ang mga Martial Artists o Beasts na may ranggong Martial Knight Realm. Kung matatalo o mapapaslang mo sila ay nakadepende pa rin iyon sa iyong kapasidad hehe..." Sambit ni Master Vulcarian habang masaya ito sa naging tagumpay ng batang si Van Grego.
Ang totoo niyan ay akala niya ay susuko na ang batang si Van Grego sa pagsubok na kalabanin at paghaluin ang dalawang magkaibang enerhiya ngunit napagtagumpayan niya ito sa huli. Masasabing mayroong determinasyon ang batng ito na bibihira lamang. Para sa kanilang lahi ay madali lamang ang bagay na ito ngunit maituturing na ordinaryong lahi lamang ang mga tao, ang pagkamit ng Diamond Vajra Body ay isang perpektong transpormasyon ng Martial Cultivator sa Diamond Rank. Sa hinaharap ay masasabing isa sila sa mayroong malaking potensyal upang makabreakthrough sa mas mataas na lebel ng Cultivation.
"Hehe... Master pwede po bang umalis na tayo rito. Tapos na ang dalawang buwang inilagi ko sa training na ito. Kaarawan na ngayon ni Fatty Bim eh baka magtampo pa yung tabatchoy na iyon eh!" Sambit ni Van Grego habang nagkakamot ng kanyang batok.
"O siya sige pero ilang araw lamang ang ibibigay ko sa iyo. Marami pa tayong dapat gawin kung ayaw mong mapag-iwanan ng iyong mga kaedaran." Sambit ni Master Vulcarian na may importanteng paalala.
"Naiintindihan ko po Master. Pangako ko po na hindi ako magrereklamong muli sa magiging ensayo o pagsubok na aking pagdaraanan." Seryosong pagkakasabi ni Van Grego habang nakataas nag kanang kamay.
"Siguraduhin mo lamang dahil ang lahat ng ito ay para sa ikakabuti at ikalalakas mo. Ang lahat ng gagawin mo ay para sa ikakauunlad ng iyong sarili at walang kinalaman iyon sa akin." Sambit ni Master Vulcarian habang pinapaalala niya ang mga dapat isaisip ng batang si Van Grego na siyang kanyang personal na estudyante.
"Opo Master!" Muling sabi ni Van Grego gamit ang kanyang isipan. Mabilis niyang nilakbay ang lugar na ito at pumunta sa timugang parte kung saan nakakubli ang kanilang tinataguan noon.
Pagkapasok niya pa lamang ay nakita naman niya ang ginagawa ni Fatty Bim. Kasalukuyan itong nag-eensayo ng isang Water Type Skill ngunit nakita agad ni Van Grego ang kaibahan ng technique sa lanyang Water Whirlpool. Ito ang Rising Wave Technique ngunit hugis pakpak ito na alam niyang inimbento ito ni Fatty Bim. Talagang gusto niya talaga ang mga Wing Strike o yung may kinalaman sa pakpak.
Agad namang nakita ni Van Grego ang Rising Wing na biglang may lumabas na munting mga alon at mabilis na rumaragasa ito papunta kay Van Grego.
"Lokong tabachoy na Fatty Bim na ito, ako ba naman ang ginawang testing subject para sa atake niyang to." Sambit ni Van Grego na makikitaan ng inis.
Agad na gumawa si Van Grego ng kanyang sariling Technique.
"Water Whirlpool Skill: Expansion!"
Agad lumitaw sa kanang kamay ni Van Grego ang Water Whirlpool na unti-unting lumalaki. Pingilan nito ang rumaragasang alon na napakabayolente ngunit mahinahon itong nasalag ang atakeng ito ni Fatty Bim.
Nang makita ito ni Fatty Bim ay halos lumuwa ang mata niya dahil sa malaking pagbabagong kanyang napansin kay Van Grego. Ang balat nito ay mas kuminis kaysa sa mataba at lumulobo niyang pisngi. Higit sa lahat ay nasalag nito ang ginawa niyang minor na atake.
"Ang lakas mo talaga kaibigang Van. Pasensya na pal---!" Sambit ni Fatty Bim ngunit naramdaman niyang may biglang bumuhos sa kanya ng maraming tubig sa itaas ng kanyang uluhan.
Halos matulala si Fatty Bim sa pangyayaring ito. Halos lumubo pa ang mataba nitong pisngi.
"Oops, Sorry!" Sambit ni Van Grego sa mapanlaro nitong boses. Halatang sinadya niya itong gawin.
"Hmmp! Di tayo bati!" Nagdadabog na sambit ni Fatty Bim dahil sa mukha siyang basang sisiw ngayon dahil sa kagagawan ni Van Grego. Aalis na sana siya ng bigla siyang tawagin nito.
"Aba aba, nag-iimprove ka na Fatty Bim. May pa-walk out walk out ka pang nalalaman diyan. May bibigay pa sana ako sayo eh." Direktang pagkakasabi ni Van Grego. Halatang ayaw nitong sabihin ang surpresa nito.
Nang humarap si Fatty Bim ay nakita niyang bumukas ang isang inaakala niyang Space Dimension at lumabas ang kulay ubeng batang Martial Beasts.
"Waahhhh!" Gulat na gulat na sambit ni Fatty Bim habang namamangha itong nakita ang isang batang halimaw. Alam na lam niya ito, ito ang pinapangarap niyang mount. Ang Purple Rain Lion.
Nagkakamot pa ng mata ang batang Purple Rain Lion ng mapansin nito sa di kalayuan ang isang nilalang na may gabolang pangangatawan ay mabilis itong nagpakurap-kurap at aalis na sana ito ng biglang inihagis ng gabolang nilalang ang katawan nito upang yakapin ang batang Martial Beasts.
Halos lumaki ang mata ng batang Purple Rain Lion at patuloy na umuungol habang nagpupumiglas ito sa hawak ng misteryosong nilalang sa kanya.
"Rrrr! Rrrrrr! Rrrrrr!"
"Waahhhhh! Totoo nga! Akin na to Van ha. Tsaka bakit mo ko binigay ito sa akin ha?!" Sambit ni Fatty Bim habang hindi makapag-isip ng tama lalo pa't mahigpit niyang niyayakap ang nagpupumiglas na halimaw.
"Nakalimutan mo bang kaarawan mo ngayong araw. Pasensya na dahil maghahapon na kong dumating ngayon ha." Sambit ni Van Grego halatang nalulungkot ito.
"Wag ka ngang magdrama diyan tsaka kaibigang tunay na kita Van eh. Tsaka nakabawi ka na noh!" Masayang Sambit ni Fatty Bim habang nginunguso nito ang yakap-yakap niya ngayon.
"Uy wag!" Sambit ni Fatty Bim ng makitang nagpupumiglas ang batang Martial Beasts sa kanyang mahigpit na yakap.
"Rubber Bouncing Body!" Sambit ni Fatty Bim ng biglang lumukso ang batang Purple Rain Lion. Agad niyang hinawakan ang batang Martial Beasts at nagpatalbog-talbog sila sa lugar na ito na siyang hindi mapigilang tumawa ni Van Grego.
"Paamuhin mo muna ang batang halimaw na yan Fatty Bim hindi yung basta-basta mo na lamang yayakapin ang hindi mo pagmamay-ari!" Sambit ni Van Grego habang natatawang lumalakad palayo dito.
"Hoy Van naman eh. Ang liksi ng batang halimaw na 'to nakuha mo pang humugot diyan eh wahhh!" Sambit ni Fatty Bim habang tumatalbog-talbog pa rin siya kasama ang batang Purple Rain Lion na nagpupumiglas pa rin mula sa mahigpit na pakakayakap nito.
Sigaw ng sigaw lamang siya ngunit hindi na muling lumingon o tumugon si Van Grego. Halos maluha-luha naman siya sa kinakaharap niyang sitwasyon. Namamangha siya ngunit nangangamba rin siya kung mapapaamo niya ito o hindi.
Ang pagkakaalam niya sa ugali ni Fatty Bim ay kapag nagustuhan nito ang bagay-bagay o mga nilalang na gusto nito ay siguradong makukuha nito ang loob nito kagaya ni Van Grego na mailap sa mga tao lalo na sa kapwa niya batang martial artists ngunit siguro ay likas sa batang si Van Grego na tumulong sa mga taong nangangailangan kaya nagagawa niyang tumulong sa mga ito. Hindi niya kasi ugaling makialam pero minsan may mga bagay talagang inuusig ka ng konsensya mo. Tiwala siyang mapapaamo nito ang isang malakas at mabangis na Martial Beasts kagaya ng Purple Rain Lion. Sa ugali pa lamang ni Fatty Bim ay siguradong mapapaamo nito ng mabilis ang halimaw kasi umpisa pa lamang nang makita niya kung paano magkita si Fatty Bim at ng batang Purple Rain Lion ay aalm niyang ito ang nararapat na maging tagapangalaga ng Martial Beasts na ito at hindi siya. Kung iyong makikitang mabuti ay talaga namang masasabi niyang ang bawat nilalang maging ng mga halimaw o beasts ay pwedeng magkaunawaan o magkaintindihan ngunitp inagbuklod ng hindi malamang dahilan. Paanong nagkaroon ng mga Hybrids? Paanong noon pa lamang ay nilikha sila sa magkaibang lahi. Tunay ngang napakamisteryoso ng pangyayari noon na palaisipan sa kasalukuyan. Ang tanging magagawa lamang nila ay lumakas, magpalakas at kusang bubukas ang kasagutang matagal ng ibinaon sa limot.