Lumipas pa ang limang araw ay patuloy pa rin sa pagcucultivate si Van Grego kung saan ay sinikap nito na mapataas ang kaniyang tsansang makapagbreakthrough sa matataas na boundary ng cultivation. Maging ang pag-stabilize ng kaniyang enerhiya sa katawan ay ginawa niya ito upang hindi magkaroon ng paggulo ng kaniyang enerhiya sa katawan kung sakaling malagay o maipit siya sa delikadong sitwasyon. Maging ang kaniyang pundansyon o foundation sa kaniyang katawan ay mas pinatinbay niya pang lalo ng sa gayon ay hindi siya magkaroon ng problema kung sakaling magbreakthrough siya sa hindi inaasahang oras at panahon. Ang pagbreakthrough kasi ang pinakaespesyal na pangyayari sa buhay ng martial artists na minsanan lang dumating at isang napaka-kritikal na sitwasyon na dapat isaalang-alang ng bawat martial artists ngunit bigla rin siyang inistorbo ni Master Vulcarian.
"Bata, natunton ko na ang lokasyon ng Tendon Bone ng isang Flood Dragon. Makakatulong ito sa iyo ng malaki, ito ang pangunahing dahilan kung bakit tayo pumunta dito." Sambit ni Master Vulcarian sa seryosong tono ng boses. Halatang napakaimportanteng bagay ito.
"Alam ko po Master ngunit maaari ba nating dalhin si Fatty Bim?" Sambit ni Vann Grego habang humihingi ng permiso kay Master Vulcarian.
"Hindi maaari ang iyong gusto lalo pa't maaari siyang mapahamak at magiging pabigat siya sa'yo. Kung isasama pa natin maging ang bitbit nitong batang Purple Rain Lion na iyon ay baka mas lalong bumaba pa ang tsansang magtagumpay tayo. Kailangan na nating magmadali!" Sambit ni Master Vulcarian habang inaanalisa ang mga bagay-bagay na maaaring mangyari sa kanilang paglalakbay na ito.
"Oo nga Master, may punto ka rin sa iyong mga sinabi. Tsaka baka malagay lang sa peligro ang buhay ni Fatty Bim lalo pa't wala siyang kinalaman rito, umalis na tayo Master!" Sambit ni Van Grego ng puno ng kaseryosuha. Alam niyang ikakasama pa kung mawalan siya ng kaibigan tsaka malaki ang posibilidad na kahit ang sarili niya mismo ay mapahamak.
Agad na nilisan ni Van Grego ang lugar na ito gamit ang kanyang sariling movement technique. Isa kasi sa mabisang paraan ng paglalakbay ng mabilis ang paggamit o pag-activate ng Movement technique at tsaak makaiwas na rin ng makakasalubong sa dinaraanan. Isa kasi itong uri ng sayaw ng paa o paglalakad kung saan ay nagiging istilo na rin ito ng reflexes ng katawan lalo na ng ating footwork o footworking.
"Saang lugar tayo pupunta master?!" Tanong ni Van Grego kay Master Vulcarian gamit ang kanilang mindlink.
"Sa isang Soil Burying Plane. Sa katimugang direksiyon tayo pupunta at dalawampong kilometro ang layo rito sa kinaroroonan natin mismo. Tsaka mag-iingat ka sa dadaanan natin dahil maraming malalakas na Martial Beasts na kagaya ng antas ng Adult Purple Rain Lion ang makakasalubong mo kaya dapat ay maging maingat ka na wag mo silang maistorbo o magambala." Seryosong paalala ni Master Vulcarian kay Van Grego. Sa kasalukuyang antas pa laamng ng batang si Van Grego ay siguradong isang direktang atake lamang ng kalebel o kaantas ng halimaw na katulad ng Purple Rain Lion ay siguradong magiging bloody paste lamang ang muraat mortal nitong katawan. Kaya nga ang estilo ng footwork na Falcon Wave Technique ay lubhang makakatulong rito. Kahit ang anumang klaseng flying techniques ay balewala dahil napakasukal ng lugar na ito at kung sakaling lumipad man ang batang si Van Grego ay siguradong pagpipiyestahan siya ng mga mababangis at naglalakasang mga Martial Beasts na hindi na hindi naman gugustuhing mangyari ng batang si Van Grego dahil nakaka-agaw pansin ang pakpak o lumilipad na mga bagay o nilalang sa masukal na kagubatang ito. Imbes na mapadali ang paglalakbay niya papunta roon ay mas mainam sabihing mas mapapadali ang pagkitil sa buhay nito ng mga nagmamatyag na nilalang sa ganitng uri ng kapaligirang pinamamahayan ng mga mababangis na Martial Beasts.
"Nauunawaan ko po Master." Sambit ni Van Grego kay Master Vulcarian gamit ang kanilang mindlink. Kahit na kinakabahan siya ay alam niyang normal na bagay na ito lalo pa't ang pagtahak sa martial path ay hindi magiging madali o magiging simpleng bagay lamang na lubos na salungat mula sa ordinaryong pamumuhay ng lahing tao. Kailangan mong paghirapan ang bawat pagsubok na iyong pagdadaanan upang makaligtas rito. Tinahak niya ang buhay kung saan ang puno ng peligro at peligro o panganib mismo ang hahanap sa iyo. Kung hindi ka maghihirap o magtitiis sa mga bagay na ito ay wala ka ring mapapala sa iyong buhay. Kahit ayaw mo ay hindi ibig sabihin ay tatanggi ka, minsan ay dapat mong isipin ang makakabuti at priorities mo sa buhay at kung ano ang layunin mo.
...
Mabilis na nilakbay ni Van Grego ang timugang direksiyon kung saan ay maraming malalakas na Martial Beasts ang gumagala at ginagawa ang kanilang sariling pamumuhay o instinct dito. Maingat namang nilalampasan ni Van Grego ang mga ito dahil na rin sa takot na malabanan ang mga ito. Alam niya rin na masyado pa siyang mahina para dito. Kailangang makuha niya ang pambihirang bagay (dragon tendon) ng Flood Dragon na iyon upang lumakas sa kasalukuyan niyang ranggo. Alam niyang isang pagkakataon lamang ito dahil ayaw niyang maghintay pa ng mahabang panahon para magbukas muli ang mystic realm na ito.
Marami siyang nilampasang mga anyong lupa at anyong tubig kagaya ng mga ilog, bukal, sapa, bundok, talampas at iba pa. Masyadong malawak pala ang mystic realm na ito.
Maya-maya pa ay natanaw niya na rin ang kakaibang pormasyon ng lupa.
"Ito na nga Van Grego, ang Soil Burying Plane." ito ang pinakasentro ng Mystic Realm na ito. Mag-ingat ka dahil puro mga Soil Slime ang naririto. Hindi man sila matatalino at malalakas pero sa dami nila, baka hindi ka rin tatagal!" Babala ni Master Vulcarian na mayroong mga paalala.
"Opo Master!" Sambit ni Van Grego habang mabilis naman siyang nawala sa lugar na ito.
Bawat tatapakan ni Van Grego ay sinisigurado niyang walang malilikhang anumang ingay o tunog. Mabilis siyang nagpapalit ng lugar habang papalapit siya ng papalit sa lugar na tinatawag na Soil Burying Plane. Maya-maya pa ay namataan ni Van Grego ang mga ginagawa ng mga Soil Slime na papunta-paroon nito. Ang kanilang mga katawan ay gawa sa putik na lupa. Halatang nangingintab ito at malambot ang structures ng kanilang mga katawan. Ginamit niya ang Water Whirlpool Technique upang ikubli ni Van Grego ang kanyang sarili. Parang humuhukay ang mga ito ng mga lupa na siyang nagdulot ng napakalalim na hukayan at gabundok na mga tumpok ng mga lupa at putik.
Mabilis ang naging kilos ni Van Grego upang makalapit agad sa pinaroroonan ng mga Soil Slime. Nagulat siya sa kanyang nakita ng bumungad sa kanya ang animo'y kastilyo na gawa sa putik. Nakakamangha ngunit nakakadiring tingnan ang kastilyong putik ng Soil Slime. Mayroong mga inuuod na mga bangkay ng mga Martial Beasts ang naririto kagaya ng Blue Goat, Spiral Centipede, Mawing tiger at iba pa. Halatang inambush at pinagtulungan ang mga amatay na halimaw na ito. Halatang namatay ang mga ito sa kahindik-hindik na paraan lalo na ang maraming mga saksak at pasa ng mga ito na dahilan ng kanilang kamatayan.
Agad namang inalis ni Van Grego ang atensyon rito at mabilis na tinunton ang pasilyo. Pumuwesto siya sa mataas at madilim na parte ng kisame upang maitago ang kaniyang sarili. Isa lamang itong pag-iingat na siyang epektibo rin lalo pa't hanggang ngayon ay walang nakakadiskubre sa kanya.
Maya-maya pa ay dinala si Van Grego sa isang kakaibang lugar ng kastilyo. Nakita niya ang kanyang hinahanap ngunit halos mapaluwa siya sa kanyang nakikita. Isang higateng buto ng isang halimaw ang lumulutang sa ere. Mayroong mga arrays ang nakapalibot rito. Sa kabutihang palad ay walang bantay rito. Napansin nga niya kani-kanina pa na masyadong abala ang mga Soil Slime sa kanilang ginagawa.
Agad nilapitan ni Van Grego ang kinaroroonan ng Dragon Tendon o mas angkop sabihin na Flood Dragon Tendon. Ramdam na ramdam ni Van Grego na mayroing masaganang Astral Energies ang nakapaloob sa malaking butong ito.
Nakatawag pansin sa kanya ang iba'f-ibang mga Array Formation na pomuprotekta sa malaking butong ito.
"Mabuti na lamang at masyadong mahina ang slime sa comprehension ng mga arrays at eksperto sila sa soil poison kung hindi ay baka abutin ka pa ng matagal na panahon para mawala ang napakaraming maliliit na formation array na ito." Sambit ni Master Vulcarian habang nakita niyang nakangiti ang batang si Van Grego na siyang ayaw niya ngunit tanging pangbabara ang kanyang magagawa sa kasalukuyan.
"Oo nga Master eh." Sambit ni Van Grego habang mabilis niyang sinisira ang mga mahihinang Array Fprmations gamit lamang ang kanyang kanang kamay. Malinaw na nakikita ni Van Grego ang kahinaan ng bawat formation array.
Agad niyang kinuha at inilagay sa loob ng Interstellar Dimension ang Flood Dragon Tendon na sobrang laki ng sukat nito. Ngunit kasabay rin nito ang pag-ingay ng misteryosong bagay na umalingawngaw sa buong kastilyo.
"Patay, mayroon palang Energy Detector dito sa kastilyong ito, umalis na tayo rito bata bago pa dumating ang bata-batalyong bilang ng mga Soil Slime Army!" Sambit ni Master Vulcarian na may pag-aalala sa boses nito. Halatang limitado lang ang tulong na maiibibigay niya kay Van Grego.
Agad na ginamit ni Van Grego ang kanyang Water Whirlpool Technique. Dumaan siya sa ilalim ng malambot na lupa na gawa sa putik at mabilis na umalis sa lugar na ito.
Natagpuan na lamang ni Van Grego ang kanyang sarili sa isang batuhan malapit sa isang sapa. Hingal na hingal siya dahil sa pangyayaring ito. Basang-basa ito at puno ng putik ang buong katawan nito.
Agad nitong ininom ang pambihirang anti-poison pill at purifying pill upang masigurong mawala ang mga lason sa kanyang katawan. Mesyo nanghina sa inaakala niyang mahinang soil trap ngunit bumuga ito ng nakakasulasok na amoy na may lason. Medyo nangitim ang iba't-ibang parte ng katawan nito ngunit hindi naman siya nahabol ng Soil Slime.
"Buti nalang at nakatakas ako hoo!" Sambit ni Van Grego sa kanyang sarili.
"Oo naman, pasalamat ka at hindi ito may isip dahil ang Soil Slime ay eksperto sa soil trap. Kahit nga Earthen Realm Expert ay mahihirapan lusutan ang mga soil trap nito.
Halos manlaki ang mga mata ni Van Grego habang sinasabi ito ni Master Vulcarian.
"Master, Trap expert at poison expert ang mga ito?!" Sambit ni Van Grego habang hindi siya makapaniwala.
"Aba oo naman, waalng imposible sa mundong to. Hindi mo nalalaman pero nagkaroon ng malaking digmaan sa pagitan ng iba't-ibang lahi na nagdulot ng malaking kalamidad noong milyon-milyong taon o bilyong taon na ang nakakalipas. Ang mga Martial Beasts ay kayang mag-anyong tao, sila ang mga tinatawag na mga Monster Race. Ang mga Martial Spirit naman ay ang espiritu ng mga yumao na, sila ay mga espesyal na kaluluwa. Lahat ng malalakas na nilalang ay maaaring magkaroon ng Martial Spirit ngunit ang kaibahan lang ay mayroon silang magkakaibang attainments at compatibility requirements, hindi makapag-fuse ang Martial Spirit kung wood attribute ka at ang Martial spirit naman ay fire kagaya sa'yo. Kahit gaano pa makapangyarihan ang isang Martial Spirit na yan ay hindi siya makapag-fuse sa isang nilalang na buhay o yung mga Martial Artists. Ang tanging magagawa nila ay saniban ang isang Martial Artists, gumamit ng Dark Skills o Devil Techniques. Dito ay maaalternate nila ang kanilang kapalaran. Kakainin nila ang soul ng isang nilalang na sinapian nila. Hindi magkakaroon ng Qigong deviation, isa itong Soul Devouring Karma. Unti-unti ay mag-aadjust ang katawan ng Martial Spirit sa katawang sinaniban nito, mapapasakanya ang kapalaran at lucky chances ng Martial Artists ngunit mahihirapan silang magcultivate sa matataas na realm, ito ang kabayaran ng kanilang pangahas na aksyon. Kapag nakita sila ng mga kalangitan lalo na sa kapag nagkaroon sila ng malaking pinsala sa sinapian nilang katawan, dito ay tatamaan sila ng Heavenly Thunder upang patawan ng kaparusahang kamatayan alinsunod sa batas ng langit." Mahabang salaysay ni Master Vulcarian kay Van Grego.
"Pero ano naman ang kalagayang kinakaharap ng kaibigan kong Martial Spirit na si Alfero. Gumamit ba siya ng Devil Technique o Dark Skill?" Sambit ni Van Grego nang may pag-aalala.
"Hahaha... Nagkakamali ka, gumamit lamang siya ng Sacred Arcane Skill upang dominahin ang katawan ng batang iyon ngunit ginawa niya lamang iyon upang buksan ang mga acupoints ng bawat ugat ng batang iyon para maging compatible ang batang iyon sa Fire Laws at sa fire laws lamang. Dito ay babaguhin ng apoy ng Martial Spirit ang katawan ng batang iyon, magkakaroon siya ng fire-attribute Physique. Ngunit may kabayaran ang isinagawa niyang ito, matutulog siya sa mahabang panahon dahil overused niya ang purest fire energies niya. Mahirap itong ibalik at kailangan niyang matulog ng mahimbing o hibernation." Mahabang paliwanag ni Master Vulcarian.
"Ah kaya pala, Perfect Wood Attribute Body pala ako pero anong klaseng tawag sa katawan ko?" Pagtataka ni Van Grego
"Kahit ako ay hindi ko alam bata, hindi ko malaman kung saan ka nabibilang. Siguro ay lalabas lamang ay special bloodline mo kapag nakatapak ka sa Bloodline Awakening Realm. Ang selyo sa katawan mo ay hindi ko mapapawalang-bisa dahil baka kung galawin ko ito ng walang kaalam-alam ay ako naman ang atakehin nito. Mayroong mga simbolo ang lumilitaw ngunit nakakamatay. Ang katawan mo mismo ang dahilan kung bakit ako nagising." Sambit ni Master Vulcarian halatang kahit siya ay nalilito sa pangyayari.
"Ang kailangan mo bata ay lumakas. Kung gusto mong lumakas ng mabilos ay kailangan mong magsapalaran. Malapit ka ng tumuntong sa Martial Knight Realm at dito ay pagsasabayin mo pa ang dalawang Cultivation System na Body Transformation System at Soul Forging System. Dapat ay ihanda mo ang sarili mo dahil hindi ito madaling paglalakbay sa iyo. Magkakaroon ka ng tatlong beses na hirap sa isang katawan." Paalalang turan ni Master Vulcarian.
"Handa na po ako Master!" Sambit ni Van Grego habang kakikitaan ng determinasyon sa mga mata nito. Ang totoo niyan ay wala naman siyang rason upang tumanggi o kung makakatanggi ba siya. Napakabossy pa naman ng kaniyang Master yung maiipit ka talaga sa sitwasyon kung saan masasabi mo nalang na oo. Wala kasi siyang pagpipilian at total naman ay alam niyang hindi siya pababayaan nito na malagay sa bingit ng kamatayan.
"Umalis na tayo rito bata!" Seryosong sambit ni Master Vulcarian habang nakatingin sa malayo.
"Opo Master!" Sambit ni Van Grego kay Master Vulcarian habang isinasagawa nito ang kanyang movement technique.
Mabilis na nawala si Van Grego sa lugar na ito habang may ngiti sa labi. Ang kanyang paglalakbay ay hindi nasayang dahil hawak niya ngayon ang pambihirang bagay na kanilang pinunta rito. Hindi rin niya maiwasang kunin ang mga medicinal Herbs na kanyang nadadaanan. Sino ba naman siya para suwertehin ng ganito sa ganitong uri ng paglalakbay.
...
"Tumigil ka muna bata, may mahalaga akong sasabihin sa'yo!" Sambit ni Master Vulcarian.
"Ano po yun Master?!" Sambit ni Van Grego ng may pagtataka. Sino ba naman kasi ang umaasang mapupukaw ng atensyon ng kaniyang Master sa araw na ito at talagang may sasabihin ito na labis niyang ipinagtataka. Kahit konting panahon lamang sila nagkakilala ng kaniyang Master na hindi niya nakita pa kung ano ang totoong anyo nito o kung anong klaseng nilalang ito ay ni minsan ay hindi ito nagsasabi o nag-uutos liban na lamang kung masyado itong importante.
"Kita mo ang daang pahabang iyan?! Yan ang daan papunta sa tirahan ng Primal Golden Ape at mayroon silang pambihirang bagay na kinakailangan mo, ang Golden Banana." Sambit ni Master Vulcarian ng seryoso. Kung nakikita lamang siya ng batang si Van Grego ay nakangisi siya habang sinasabi ito.
"Golden Banana? May ganon bang prutas dito Master? Ang inaakala ko ay tumutubo lamang ang puno na ito sa espesyal na lupa na tinatawag na Golden Soil." Sambit ni Van Grego habang nagtataka. Kahit siya ay hindi mag-aatim na magtanim ng ganitong klaseng tanim. Mataas ang fertility requirement ng Golden Banana.
"Tama ka sa sinabi mo bata at mayroon nga ditong lugar na may golden Soil. Paano kaya kung manguha tayo ng ilan sa mga prutas na ito hehe!" Sambit ni Master Vulcarian.
"Sige Master tsaka matagal pa bago bumukas ang Mystic Realm na ito." Sambit ni Van Grego. Mayroon siyang plano na iba pa kumpara sa pagkuha ng prutas na Golden Banana.
"Sige na, dalian mo na. Inip na inip na kong makuha ang Golden Banana eh haha!" Sambit ni Van Grego.
Mabilos na pumunta si Van Grego sa direksiyon na tinuro sa kanya ni Master Vulcarian. Dito ay nakita niya ang ginintuang lupa. Hindi ito gawa sa ginto kundi dahil sa napakayaman ng enerhiya na nakapaloob sa lupang ito na nakuha ang manipestasyon ng ginto. Kahit ang pagtapak sa lugar na ito ay napakabenepisyal lalo na't naaabsorb ng lower part ng katawan ng nilalang ang enerhiya lalo na ng paa, hanggang tuhod. Hindi maipagkakailang mayroong mga nagbabantay rito na halimaw na malakas ang mga lower parts ng katawan, walang iba kundi ang Primal Golden Ape.
"Master Pwede bang buksan mo ang dalawa pang Interstellar Dimension? Tsaka tulungan mo kong protektahan ang mga Golden Banana at iba pang Golden plants na naririto." Sambit ni Van Grego sa seryosong tono.
"Oh bata, mukhang alam ko na ang balak mong gawin. Gusto ko yang plano mo hehe.. tutulungan kita dahil masyado akong natuwa sa'yo. Maaaring di kana makapasok sa Mystic Realm kung kaya't gusto mong kunin ang pambihirang golden soil dito haha..." Sambit ni Master Vulcarian. Mahihimigan sa boses nito na natutuwa ito sa planong naiisip ng batang si Van Grego. Nagustuhan kasi nito ang pasimpleng pagiging ganid minsan ni Van Grego lalo na sa mga masagana at nakakamanghang fortitious events o fortunate encounters nito sa paglalakbay nito. Kahit sino ba naman ang makakahanap ng ganitong klaseng swerte, papakawalan mo pa ba?! Tsaka kung alam lang ng batang ito kung ano talaga ang mga Primal Golden Ape ay siguradong luluwa ang mata nito. Sa mundong ito ay siguradong makukuha nito ang lahat ng gusto nito dahil sa martial beast na mga ito. Kung hindi mo talaga malalaman ito ay isa rin itong kasayangan. Talagang namangha siya sa instinct ng batang ito na bagay na pinagkakasunduan nilang dalawa at higit sa lahat ay nagkakaroon pa siya o sila ng benepisyo rito.