Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 128 - Chapter 23

Chapter 128 - Chapter 23

Agad na nagliwanag ang dalawang interstellar dimension na nasa mga daliri ni  Van Grego. Nasa anyong singsing ito ngunit mayroong cube-shape ito na nakakabit sa ibabaw ng ring.

"Oo naman, at tsaka para hindi na rin magtagumpay ang mga Martial Beasts dito na makatapak sa Martial God Realm pataas dahil delikado ito sa susunod na papasok ang mga batang Martial Artists. Salamat po Master." Sambit ni Van Grego sa seryosong tono.

"Maiba ako bata, hahayaan mo ba ang Adult Purple Rain Lion na manirahan dito?!" Sambit ni Master Vulcarian na puno ng kuryusidad.

"Uhm, siyempre dadalhin natin iyon noh tsaka plano kong mangolekta ng mga Martial Beasts na malalakas at iyong ibang Martial Beasts na may matataba na karne ay iihawin ko at pagpapraktisan ko para maimprove ang aking Martial Chef Skill. Tsaka it is a win-win situation. I hit two birds in one stone." Sambit ni Van Grego habang nakangiti.

"Gusto ko yang pag-uugali mo bata lalo na ang ideyang iyong naiisip. Talagang napahanga mo ako kaya susuportahan kita!" Sambit ni Master Vulcarian halatang nasisiyahan ito sa mga binabalak ng batang si Van Grego.

"Maraming Salamat Master, Gagawin ko na." Sambit ni Van Grego.

Agad siyang nagsagawa ng skill.

"Water Whirlpool Skill: Expansion!" Sambit ni Van Grego. Agad niyang nakita Water Whirlpool na mabilis na lumalaki at tsaka naman hinagis ni Van Grego ang dalawang interstellar Dimension sa loob. Nalagyan niya na ito noon pa man ng Blood Contract kung kaya't hindi siya nangangamba sa maaring maging problema. Agad niyang kinontrol ito papunta sa gitnang bahagi ng Golden Soil Mountain. Oo Mountain dahil namumuo ang Golden Soil mula ilalim ng lupa. Gusto itong higupin lahat ni Van Grego.   Mayroon itong source at ito ay ang Golden Soil Vines pero planong kumuha ng gahiblang parte nito at lahat ng mga Golden Soil na gabundok ang laki.

Nang makita ni Van Grego na Ready ng lahat ay binuksan niya na ang dalawang Interstellar dimension sa limitasyon. Dito ay pinagana niya ang Suction Force sa limitasyon. Dito ay namuo ang paikot (spiral shape) na hugis kung saan ay mabilis na hinihigop nito ang mga Golden Soil unti-unting nabutas ang pinakatuktok at lumubog pailalim.

Nakita naman ni Van Grego na parang may pumalibot na enerhiya sa mga malaking ginituang puno ng mga saging at iba oang mga halaman at mga herbal medicines. Alam niyang tinutulungan siya ni Master Vulcarian.Ang mga Primal Golden Ape ay umungol ng malalakas. Naglalambitin pa ang mga ito sa mga baging at mga sagingan ngunit mabilis silang nilamon ng suction force ng interstellar dimension. Ang mga ibang hayop na naninirahan dito ay tinangay rin sa loob ng Interstellar Dimension.

"Bata, putulin mo ang mga gahiblang mga galamay ng Golden Soil Vine ngayon din!" Sambit ni Master Vulcarian nang makita nitong unti-unting bumabalik pailalim ang mga gintong baging.

"Oo master!" Sambit ni Van Grego.

Agad na isinagawa ni Van Grego ang Falcon Wave Movement Technique at mabilis niyang narating ang kinaroonan ng Golden Soil Vines. Mabilis niyang inilabas ang dalawang magkaibang apoy sa kanyang kamay.

Fire Skill: Fire Fusion Whip!

Agad na winasiwas ang latigong gawa sa pinagsamang dalawang apoy. Mabilis niyang pinatama sa limang magkakaibang direksiyon kung saan ang limang hiblang mabilis na umiikli ngunit mabilis din itong naputol ng matamaan ito ng mainit na apoy ng latigo.

Guamgalaw pa ito na animo'y gustong tumakas ngunit mabilis itong hinablot ni Van Grego. Ang limang mahahabang hinbla ay hinawakang mahigpit ni Van Grego. Ang dating gabundok na mga Golden Soil ay wala na. Ang Golden Soil Vine ay mabilis na pumailalim. Aabutin pa ito ng taon bago muling makaproduce ng hiblang nawala sa kanyang. Ang mga ito ay mistula nitong anak. Isa itong kawalan para sa Golden Soil Vine.

Bigla na lamang nawala na parang bula ang batang si Van Grego. Walang nakasaksi sa pangyayaring ito liban na lamang sa mga nakapaligid na mga Martial Beasts na nilisan ang lugar na ito nang makaramdam ng panganib.

"Magaling bata, ang iyong plano ay tunay na pangahas ngunit namangha ako sa iyong analisasyon upang matagumpay mo itong naisagawa." Sambit ni Master Vulcarian habang mahahalata sa boses nito ang saya.

Kasalukuyan sila sa isang maliit na kuweba. Hindi naman siya nangangamba dahil mahihinang mga Martial Beasts ang gumagala rito. Halos wala ring mga malalakas na halimaw rito dahil sa manipis na enerhiya lamang ang nakahalo sa hangin.

"Salamat Master pero ang lahat ng iyon ay nagawa ko dahil na rin sa mahahalagang tulong niyo sakin. matanong ko kayo Master, ano po ba yung mga hiblang iyon bakit parang naging interesado kayo dun?!" Pagtataka ni Van Grego habang makikits na gusto niyang malaman ang tungkol sa gahiblang mga baging na nasa pagmamay-ari niya.

"Iyon ba? Ang totoo niyan ay mga hibla ito ng 20,000 year old Golden Soil Vine. Isa itong napakabihirsng bagay na minsan lamang makikita sa mga lugar lalo na sa mga Mystic Realms. Ito ay dahil namumuo ito sa loob ng bulkan sa napakakomplidong pamamaraan. Kumukuha ito ng sustansya sa purest fire source sa loob ng bulkan o fault. Hindi ito parasite na klaseng Vine, habang lumalaki ito ay nagproproduce din ito ng mga Golden Soil, hindi ito gawa ng natural na kapaligiran. Masasabing adult o mature na ang Golden Soil Vine kung may edad na ito na 5,000, dito ay magpoproduce ito ng gahiblang mga vine, ito ang anak nito.

Wala pa itong defensive o offensive ability dahil kailangan ay may maturation period sila sa loob ng 50,000 years. Kapag mas tumanda ito ay dito ay magkakaroon ng consciousness ang Golden Soil Vine. Ang mga intruder nito ang gagawin niyang sarili niyang pataba upang lumaki ang kanyang mga anak. Dito ay sama-sama silang maninirahan. Kahit ang mga Earthen Realm Expert ay nangangamba akong hindi nila masisira ang pangahas na mga atake ng Golden Soil Vine maging ang defensive capabilities nito." Mahabang salaysay ni Master Vulcarian. Kahit siya ay namamangha sa taglay lakas at camaraderie ng Adult Golden Soil Vines.

Halos maluwa ang mata ni Van Grego nang marinig niya itong sinabi ni Master Vulcarian. Ang mga Earthen Realm Experts ay magiging pataba lang sa sarili nito ng tumanda ito at magkaroon ng consciousness.

" Ano nalang kaya ako kung haharapin ko ang mga ito?!" Sambit ni Van Grego sa kanyang isipan.

"Alam kong nangangamba ka sa iyong nalalaman. Hinahanda lamang kita at binibigyan ng impormasyon para hindi ka na magtataka kung umalis tayo sa mababang mundong ito. Sa tulong at gabay ko ay makakaya mong labanan ang mga malalakas  na mga nilalang. Wala ka bang tiwala sakin bata? Ako ang iyong guro at wala lamang sakin ang mga mahihina at basurang mga nilalang na iyon. Ako ang bahala sa'yo!" Masayang sambit ni Master Vulcarian habang may paninigurado.

"Oo naman tsaka masuwerte ako dahil may guro akong gumagabay sakin!" Nakangiting sambit ni Van Grego.

"Tutal ay nakarekober ka na rin ng lakas mo ay pupuntahan na natin ang basurang Adult Purple Rain Lion na iyon!" Sambit ni Master Vulcarian na animo'y gusto na nitong ilampaso ang halimaw na iyon.

"Oo nga Master, kailangan na nating ilabas at pigilan ang halimaw na iyon bago pa maghasik ng lagim iyon!" Sambit ni Van Grego sa determinadong boses.

"Oo nga, kapag marsting nito ang Blood Awakening Stage ay lalabas ang bloodline nito mula sa Purple Rain Dragon." Kasuwal na sambit ni Master Vulcarian na animo'y hindi alintana ang problemang ito.

"Purple Rain Dragon? Bakit Master hindi niyo po sinabi sakin agad?" Sambit ni Van Grego na halos magimbal sa sinabi nito.

"Haha, hindi naman ito direct descendant ng Purple Rain Dragon at siguro tutubuan lamang siya ng pares na pakpak at lalaki ang katawan nito." Mahinahong sambit ni Master Vulcarian.

"Ano?!!!, Master naman eh, ano tingin mo sa'min na may mababang cultivation level? Kaya ba namin iyon?" Sambit ni Van Grego na halatang nainis siya kay Master Vulcarian.

"Oo na, mali na ko tsaka pinaalala ko na nga sa'yo okay. Dalian na natin bago pa humilom ang sugat ng halimaw na yun." Sambit ni Master Vulcarian. Agad na nawala ang mindlink na nagdudugtong sa kanila ni Van Grego.

Naiinis pa rin si Van Grego ngunit mabilis niyang ipinawala ito at ikinalma ang kanyang sarili.

Mabilis niyang tinungo ang tirahan ng Purple Rain Lion.

Maya-maya pa ay narating nito ang tirahan nito. Maingat siyang pumunta rito. Nakita niyang natutulog ang halimaw.

Mabilis siyang nagsagawa ng skill.

Water Whirlpool Skill: Expansion!

Mabilis na namuo ang Water Whirlpool sa ilalim ng natutulog na Adult Purple Lion ngunit mabilis itong nalaglag pailalim sa loob ng Water Whirlpool. Mabilis nitong isinara ang malaking butas ng water whirlpool.

Agad na kinontrol ni Van Grego ang Water Whirlpool habang nagsagawa siya ng kanyang movement technique.

Nang lumabas si Van Grego ay mabilis siyang napasuka ng maraming dugo. Matinding sakit ang kanyang nararamdaman. Nakikita niya kung paano tumagas at magkaroon ng butas-butas ang higanteng water whirlpool.

Mabilis niyang kinontrol ang Water Whirlpool at ibinangga ito sa matigas na bahagi ng kuweba.

"BANG! BANG! BANG!"

Sunod-sunod na pagkakaroon ng pagsabog ng mga tipak ng bato at makikita ang Purple Rain Lion na galit na galit na nakatingin kay Van Grego.

"Van Grego, mag-ingat ka. Higit na lumakas ang Purple Rain Lion ngayon. Hindi maaari... Malapit na itong makatapak sa Bloodline Awakening Stage!" Nababahalang sambit ni Master Vulcarian.

"Umalis na tayo bata, hindi mo kaya ito tsaka sugatan ka na rin!" Sambit ni Master Vulcarian habang may pag-aalala sa boses nito.

"Hindi ko siya hahayaang mabubuhay Master, alam mo kung ano ang maaaring mangyari kung patuloy na mamumuhay ang halimaw na ito rito!" Sambit ni Van Grego sa mapait na tono ng boses.

Agad namang may namuong enerhiya na bumalot sa buong katawan ng Purple Rain Lion.

"Buwiset na halimaw na to. Van, mag-ingat ka. Gagamitin na ng pangahas na halimaw na ito ang lahat ng meron siya. Natandaan ka niya!" Sambit ni Master Vulcarian ng makita sng pangyayaring ito.

Mabilis na sumugod ang Purple Rain Lion habang binabalutan siya ng kulay ubeng apoy. Ang Purple Fire.

Agad namang binalot ni Van Grego ang kanyang sarili ng pinaghalong apoy ng kanyang katawan.

Bago pa makarating ang halimaw sa kanya ay mabilis na ginamit ni Van Grego ang kanyang movement technique. Mabilis siyang nagiba ng direksiyon.

"Fire Skill: Fire Fusion Whip!"

Agad na ginamit niya ang kanyang fire fusion whip upang hablutin ang paa ng Purple Rain Lion. Agad niyang hinagis ang halimaw sa kabilang direksiyon ng pwersahan.

"BANG!" Tunog ng pagsabog dahil sa pagbagsak ng Purple Rain Lion.

Agad na bumangon ang halimaw at nagwika.

"Ang mahihinang tao ay napakainteresante. Hindi na rin masama para sa katulad mo. Magiging pataba ka sa'kin bata hahaha!!!" Sambit ng Purple Rain Lion habang humahalakhak.

"Nagsasalita ka pala, tsaka wala kang kwenta. Kumpara sa pinatsy na Black Terra Spiders ay masyado ka pang mahina!" Mahinahong sambit ni Vna Grego habang nakatingin sa Purple Rain Lion na nakatayo na.

Agad namang nagulantang ang Purple Rain Lion sa sinabi ng batang nasa harapan niya.

Maya-maya pa ay tumawa ito ng malakas.

"Hahahahaha!!! Ikaw matatalo mo ang Black Terra Spiders? Nanaginip ka ata bata, hindi mo alam ang tunay na lakas ng Black Terra Spiders!" Sambit ng Purple Rain Lion habang galit na galit itong nakatingin kay Van Grego.

Mabilis na nawala ang Purple Rain Lion sa kaniyang kinaroroonan.

"Agad namang nararamdaman ni Van Grego ang paparating sa kanyang harapan. Wala na siyang oras upang umiwas

"Water Whirlpool Technique: Water Shield!

Agad na nakaramdam si Van Grego ng sobrang sakit sa kaniyang katawan bago siya tumalsik sa malayo.

"Ahhhhhh!" Sigaw ni Van Grego ng maramdaman niyang halos magkandabali-bali ang mga buto niya sa katawan.

"Bata, papatayin mo ba ang sarili mo. Umalis na tayo rito." Sambit ni Master Vulcarian habang makikita ang nag-aalalang boses nito.

"Hindi. Ako. Aalis!" May diing sambit ni Van Grego habang mabilis nitong sinarado ang isip niya. Sinubukang ikonekta ni Master Vulcarian ang kanyang isip sa isip ni Van Grego ngunit nabigo siya.

...

"Pasaway na bata, ano ba ang ginagawa niya? Mamamatay siya sa padalos-dalos nitong desisyon." Sambit ni master Vulcarian habang nakaupo ito sa isang trono sa loob ng Myriad Painting. Para kasi sa kaniya ay isa itong suicidal attempt o padalos-dalos na pagdedesisyon. Sa kanyang estimasyon ay