"Hindi kita uurungan halimaw! Pangahas ang mga plano mo!" Sambit ni Van Grego habang galit itong nakatingin sa Purple Rain Lion. Pinilit niyang makatayo. Hindi niya alam na mayroong skill ang halimaw na ito, amg Purple Rain Punch.
"Magaling magaling magaling, nalaman mo ang aking plano pero kaya mo ba kong pigilan? Isa ka lamang kuto na nagtatapang-tapangan sa harap ko. Lahat ng nasa loob ng Mystic Realm na ito ay magiging pataba ko. Bumalik na ang aking alaala, inilagay ako ng lalaking iyon para lumakas sa loob ng Mystic Realm na ito hahahaha!" Sambit ng Purple Rain Lion habang natatawa. Sa ugali at pananalita pa laamng ng halimaw na ito ay siguradong hindi ito umaatras sa anumang laban maging sa layunin nitong lumakas pa lalo. Sa harap ng batang si Van Grego ay hindi nito nakikita ang anumang banta dahil parang maliit lamang na insekto ang batang ito sa kaniya na kayang-kaya niyang tirisin anumang oras na gugustuhin niya.
"So, hindi ka pala natural na naririto. Sino ang lalaking iyon? Sa labas ba siya ng Mystic Realm na ito?!" Sambit ni Van Grego habang takang-taka.
"Oo, Shiba ang pangalan niya. Siya ang nag-alaga sa akin. Tinuring niya kung alipin at sunod-sunuran sa gusto niya. Sa oras na lumakas ako ay kakainin ko siya katulad ng iba. Sa ngayon, uumpisahan ko sa'yo." Sambit ng Purple Rain Lion habang nakangisi. Mabilis itong nawala sa hangin na agad namang mararamdaman sa kapaligiran ang ibayong tensyon na nagsusumigaw sa banta at kamatayan.
Agad namang lumayo si Van Grego sa lugar na ito gamit ang Falcon Wave Movement Technique. Mabilis niyang kinuha ang isang Red Fury Profound Seedling. Agad na may lumabas na napakainit at nagbabagang apoy dito.
Nang makita ito ng Purple Rain Lion ay nahintatakutan siya. Isa sa natural na kaaway o nemisis ng lahi ng Purple Rain Dragon ang Red Fury Dragon.
Agad na pumasok sa tiyan ni Van Grego ang Red Fury Fire energies at lumubo ang tiyan nito.
Ang buong katawan ni Van Grego ay nabalot ng kakaibang apoy na mula sa Red Fury Dragon. Ang mata niya ay nabalot ng nagbabagang apoy.
Agad na natigilan ang Purple Rain Lion sa hindi kalayuan.
"Hindi maaari, paano ito nangyari?! Hindi ka ordinaryong batang Martial Artists!" Sambit ng Purple Rain Lion habang pinagtagpi-tagpi ang bawat pangyayari. Una ay gumagamit ito ng Water Skill at Fire Skill na hindi naman pangkaraniwan. Sa batang gulang nito ay nakakagamit na ito ng Escape Technique at Skills nito. Dito niya napatunayan na hindi ito mula sa pangkaraniwang pamilya o angkan ng mga tao. Isa itong monstrous genius na hindi pa nakikilala ng lahat. Nahintatakutan siya sa pangyayaring ito. Lung ikukumpara siya sa mga ordinaryong mga kabataan ay walang paanma rito ang iba liban na laamng sa mababa nitong Cultivation Level na lubos niyang ikinapagtataka.
Maya-maya pa ay mapansin niya ang misteryosong bata na si Van Grego ay papunta sa kanya habang ramdam niya ang nagbabagang enerhiya mula sa katawan nito.
"Fire Skill: Red Fury Dragon Roar!"
Agad na bumuga ng pambihirang apoy si Van Grego papunta sa kinaroroonan ng Purple Rain Lion.
"ROARRRR!" Umalingangaw ang sigaw ng isang dragon sa buong lugar sa Mystic Realm na ito. Ang lahat ng mga nilalang ay nahintatakutan maging ang mga batang Martial Artists na may ginagawa ay huminto at nagtago. Ang sigaw ng dragon ay sariwang-sariwa pa rin sa puso't-isipan nila lalo na ang anim na Bat Race na nakarinig noon ng dragon Roar. Sigurado silang ito yun.
...
Halos manghina si Van Grego sa binitawan niyang skill. Kitang-kita kung paano tupukin ang Purple Rain Lion. Kahit na sabihing malakas ang kaniyang skill ay mahina naman ang kaniyang antas at mura pa ang kaniyang katawan upang magamay ang pambihirang skill na ito. Hindi nga niya alam kung bakit sa oras na gumagamit siya ng skill na ito ay maging siya ay sobrang naaapektuhan nito. Kahit na isa lamang itong skill na katulad lamang sa Red Fury Dragon ay hindi niya maipagkakailang masyadong malakas ito kumpara sa iba niyang mga skills at isa pa ay halos maubos ang fire energies sa katawan niya kapag ginamit ito. Sa hinuha niya ay nasa 9% lamang ang kaya niyang gawin rito ngunit sobrang lakas na nito. Kaso nga lang ay para sa mga dragon lamang o may lahing mga dragon lamang ang maaaring makagamit ng buong lakas ng mga Dragon Skills. Nasa 50% lang ang kayang gawin ng sinumang hindi binayayaang maging isang dragon o dragon bloodline kung kaya't walang kwenta rin ito sa mga nagpaplanong hasain ito sa isang daang porsyento o mas mataas pa.
Maya-maya pa ay inilibot niya ang kaniyang paningin at nakita niya sa di kalayuan ang sugatang Purple Rain Lion.
"Buwiset kang bata ka, paano mo nagamit ang fire enegies ng isang dragon?! Hindi maaari! Isa ka lamang ordinaryo at basurang bata. Anong ginagawa mo rito? Kung malalaman ito ng karamihan lalo na ng mga Hybrids ay siguradong huhulihin at papaslangin ka nila hahahaha..." Sambit ng Purple Rain Lion sa mapanghamak na boses ngunit agad na nahintatakutan ito ng bigla niyang nararamdaman na may humihila sa kanya pailalim.
"Aalisin na kita rito at ibabalik sa labas ng Mystic Realm na ito. Ang inyong ginawang kalapastanganan ay hindi mapapantayan. Tsaka naakkatawa pala ang banta mo noh hahahaha... Halos nawasak ko na ang foundation mo maging ang fire energies sa katawan mo na pumasok ay halos sirain na ang bawat kaloob-looban mo maging ang enerhiyang pinagkukunan mo ng lakas pero nakahambog at arogante mo pa rin halimaw hahaha... Nakakatawa! " Sambit ni Van Grego ng makahulugan. Halatang may galit sa boses nito. Sino ba naman ang hindi, magiigng isang total massacre ang buong lugar na ito kung magiging sobrang lakas ng halimaw na ito. Hindi niya papayagang hindi niya mailabas ang Purple Rain Lion dito at maghasik pa ng lagim.
"Hindi! Magbabayad ka, humanda ka kay Shiba, sigurado akong babalikan ka niya! Hindi!!!!!!!!" Umaalingawngaw na maoanghamak na tono ng boses ng Purple Rain Lion habang mabilis din itong nilamon ng suction force ng Interstellar Dimension.
"Shiba, magbabayad ka sa ginawa mo. Pagkatapos ng isang buwan ay magtutuos na rin tayo. Wala kang kasing sama!" Sambit ni Van Grego habang kinakalma ang kanyang sarili. Ang ginawa ni Shiba para kay Van Grego ay isang suicidal attempt. Gusto niyang gawing pain ang bawat batang Martial Artists upang palakasin ang Purple Rain Lion ngunit hindi niya alam na mas masama pa ang Purple Rain Lion sa inaakala nito.
"Bata, nasaksihan ko ang lahat ng pangyayari pero bakit mo yun ginawa. Isang totoong life and death situation ito. Pinag-alala mo talaga ako!" Sambit ni Master Vulcarian.
"Alam ko ang ginagawa ko Master, hindi ba't may pambihirang bagay ako rito? Sino sa tingin ng basurang Purple Rain Lion ang kinakalaban niya? Tsaka andiyan ka naman Master. Sa lahat ng mga nilalang ay ikaw at ikaw lamang ang aking palaging maaasahan." Seryosong sambit ni Van Grego habang huminga ng malalim. Huminga siya dahil ang laban na ito ang mas nagpabukas sa kanyang isip na hindi dapat katakutan ang malakas bagkus gawin ang tamang gawin at huwag tumakbo sa oras ng malaking unos.
"Tama ka bata pero pinag-aalala mo ko. Alam mo yun, gigil na gigil na ko sa halimaw na yan at sa Shibang yun. Alam mo bang mahirap na sitwasyon ang pinasok mo Van? Baka sa pagiging makatarungan mo ay malagay ka naman sa alanganin lalo na sa bingit ng kamatayan. Gagawin mo ba Van?" Sambit ni Master Vulcarian.
"Oo naman, tsaka damay na rin ako dito. Alam mo naman master na kapag pinabayaan laamng ito ay maulit-ulit ito. Hindi lamang ang kontinenteng ito ang madadamay maging ang iba pang mga kontinente.
"Paano ka nakakasigurong may iba pang kontinente?!" Sambit ni Master Vulcarian.
"Luh, diba sinabi niyong nasa West Region tayo. Gusto kong makita at lakbayin ang ibang Region lalo na ang Central Region na tinatawag na Great Region. Alam kong sa paglalakbay kong ito ay makikita at mararanasan ko ang iba't-ibang sirkumstansya at daloy ng buhay rito sa Lower Realm." Sambit ni Van Grego habang masayang nagsasabi kay Master Vulcarian.
"Oo tama ka, mayroon pang Northen Region, Eastern Region at Central Region. Kailangan ming lumakas bata para malakbay mo ito lahat. Habang bata ka pa ay mas mataas ang potensyal mong lumakas." Sambit ni Master Vulcarian habang may seryosong paalala kay sa batang si Van Grego.
"Opo Master, naintindihan ko po!" Sambit ni Van Grego haabng nakangiti. Agad na nitong nilisan ang lugar. Ang lugar kung saan ay nasaksihan ang buong tapang na pakikipaglaban ng isamg bata laban sa isang malakas at makapangyarihang Martial Beast.
Pagkatapos ang nakakatakot na pangyayari sa paglalakbay ni Van Grego lalo na sa paglaban nito sa Adult Purple Rain Lion ay itinuon niya ang kanyang sarili sa pagcucultivate. Dito ay nakita niya ang kanyang sariling patuloy na umuunlad sa pamamagitan na rin ng pag-aaral ng konsepto ng tubig at apoy. Medyo ini-stabilize niya ang kanyang cultivation foundation sa kanyang katawan.
Nagkaroon siya ng Diamond Vajra Body kung kaya ang Diamond Rank ang pinaka-crucial at pinakaumpisang rank kung saan ay makakayanan niyang magcultivate ng tatlong Cultivation System. Kung ayaw niyang naging shaky o mahina ang pundasyon ng katawan niya ay kailangan niyang mag-ingat lalo na sa pagkain ng mga pills na mayroong mga negative effects lalo na ang mga impurities na humahalo sa pill. Kahit na gumagawa si Van Grego ng mga pills ay hindi niya ito kinakain o nginunguya ng basta-basta dahil maaaring dumami at bumara ang mga impurities nito sa kanyang katawan.
Mabuti na lamang at nailabas niya ang mga impurities niya sa katawan. Kung hindi ay magrereproduce ito at maaaring maging lason sa kanyang katawan habang lumalaki siya.
"Bata, kailangan mong magbreakthrough sa 2nd-Star Diamond Rank, hindi maaaring mag-overflow ang Astral energies mo sa katawan. Kung mangyayari iyon ay hindi ka na maaaring maka-cultivate sa Soul Forging System dahil naoccupy nito ang energy pockets ng soul energies. Dalian mo, hatiin mo ang iyong energy pockets sa tatlo, alam kong hindi madali ito pero kailangan mong gawin ito." Sambit ni Master Vulcarian habang nababahala. Tatlong linggo na kasi siyang walang tigil sa pagcucultivate ngayon ay napuno na ang kanyang katawan ng astral energies.
"Opo Master!" Magalang na sambit ni Van Grego habang mabilis na ikinalma ang kanyang sarili at nagpukos sa kanyang estado ng katawan.
Nakita ni Van Grego na ang kanyang Astral energies ay puno na. Kailangan niyang hatiin ang energy pockets ng kanyang katawan sa tatlong bahagi. Agad siyang nagconcentrate at gamit ang kanyang divine sense ay kinotrol niya ang kanyang enerhiya at gumawa ng patalim na gawa sa pinaghalong dalawang apoy. Dalawang patalim ito. Mabilis na hiniwa niya ang kanyang energy pockets sa tatlo.
"Argghhhh!" Sambit ni Van Grego habang iniinda ang sakit na kanyang nararamdaman. Ewan ba niya pero nanlalabo ang kanyang mata. Halos naging blangko ang kanyang isip. Ito ang pinakamahinang estado ni Van Grego lalo pa't siya mismo ang humiwa sa sarili niya energy pockets. Ang kanyang enerhiya, mortal na katawan at soul ay inihiwalay sa magkakaibang sisidlan. Dito ay malalaman mo na kung ano ang kasakit ang hiwalayin ang iyong sarili sa tatlo.
"Wag kang matulog Van pakiusap dahil magkakaroon ka ng Qi Deviation na magreresulta sa pagkawala ng iyong sarili. Gamitin mo ang tatlong Cultivation Methods na natutunan mo at ang konsepto ng tubig upang linisin ang iyong energy pockets. Sambit ni Master Vulcarian gamit ang divine sense. Nararamdaman niya ang halos paghina ng fires of Life ng batang si Van Grego. Ang sakit na nararamdaman nito ay nasa tatlong aspeto ng astral, essence at soul energies ng sabay-sabay. Dito ay nagkaroon ng labis na paggulo ng tatlong magkakaibang enerhiya na nagresulta ng leakages at pagkakaroon ng bayolenteng reaksyon ng enerhiya sa bawat paghalo ng mga ito.
Naramdaman ni Master Vulcarian na walang tugon si Van Grego. Halos nag-aalala na siya. Ewan pero nakaramdam siya ng lungkot at takot. Kasi bilang isang master ay hindi niya isinasaalang-alang ang mga aspetong mayroon ang batang si Van Grego at kung ano ang kakulangan nito. Sa madaling salita ay siya mismo ang nagkulang sa pag-analisa ng mga bagay-bagay na ikakabuti ba ng bata o ikasasama nito.
Dito na ba matatapos ang lahat? Alam niyang naging mabuting bata si Van Grego maging sa mga nakapaligid sa kanya. Sumugal ito upang lumakas. Ewan pero naramdaman ni Master Vulcarian na wala ng pag-asa. Alam niyang imposibleng marinig siya ni Van Grego dahil mabilis na namamatay ang apoy ng buhay nito. Mula sa matingkad na kulay ng apoy at naging halos malabo na ito ay napakaliit. Nakakalungkot man isipin ngunit may parte sa puso ni Master Vulcarian na naniniwalang may himala o milagrong mangyayari kasi ito na lamang ang makakpitan niya. Kung sakaling malagay nga sa bingit ng kamatayan ang buhay nito at mamamatay ito sa kasalukuyan ay siguradong wala na talagang pag-asa na mangyayari ang lahat ng ito, ang mga planong niyang nais niyang bumalik sa lugar na dapat niyang kinabibilangan. Sino ba naman ang gugustuhing tumira sa lugar kung saan alam niyang hindi siya nabibilang rito.