Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 130 - Chapter 25

Chapter 130 - Chapter 25

Bigla na lamang naramdaman ni Master Vulcarian na biglang nawala ang koneksyon niya sa labas. Bigla niyang naramdamang dumilim ang buong kapaligiran. Bigla niyang naramdamang yumanig ng malakas ang loob ng Myriad Painting. Maya-maya ay binalot ito ng kadiliman. Mkstulang huminto ang takbo ng oras. Naramdaman ni Master Vulcarian na may nangyayaring kakaiba sa labas, sa katawan ng batang si Van Grego.

...

Sa isang tagong lugar na ito ay nakabimlay ang batang si Van Grego. Ang katawan nito ay nagliwanag na parang diyamante. Ito ang kanyang Diamond Vajra Body. Ang katawan nitong diyamante ay biglang nag-iba ang kulay at naging kulay ng abo. Biglang nagpalit ang katawan nito sa animo'y kulay abong papel. Ang mga rune symbols ay biglang lumitaw sa katawan ni Van Grego. Bigla itong lumipad sa paligid na animo'y mga ibon. Malaya, payapa at napakagandang tingnan dahil sa dami nito.

Unti-unting pumalibot sa katawan ni Van Grego ang iba't-ibang rune symbols. Nagkaroon ng maliit na pabilog na hugis at maya-maya pa ay may namuong medyo malaking pabilog na rune symbols muli hanggang sa may mga malaking pabilog na rune symbols. Dito ay unti-unting lumiwanag at bilang nagcompress ito papunta sa dibdib ni Van Grego. Dumikit ito sa balat ni Van Grego at lumubog.

Ang katawan ni Van Grego ay unti-unting bumalik sa normal. Maya-maya pa ay nagkaroon ng bitak-bitak sa katawan nito at naging abo. Kitang-kita ngayon ang ash particles na katawan ni Van Grego. Nakita ni Van Grego na ang kanyang sariling katawan kung paano natunaw at naging purong abo. Nahintatakutan siya dahil tanging ang kanyang divine sense lamang ang natira at wala siyang katawan. nakita niya ang maliit na halaman na mayroong maliit na cube-size.

"Anong klaseng halaman ang tumubo sa loob ng dantian ko at bakit parang buhay na buhay ito. Ang Myriad Painting ay hindi nito binibitawan, paanong nangyari iyon? Ang katawan ko? Anong nangyayari?" Sambit ni Van Grego habang nakikita nito ang kalunos-lunos na sinapit ng kaniyang katawan.

Maya-maya pa ay biglang nagkaroon ng maliliit na maliwanag na enerhiyang umulan sa abong katawan ni Vam Grego. Maya pa ay biglang gumalaw ang mga abo na animo'y sumasayaw. Biglang humulma ito na animo'y katawan.

Tatlong araw ang itinagal ng prosesong ito. Ngayon ay kitang-kita na kung paano bumalik sa dati ang katawan ni Van Grego. Mas kuminis ito at bahagyang lumaki ang katawan ni Van Grego. Ang katawan nito ay nagkaroon ng masaganang enerhiyang dumadaloy sa iba't-ibang parte nito.

Maya-maya pa nakita ni Van Grego ang sarili na nakapikit. Agad niyang iminulat ang kanyang mga mata. Ramdam niyang mas Lumakas siya.

Maya-maya pa may narinig siyang boses mula sa kanyang isipan, ang mindlink.

"Bata, anong nangyari sa iyo kanina? Akala ko ay namatay ka na!" Nag-aalalang boses nito habang nagsasalita.

"Akala ko nga master eh pero..." Sambit ni Van Grego habang sinalaysay niya ang buong pangyayari.

"Anong sabi mo bata?! Anong klaseng sikretong meron ang katawan mo. Akala ko ay dahil sa wala kang talento kung kaya ang bagal mong magcultivate at magbreakthrough yun pala ay iba ang cultivation system na sinusunod ang katawan mo. Mayroon akong ideya tungkol sa iyong kalagayan lalo na Cultivation System na nangyayari sa katawan mo. Hindi ko alam ang eksaktong pangalan ng Cultivation System mo, ang alam ko lang ay ang kasalukuyan mong antas. "First Stage Diamond Life Destruction Rank" ito ang simula ng pagcucultivate ng isang Martial Artists. Ang Cultivation System na ito ay hindi angkop para sa sinuman na naririto dahil hindi ito sakop ng Heavenly Dao Laws sa dimensiyong ito." Sambit ni Master Vulcarian habang pinagtagpi-tagpi ang bagay na ito.

"So, ang sinasabi mo po Master ay kakaibang Cultivation System ang meron ako? Na hindi ako angkop na ibahin ang Cultivation System ko?!" Malakas na sambit ni Van Grego. Gulong-gulo ang isip niya.

"Oo, hindi nababagay sa'yo ang alinmang Cultivation System ng alinmang lahi na nakatira dito kahit sa matataas na mundo. Ang tanging kasagutan sa tanong mo ay nakasalalay sa'yo kung mapupuntahan mo ang matataas na mundo pero hindi magiging madali iyon para sa iyo.

"Ano po'ng hindi madali Master? So hindi ko na mapagpapatuloy ang Cultivation ko?" Sambit ni Van Grego sa malungkot na boses.

"Oo pero dahil kasama mo ako ay hindi ko hahayaang tumigil ka lalo pa't alam kong isa kang espesyal na nilalang. Hindi ka nabibilang rito ngunit alam kong pinagtagpo tayo ng tadhana. Wag kang mag-alala dahil mayroon akong ninakaw na mahahalagang bagay na siguradong makakatulong sa iyo bata." Masayang sambit ni Master Vulcarian.

"Talaga po Master? Ano po ang bagay na iyon? Bakit niyo ninakaw?" Sambit ni Van Grego habang makikita sa mukha nito ang labis na pagtataka.

"Ninakaw ko ang tatlong piraso ng Golden Pages. Ang tatlong ito ang mga paunang pahina ng Holy Scriptures na pagmamay-ari namin. Hindi ito pagmamay-ari ng sinumang lahi kahit kami. Tanging tagapangalaga lang kami. Ang Holy Scriptures na ito ay mayroong madaming pahina na sagrado para sa amin. Ang pangyayaring iyon ay hindi ko maaaring isiwalat sa iyo. Wala akong masamang intensyon kung bakit ko iyon ninakaw." Malungkot na turan ni Master Vulcarian habang makikita sa boses nito na may madilim na istorya ang kaniyang buhay.

"Opo Master, naiintindihan ko po. Ang pagkakaalam ko ay mahina pa ko at hindi magandang pangunahan ko ang sitwasyon." Magalang na pagkakasabi ni Van Grego.

"Wag na tayong magdramahan pa dito. Buksan mo ang iyong isipan at ilalagay ko dito ang impormasyong gusto mong malaman sa Cultivation System mo sa kasalukuyan, Ang Diamond Life Destruction Rank." Sambit ni Master Vulcarian.

Agad namang sumang-ayon si Van Grego at mabilis niyang binuksan ang kaniyang isipan partikular na ang kanyang memorya. Dito ay naramdaman niyang may pumasok na bagong kaalaman sa kanyang isipan, ang impormasyon patungkol sa Diamond Life Destruction Rank. Ang pangyayaring ito ay tugma sa nangyari sa kanya. Nalaman niyang totoo ang sinabi sa kanya ni Master Vulcarian. Iba ang Heavenly Dao Laws na kanyang sinusunod. Dito ay nalaman niyang hindi siya sakop ng mundong ito o batas nito. Kaya pala hindi siya naapektuhan ng seal ng Hyno Continent o ng kahit anumang balakid dito.

"Master, totoo pala ang iyong sinabi, pero mahahanap ko kaya sa Holy Scriptures kung saang dimensiyon ako nagmula? Ang aking tunay na mga magulang o kung ano pa?!" Sambit ni Van Grego habang makikita ang pag-asa sa mukha niya." Sambit ni Van Grego.

"Hindi ko masasagot ang tanong mo bata, ang alam ko lang ay makakatulong ng malaki ang Holy Scriptures na nasa Celestial Realm ngunit hindi ito mapapasok ninuman kahit na ang mga Divine Realm Martial Art Experts ay mahihirapan upang butasin ang space barrier na humaharang papunta doon liban na lang kung mayroon siyang Celestial Badge ngunit imposible iyon dahil hindi basta-basta iyon ibinibigay at hindi iyon nabibili." Malungkot na saad ni Master Vulcarian habang ipinapaliwanag kay Van Grego.

"Yun pala ang dahilan kung bakit hindi agad-agad makakatawid sa isang Realm o Domain ang isang Martial Art Experts. Kailangan pala ng badge." Sambit ni Van Grego.

"Tama at mali ang sinabi mo bata. Ang badge ay isang importanteng bagay na nagawa sa space barrier. Isa itong produkto na bilang lamang o limitado. Ang pagtawid sa mataas na Realm ay hindi nangangailangan ng badge bagkus ay isang malaking Space Channels na siyang direktang daan papunta sa ibang Realms ngunit nangangailangan ito ng energy source/ energy fuel halimbawa rito ay ang essence stone na currency ng mundong to.

"Ah, yun pala master, naiintindihan ko po!" Sambit ni Van Grego habang masaya ito sa kanyang nalaman.

"Magcultivate ka muna bata. Pasensya na at mali ang aking naging hinuha na 1st-Star Diamond Rank ka noong nakaraang buwan, ngayon ay binabati kita dahil nasa 1st Stage Diamond Life Destruction Rank ka na. Ang bawat pagtaas ng rank mo ay katumbas ng pagtaas ng iyong lakas. Hindi basta-basta ang iyong lakas dahil makakaya mong haluin at pagsabayin ang tatlong pinagsamang enerhiya ng astral, essence at soul.

"Talaga po Master?! Makakaya ko yun?!" Manghang tanong ni Van Grego.

"Oo, kakasabi ko lang tsaka basahin mo nga iyong pinasa ko sa memorya mo at stabilize ang iyong Cultivation foundation." Sambit ni Master Vulcarian habang makikita ang inis sa boses nito.

"Opo master, pasensya na po Master." Sambit ni Van Grego habang nagkakamot ng kanyang batok.

"Wag kang tatamad-tamad sa pagcucultivate dahil ang Cultivation System mo ay kakaiba at napakalakas ngunit hindi ibig sabihin nito ay madali ang iyong pagdadaanang hirap para lumakas pa lalo. Aalis tayo pagkatapos ng buwang ito, ayaw mo naman sigurong hindi balikan ang tabachoy mong kaibigan hindi ba?" Sambit ni Master Vulcarian haabng pinapaalala kay Van Grego na tapos na ang isang buwan nito at ang matabang kaibigan nito na andun pa rin sa kanilang tagong lugar.

"Opo Master!" Masayang sambit ni Van Grego. Walang tigil siya sa pagcucultivate at pag-eensayo ng kanyang mga technique at konsepto.

...

Lumipas ang isang linggo na siyang palugit at kasalukuyang nagcucultivate ang batang si Van Grego.

C

"Oras na bata para umalis tayo. Bubukas na ang Mystic Realm ilan pang araw mula ngayon. Ayaw mo bang samahan ang tabachoy mong kaibigan upang manguha ng mga pambihirang sangkap?" Paalala ni Master Vulcarian.

Agad namang ipinawala ni Van Grego ang kanyang nakakalat na enerhiya sa paligid na tanda na itinigil nito ang kanyang pagcucultivate.

"Sige po Master!" Sambit ni Van Grego at ginamit ang kanyang Falcon Wave Technique. Kapansin-pansin na umunlad ang kanyang movement technique lalo na at may kasama na itong konsepto ng tubig. Ang alon na gawa noon sa hangin ay may kasama itong konsepto ng tubig. Mas bumilis na galaw niya.

Ang totoo niyan ay patungo na sa thresholds ng Level 2 ang konsepto ng apoy at tubig ni Van Grego. Napag-usapan na nila ni Master Vulcarian na ipagpaliban muna ang pag-aaral niya sa konsepto ng Space at Time dahil mas mahirap itong matutunan at hindi angkop ang Cultivation Level ni Van Grego kung pag-aaralan niya ito. Ang konsepto ng apoy ang nagligtas sa kanya laban sa panganib noon kung kaya't medyo pinag-aralan ni Van Grego kung paano ito i-execute ng tama.

Ilang oras ang nakalipas at nakita ni Van Grego ang sekretong taguan nila ni Fatty Bim na umuusok. Mayroon siyang hindi magandang kutob dahil dito. Agad siyang pumunta sa kinaroroonan ng kanilang sikretong tagong lugar.

Agad na narinig ni Van Grego ang boses ng isang batang Cultivator. Pamilyar sa kanya ang batang ito. Nakinig muna siya at nagmatyag sa paligid

"Hehe... Hindi ko aakalaing dito ko ikaw matatagpuan taba, alam mo bang natakot ako sa kasama mong batang lalaki pero ngayon ay hindi mo kasama. Tsaka masuwerte ako at may pambihirang Martial Beasts na kasama mo hehe... Akin na lang yan at pababayaan kitang umalis ng mapayapa sa lugar na ito." Sambit ng nakamaskarang itim na bata haabng kitang-kita ng kanyang pares na mata ang batang Purple Rain Lion. Ramdam niyang malakas ito at mayroong dugo ito ng isang malakas na halimaw pero hindi alam kung anong klaseng Martial beasts ito. Kung mapapasakanya ito ay siguradong lalakas ang kanyang kabuuang lakas. Naiisip niya palang ito ay halos kumulo ang dugo niya sa kagalakan.

"Hindi ko ito ibibigay sa inyo. Dadaan muna kayo sakin bago niyo makuha si Firin!" Sambit ni Fatty Bim habang lumulubo ang mukha nito dahil sa galit. Bigay ito sa kanya ng kanyang kaibigang si Van Grego at sa konting panahon ay napamahal na sa kanya ang Purple Rain Lion. Ayaw niyang ibigay ito sa kahit na sinuman.

Agad namang napatago ang Pure Rain Lion sa likod ni Fatty Bim.

Ang nakangising mukha ng nakamaskarang bata ay napalitan ng galit dahil halos namula ang mata nito.

"Alam mo sana taba kung anong Race ako nabibilang. Ang Vampiric Bat Race. Gusto mo bang kalabanin ang Vampiric Bat Powerhouse na aking kinabibilangan? Ako si Shiro, ang nakababatang kapatid ni Shiba. Ibibigay mo sakin ang Martial Beasts na hawak mo o ako mismo ang sapilitang kukuha ng halimaw na yan." Sambit ni Shiro habang makikitang tumatagal ang oras na kanyang nasasayang.

Napatahimik naman si Fatty Bim sa kanyang narinig. Hindi niya aakalaing nakababatang kapatid ni Shiba ang lalaking kaharap niya na Shiro ang pangalan. Sa oras na lumabas siya ay siguradong hahabulin siya at papatayin. Ito ang gumugulo sa kanyang isipan.

Biglang namang may nagsalita sa sampong kasama ni Shiro. Siguro ay mas madami pa ito sa paligid. Ginamit nito ang estado niya upang mang-ambush at mangikil ng kayamanan ng ibang batang cultivators rito at ni-recruit upang lumakas ang kanyang puwersa.

Agad na kinuha ni Shiro ang dalawang patalim na nakatago sa kanyang roba at mabilis na ipinatama sa direksiyon ni Fatty Bim.

Halos matulala si Fatty Bim lalo pa't kung iiwasan niya ito ay siguradong aatakehin din siya ng mga alagad ni Shoro na nakakalat sa paligid.

Handa na siyang saluhin ito ng bigla na lamang may pwersang tumama sa daalwang patalim at nasira.

Agad na nakita ni Fatty Bim na may lumalakad isang nilalang sa kanyang likuran. Agad niya itong hinarap. Nakita niya si Van Grego na kaibigan niya. Halos maluha siya dahil akala niya ay iniwan siya nito at akala niya ay katapusan niya na.

"Bakit hindi mo ko inimbita Shiro sa kasiyahang ito. Hindi ba tayo magkaibigan?!" Sambit ni Van Grego habang nakatingin kay Shiro. Makikita ang mahinahon nitong ekspresyon.

Halos masindak si Shiro ng makita niya ngayon ang misteryosong lalaking lumaban sa Adult Purple Rain Lion. Mahinahon lamang ito ngunit alam ni Shiro na peke lamang ang panlabas nitong kaanyuan dahil ang batang ito ay isang mandirigmang kayang makipagsabayan sa malakas na Martial Beasts. Ayaw niyang magpakasiguro dahil parang may nagbago sa batang lalaki na nasa kanyang harapan.

"Hahaha... Bakit ang isang lampang katulad mo ay nakisawsaw sa aming ginagawang ito?! Ako mismo ang tuturo ng leksiyon sa'yo! Hyahhh!" Sambit ng isang alagad ni Shiro. Mabilis nitong binunot ang kanyang espada at agad na iwinasiwas at ipanatama sa katawan ni Van Grego sa marahas na paraan.

Nasa likod lamang si Fatty Bim ni Van Grego. Ramdam niya ang lakas ng atakeng ipinatama ng batang lalaki kay Van Grego.

"Van, mag-iingat ka!" Malakas na sambit ni Fatty Bim ngunit nakita niyang hindi umiwas ang kaibigan niyang si Van Grego na siyang nagpalaki sa kanyang pares na bilugang mga mata.