Sa ilang araw na paglalakbay nila ni First Elder Ramon kasama ang iba pang Elders ng Grego Clan ay kakikitaan ng pangangayayat ang mga ito. Lalo pa't pinagsisihan niya maging nila ni Fourth Elder Glemor maging ni Second Elder Kirina at ni Fifth Elder Elmo. Mali sila ng kinampihan maging ang pagiging sunud-sunuran nila. Ginawa lamang silang panangga ni Jack Mirusa para mapatay nila lahat ng mga pamunuan ng mga Second Rate Class at Third Rate Class ngunit nabigo sila.
Lahat ng mga pang-aabuso at panghahamak ay tinamo nila sa matandang iyon na siyang traydor sa malaking Asosasyon dahil sila ang pinagbuntunan ng galit ng mga ito. Si Amelia ang halos nagdurusa dahil inabuso siya ng Kasamahan ni Jack Mirusa na sina Louis Guiano at Zenori Cartagena. Inabuso siya ng mga ito sa pamamagitan ng panghahalay sa kanya sa seksuwal na paraan na maging ang asawa niyang si First Elder Ramon ay walang nagawa sa kaniyang kalunos-lunos na sinapit sa dalawang Martial Artists na iyon. Sina First Elder Ramon at ang iba pang Elders ay sinapit ang hagupit ng mga Electric Whip na kayang lapnusin ang kanilang balat na wala silang kalaban-laban dahil sa malahalimaw na lakas ng mga ito. Isa pa, nasa tago silang basement na pinamumugaran ng mga Martial Artists na galing sa Serpien Continent at puno pa ito ng mga Rogue Cultivators.
Alam na nila ang paunang paghahanda ng Serpien Continent ngunit wala silang kaalam-alam sa mga susunod nilang mga hakbang ngunit wala na silang anumang lakas upang lumihis pa ng daan na kakampihan o papanigan. Mabuti na lamang at pinakawalan sila ni Jack Mirusa upang maging pandagdag lakas sa mga paunang atake ng Serpien Continent. Masakit man isipin ngunit ginawa silang panangga o cannon fodder ng mga taga-Serpien Continent ngunit sino ba sila? Sa panahong iyon ay siya ring pagkasawa ni Louis Guiano at Zenori Cartagena kay Amelia. Isa lamang siya sa maraming babaeng ginamit ng mga kalalakihan para sa seksuwal na gawain. Mayroon ngang babaeng sapilitang hinahalay at mayroon ding intensyunal na nagpapagamit para lamang sa mga kayamanan at Cultivation Resources na makukuha upang umangat ang kanilang lakas.
Sa ngayon ay ito sila ni Elder Ramon kasama ang kanyang asawa na si Amelia maging ang iba pang Elders ay naririto. Hindi upang makisali sa mga paglalaban ng mga ito kundi upang manguha ng mga kayamanang hindi nila pinaghirapan. Pinapakiramdaman nila ang mga tensyon na nangyayari sa kanilang paligid na maya-maya lamang ay siguradong magkakaroon ng matinding sagupaan dito. Agad na lumipat si First Elder Ramon at mga kasamahan nito sa ibang lugar na siyang ikinapagtataka ng mga Elders maging ni Amelia.
"Bakit tayo umalis Elder Ramon?!" Sambit ni Fourth Elder Glemor na may bakas ng inis sa kanyang boses.
Nag-uusap sila ngayon sa pamamagitan lamang ng kanilang true essence bilang seguridad na hindi sila mapapansin ng sinuman na naririto.
"Oo nga Elder Ramon, alam mo namang maraming kayamanan ang nakalatag malapit sa atin. Ayaw mo ba ng kayamanan ha?!" Panggagatong ni Fifth Elder Elmo sa sinabi ni Fourth Elder Glemor na nanggagalaiti nitong boses. Maging siya ay hindi alam ang nasa isip ni First Elder Ramon. Ayaw niya rin kay First Elder Ramon at gusto niyang mapatalsik ito. Noon pa man ay kumukulo na ang dugo niya dito dahil parang sunud-sunuran lamang siya o sila sa kapwa nila Elder. Ngayon ay oras niya na para unti-unting patalsikin ito sa kaniyang puwesto bilang First Elder. Kung maaari nga ay si Fourth Elder Glemor ang ipalit sa puwesto na mamumuno sa Grego Clan upang ang benepisyo niya ay walang hanggan. Hindi niya intensyon ang maging pinuno ng Grego Clan dahil hindi niya ma-eenjoy ang mga kayamanang nasa kanya.
" Ginawa ko lamang iyon para sa ating kaligtasan. Sa oras na magkaroon ng labanan mamaya lamang ay siguradong mapipinsala tayo. Sa sinabi ng nakarobang nilalang na nasa harapan mismo ng mga Cultivators na naririto ay siguradong nahikayat sila nito para sa kayamanan. Sa palagay niyo ba ay simpleng labanan lamang ito? Kung ganon ay nagkawatak-watak na tayo at sumugod kayo doon!" Sambit ni Elder Ramon sa kaniyang mga kapwa-Elder na kasa-kasama niya. Sa ilang araw nilang paglalakbay ay halos lahat na lamang ay nagrereklamo ang mga ito na animo'y sila lamang ang nagtitiis sa kanilang kalunos-lunos na paglalakbay na ito. Sa kanilang lahat, halos siya ang may pinakamalaking naitulong sa mga delikadong paggalugad sa lugar ng Hyno Continent maging sa pag-iwas sa mga mararahas na Cultivator na kasa-kasama nila ay siya rin ang umaayos at umiiwas para lamang mapanatili nila ang kanilang buhay.
Sa tingin ni First Elder Ramon Grego ay parusa na ito sa kanya ng kalangitan. Marami siyang mga naging pagkakamali noong mga nakaraang pangyayari sa buhay niya. Lahat ng kaniyang desisyon ay halos karamihan ay puro kamalian at iniisip niya o nila lamang ay benepisyong makukuha niya. Sa mga dinanas niyang mga pagkakamali ay naisip niyang pinakamatindi ay ang kanyang anak na kahit hindi nagmula sa kaniya o mismo sa kaniyang asawang si Amelia ay naging bangungot ang mga ito sa kaniyang memorya lalo na sa kanyang panaginip. Kanina lamang ay nakaramdam siya ng kakaibang takot na hindi niya kayang ipaliwanag. Parang isang masamang senyales.
Sa oras na ito ay napagdesisiyunan ni First Elder Ramon na hindi na isugal ang kabilang mga buhay sa mga kayamanang hindi naman sa kanila. Tsaka mayroon siyang mga obserbasyon na hindi aware ang mga Cultivators na naririto. Halos manindig ang balahibo niya sa kanyang katawan maging sa naging paunang kaalaman niya ng makita niya si Jack Mirusa, Louis Guiano at Zenori Cartagena.
Hindi niya din maramdaman ang enerhiya nila dahil parang normal lamang silang mga nilalang ngunit nang personal niyang makita ang lakas ng tatlong ito ay halos manginig ang buo niyang katawan maging ang ibang Elders ngunit hindi pa rin nila maiwan-iwan ang temptasyon ng kayamanan kung kaya't ang mga bagay-bagay na naobserba niya ay siya lamang ang nakakaalam. Sa pagkakataon na ito ay masasabi niyang masuwerte siya dahil hindi siya naging hangal ngayon. Magiging hangal siya kung mananatili lamang siya o sila dito.
"Napagdesisiyunan kong umalis na tayo mula rito dahil nararamdaman kung may mangyayaring hindi maganda rito." Sambit ni First Elder Ramon sa kanyang kapwa-Elder maging sa kanyang asawa gamit ang kanyang true essence.
Nang marinig ito ng mga kapwa niya Elders ay halos mapanting ang kanilang mga tenga. Nag-iba ang kanilang ekspresyon sa mukha tanda na hindi nila nagustuhan ang mga sinabi ni First Elder Ramon.
"Ano na naman ang sinasabi mo Ramon, ngayon ka pa ba aatras na halos abot
-kamay na natin ang mga hindi matutumbasanag halaga ng kayamanang ito!" Nanggagalaiting sambit ni Fourth Elder Glemor habang masama ang templa ng mukha nito.
"Naduduwag ka na ba Elder Ramon. Kung iyan lang pala ay kami na lamang ang gagawa ng paraan para makuha ang mga ito! Duwag!" Dagdag ni Fifth Elder Elmo upang ipramdam kay Elder Ramon ang kanyang galit sa mga salitang ito. Kahit na naglalaman ito ng karaniwang salita lamang ngunit may nakatagong galit o poot sa kanyang mga salita. Ipinapahiwatig niya na umalis na lamang kayo ng asawa mo para wala na silang kahati sa kayamanan.
Si Second Elder Kirina ay tahimik lamang na nakamasid sa kanila ngunit halata namang wala siyang tiwala kina Fourth Elder Glemor maging sa tusong si Fifth Elder Elmo. Sa kanyang obserbasyon ay sila mismo ang naging dahilan kung bakit nakaranas sila ng mga matitinding paghihirap at pagdurusa sa lahat ng ito.
Sa totoo niyan ay halos magtanim na siya ng galit sa mga ito dahil na rin sa sobrang gahaman ng mga ito sa kayamanan, kayamanang hindi naman sa kanila. Sa oras na ito ay wala siyang pakialam sa kayamanang materyal kundi mas pinapahalagahan niya ngayon ang kanyang buhay.
Mabuti pa ngang nagkawatak-watak tayo, kapag kasama ko kayo, nagiging malas ako. Sa paglalakbay natin ay wala akong natamong ni isang mumunting kayamanan. Mga walang silbi!" Sambit ni Fourth Elder Glemor habang hindi na itinatago ang matinding galit sa mga ito.
"Oo nga eh, Mga walang kwentang Elder, sa oras na makuha namin ang mga kayamanang ito ay mapapasakamay rin namin ang Grego Clan. Kayo? Pupulutin na lamang kayo sa basurahan!" Sambit ni Fifth Elder Elmo na hindi na rin tinatago ang matinding galit sa mga ito. Naniniwala siyang mawawala din sa landas nila ang mga Walang kwentang mga Elders na naririto. Kahit na sa pamamagitan lamang ito ng kanyang true essence ay di mapagkakailang galit ito sa kanila.
"Kung gayon ay sisiguraduhin niyong mapapasainyo ang kayamanang sinasabi niyo. Sa oras na ito ay wala na kaming pakialam sa inyo!" Sambit ni First Elder Ramon habang may galit ito na boses. Halatang pakitang-tao lamang ang mga taong ito sa kanya. Itinuring niyang parang kapatid ang mga ito ngunit sa oras na ito ay pinatunayan ng dalawang kapwa niya Elder na gusto nilang mapasakamay at pamunuan ang Grego Clan.
"Kahit inyo na ang basurang Grego Clan na iyon dahil sa hindi mapapantayang kayamanang nasa harapan namin ay siguradong kayang-kaya naming bumuo ng sarili naming angkan na maihahalintulad sa First Rate Class o First Rate Kingdom bwahahaha!" Sambit ni Fourth Elder Glemor na may pagmamalaki. Ito ang pangunahing layunin niya. Ayaw niya na sa pesteng lupain ng Grego Clan maging sa mga Elders dito.
"Kung ganon ay nagkawatak-watak na tayo. Aalis na kami at wala na tayong pwedeng pag-usapan pa dahil sa oras na ito ay pinuputol ko na ang ating mga Koneksyon." Sambit ni First Elder Ramon sa kalmadong boses.
Agad niyang hinawakan ang kanyang asawa at mabilis na lumakad palayo. Maging si Second Elder Kirina ay umalis upang sundan si First Elder Ramon. Hindi niya pwedeng baliwalain ang kaniyang kinakapatid. Alam niyang hindi magiging ganito ang plano ng kanyang kapatid kung wala itong matibay na dahilan.
Mula sa malayo ay unti-unting nawala sina First Elder kasama ang kanyang asawa at si Second Elder Kirina. Ni hindi nag-abala si Fourth Elder Glemor na lingunin ang mga ito dahil wala ring saysay ang mga ito. Ngayon ay gusto niya lamang gawin ay mapasakamay ang mga kayamanan sa kanyang harapan. Nagpapasalamat siya sa paunang plano ni First Elder Ramon kanina. Maghihintay lamang sila ng kaunting panahon para mapasakamay nila ang mga kayamanang nasa kanilang harapan.
Nang tingnan ni Fourth Elder Glemor si Fifth Elder Elmo ay agad na nakuha nito ang kanyang pahiwatig tanda lamang na parehas sila ng iniisip at minimithi. Hindi mapigilan ng dalawang tusong nilalang na ito na magalak dahil sa kayamanang naghihintay sa kanila.