Sa harapan ng maraming mga Cultivators ay abalang binubuhat ni Dread Ronves ang mga malalaking kahon at makikita ng karamihan ang ibang mga kayamanang nakapaloob sa malalaking kahon na ito. Mayroon ngang mga nalalaglag na piraso ng mga ginto at mga piraso ng diyamante na sa unang kita mo pa lamang ay halatang mamahalin ang mga ito. Maging ang maliliit na scroll ay hindi nakaligtas sa mga mata ng mga Cultivators na naririto. Sino ba ang mag-aakalang makikita nila ang mga bagay na naririto.
Mayroong mga grupo na pasikretong nagpadala ng mensahe sa mga Elders ng Serpien Continent. Patunay na rito na malapit ng dumating ang mga Elders. May lakas ang mga ito na hindi bababa sa Martial God Expert pataas.
"Tingnan lang natin ang hangal na si Dread Ronves kung may mapapala siya sa kanyang pagiging gahaman." Mayabang na pagkakasabi ng isang Cultivator na nagpadala ng mensahe sa mga Elders. Sinabi niya lamang ito sa kanyang isipan para masurpresa si Dread Ronves. Kahit na wala siyang gawin ngayon ay siguradong magiging magandang laban ito at mayroon pa siyang makukuhang parte sa mga kayamanan. Napangisi na lamang siya sa kanyang isipan.
Maya-maya pa ay nakaramdam ang mga Martial Artists ng mayroong paparating na mga nilalang na siyang kanilang ikinasaya ngunit ikinababahala.
"Base sa kanilang kasuotan ay mga Outer Elders sila ng Serpien Continent!" Sambit ng isang hindi kilalang Martial Artist. Halatang Rogue Cultivator ito dahil na rin sa pananamit nito na walang kaparehong kasuotan sa ibang mga Cultivators dito. Masasabing beterano ito lalo pa't mayroon itong paunang kaalaman sa mga bagay-bagay lalo na sa matataas na opisyales.
Halos napaismid ang lahat ng mga Martial Artists na naririto lalo pa't mayroon na silang mga kaagaw sa mga kayamanang naririto. Labag ito sa kanilang napag-usapan ngunit ano ang magagawa nila? Isa lamang silang utusan kung ituring ng mga Opisyales ng Serpien Continent na siyang ikinukulo ng dugo ng halos lahat ng Cultivators na naririto.
" Parang mali ata ang ginagawang kilos ng mga Outer Elders ng Serpien Continent!"
"Mga gahaman, siguradong kagagawan ito ng mga espiya ng Serpien Continent dito!"
"Patayin natin ang mga espiya na naririto!"
"Ang mga mayroong talisman, ayon sila!"
"Ubusin natin ang mga gahaman na mga Cultivators na iyan!"
Agad na mabilis na tumakbo ang mga Cultivators upang pagtulungan ang mga espiya ng kani-kanilang mga nakita. Agad nila itong sinugod at para magapi nila ang mga ito. Kahit na malakas pa ang mga ito kung madami sila ang kakalaban sa mga ito ay walang magagawa ang mga ito kundi ang mamatay.
Nagkaroon ng matitinding sagupaan sa lugar na ito. Kanya-kanyang labasan ng mga armas at mga panangga ang mga Cultivators na naririto. Nagkaroon ng matitinding mga paghagupit ng kanilang mga sandata. Mga tunog ng mga iba't ibang klase ng metal ang maririnig maging ang tunog ng pagsangga. Tanda na hindi na makokontrol ang pagkakaroon ng matinding sagupaan ng isa't isa o grupo-grupong labanan. Kanya-kanyang klase ng atake ang binibitawan ng mga indibiduwal na Cultivators.
Sa isang maliit na espasyo ay pinalilibutan ang isang Cultivator ng isang grupo ng mga Rogue Cultivators. Makikita na kanina niya pa tinatakasan ang mga ito ngunit nasundan siya ng mga ito. Ang iba niyang kasamahan ay nagkawatak-watak rin dahil sinugod sila ng mga ito. Sa dami ng mga Cultivators na narito ay siguradong nakita sila ng mga ito na sinindihan ang kanilang Talisman na ginagamit.
"Akala niyo ay aatrasan namin kayo, mamatay na kayong lahat! Sonic bomb!" Sambit ng isang Cultivator habang makikita ang matinding galit sa mga lumulusob sa kaniya. Isa siya sa nagpadala ng mensahe sa mga matataas na mga opisyales ng Dracon Continent. Sigurado siyang malapit na dumating ang mga Elders. Siguradong magagantinhan niya ang mga ito.
"Turtle Shield!"
"Augmented Shield!"
"Scale Mill!"
"Stone Block!"
"Mirror Vale!"
Sabay -sabay na sambit ng limang Rogue Cultivators na may mga Cultivation Level na Martial Emperor Realm at Martial Ancestor Realm Expert laban sa isang Martial Dominator Realm Expert.
Dahil sa pagsangga ng limang klaseng Defensive Techniques ay nagawa nitong sanggain ang atake ng Martial Dominator Realm Expert.
"Ngayon tikman mo ang aming Pseudo-Martial God Technique, Hollow God Blast!" Sabay-sabay na sambit ng limang Rogue Cultivators.
Halos mamutla ang isang Cultivator. Wala siyang maisip na paraan. Huli na para sanggain ang atake dahil biglaan ito. Isang kulay abong enerhiya ang bigla na lamang pumunta sa direksyon niya. Ang kanyang buong katawan ay hindi niya nararamdaman.Ang kapalaran ay alam na ang patutunguhan at iyon ay biglaang kamatayan.
Hindi lamang ang isang Cultivator ang nagkaroon ng ganitong kasaklap na kamatayan. Maging ang iba ay ganon din. Nagkaroon ng malawakang pagpapatayan ng mga Cultivators. Mayroong bigla na lamang gigilitan sa leeg ang nakalikod na Cultivators, mayroong sasaksakin na lamang ang kanilang mga kasamahan maging ang kanilang itinuturing na mga kalaban. Lahat ng mga Cultivators ay sinamantala ang ganitong sitwasyon upang patayin ang mga malalakas na nilalang na siyang pinagtutulungan nila pagkatapos niyon ay pinanggigilitan nila ito ng mga leeg. Masasabing napakagulo ng lugar na ito. Ang mistulang mga mala-dagat na bilang ng mga Cultivators ay naging parang sapa na lamang ang bilang at nababawasan pa habang papatagal ang oras.
Maging si Dread Ronves ay sinamantala ang sitwasyon na ito upang dalhin sana ang tatlong malalaking mga kahon ngunit hinarang siya ng tatlumpong mga Martial Artists. Ang kaninang nakangisi at nakangiting mukha ni Dread Ronves ay unti-unting napalitan ng mapaklang ekspresyon sa mukha.
"Hindi ko aakalaing mayroon kayong lakas ng loob na harangin ang dinadaanan ko!" Sambit ni Dread Ronves habang may madilim na ekspresyon sa mukha nito. Hindi niya aakalaing lalabanan siya ng mga Cultivators na may Cultivation na Martial Precognitor Realm hanggang Martial God Realm Expert. Sa dami nila ay siguradong mahihirapan siya. Nakita niya na karamihan sa mga ito ay mga maharlikang galing sa kontinente ng Dracon.
"Gusto lang naming ipaubaya mo sa amin ang mga kayamanang ito. Hindi namin kukunin ang buhay mo kung aalis ka ng mapayapa." Nakangising sambit ng isang Martial God Realm Expert. Alam niyang mahihirapan sila sa pagpapaalis ng isang Blood Awakening Stage Expert na si Dread Ronves.
"Kung ayoko, wala rin kayong magagawa mga kutong-lupa kayo!" Sambit ni Dread Ronves habang nagngingitngit sa galit. Alam niyang hindi siya hahayaang makaalis ng mga ito.
Agad na nag-iba ang ekspresyon ng tatlumpong Martial Artists. Sa sinabi ni Dread Ronves ay parang insekto lamang sila sa paningin nito na siyang ikinakulo ng dugo nila.
"Dahil sa katigasan ng ulo mo Dread Ronves ay dito ang magiging huling libingan mo. Tikman mo ang Pseudo-Gathering Fate Stage, Fate Shattering Hurricane!" Sambit ng Martial God Realm Expert habang bumubuo ng Formation. Ang tatlumpong Martial Artists ay biglang nagkaroon ng pagbabago sa antas ng kanilang lakas. Matinding enerhiya ang inilalabas nila. Halos lahat ng labanan ay animo'y natigil.
Maya-maya pa ay ibinato na ito sa kinaroroonan ni Dread Ronves na siyang ikinanaki ng mata nito. Mabilis na lumusob ang isinagawang fusion Skill ng tatlumpong Martial Artists na siyang hindi man lang naiwasan ni Dread Ronves. Parang lamang siyang papel na nilamukos sa harap ng matinding fusion Skill. Dahil bitbit niya ang isang kahon ay nawasak ang kahon at umulan ng mga hindi mabilang na piraso ng mgak kayamanan sa kinaroroonan ng mga Martial Artists. Ang kaninang away at labanan ay napalitan ng pagsalo at pagpukot ng mga kayamanan. Mistulang mga bata ang mga Martial Artists na naririto na siyang hindi nagustuhan ng anim na Martial Artists ngunit wala silang nagawa. Mahigit dalawang daan pa ang mga Martial Artists na naririto na hindi nila nagustuhan.
Matutuwa pa sana ang mga Martial Artists na namumulot ngunit may naramdaman silang enerhiya na lumakas ng lumakas habang papunta sa kanila ito ngunit huli na nang maramdaman ng iba na hinahati nito ang kanilang mga katawan ng enerhiyang ito. Walang iba kundi ang Fate Shattering Hurricane. Hindi ito makakayang patayin ng sinuman dahil sa lakas nito na hindi mamamatay. Mga kalahating oras pa ito mamamatay bago mawala ang enerhiyang nakapaloob sa Pseudo-Gathering Fate Technique.
Halos lahat ng Martial Artists na nakakita kung paano patayin ng kakaibang Technique na ito ang kanilang mga kasamahan. Nakita nila kung paano lumalaki ang buhawi na ito kapag nakakalamon ng mga bagay-bagay lalo na ng mga Martial Artists. Maya-maya pa ay unti-unting gumalaw ito at humihigop ng bagay-bagay sa paligid. Sa kasamaang palad ay halos lahat ng mga Martial Artists ay nalamon ng pambihirang buhawi maging sina Fifth Elder Elmo at Fourth Elder Glemor maging ang mahihina ang Cultivation Level ay hinigop ng nasabing Technique. Halos lahat ay nagimbal sa nasabing Pambihirang buhawi. Masasabing isa itong destructive-type Technique ang pambihirang buhawing ito.
Ngayon ay mas lumaki ang naging laki nito at mas naging nakakatakot ang itsura nito. Lingid sa kaalaman ng mga Cultivators na naririto ay nakangisi ngayon ang nakarobang may takip sa mukha nito na si Binibining Mystica sa maraming mga Cultivators na naririto.
"Dinala niyo lamang ang sarili niyo sa kapahamakan. Ipapatikim ko sa inyo ang pagiging gahaman niyo ang maghahatid sa inyo sa huling hantungan!" Sambit ni Binibining Mystica sa Kanyang isipan.
Agad niyang kinontrol ang pambihirang buhawi gamit lamang ang kanyang kamay. Dahil na rin sa walang komokontrol nito ay mas naging madali ang kanyang trabahong kontroling ang magiging galaw ng pambihirang buhawi.
Ang natirang mga Cultivator ay nagulat sa kakaibang kilos ng pambihirang buhawi. Nagmistula itong may buhay na ikinababahala ng tatlumpong Martial Artists na nagsagawa nito. Aalis pa sana sila ngunit mabilis silang pinuntahan ng dambuhalang buhawi. Agad na nagkanda-bali-bali ang mga buto ng mgs ito sa kanilang mga katawan maging ang mga dugo nila ay humalo sa dambuhalang buhawi.
Halos lahat ng Cultivators ay hindi na gusto pang angkinin ang mga kayamanan at mabilis na lumipad upang lisanin ang lugar na ito. Hindi na sila pinag-aksayahan ng panahon ni Binibining Mystica at hinayaan na lamang na lisanin ang lugar na ito. Ang mga Outer Elders na dumating ay nilisan ang lugar na pinangyarihan. Kitang-kita nila kani-kanina lamang ang lakas ng pambihirang buhawo maging sila ay nahintatakutan. Parang nakakita sila ng demonyo sa anyo ng buhawi. Agad din nilang nilisan ang lugar takot na isugal lamang ang kanilang sariling buhay para sa wala.
Agad na bumalik si Binibining Mystica sa loob ng Interstellar Palace sa pamamagitan ng maliit na lagusan. Nag-iingat siyang walang sinuman ang sumusunod sa kanya. Nang umalis si Binibining Mystica ay siya ring pagkawala ng enerhiyang nagpapakakas sa pambihirang buhawi. Mistula na lamang itong nawala sa paligid. Ang dalawang malalaking kahon ay mistulang nawala rin sa mata ng Cultivators maging sa lugar na pinangyarihan.