Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 104 - Chapter 49

Chapter 104 - Chapter 49

Mula sa itaas ng himpapawid ay makikita ang batang si Zerk Clamir ngunit hindi siya ito. Ang komokontrol sa katawan nito ngayon ay si Alfero na siyang Martial Spirit nito. Malaking bagay ang kapalit ng kanyang pagkontrol sa katawan ng batang ito. Unti-unting humihina ang kanyang lakas habang papatagal ng papatagal ang panahon na lumilipas.

Ngayon ay naramdaman niyang parang may parang nawalang mahalagang bagay sa kanya. Hindi niya malaman kung ano ito ngunit hindi niya matandaan o maalala man lang. Sa lakas niyang unti-unting nanghihina dahil nirerefine ito ng katawan ng batang ito upang i-fuse sa katawan nito ay nagkakaroon ng distorsyon sa enerhiya niya. Sa ngayon ay wala siyang magagawa pa patungkol sa bagay-bagay maging sa Asosasyong pagmamay-ari ni Van Grego.

Tinatanaw niya ngayon ang unti-unting pag-activate ng Defensive-Type Formation na inilagay ng batang si Van Grego. Talagang napahanga si Alfero sa malakas na persepsyon at husay ni Van Grego sa larangan ng paggawa ng mga Formation lalo na ng mga Arrays. Sa murang edad niyang ito ay naniniwala siyang magiging malakas at mahusay itong Eksperto at Pinuno ng malaking Faction sa mataas na mga mundo at katatakutan ang lakas nito sa kasaysayan.

Maya-maya pa ay may malalim siyang iniisip sa mga bagay-bagay. Nang maalala niya ang patungkol kay Van Grego ay nagkaroon siya ng hindi magandang kutob dito. Maging ang Spiritual mark na inilagay niya sa batang iyon ay hindi niya na maramdaman parang mistulang nawala lamang na parang bula. Hindi mapakali si Alfero sa kanyang puwesto ngayon. Halatang mayroon na siyang malalim na koneksyon sa batang iyon. Mahilig gumawa ng mga bagay-bagay ang batang iyon ng kung ano-ano. Minsan delikado pero palaging delikado talaga. Hindi nga alam ni Alfero kung bata pa iyon eh. Kung kausap niya ang batang iyon ay parang kausap niya ang mgs ninuno niya, hindi nagpapadaig sa imposible na ginagawa nitong posible. Naiisip pa lamang niya ang mga ito ay agad na nangamba si Alferom sa huling tanda niya sa Spiritual mark ay nandoon sa lokasyon mismo ng Interstellar Palace. Nararamdaman niya kani-kanina ang kakaibang aktibidad sa loob nito.

Walang sinayang na panahon si Alfero kundi pumunta sa Interstellar Palace sa pamamagitan ng paglipad ng mabilis. Marami siyang nakikitang mga bagay-bagay partikular na ang pagkawasak ng mga kabahayan dulot ng mga pagoapasabog at intensyunal na pagsunog sa mga ito maging ang mga karaniwang mga pamumuhay ng mga Martial Artists at mga normal na mga nilalang ay hindi pinalampas ng mga mananakop. Hindi siya maaaring mamagitan pa sa mortal affairs. Sa lahat ng karanasan niya ay wala pa ito sa dulo ng kanyang buhok. Masasabing ito ang pinakasimpleng bagay na nakita niya. Makalipas lamang ang ilang mga taon ay babalik din sa normal ang mga bagay na nasa paligid idagdag pang ilang minuto na lamang ang nakakalipas ay tuluyan ng mag-aactivate ang Defensive at Offensive Type Formation Arrays.

Maya-maya pa ay tanaw na ni Alfero ang Ult Magna Forest ngunit hindi na ito ganon kasukal lalo pa't ang mga tanim na naririto ay papatubo pa lamang. Alam niyang puro ilusyon lamang gawa ng Seal ang kasukalang gubat nito noon ngunit hindi iyon nakatakas sa batang si Van Grego.

Agad niyang natanaw ang lagusan papunta sa loob ng Interstellar Palace. Agad na nakaramdam siya ng isang malakas na presensya ng isang halimaw ngunit isinawalang-bahala niya na lamang ito.

Agad na lumipad papasok si Alfero papunta sa loob ng Interstellar Palace na siya namang nagpaalerto sa isang nilalang.

Isang tinig ang nagpatigil sa kanya ng makapasok siya sa isang silid na papasok sa loob ng Interstellar Palace.

"Pangahas! Sino ka upang tumapak sa aking teritoryo?!" Sambit ni Binibining Mystica sa harap ng nilalang na pangahas na pumasok sa kanyang teritoryo.

"Nagising ka na pala Mystica hahaha... Akala ko ay sa susunod pang dekada ka magigising" Nakangising sambit ng isang bata. Hindi nagkakamali si Alfero na ito ay si Mystica na naligaw din dito sa Interstellar Palace.

Agad na napatigil naman si Mystica sa kanyang kinaroroonan. Puno ng tanong ang kanyang isipan at nang marinig niyang direkta siyang tinawag sa pangalan ng isang sa tingin niya ay kaedad lamang ni Van Grego ay halos mapasinghap siya ngunit agad din siyang nakabawi ng kompiyansa.

"Sino ka pangahas na bata?! Ang lakas ng loob mong pumasok dito at pangahas na sabihin ang aking pangalan. Kilala ba kita ha?!" Inis na sambit ni Mystica. Walang sinuman ang maaaring manghamak sa kanyang pangalan lalo na ang mga mabababang uri ng mga mortal.

"Hindi mo ba ako nakikilala Mystica, Isa ka lamang ligaw na nilalang na napadpad sa aking teritoryo ngunit kung makaangkin ka ng sarili kong tirahan ay akala mo ay kung sino ka. Rumespeto ka sa nakakataas sa iyo!" Sambit ni Alfero sa anyo ni Zerk Clamir. Halatang hindi niya din nagustuhan ang pananalita ni Mystica sa kanya. Sa kasalukuyan niyang lakas ay kumpiyansa siyang malalabanan niya ang serpyenteng halimaw na ito.

Agad na pinalabas ni Alfero ang kanyang sariling awra at ang kanyang kulay asul sa kanyang kamay. Sa kahit na sinuman, hindi siya magpipigil na patayin ang sinuman.

"Al-Alfero, ikaw ba yan ha?! Pasensya na sa aking inasal, hehe." Sambit ni Mystica sa hindi komportableng boses. Halatang napahiya siya sa kanyang inakto kani-kanina lamang.

"Hindi ako pumunta rito upang makipaglokohan sa iyo, nandito ako upang hanapin ang batang nagngangalang Van Grego. Alam kong alam mo ang aking sinasabi!" Sambit ni Alfero sa batang boses ngunit makikitaan na naubos ang pasensya niya sa inasal ng pilyang si Mystica. Nasanay na rin sa ugali nito noong hindi pa ito nakatulog, mahilig talaga itong manakot sa mga naliligaw na mga nilalang na maging ang mga Martial Beasts na naninirahan sa paligid ay tinatakot niya.

"Ah, yung batang si Van Grego?! Eh, h-hindi ko alam kung si-sino yun?." Maang-maangan ni Mystica na animo'y wala siyang alam. Nakaramdam ng tensyon si Mystica dahil siguradong pag nalaman ito ni Alfero ay malalagot siya.

"Huwag mo kong padaanin sa maang-maangan mo Mystica. Sa toni ng boses mo ay alam kong nagsisinungaling ka!" Sambit ni Alfero na halatang hindi na nagpipigil ng kanyang inis na animo'y galit ito.

"Kung sabihin kong nagsisinungaling ako, wala ka ring magagawa pa. Teka nga, sa asal mo ngayon ay parang nagbago ata ang nilalang na kagaya mo. Isa kang nilalang na naniniwala na mga basura ang mga mortal, ano ito ngayon ha?!" Ganting tanong ni Mystica dahil na rin sa animo'y pambabara palagi ng Martial Spirit na ito sa kanya. Halatang malaki rin ang inis niya kay Alfero dahil palagi na lamang siyang binabara nito maging ang kaniyang kasiyahan at naging ugali noon ay palaging kinikuwestiyon nito. Sa ngayon ay napangiti na lamang si Mystica sa kanyang naiisip ngayon.

Nabalot ng katahimikan ang paligid dahil mistulang walang maisip na sagot si Alfero na siyang ikinatuwa ni Mystica. Sigurado siyang espesyal na bata si Van Grego para sa matandang Elf na ito.

"Sa wakas ay nakaganti rin ako sa'yo, maliit na Elf!" Sambit ni Mystica sa kanyang isipan. Sa kanilang mga Serpyente ay maliit na nilalang lamang sa kanila ang mga Elf ngunit dahil sa pambihirang lakas ng mga ito ay hindi sila minamaliit. Ngayon ay siya naman ang mangbabara sa munting Elf na ito. Nararamdaman niyang ito na ang tiyansa sa laaht ng insulto at pambabarang natamo niya mula dito. Napangisi na lamang siya sa kamnyang iniisip na siyang hindi nakaligtas sa mapanuring mata ni Alfero.

"Anong ngingiti-ngiti mo Ahas, gusto mo sigurong ilihis ang usapan. Konti nalang ang pasensya ko at lulutuin na talaga kita." Sambit ni Alfero na halatang ubos na talaga ang pasensya nito at hindi rin ito nagbibiro. Unti-unting lumalaki ang asul na apoy sa kamay nito.

"Kalma lang Alfero parang di tayo magkaibigan eh. Oo nga, sasabihin ko na talaga masyado kang high eh noh, sinasabi ko-----!" Sambit ni Mystica sa pilya nitong boses. Ngunit sa dambuhalang anyo nito na isang Serpyente ay masusuka ang sinuman lalo na at halimaw ito.

"Mystica?!!!!!" Pasigaw na pagkakasabi ni Alfero halatang nasa dulo na ang kanyang pasensya sa kapilyahan ni Mystica.

"Ito na, wag kang magagalit o magugulat ha?!" Sambit ni Mystica habang kumukuha ng lakas ng loob sa maaaring sabihin niya.

"Umalis si Van Grego palabas ng Three Great Continents sa malala nitong kondisyon sa katawan!" Sambit ni Mystica sa malakas na boses tandang ibinigay niya ang lahat ng kanyang lakas ng loob sa bawat pangungusap na ito. Sa ngayon ay mababakasan ng kaseryosohan ang kanyang mukha.

"Ano?!!!!! Hindi talaga paawat ang batang iyon at ikaw naman, paano nalaman ng batang iyon na Transmission Array dito?!" Sambit ni Alfero sa hysterikal na boses. Halatang hindi siya nakapaniwala sa lahat ng kanyang nalaman.

Halos matuyo ang lalamunan ni Mystica sa naging tanong ni Alfero. Sa ekspresyong ipinapakitang ito ng munting Elfo na ito ay halatang mahalaga para sa kanya ang batang iyon. Hindi niya na din magawang itago ang katotohanan dahil hindi nagbibiro kung magbanta ang mga Elfo at napatunayan ito ni Mystica sa katauhan ni Alfero.

"Sinabi ko lamang na mayroong transmission array dito dahil napakakulit ng batang iyon at hindi paaawat. Akala ko nga ay susuko iyon ng hindi nito mapagana ang Interstellar System ngunit nagkamali ako. Dahil sa matinding nais nito ay hindi din ako makapaniwala na magagawa niya ang mga posibilidad na iyon. Iyon nga lang ay mayroong akong nadiskubre na nagtataglay pala ng seal kung kaya't hinagupit siya ng Heavenly Thunder. Kasalanan ko ba iyon ha?! Kung ako siguro iyon ay natusta na ako. Earthen Fate Realm pa lamang ang aking Cultivation Level, gusto mo ba kong maparam sa mundong ito ha?!" Mahabang salaysay ni Mystica na may seryosong ekspresyon sa mukha.

Tahimik na inaanalisa ni Alfero ang sinabi ni Mystica at halatang totoo ang sinasabi nito. Kahit na pilyang Serpyente si Mystica ay nagsasabi ito ng totoo kapag nakapaskil na sa mukha nito ang seryoso nitong ekspresyon.

"So hinayaan mo na lamang na magtamo ng seryosong mga sugat ang batang si Van Grego. Talagang lahi ka talaga ng mga Serpyente. Mga duwag at pinapahalagahan lamang ang kanilang sarili at benepisyong nakukuha."sambit ni Alfero na may mapajlang ekspresyon sa mukha. Halatang hindi niya nagustuhan ang walang aktong paggawa ni Mystica.

Umatungal ng malakas ang Serpyenteng si Mystica dahil hundi niya nagustuhan ang sinabi ng maliit na Elfo na si Alfero. Agad na nagbagong anyo si Mystica sa anyong-tao. Makikita ngayon ang kanyang napakaseryosong mukha sa maganda nitong kaanyuan. Halatang galit na rin ito.

"Ano ba ang nais mong iparating Alfero? Na katulad ako ng mga karamihan sa lahi ko na tuso at traydor. Paano ko pa iaangat ang aking dignidad o sarili kung hinusgahan mo ako kaagad. Nandito ka ba ng muntik ng pasabugin ng Martial Artists na maladagat ang bilang nila. Nandito ka ba upang protektahan ang batang iyon mula sa hagupit ng Interstellar Palace? Naprotektahan mo ba ang lugar na ito na siyang responsibilidad mo naman talaga? May nagawa ka ba?! Di ba wala?!" Sambit ni Mystica na lumuluha. Kahit na itinuring silang halimaw dahil sa lahing pinagmulan niya o nila ay hindi pa rin tama na siya ang isisi sa lahat ng ito. Mayroon pa rin silang puso upang makaramdam ng sakit o anang emosyon. Sa oras na ito ay parang pinagkaitan siya ng karapatan na mangatwiran at hindi maaaring magdahilan. Sa sitwasyong ito, ngayon lamang siya o sila nag-away ni Alfero ng ganito.

Mistulang natauhan naman si Alfero sa naging takbo ng pangyayaring ito. Halatang natigilan siya dahil bawat salitang binitawan ni Mystica ay tumagos ito sa kaniyang kaloob-looban na animo'y napakatalim na kutsilyong tumarak at mahirap ng kunin o hablutin.

Halos natahimik siya at kahit ibuka ang kanyang bibig ay hindi niya nagawa. Isa ito sa dahilan kung bakit masasabi niyang wala siya naging kontrol sa takbo ng buhay. Mistula siyang bumalik sa nakaraan kung saan ay wala siyang nagawa ukol sa huling labanan na kanyang nasagupa na kung saan ay lahat ng kaibigan o itinuring niyang pamilya ay hindi niya naligtas. Sa ngayon ay parang naramdaman niyang nag-iisa siya, walang karamay at itinadhanang mag-isa na siyang isang sumpa sa mga nilalang na tumahak sa larangan ng Martial Arts.