Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 105 - Chapter 50

Chapter 105 - Chapter 50

Ilang oras na ang lumipas at naactivate na ang dalawang Formation Arrays. Mula sa transparent na mukhang bula ay unti-unting tumigas na animo'y naging isang napakalaking harang na siyang nagbubuklod sa dalawang parte. Isa itong indikasyon na tuluyan ng isinaradong muli ang Hyno Continent mula sa mga tagalabas.

Ang mga mananakop na mga Rogue Cultivators ay piniling umalis na lamang sa lugar ng Hyno Continent sa madaling oras maging ang ilang mga ibang Rogue Cultivators na taga-Hyno Continent ay humalo sa mga lilisan sa kontinenteng ito. Gamit ang mga mahahabang bangka papunta sa naglalakihang galyon at mga barko ay mabilis nilang nilisan ang Hyno Continent.

"Umalis na tayo sa kontinenteng ito, nakarating na sa akin ang balita mula sa Outer Elders na inimbestigahan ng dalawang ekspertong Formation Master ang nasabing transparent na bula, isa daw itong indikasyon na isa iyong transparent barrier hanggang sa bigla na lamang itong maaactivate ng humigit kumulang limang oras kaya magmadali kayong lisanin ang Hyno Continent kung ayaw niyong makulong dito haabng buhay!" Sambit ng Vice Chief Captain ng Barko halatang nagbababala sa maaaring mangyari kung mahuhuli pa ang mga kasama nila. Gamit ang espesyal na Sound Transmitting Talisman ay naging posible ang kanilang komunikasyon.

"Oo boss, lilisanin na namin ang maliit na kontinenteng ito, salamat!" Sambit ng animo'y lider na siyang namumuno sa mahahabang barko.

Agad nitong pinahuni ang isang malaking horn upang ipaalalang malapit na silang umalis at lisanin ang lugar. Ilang beses na pinahuni ang malaking hornong siyang nagbigay hudyat upang lisanin ang lugar na ito. Mula sa dalampasigan na ito ay mayroong mga mahahabang bangka na unti-unting napupuno ng mga Cultivators na karamihan ay mga Rogue Cultivators.

Mayroong nagkakasiyahan dahil na rin sa nakaligtas oa rin sila sa digmaang ito na halos parehas na panig rin ang nagkaroon ng malaking pinsala. Walang panalo, parehong talo. Kaunti lamang sa mga Cultivator ang nagkaroon ng mga masuwerteng pagkatagpo ng kayamanan na para sa kanila ay malaking halaga ito ng kayamanan. Siyempre ay hindi nila ito ipinagsabi sa kahit na sinuman maging sa malalapit nila na kaibigan. Sa mundong ito, karamihan sa mga nilalang ay mas pinapahalagahan ang kayamanan kaysa sa pagkakaibigan. Lakas ang siyang nangingibabaw sa lahat ng nilalang na nakatira dito. Kapag nalaman ng sinuman ito ay parang ipinagkatiwala rin nila ang buhay nila. Sa makatuwid, kamatayan lamang ang naghihintay sa kanila o matinding pagkapinsala sa katawan.

Ilang minuto lamang ang nakalipas ay unti-unting napuno ang mga mahahabang bangka na siyang transportasyon nila upang makarating sa mga barkong naghihintay sa kanila sa malalim na parte ng karagatang ito. Medyo may kalayuan pa dito at halos nasa border pa ng bula ang nasabing lokasyon ng malalaking barko na siyang naka-standby doon dahil napakababaw ng tubig dito sa dalampasigan ng Hyno Continent.

Maya-maya pa ay umalis na sila dahil kung hindi sila aabot ay talagang makukulong sila sa lugar na ito. Mabilis na pinaandar ang mga mahahabang bangka gamit ang man-power o mano-mano pagsagwan ng maraming mga sumasakay na mga Martial Artists. Mayroong taga-gabay o siyang gumagabay o nagco-command ng bawat pagkilos ng pagsagwan. Pagbilis o pagbagal ng sagwan, pagliko o maging ang pag-iiba ng ruta ng sagwan ay responsibilidad rin nila.

Halos lahat ng mga bangkang gawa sa matitibay na piraso ng mga Kahoy na may tibay ng isang excellent grade armor. Masasabing isa itong mamahaling sasakyan na ginawa upang suportahan ang transportasyon ng mga sumali sa digmaan ngunit ang iba ay bakante ang mga bangka. Dahil sa mahal na bangkang ito ay kinaladkad nila ang mga walang lamang bangka at itinali sa kanilang sakayan.

Halos lahat ng mga bangka ay medyo may kalayuan na dalampasigan at gayon na lamang ang taka ng ibang nakasakay ng marami pang mga Martial Artists na karamihan sa mga ito ay mga Rogue Cultivators ang humangos papunta sa dalampasigan ngunit sige pa rin sa pagharurot ng kanilang bangka. Alam ng mga ito na kasamahan nila ito ngunit walang kumpas o hudyat ang tagagabay ng bangka. Sa oras na ito ay maraming mga Cultivators ang nagreklamo.

" Hindi ba natin ititigil ang ating pagsagwan?!"

"Mayroon pang naiwang mga kasamahan natin, di ba natin sila babalikan?!"

"Malapit pa lanang ang distansya siguradong makakaabot pa sila."

Maraming mga Martial Artists partikular na ang may mga kaibigan o kasamahang malapit sa kanila ang naiwan sa malapit sa dalampasigan.

Ngunit nagulat na lamang ang mga nagrereklamong Martial Artists na bigla silang pinaghahampas ng mga ibang Martial Artists na karamihan ay mga Rogue Cultivators.

"Umalis kayo at wag kayong babalik dito, kung gusto niyong magpaiwan, wag niyo kaming idamay!"

"Sa lugar na ito ay nagawa niyo pang ipairal ang tumulong sa kapwa niyo!"

"Kung gusto niyong makulong sa maliit at basurang kontinenteng ito ay wag kayong mandamay!"

"Tumalon na lamang kayo o dalhin niyo ang mga bangkang iyan at matapos ang mga hinaing niyo, mga perwisyo!"

Agad na nagkasundo ang mga Martial Artists na naririto at ipinutol ang mga bangkang walang laban. Halos lahat ng mga Cultivators na narita sa mga bangka ay Rogue Cultivators, umalis sila na hindi lumilingon sa mga Martial Artists na piniling balikan at hintayin ang mga kasamahan nila.

...

Maraming mga nilalang na naninirahan sa Hyno Continent ang napuno ng takot partikular na rito ang mga mortal na hindi nag-eensayo ng Martial Arts maging ang mga Martial Artists na kasama nila. Halimbawa na lamang rito ang mga maliliit na angkan. Masalukuyan pa rin nakatago sa mga tagong lugar katulad ng kuweba at mga underground areas na malapit lamang sa kanilang angkan. Hindi maipagkakailang nabalot sila ng takot maging ng trauma sa digmaang ito. Naghihintay pa rin sila ng mga balita patungkol sa mga pangyayari sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahero at mga espiya upang mangalap ng mga balita.

...

Sa loob ng Hyno Continent partikular na sa loob ng Interstellar Palace ay mayroong dalawang nilalang ang hindi kumikibo sa isa't-isa. Ito ay ang isang batang lalaki at isang dambuhalang Serpyente na nakapulupot sa ceiling ng Interstellar Palace sa malawak na room.

"Kailan mo ba ako papatawarin Alfero, hindi ko naman kasalanan yun eh. Tigas ba naman ng ulo ng batang iyon tsaka hindi naman siya ordinaryong batang Cultivator hindi ba?!" Sambit ng dambuhalang Serpyente na si Mystica.

"Oo, alam kong hindi pangkaraniwang bata si Van Grego ngunit sa lupit ng mundong ito ay kahit ordinaryo o hindi ordinaryo ay mapapatay pa rin iyon kung masamang nilalang ang nagdulot sa kanya sa kapahamakan." Sambit ni Alfero na kinokontrol ang katawan ni Zerk Clamir.

"So ako pala ang tinutukoy mo na masamang nilalang na nagdulot sa bubwit na iyon ng kapahamakan. Alam mo namang mayroong tadhanang sinusunod ang mga nilalang lalo na at mahihina sila. At ano naman ang gusto mong gawin ko, sumunod ako dun para mamatay kami pareho?! Alam mong delikado para sa katulad ko ang maglakbay dahil alam mong nakakalat lamang sa mundong ito ang ating kalaban kaya parang sinabi mong kitilan ko ang sarili kong buhay, nagpapatawa ka ba?!" Sarkastikong sambit ni Mystica sa mapaklang boses. Halatang naabot ni Alfero ang kanyang limitasyon pagdating sa emosyon niya maging sa problemang kinakaharap niya.

"Hindi ko na kasalanan iyon at tama ka, mayroong tadhanang sinusunod ang bawat nilalang ngunit napakamalas lang ni Van Grego at nagtagpo ang landas niyo!" Sambit ni Alfero habang lumalabas na ang mga apoy na nasa katawan niya. Talagang naabot rin ang limitasyon niya dahil sa serpyenteng nasa harapan niya. Alam niyang kung walang tutulong sa batang iyon ay ang posibilidad ng kamatayan ay mataas. Kumpara sa kontinenteng ito, mas mapanganib ang nasa labas, sa mataas na mundo, sa ibang mundo at lalo na sa lugar na kinabibilangan niya at ng Serpyente na ito.

Bigla na lamang tumulo ang luha ni Alfero na siyang nakita ni Binibining Mystica.

"So umiiyak ka Alfero, himala. Alam ko kung anong klaseng nilalang kayong mga Elf, katulad ng mga lahi ng lobo ay hindi kayo basta-basta luluha. Ibig sabihin ay napamahal na sa'yo ang bata. Hindi ko aakalaing ang malakas at hindi mapapantayang nilalang sa ikaapat na mundo ay nakaramdam din ng emosyon. Naramdaman mo ba yan ng pinatay mo ang mga napakaraming nilalang, inosenteng nilalang man o hindi hahaha... Tandaan mo, isang mahinang bata lamang iyon at kailanman ay hindi siya nabibilang sa atin o makasama natin. Dahil ang sinumang mapapalapit sa atin ay mamamatay, iyon ang curse seal na binitawan ng kalaban natin!" Sambit ni Mystica na pasarkastiko at mayroong mapaglarong ngiti. Hindi niya alam kung ano ang nangyari kay Alfero. Kilala itong walang emosyon maski kahit na sino at magiging ganito ito ngayon. Parang matatawa siya na ewan.

"Wag mo kong subukan Mystica, inuubos mo na ang aking pasensya. Nilalang rin ako na may emosyon, kumpara sa'yo ay mas masahol ka pa sa mababang nilalang. Oo, nagkamali ako na hindi ko naprotektahan ang bata sa mga oras na kailangan niya ko o ang pagkawala niya dito sa kontinente ng Hyno. Siguro ay tadhana na ang gumagawa at itinadhana na akong mapag-isa habang nabubuhay ako." Sambit ni Alfero sa seryosong boses nito na kakikitaan ng lungkot at hinagpis.

"AHHHHH!" Sigaw ni Alfero habang hindi nito napapansin ang malakas na enerhiyang inilalabas nito. Nagkaroon ng malakas na paglindol sa loob ng Interstellar Palace ngunit sa labas ay aaklaing walang nangyayaring kababalaghan.

"Huwag kang magpadaig sa emosyon mo, alam kong hindi pa patay ang batang iyon dahil nararamdaman ko pang buhay siya." Kalmadong sambit ni Mystica na may kakaibang ngisi.

"Ano naman ang sinasabi mong kasinungalingan ngayon Mystica?! Ha?!" Galit na pagkakasabi ni Alfero habang ikinakalma ang kanyang sarili.

"Buhay siya at kung paano ko nalaman ay sa akin na lamang iyon.

"Kung gayon ay pinagloloko mo lamang ako Mystica grrr!" Inis na pagkakasabi ni Alfero habang nakatingin kay Mystica.

"Hephep kumalma ka nga Alfero, parang di kita kaibigan eh" sambit ni Mystica na animo'y natatawa. Halatang sinasadya niya ang pagkakataong ito dahil ilang taon rin noong nakadanas siya ng pambabara sa kaibigan niyang Elfo na ito.

Agad na natahimik si Alfero. Halatang napanatag ang loob niya sa pangyayaring ito.

Agad rin siyang umalis sa loob ng Interstellar Palace ng walang sinasabi dahil parang maliit lamang ang espasyo para sa kanila ng dambuhalang Serpyente na si Mystica. Baka matusta niya pa ito kung tatagal pa siya dito.

...

Sa labas ng Interstellar Palace ay mayroong makikitang maliit na anyong tubig na tinatawg ding Sacred Pond na makikita ang napakaganda at kumikinang na asul na tubig nito.

Sa paligid nito ay medyo dumami na rin ang mga tuyongdahong nalaglag dulot ng pagkapigtas ng mga dahon na nasa labas ng maliit na butas na lagusan patungo sa loon ng Interstellar Palace.

Lingid sa kaalaman ni Van Grego, mayroong kakaiba sa pangalan na makikita sa kakaibang metal plate ng pangalang nakaukit na "Interstellar Palace". Mula sa natabunan ng makapal na dahon ay merong isang metal plate ang nakakubli na siyang kumukumpleto sa pangalan ng Interstellar Palace.

Ano kayang misteryo ang bumabalot sa Interstellar Palace? Mayroon kayang ibig sabihin ang lahat ng ito? Ano kaya ang kadahilanang lumitaw ito sa isang maliit na mundo at partikular na rito sa maliit na kontinente ng Hyno?

Tanging panahon lamang ang makakapagsabi kung matutuklasan nga ba ang misteryoso ng Interstellar Palace na siyang nakakubli sa kailaliman ng lupa ng Hyno. Isang palasyong nabaon sa lupa na nababalutan ng maraming misteryong hindi malalaman ninuman.

Tuluyan na bang masasarado ang palasyo sa mahabang panahon? O babalik ang nilalang na siyang unang tumapak dito? Isa lang ang sigurado ngayon, hindi basta-bastang lugar ito katulad ng pangalan ng Hyno Continent, Land of Mystery.