Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 72 - Chapter 17

Chapter 72 - Chapter 17

Bakas sa mukha ni Framiyo ang determinasyon na bibigyan siya ng mstanda ng pagkakataon upang nagbenepisyo sa sitwasyong ito lalo na't kakapalan niya ang mukha niya para lamang sa pabuyang gusto niyang makamit.

"Ako nga pala si Mr. V at ang nasa kanan ko ay si Marciano at ang nasa kaliwa naman ay si Roco. Sino ang iyong pipiliin Commander Wilson upang makalaban?" Mahinahong sambit ni Mr. V habang nakatingin kay Commander Wilson. Halatang walang bakas ng anumang alinlangan o pagkabahala sa mukha maging sa ekspresyon ng matanda maging sa mga binatang kasama nito.

Hindi makapagsalita si Commander Wilson agad-agad kung kaya't dito na umeksena si Framiyo.

"Ano naman ang magagawa ng isang duwag na iyan eh mas malakas naman ako sa gunggong na iyan!"mapanghamak na wika ni Framiyo patungkol kay Commander Wilson.

"Ang kapal ng pagmumukha mo, gusto mo pa talagang nagbenepisyo sa sitwasyong ito. Ang kapal ng apog mo, mukhang pera na duling!" Ganting sambit ni Commander Wilson sa panghahamak ni Framiyo

Marami pang mga argumentong pinangbabato nila sa isa't-isa sa pagitan ni Framiyo t ni Commander Wilson. Nagmistula silang mga payaso sa dalawang binatang kasama ni Mr. V.

Hindi na napigilan ng dalawa ang humagalpak ng tawa lalo na sa pagiging isip-bata ng mga ito. Tunay ngang hindi nagkakasundo ang dalawang magkasalungat na elemento o kapangyarihan na mga Cultivator at sila ang dalawang magandang halimbawa sa mga ito.

"Mr. V, ako nalang ang pipili ng lalabanan at ang maitim po na mukhang may kapangyarihan ng negro ang lalabanan ko!" Humahagalpak na sambit ni Marciano na ginagaya ang boses ni Commander Wilson habang tinuturo si Framiyo.

May bakas pa ng luha habang tumatawa si Marciano lalo na't kuhang-kuha nito ang ekspresyon at linyang ibinato ni Commander Wilson kay Framiyo.

"Ginoong V, ito nalang po ang mukhang gatas na ibinilad sa yelo na gawa sa puting tinta ang lalabanan ko." Masayang pagkakasabi ni Roco na ginagaya ang boses ni Framiyo habang ibinabato ang linyang ito kani-kanina lamang kay Commander Wilson. Humagalpak ito sa kakatawa habang hawak-hawak ng kamay ang kaniyang tiyan.

Nang mapag-isip-isip ni Commander Wilson lalong-lalo na si Framiyo ay siya namang ikinausok ng kanilang mga ilong. Nagmistula silang mga,payaso sa harap ng mga binatilyong ito.

"Mukha ba kaming payaso? Grrrr!" Ito ang nasa isip ng dalawang medyo may edad na mga Martial God Realm Expert na sina Framiyo at Commander Wilson. Ayaw na nilang magsambit ng alinmanh kataga lalo na't alam na nilang makukulit ang mga ito at sila ang napiling pagtripan ng mga ito.

"Kung gayon ikaw Marciano at Framiyo ang mauna. Ayoko ng pabagal-bagal o paligoy-ligoy pa." Simpleng sambit ng matandang si Mr. V halatang ayaw niya ng simpleng laban.

Agad na lumipad ang dalawang Cultivator sa kalangitan. Ito ay sila Framiyo at Marciano. Kalmado lamang ang ekspresyon ng binata Samantalang si Framiyo ay maraming naiisip hindi ang paglaban sa binata kundi sa kayamanang makukuha niya.

"Batang tukmol, sumuko ka nalang, ayokong manakit ng batang mukhang ibon!" Pang-iinsulto ni Framiyo sa binatang nasa knayang harapan. Wala naman siyang nakikitang kakaiba sa binata at napakaordinaryo nitong tingnan maging sa pananamit kung kaya't para hindi na siya mag-aksaya pa ng lakas at panahon ay inaasahan niyang susuko na ito. Hindi naman mukhang tukmol ang binata lalo na't kulay dilaw ang buhok nito na pinaparesan ng kulay tsokolateng mga mata. Isang gwapo at matipunong lalaking kagigiliwan ng mga kababaihan. Ang mundong ito ay mas prayoridad ang lakas at kapangyarihan kaysa sa katangiang pisikal ng isang Cultivator kung kaya't kung mahina ka, isa ka lamang patapon sa Martial World.

Ngunit iba sa inaasahan niya ang magiging reaksyon ng binatang nagngangalang Marciano. Kalmado lamang ang ekspresyon nito ngunit ng tumingin ito sa mga mata ni Framiyo ay lumabas ang tinatagong ugali nito na kakainisan ng lahat.

"Matang Negro na mukhang sunog, sumuko ka nalang, ayokong manakit ng matandang mukhang lechong oling!" Sambit ni Marciano na gayang-gaya ang boses at ekspresyon ni Commander Wilson kani-kanina lamang habang nagbabatuhan sila ni Framiyo ng mga katagang pang-iinsulto sa bawat isa. Ngayon ay ginaya niya ang sinambit ni Framiyo sa kanya at ipinangbato ito ng may kasamang mas matinding pang-uuyam sa medyo may edad ng si Framiyo.

Nagdilim ang paningin ni Framiyo sa pang-iinsultong ginagawa ng binatang si Marciano. Ayaw na ayaw niyang iniinsulto siya ng kahit na sino lalong-lalo na ang mas bata sa kanya. Ayaw niyang ibinabalik sa kanya ang insultong ibinato niya sa kahit na sinuman.

"Grrr, Rinding-rindi na ko sa pang-iinsulto mo batang tukmol, tuturuan kita ng leksyon, Thousand Meteoric Dackness ." Galit na pagkakasabi ni Framiyo habang umuusok ang ilong nito sa sobrang inis nito sa binata.

Maraming mga nag-iitimang mga enerhiya ang umuulan papunta sa direksiyon ng binatang si Marciano. Mabilis itong bumubulusok papunta sa kanya.

"Ay, mukhang pwet ng sunog na kaldero!" Sambit ni Marciano habang iniiwasan ang mga mapaminsalang mga atake ni Framiyo. Walang kaproble-problema nitong naiiwasan ang mga atake nito kung kaya't mas nagalit si Framiyo.

"Dark Energy Blast!" Pasigaw na sambit ni Framiyo habang isinasagawa ang isa sa napakadelikadong Technique na ito. Hindi pa natatapos ang hindi mabilang na mga atake ni Framiyo kanina at ngayon ay mas kampamte siyang di na maiiwasan ng binata ito.

"Darkness Freeze, Activate!" Buong panggigigil na sigaw niya. Tatlong magkakasunod na Technique ito kung kaya't kampante siyang makakaya niyang patumbahin ang binatang ito.

Naalarma ang binata sa kakaibang mga Technique na ginamit ng mukhang Negrong sunog sa kanya na si Framiyo. Imbes na mabahala ay bakas ang kasiyahan sa mukha ng binata. Nakita ni Framiyo ang ekspresyon sa mukha ng binata at siya ay napaismid na lamang.

"Isang baliw na binata, napakabobo mo, Paalam!" Puno ng kasiyang sambit ni Framiyo lalo na't alam niyang nasa kanya ang huling halakhak.

Tumigil ang lahat maging ang galaw ng binatang si Marciano. Isang Darkness Attribute Freezing Time kung saan ay malayang naiactivate ang dalawang malalakas na atake ( Thousand Meteoric Darkness at ang Dark Energy Blast). Waalng ano pa ay naghalo ang dalawang mga atake at agad na sumabog ito.

Tatlong sunod-sunod na Technique iyon at siguradong isang lechong tao na ang madaldal na binatang iyon buti nga sa kanya, ito ang isip-isip ni Framiyo na tiwalang-tiwala sa kanyang sariling kakayahan.

Ngunit ng lingonin niya ang dalawang taong sina Roco at ang matandang nagngangalang si Mr. V ay bakas ang pagkabagot sa mga ito na siyang ipinagtaka niya.

"Iyon lang ba ang kaya mo, Lechong Negro?"

Pa-pa-ann-noong----???? Natigilan si Framiyo sa kakaibang pangyayaring taliwas sa kanyang inaasahan. Masyadong hindi kapani-paniwala ito, ito ang tumatakbo sa isipan niya.

Nakangisi ang binatang si Marciano habang nakatingin kay Framiyo. Nasira na ang pangtaas nitong damit ngunit ang mas ikinaalarma ni Framiyo ay wala man lang ito natamong kahit ni katiting na sugat o daplis man lang.

"Isa kang abnormal na uhuging bata, ikaw na!" Di mapigilang sambit ni Framiyo habang nag-iisip ng pwede niyang pamatay na atake sa binata. Naririndi na siya sa pang-iinsulto nito maging sa kakulitan nito. Isang kahihiyan ito sa kanya kung hindi man lang niya mapatay o madaplisan lamang ang binata.