Makalipas ang ilang oras...
Kahit na anong gawing atake ni Framiyo kay Marciano ay hindi niya ito madaplisan man lang.
"Ano ka bang klaseng tao, tao ka pa ba?" Sambit ni Framiyo lalo pa't wala siyang naging laban sa kakaibang depensang mayroon ang binata. Ni hindi na nga ito umiiwas sa mga atake niya. Nagmistula siyang payaso upang kilitiin lamang ang binata. Nasaan ang hustisya ukol dito?
"Mr. V suko na ko, ano bang klaseng binata ang pinalaki mo sa Asosasyong pagmamay-ari mo?" Pinal na pagsuko ni Framiyo sa labanang ito na alam niyang walang katapusan kung magiging ganito lamang ang takbo ng labanan. Puno ng kuryusidad at katanungan ang tumatakbo sa knaysng isipan.
"Ang binatang si Marciano ay nasa antas pa lamang ng Martial Ancestor Realm kung kaya't hindi ko pa masasabi ang tunay na kapangyarihan niya." Simpleng sambit ni Mr. V kay Framiyo.
Halos lumuwa ang mata ni Framiyo ng marinig niya ito. Ang hindi niya matalo-talong binata ay isa lamang Martial Ancestor Realm Expert, isa itong napakalaking kahangalan para sa kanya.
"Kung iyong mapapansin, hindi nga siya umatake lalo pa't isa siyang full-depense type na Cultivator lalo pa't ang kanyang Martial Spirit ay isang One-Eyed Colossal Tortoise kung kaya't hindi na kataka-taka ang napakatibay nitong depensa na ipinagkakaloob sa may-ari ng ganitong Martial Spirit." Mahinahong sambit ni Mr. V kung saan ay parang simple laamng ang sinasabi nito.
"Hindi ako naniniwala sayo tanda, ni hindi ko nga natandaan na gumamit ng Martial Spirit ang binatang si Marciano tapos ay sasabihin mong nagmamay-ari ito ng full-Defensive Type, pinaglololoko mo ba ko?" Halos mapikon na si Framiyo sa sinasabi ng matanda. Hindi siya naniniwala lalo pa't napakadalang o imposibleng magkaroon ng isang full defensive type na Martial Spirit lalo pa't kahit hukayin niya pa sa kasaysayan ang ukol sa Cultivator na mayroong Martial Spirit na isang One-Eyed Colossal Tortoise ay wala sapagkat hindi naman talaga nag-eexist ang ganoong mga klaseng mga Beasts.
"Marciano, ipakita mo nga ang Martial Spirit mo!" Simpleng utos ni Mr. V sa binata. Agad namang tumango ang binata upang ipakita ang kanyang Martial Spirit.
Tumayo ang binata upang ipakita sa dalawang mata ni Framiyo ang kanyang Martial Spirit. Agad na nagliwanag ang likurang bahagi ni Marciano at biglang lumita ang napakalaking hugis pagong na Martial Spirit. Triple ang laki nito sa Martial Spirit ni Framiyo at ni Commander Wilson.
To-toot-totoo nga hahaha!" Halakhak na sambit ni Framiyo ukol sa nakikita niya ngayon. Isang kayamanan ng maituturing ang binatang si Marciano para kay Framiyo kung kaya't aalukin niya ito ng magagandang bagay upang tumiwal ag sa Asosasyon ng matanda.
"Huh?"Napakamot na lamang ang binatang si Marciano sa kanyang batok lalo pa't mukhang tangang naglalakad na itim na kaldero ang Matandang si Framiyo para sa kanya. Bagay na bagay sa kanya ang Dark Attribute na ayon din sa kanyang maitim na budhi at pag-uugali.
"Tumiwalag ka sa Asosasyong iyan ngayon din lalo pa't siguradong maituturing kang isang henyo sa isang sikat na Akademya sa ibang Kontinente. Marami ka pang benepisyong makukuha, ha!ha!ha!ha!" Nakangising asong sambit ni Framiyo habang iniisip ang mga kayamanang naghihintay sa kanya maging ang pagiging sikat o bantog sa darating na panahon.
"Aba, ano ba naman yan. Patag ako kapag may limang milyong Martial Money kada buwan at sangkatutak na mga High Grades na mga Pills at iba pang Cultivation Resources." Simpleng sagot ng binata ngunit nang marinig ito ni Framiyo ay halos magtiim-bagang ito.
Para kay Framiyo ang hinihiling ng binata ay kalabisan na, kahit siya noong estudyante pa lamang siya ay isang milyong Martial Money lamang ang meron siya sa isang buwan kahit na itinuring siyang henyo ngunit ang binatang ito ay parang nangangarap ng gising. Ni hindi nga siya makapaggastos ng hindi nagpapaalam sa guro niya. Napabusangot na lamang si Framiyo dahil sa mga kondisyon ng binatang si Marciano.
"Ano naman ang maitutulong ko bilang Assassins? Mukha ba kong Assault-type Cultivator?" Pambabara ni Marciano sa maaari pang maging pangarap ng gurang na si Framiyo.
Napaisip si Framiyo sa sinabi ng binata, may punto naman ito. Ang kaninang paghihinayang ay wala na sapagkat napalitan ito ng sobrang inis sa binata. Kung sinabi niya ito kani-kanina ay hindi na nagkaroon pa ng matagal na diskusyon sa pagitan nila.
"Hmmp!" Maikling sambit na lamang ni Framiyo. Naiinis man siya ay wala na siyang magagawa pa. Hindi naman bagay sa binatang ito ang magiging Assassin sa hinaharap. Malalagay lamang sila sa katatawanan at mas madami pang mga problema.
"Tapos na ba kayo sa walang kwenta ninyong mga usapan?" Bagot na pagkakasabi ni Roco habang tinitingnan ang dalawang taong parang aso't pusa na kanina pang nagtatalakay ng hindi naman importeng pagtuunan ng atensyon.
Agad niyang tiningnan ang matandang si Mr. V at halatang nababagot ito sa naging resulta ng laban. Alam naman nilang napipilitan lamang si Mr. V lalo na't nangako ito noon pa man ngunit hindi nangyari lalo pa't may importante itong inasikaso na hindi nila alam. Hindi naman nila kinekwestyon ang desisyon o pamamalaakd ng matanda lalo pa't wala naman silang nakikitang problema.
"Hahahaha!!! Ang tapang mo naman bata, kahit na malakas ang depensa mo at maituturing kang henyo, walang-wala ka pa rin sa aking abilidad. Napakahina mo talaga Framiyo ni hindi mapatumba ang depensa ng isang Martial Ancestor Realm." Pambabara ni Commander Wilson kay Roco at sa tinuturing niyang mortal na kaaway.
"Puro naman kayo satsat at yabang, kahit dalawa pa kayong lalaban sa akin hahahaha!"sambit ni Roco habang tinuturo si Framiyo at Commander Wilson.
Maaari po ba Ginoong V? Sambit ni Roco habang nakatingin kay Mr. V.
"Sige" simpleng sagot ni Mr. V. Halatang makikita ang pagkabagot nito. Paano ba naman ay sinayang ng dalawang nanggugulo na ito ang kanyang mga gawain samahan pa ang dalawang makukulit na binatang ito. Masyadong napapatagal ang usad ng kanyang plano.
Nautusan na rin ni Van Grego ang mga miyembro ng Alchemy Powerhouse Association upang mangalap ng mga taong nais na tumira sa kontinenteng ito. Wala mang kasiguraduhan kung may sasama ay nais niya ring sumubok pa. Wala namang mawawala kung susubok siya diba?! Ito lamang ang ipinagawa niya ngunit isa rin iyong mapanganib na misyon pero inaasahan niyang makakabalik ng buhay ang sinuman kung sakaling magkaaberya sa pagteteleport ang mga ito.
...
Nagpasimangot na lamang ang dalawang tao na walang iba kundi si Commander Wilson at si Framiyo bakas ang inis sa kayabangan ng binatang si Roco. Alam nilang may kakaiba sa binata maging sa katauhan nito na nagbabanta o nagbababala sa kanilang mag-ingat.
Kahit ngayon ay nagtataka pa rin sila kung ano ang Martial Soul ni Marciano.
...
Ano ba ang MARTIAL SOUL? Ito ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng Martial Spirit ngunit ang kaibahan lang ay ito ay ang Martial soul ay siyang pinagmumulan ng lakas ng isang Cultivator kung saan ay magigising ito na karaniwan ay sa oras na tumapak ka sa rank na Martial Emperor Realm na siyang unang tapak sa Tertiary Stages tungo sa mas mataas na stages. Ang Martial Soul ay likas na kasama mo hanggang sa kahuli-hulihang buhay mo. Ang Martial Soul ay parang kakambal mo at kasa-kasama mo na sa oras na ipinanganak ka ngunit ito'y natutulog pa lamang lalo pa't nangangailangan ito ng sapat na enerhiyang nakokolekta ng katawan ng isang Cultivator kung kaya't hindi din basta-basta malalaman ang potential ng isang Cultivator sa oras na hindi pa nagigising ang Martial Soul ng isang Cultivator.
Ang Martial Soul ay nahahati sa Iba't-ibang dibisyon at iyon ay ang Assault-Type (Pang-Atake), Defense Type( Pangdepensa), Strength-Type(Pisikial na Lakas), Healing-Type (Panggagamot), Control-Type (Pagkontrol ng mga bagay at pag-bind o panggapos sa labanan). Ito ang pinakamaraming uri ng Martial Soul na karaniwang mayroon ang mga Cultivator ngunit mayroon talagang may malakas na Martial Soul na kayang umangat sa iba kahit na pareho pa silang klase ng Martial Soul ngunit magkakaiba sila ng mga abilidad.
Ngunit mayroon ding mga hindi pangkaraniwang Martial Soul kagaya na lamang ng mga Elemental-Type (hangin, lupa, tubig,apoy, at iba pa), Power-Type (kayang palakasin ang kanyang mga atake) at mga misteryosong mga Martial Soul na itinuturing na napakadelikado at misteryoso ay ang mga Spiritual Type (kaya kang atakehin gamit ang kanilang ispiritu), Destructive-Type (mapangwasak na mga Atake), Void-Type (kapangyarihan sa kawalan), Creation-type (kayang gumawa ng bagay sa reyalidad), at marami pang iba na hindi alam ng karamihan.
Sa lagay ni Van Grego ay maituturing na espesyal lalo pa't hindi siya tunay na Martial Emperor Realm Expert o Martial Ancestor Realm ngunit dahil sa seal ay nagkaroon siya ng tsansang makapagfuse sa misteryosong Martial Spirit na isang ekstraordinaryong Elemental-Type Martial Spirit. Nakapagtaka lamang lalo pa't wala man lang siyang Martial Soul ngunit hindi na yun kataka-taka pa lalo na't kung maloloko ng kapangyarihan ng seal ang rank ni Van Grego ngunit hindi ang Martial Soul na natutulog pa hanggang ngayon aa katawan nito. Likas na makapangyarihan ang bawat Martial Soul na nasa katawan ng bawat Cultivator at magdudulot lamang ng sakuna sa isang Cultivator kung papalabasin niya o gigisingin niya ng sapilitan ang sarili niyang Martial Soul. Kagaya nga ng kasabihan. Natural na kakambal ng Cultivator ang Martial Soul kung kaya't kung anuman ang nararamdaman ng isang Cultivator ay makakaapekto rin ito sa Martial Soul.
Tanging ang nagiging ugnayan lamang ni Van Grego sa misteryosong Martial Spirit na nakuha niya sa Interstellar Palace ay ang kanyang Martial Roots na siyang gumagapos sa misteryosong Martial Spirit. Hindi maitatangging isa pa rin siyang Martial Ancestor Realm Expert sa kasalukuyan kahit na isa lamang siyang huwad na eksperto.
Lahat ng mga bagay-bagay dito ay posibleng mangyari. Kahit ang mga imposibleng mangyari ay pwedeng mangyari ngunit nakadepende pa rin iyon sa isang Cultivator kung kaya nilang ibahin ang kanilang tatahakin na salungat sa mga tumahak sa ordinaryong daan ng Cultivation.