"Isang Martial Demonic Beasts ang Martial Spirit niya!"
"Katapusan na natin to!"
"Isang pang Martial God Realm Expert!"
Lahat ay nahintatakutan lalo na't ang gustong pumaslang sa kanila ay isang Martial God Realm Expert din. Isang napakalakas na eksperto na maituturing na panginoon ng lupaing ito ngunit ano ang laban nila sa napakalakas na Cultivator na ito na kahit sila ay isang pitik lamang nito. Tunay ngang kapangyarihan ang nangingibabaw sa mundong ito. Nag-aalinlangan sila kung kaya silang protektahan ng Alchemy Powerhouse Association na siyang tinalikuran nila. Siguradong mamamatay rin sila kung kakampi sa mahinang Asosasyon na ito.
"Nagulat ba kayo sa aking munting palabas?! Bwaha!ha!ha!" Nakangising asong sambit ni Framiyo bakas ang pagyayabang sa kanyang titulo bilang Martial God Realm Expert.
"Puro ka naman kayabangan. Labanan mo ko mag-isa kung kaya mo!" Paghahamong sambit ni Commander Wilson lalo na't ang ayaw na ayaw niya sa lahat ay ang mga mayayabang at aroganteng katulad ni Framiyo.
"Sige, kung yan ang gusto mo!" Sambit ni Framiyo bakas ang kayabangan at pangmamaliit kay Commander Wilson.
Unti-unting lumipad sa himpapawid si Framiyo maging si Commander Wilson upang magtuos at magkaalamanan kung sino ang mas malakas sa kanila. Bakas sa dalawang Martial God Realm Experts na ito na walang magpapatalo ni isa man sa kanila.
Ang mga manonood ay hindi maialis ang kanilang tingin sa maglalaban pa lamang na eksperto. May ibang mga Opisyales na patagong nagteleport sa malayong lugar upang hindi na masangkot sa pangyayaring ito. Ngunit karamihan ay naiwan pa rin dito at piniling manood na lamang takot na makitang may ginagawang di kanais-nais sa mapagmatyag na mga Assassins.
"Simulan na natin ang labanan na -----" hindi pa natatapos sapagsasalita si Commander Wilson ng paulanan siya ng Dark Energy Balls ni Framiyo. Muntik na siyang mahagip ng isa sa malalaking bolang ito na may pamatay na enerhiya. Isang pagkakamali niya lamang ay masasabugan siya ng mga ito.
Nagdilim ang paningin niya dahil sa kawalang-hiyaang ginagawa ni Framiyo.
"Napakawalanghiya mo talaga Framiyo, tikman mo to! Light Catastrophic Balls!" Sambit ni Commander Wilson at agad na pinaulanan ng atake ang kalaban niyang si Framiyo.
Bakas ang gulat at pagkabalisa kay Framiyo lalo na't kakaiba ang atake ng kalaban niya. Purong liwanag ito na mala-piso lamang ang laki ng mga ito ngunit ang enerhiyang bumabalot dito ay napakapuro at napakayaman sa enerhiyang kayang paralisahin ang mga Darkness Attribute.
"Nalintikan na! Dark Clouds Shield!" Unti-unting may lumitaw na nagkakapalang mga itim na ulap sa pagitan ng Light Catastrophic Balls at ni Framiyo kung saan ay nagmistulang pumoprotekta sa kanya ang nag-iitimang mga ulap.
Unti-unting nilalamon ng itim na ulap ang hindi mabilang na mga maliliit na liwanag ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay naging kampante si Framiyo kung kaya't napangisi na lamang si Commander Wilson sa kawalang-ideya ng kanyang kalaban.
"Katapusan mo na! Meteoric Light Activate!" Mabilis na sambit ni Commander Wilson na may halong panggigigil sa kanyang kalabang si Framiyo.
Halatang nagulat si Framiyo sa pangyayaring ito. Taliwas sa inaasahan niya ang pangyayaring ito ngunit huli na ng makita niyang lumusot ang hindi mabilang na mga mala-pisong laki ng liwanag.
"Walang hiya ka! Demonic Dark Field!" Bigla na lamang mas pumula ang mata ng Dark Shadow Crow tandang ginagamit na ni Framiyo ang lakas ng kanyang Martial Spirit.
Isang napakalaking pabilog na bagay ang pumalibot sa lokasyon ni Framiyo. Ang kaninang maraming napakaliwanag na liwanag na pabulusok ay unti-unting dumidilim at naging usok na lamang.
"Demonic Dark Hell Blades!" Galit na sigaw ni Framiyo bakas na hindi niya nagustuhan ang pangyayaring ito. Inilabas niya na ang isa sa napakalakas na Skill ng kanyang Martial Spirit.
Biglang lumitaw sa ilalim ng lupa ang napakaraming blades. Wala itong pinipiling kakampi, lahat ng buhay ay kaaway nito.
Arrcccckkkkkkk!!!!!!!
Shrriiiccccckkkkkkkk!!!!!!!!
Arrrrghhhhhh!!!!
Ssshiiiinnggggggg!!!!!!
Ssssssssssstttttttt!!!!
Tiiiingggggg!!!!!
Tulong!!!!!!!!!
Diyos ko pooooo!!!!!!
Maawa ka sa aminnnnnn----- arghhhhhhh!!!!
Huwagggggggg!!!!!!!!!
Ang paa kooooooo!!!!!!!!!!
Ang mga daliri koooooo!!!!!!!!
Magbabayad ka sa ginaw------ accckkkkkkk!
Maraming mga tunog ang maririnig sa kapaligiran ngunit mas dinig dinig mo ang mga daing at hinagpis ng mga Cultivator na naririto. Kapwa mga Opisyales at mga miyembro ng mga Assassins ay parehong naliligo sa mga dugo.
"Thousand Light Purification Rain!" Sigaw ni Commander Wilson lalo na't hindi niya alam ang nangyayari sa baba kani-kanina. Hindi niya lubos maisip ang kalunos-lunos na sinapit ng mga Cultivator sa ibabang bahagi ng kanilang pinaglalabanan ni Framiyo.
Bigla na lamang umulan ng liwanag sa iba't ibang parte ng lugar na itongunit hindi naapektuhan si Framiyo lalo na't mas itunuon niya ang skill na ito sa lokasyon ng mga Opisyales at ng mga Assassins.
Ang kaninang nababalutan ng kulay itim na mga ulap o ng itim na mga usok ay nawala na. Lumantad sa paningin ni Commander Wilson ang maraming mga bangkay ng alinman sa grupo ng mga di kilalang Assassins at ng mga Opisyales halos kalahati ng mga ito ay namatay na.
Huli na siya, ito lamang ang naging reyalisasyon ni Commander Wilson. Nabigo siyang protektahan ang mga Opisyales na siyang namamahala sa iba't ibang lugar sa Second at Third Rate Classes.
"Last Breath!" Malakas na sambit ng isang matandang lalaking nangunguna sa paglakad papunta sa direksyon nila. Ang malaking tarangkahan ay unti-unting bumukas at makikita sa mukha nito ang pagkadisgusto sa kanyang nakikita. Ito ay walang iba kundi si Mr. V o mas mabuting sabihin ang nagbabalat-kayong matanda na si Van Grego.
Nagulat si Commander Wilson maging si Framiyo sa kanilang nakikita sa malawak na kalupaang malapit mismo sa tarangkahan. Unti-unting nabalutan ang katawan ng mga Opisyales maging ng mga Assassins ng kakaibang liwanag at sa huli ay nalaman nilang isa itong kulay asul na apoy.
Unti-unting huminga ang mga animo'y mga bangkay na kani-kanina lamang at ngayon ay nabuhay. Makikita sa mata ng mga Opisyales ang kagalakan lalo pa't nabuhay sila. Wala na ang mga galos maski ang peklat ngunit isa lamang ang nakikita nilang problema sa kanilang katawan. Napakarumi na nila lalo pa't puno ng pinasamang putik at mga mabahong usok ang kanilang katawan.
Unti-unting bumangon sila at humarap sa tarangkahan. Unang nakita nila ang matandang lalaki na kilalang-kilala nila, ito ay si Mr. V. Napuno ng katahimikan ang lahat. Ayaw nilang maniwala ngunit alam nilang ang matandang ito ang nagbigay sa kanila ng panibagong buhay.
"Umalis na kayo sa lugar na ito!" Makapangyarihang sambit ni Mr V sa mga Opisyales maging sa mga Assassins.
Parang sunod-sunuran silang tumango at nagteleport. Wala naging probema lalo pa't isa isang nawala ang mga Opisyales maging ang mga Assassins.
"Magkikita pa ulit tayo tanda, lintik lang ang walang ganti!" Pagalit na sambit ni Mr. V bakas ang hindi kanais-nais na ekspresyon sa mukha nito kahit na ang dalawang kasama nito sa likod ay nakaramdam ng takot sa matandang ito kahit na wala itong nakakamatay awrang lumalabas sa katawan nito ay mababatid mo rito ang napakatinding galit.
"At sinong nagpahintulot sa iyo na umalis lang sa teritoryo ko ng walang pasabi Framiyo?" Paasik na sambit ni Mr. V kay Framiyo.
Nalaman na ni Van Grego ang pangalan nito lalo pa't huli na ng umaksiyon at pumunta ang mga Hunters Department sa kanya lalo na't hindi na nila kontrolado ang sitwasyon. Alam nilang nasa importanteng pagpupulong pa ang matandang si Mr. V at mahigpit na tagubilin sa kanila na wag mang-istorbo sa matanda kung hindi naman sobrang malala ang sitwasyon kaya ngayon lang nakarating ang matandang si Mr. V kasama ang dalawang miyembro ng Asosasyong ito. Hindi din makatanggi si Mr. V sa dalawang ito lalo na't guto din ng mga ito na humanap ng malalakas na kalaban.
"At sino ka naman para hingan ko ng permiso? Isa ka lamang matandang huklubang kayang-kaya kong pitikin ng mga daliri ko!" Buong pagmamayabang na sambit ni Framiyo.
"Nag-iba ang ekspresyon sa mukha ng dalawang Matitikas na mga binatang nasa likuran ni Mr. V. Hindi sila galit kay Framiyo o takot. Nangangamba at natatakot sila sa kayang gawin ng matandang nasa harapan nila. Ang nasa kanang bahagi ni Mr. V ay si Marciano at ang nasa kaliwang bahagi nila ay si Roco. Sila ang makulit na miyembrong gustong mag-sparring sa dalawang Martial God Expert na nanggulo sa harapan mismo ng kanilang teritoryo. Napaismid sila sa naging asal ng lalaking nagngangalang Framiyo."
Nag-iba ng tingin si Mr. V at tiningnan ang munting bayaning sumubok na iligtas ang mga Opisyales na tumalikod sa Alchemy Powerhouse Association. Bakas ang paghanga sa mata ni Mr. V pagtingin niya sa medyo may edad na si Commander Wilson na siyang isa sa hinahangaan niya noong individwal lalo na't siya ang itinuturing na guardian ng Third Rate Class.
"Ikaw Commander Wilson, Hahayaan kitang pumili sa isa sa mga binatang nasa likuran ko at lalabanan mo ang isa sa kanila. Kaoag natalo mo ang alinman sa kanila ay tutuparin ko ang kahit anong hilingin mo salapi, Cultivation Resources o kahit na isang pambihirang bagay pa yan." Sambit ni Mr. V kay Commander Wilson na animo'y simpleng bagay lang ang kanyang iniaaloks sa Martial God Expert na ito.
"Bakas ang pagkagulat ni Commander Wilson sa sinabi ng matanda. Kagulat-gulat na sa kanya na makitang parang ordinaryo lamang siyang indibiduwal sa matandang ito maging sa mga binatang kasa-kasama nito lalo na't isa siyang Martial God Expert. Nagdududa na siya sa katauhan ng mga ito maging sa misteryosong malaking Asosasyon na ito. Mas ikinabigla at halos ikaluwa ng mata niya ay ang kayamanang iniaalok ng matandang lalaking ito.
Halos matameme si Framiyo sa kanyang narinig maging sa kalmadong kilos ng tatlong misteryosong indibiduwal na nasa kanyang harapan. Hindi niya matanggap na pinapaalis siya ng matandang ito tapos ang kutong-lupang si Commander Wilson ay inaalok nito ng sparring tapos ay kung mananalo ito sa dalawang mga binatang kasama ng matandang ito ay siya mismo ang pipili ng gusto nitong makuha. Ang oportunidad na ito ay ayaw ng palampasin ni Framiyo. Kayamanan na mismo ang lalapit, tatanggihan pa ba niya? Kahit na anong mangyari ay gagawin niya ang lahat para makabenepisyo sa sitwasyong ito.