Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 8 - Chapter 7

Natapos niyang basahin ang mga aklat patungkol sa Alchemy. Marami siyang natutunan ukol dito. Sinubukan niyang gumawa ng iba't ibang pills kani- kanina lang at napagod siya sa kanyang ginawa.

Sa kanyang pagsubok sa paggawa ng pill mula sa pinakamababa hanggang sa Profound  Pills. Marami siyang nasayang na mga halamang gamot na maituturing pa namang bihira ngunit naging ordinaryo na lamang kay Van Grego lalo pa't napaladami nito.

Marami naman ang mga halamang gamot kaya hindi problema ito. Kapag nalaman nilang nasayang lang ang mga pambihirang  halamang gamot ay kagimbal- gimbal na pangyayari ito sa paningin maraming mga Cultivator.

Sa huli ay naperpekto niya ang paggawa nito na noong una at sa di mabilang na pagsubok sa paggawa ng pill ay merong kulang sa luto, minsan nasusunog, yung ibang pill ay lusaw at marami pang kadahilanan.

Mabuti nalang at nakabisado niya ang paggawa kung kaya't di na dumami ang naaksayang kasangkapan sa paggawa ng mga Pills.

Kasalukuyan siyang nagsusuri ng mga skills at Techniques na pwede niyang gamitin. Pinili niya ang pinakamalakas na Technique at skills dito.

Ito ay ang dark fire illumination Technique na para sa mataas na kalidad sa paggawa ng pills at pwede din itong panglaban, mapaopensa o depensa man, pinili niya ang technique na ito dahil gusto niyang i-fuse ang dark fire sa kanyang apoy na Silvery white fire Alchemist.

Ang iba pang Technique na nakita niyang pinakamalakas dito ay halimbawa nito ay ang One Million Steps Technique at iba pa.

Unti-unti niyang sinasanay at inaalam ang mga technique na ito. Napakahirap i-master ang mga ito lalo pa't mga Ancient High- Grade Techniques ang mga ito.

Nangangailangan ng mahabang panahon ukol dito. Sigurado siyang mahihirapan siya kahit na sinasabing super genius siya ng kanyang angkan.

Maya- maya pa ay may nakita siyang isang itim na misteryosong kahon na natabunan ng ibang kagamitan. maliit lamang na kahin na aakalain  mong walang halaga sapagkat kung titingnan ay napakaluma na at mapusyaw na kulay lamang ns halos kupas na, kahit sino man ang makakita nito ay masasabi mng di pagkakainteresan ng ibang cultivator. Masyadong misteryoso para sa kanya ang disenyo at napakakomplikado ng pagkakaguhit ng bawat linya at disenyo nito.

Dahil sa kuryusidad ay binuksan niya ito. May nakatuping papel ang nakahiga sa kahon. Kung sino ang makakapulot nito ay itatapon nalang ito dahil sa kalumaan.

Pero ng buksan niya ito ay napanganga siya dahil napakahalagang bagay ito na pinakaimportante para sa mga Cultivator. Ito ay ang Ultimate Mastery Technique. Kapag natutunan mo ito ay madali mo lang matutunan ang mga bagay-bagay sa paghanap ng kayamanan, pagtuklas ng lugar, pag deactivate ng mga bitag, barriers, o ang malalakas na Formation Arrays.

Madali lang sana sa isang Martial Artist ang magkaroon ng pambihirang kaalaman at pagpapataas ng rank kung sapat ang kanilang Cultivation Resources (medicinal Plants/herbs, Pills at iba pa). Kung kaya't ngayon ay mas may tsansa at kakayahang makaabot sa pinakamataas na rank si Van Grego. Dahil sa mga Cultivation resources na natagpuan niya ay balang araw ay pinangarap niyang maging pinakamalakas na Martial Expert hindi lamang sa lugar nila kung hindi ay sa buong mundo ng Cultivation.

Samantala...

Dahil sa mga nabasa niya sa mga libro ay marami siyang nabasang napakaimportanteng bagay at mga kakaibang impormasyon na hindi alam ng mga karamihang Cultivator. Masyadong malawak ang mundo paano pa kaya ang kalawakan? Maraming misteryo ang nakatago dito kung Kaya't para kay Van Grego ay marami siyang natutunan ukol dito.

Ang lugar na ito na natagpuan ni Van Grego ay tinatawag na Interstellar Palace. Kaya't napakaswerte niya dahil napuntahan niya ito. Maraming may gustong makahanap ng tambak -tambak na kayamanan.

Ang Interstellar Palace na ito ay may 200 rooms, ayon sa libro, hindi kilalang eksperto ang gumawa o kung sinuman ang nagmamay-ari ng kayamanang ito. Nakapaloob sa libro na ito ang mga impormasyon ukol sa Formation Arrays, barriers, mga bitag at iba pa. Madami pang mga bagay bagay ukol dito na kung saan ay masasabing may mga paraan para madeactivate ang mga ito.

Pinag-aralan ng maigi ni Van Grego ang mga libro at ang isang pilas na papel na tinatawag na Ultimate Mastery Technique. Umabot ng isang buwan ang pagbasa niya at umabot ng dalawang buwan upang matutunan ito lahat.

Dahil sa malawak na kaalaman ni Van Grego ay na-unlock niya ang dalawang ability ng Ultimate Mastery Technique, iyon ay ang Ultimate Eye Technique at Ultimate knowledge Technique Dahil dito ay kaya niyang ma- deactivate ang mga bitag barrier o maging ang makapangyarihang Array at Formations.

Nalaman niyang isa palang misteryosong technique ang Ultimate Mastery Technique. Nalaman niyang nagbibigay ito ng iba't ibang abilidad na magagamit sa laban. Dahil sa mga nakolekta niya ay nagpursigi siyang magpalakas lalo pa't mahina pa siya. Kasalukuyang nasa black-gold rank palang siya, masyado pang mababa para maglakbay dahil maraming malalakas na Demonic Beast dito. Marami ding Sacred Beast dito kung kaya't kung maglalakbay siya ay magkakaroon pa siya ng madaming mga sugat o ang malala ay mamatay.

Kaya't ngayon ay nagpursigi siyang magpataas ng rank at i-refine ang mga cultivation herbs, pills at iba pa. Sa kasalukuyan niyang kabuuang lakas ay hindi ito magiging sapat para mabuhay sa labas ng Interstellar Palace. Masyadong delikado kaya ngayon tanging magagawa niya lamang ay magpalakas sa loob ng palasyo na ito.