Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 14 - Chapter 13

Chapter 14 - Chapter 13

Matapos ang ilang minuto ay malapit ng matapos ang pamumuong muli ng Tribulation. Nagulat na lamang si Van Grego ng itinaboy siya ng Sphere pababa. Naiinis man si Van Grego ay alam niyang may gagawin naman ang sphere niya na wala sa kanyang pahintulot.

Bumalik sa dating pwesto ang sphere pagkatapos niyang itaboy si Van Grego. Walang ano-ano ay humagupit ang kidlat pero kagaya ng naunang Tribulation ay hinigop niya naman ito na mas mabilis kompara sa nauna.

Patuloy lang sa paghigop ang sphere. Nagkaroon din ng mga pagbabago sa mga bahagi ng sphere lalo na ang patuloy na pagdami ng dark clouds at mga kidlat na namumuo sa bawat parte ng sphere. Unti din itong umaangat papunta sa mga Formations na nagbibigay suporta sa pagdepensa ng sphere. Kapansin- pansin na nga ngayon na ang primary qi ay naging naging dragin.

Dahil sa presensya ng dark clouds at lightning, nag undergo din sa ebolusyon ang Primsry at naging isang korteng ulap na dragon. Unti- unti din na lumalaki ang hugis dragon na ulap at patuloy din sa pag absorb ng mga enerhiya galing sa Tribulation. Dahil sa paglabag ng limitasyon ng tribulation, mas nagalit ang kalangitan sa paglabag ng batas ng langit.

Walang makakapigil kung nagalit ito ng husto. Nagkaroon ng labing walong Tribulation. Madali itong nabuo dahil na din sa kagustuhan ng langit at dahil sa galit nito, kung kaya't gusto niya ng puksain ang lumabag sa limitasyon ng kontinenteng ito maging ang pagkontra sa batas na umiiral sa mundong ito.

Hindi pa natapos ang isang Tribulation idagdag mo ang mas malaking  labing walong Tribulation ay labing- siyam na Tribulation lahat.

Mas lumaki at lumakas ang labing siyam na Tribulation. ang kaninang patapos na Tribulation ay naging malakas kung Kaya't labing siyam na Tribulation ang ipinadala ng kalangitan para puksain ang lumalabag dito.

Mas marami, mas malaki ang tsansang mapatay ang Cultivator  Hindi lang iyon ang dahilan dahil na rin sa nagkaroon ng buhay o tinatawag na consciousness ang Sphere kung Kaya't madaming nalabag ang Sphere dahil sa pagtulong sa Tribulation na dapat sana ay para sa isang Cultivator dahil dito'y sabay- sabay na ipinadala ang Tribulation sa kalupaan para gawing abo ang kung sinuman.

Nagpapahiwatig na may limitasyon ang kontinenteng ito at ang mga Cultivator ang magbabayad. Hindi ito alam ng karamihan pero alam na ito ni Van Grego dahil sa nabasa niya sa history.

Nagkaroon ng limitasyon ang kontinente ng Hyno dahil sa kagagawan ng unang henerasyon ng Royal Clan.

Hindi malinaw ang pinagmulan ng Royal Clan pero may nakatalang kahindik- hindik ang ginawa nila noon na hindi na pwedeng gawin ngayon st nakakapangilabot ito na patunay na isang masamang mga Angkan ang mga Royal Families.

Iyon ay ang panahon pa noong wala pang limitasyon ang kalangitan na ipinatupad dito sa kontinenteng ito. Nagkaroon ng ipinagbabawal na seremonya noon at iyon ay ang bloodbath Ritual kung saan pinapatay lahat ng mga sanggol at mga baging silang na mga Martial Beasts upang tamasahin ng nagngangalang Prince George Helbor ng Helbor Family ang nakapangingilabot na kapangyarihan na siyang naging hari at tumatayong lider ng Royal Clan. Ang Helbor Family na nasa unang pwesto parin ng Royal Ranking hanggang ngayon ang siyang patuloy na namumuno dito.

Ang isinagawang Bloodbath Ritual ay isang Ancient Reverse Consuming Life and Destiny. Ibig sabihin nito ay mapapasakanya lahat ng kapangyarihan, kapalaran at buhay ng bawat isang inialay sa Bloodbath Ritual pero sa hindi inaasahang pangyayari ng Royal Clan lalo na ang Helbor Royal Families na hindi tuluyan napagtagumpayan ito.

Maraming mga buhay ng tao pati ng mga nilikhang bagong silang na beast ang pinatay kung Kaya't tumatak ito sa kasaysayan ng Hyno Continent. Sa paglipas ng panahon ay unti-unti itong kinalimutan at tinakpan ng Royal Families. Hindi lang yun dahil sa araw din iyon sa pag-udlot ng masamang plano ng Royal Clan ay nagkaroon ng limitasyon ang kontinenteng ito at maging sila lalo pa't panghabang buhay na sumpa sa kanila at hindi sila pwedeng umalis sa kontinenteng ito dahil sa limitasyong nakakapit sa kanila. Hanggang sa maalis ang limitasyon saka lang sila makakaalis sa lugar na ito.

Sa kaso naman pagdating kay Van Grego ay iba sapagkat nilabag niya lang ang limitasyon ng kontinenteng ito na siyang sumpa ng kalangitan Kaya't ito ay isang pagsubok lamang sa lahat ng cultivator. Nakatakda ang Tribulation na ito sa kung sinuman ang lumabag sa limitasyon ng Kontinenteng ito. Kapag nagtagumpay ito ay saka lamang mawawala ang limitasyon ng lugar na ito.

Sa kabilang banda, kahit na ipinagsama ang labing siyam ay hindi parin nila mapawalang bisa ang depensa ng sphere. Mas naging matalino na ito. dahil sa kakulitan nito.

Lumipad pa pataas ang sphere at nagplanong tumakas sa Tribulation. ang plano ng sphere ay pumunta sa sentro ng Kontinente kung saan ang lugar Royal Family na kabilang sa Royal Clans.mabilis na lumipad ang sphere at patuloy pa rin siyang sinusundan ng Tribulation. Bawat daanan nila ay namistulang gabi lalo pa't tanghali pa lamang ngayon.

Nahintatakutan ang lahat ng nakasaksi nito. Hindi ito malalamang sphere dahil sa nakapalibot ding itim na ulap at kidlat Kaya't naghatid din ito ng takot sa mamamayan lalo na sa mga taong mayroong Eye Technique.

Hindi man nila masilip ang totoong itsura ng sphere ay nakapangingilabot pa rin ang anyo nito sa labas na parang grim reaper. Mabilis na kumalat ang balita lalo na at nakaabot sa Sentro ng Kontinente ng Hyno.

Hindi naman ito binigyang pansin ng mga Royal Families maging ang iba lalo pa't alam nilang walang mangangahas na gawan sila ng masama at hindi din sila nila tiyak na papunta dito kung Kaya't walang alert sign na isinagawa ang Royal Clans.