Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 9 - Chapter 8

Chapter 9 - Chapter 8

Lumipas ang anim na buwan sa pagpapalakas ng kaniyang lakas, mapapisikal man o sa larangan ng Cultivation. Labing dalawang taong gulang na siya. Sa kasalukuyang edad niya ngayon ay napakabata niya pa pero marami na siyang napagdaanang pagsubok at mga Trainings. Sumuong siya sa pakikipaglaban sa labas ng Interstellar Palace kung saan pinamumugaran ng maraming halimaw, marami siyang natuklasang mga bagay-bagay.

Dahil sa lakas niya at sa tulong na din ng libro. Marami siyang mga napagdaanang hirap at sakit lalo na ang pakikipaglaban sa mga Demonic Beast, Maraming mga bagay siyang natutunan at isa na dito ang rules of Survival. Na kailangan mo ng mag- ingat at iwasan ang malalakas sayo. Marami nakalabang Demonic Beast at dahil sa tulong ng libro na nagkaloob sa kanya ng kaalaman ay may Beast Core ang bawat Beast na iyong mapapatay. Mas mataas at malakas na lebel ng halimaw, mas mataas na kalidad ng Beast Core ang iyong makukuha mula sa katawan nila.

Mahahanap mo ang Beast Core sa bandang kanan o sa bandang gitna ng dibdib. Minsan ay kung malalakas na beast ang mahahap mo, ang Beast Core nila ay sa labas ng katawan nila. Isa itong indikasyon na malalakas talaga sila at kadalasang mga halimaw na ito ay undefeatable Demonic Beast o di kaya ay Divine Beast.

Ang mga beast ay nahahati sa sampong Klasipikasyon. Maaaring ito ay Ordinary Beast, Demonic Beast, Evil Beast, Primordial Beast, Sacred Beast, Divine Beast, Heavenly Beast, Beast God at marami pang iba.

(A/N: wag spoiler, shut up muna ako)

Samantala...

Nalaman niyang habang tumataas ang rank ay papahirap ang pag-Level up at pagtawag ng Tribulation.

Ang Tribulation ay nangyayari lamang kapag natapos mo ang mga stages ng bawat rank. Sa bawat rank ay may sampung stages.

Halimbawa ay 1st stage Silver Rank hanggang 10 stage Silver rank, ganon din ang ibang rank. Mayroong sampong stages ang bawat isa at pahirapan ang paglevel up sa bawat stages at lalong mas mahirap ang pag- undergo sa tinatawag na Tribulation. Kapag naabot mo ang Peak o pinakarurok ng Rank ay matatawag at mapapasailalim ka sa Tribulation kung saan masusukat ang iyong kabuuang lakas na kung minsan ay mahahantong ka sa buwis buhay o kaya ay magtatamo ng malalalim na sugat pagkatapos ng Tribulation. Palaging pinagsasabihan at pinaaalahanan ng mga Awtoridad ang mga tao na wag abalahin ang mga taong napapasailalim sa pagtawag ng Tribulation para sa matagumpay na Breakthrough.

Depende sa lakas at kakayahan mo kung gaano kalakas mo mati-trigger na Tribulation.

Kapag nakaapak ka sa Peak ng Martial Knight mataas pa dito ay magkakaroon ng kakaibang pangyayari na bihira lamang sa martial artist na kadalasang tinatawag na Genius o Super Genius dahil sa pag apak mo sa kakaibang lebel ng kapangyarihan na ang ibang mga Cultivator ay napasailalim din dito. Bukod pa dito, minsan ay may mga nangyayaring kakaiba at kakamanghang bagay- bagay at iyon ay ang pagkakaroon ng Titles/ Titulo sa kapag nakaabot ng Peak ng Realms. Ito ay ang Unstoppable Peak, Undefeatable Peak, Law-defying Peak at kapag nakaabot ka sa Peak Stages ng True Martial Art Realm ay mati-trigger mo ang tinatawag na Rare Phenomenon o ang Unique Phenomenon.

Samantala, sa loob ng anim na buwan na pagpupusirgi sa bawat hirap sa ginagawang ensayo niya ay nagbunga din ang kaniyang pinaghirapan. Maraming naging pagbabago sa katawan ni Evor, mas lalong naging matipuno. malakas at naglalabas ng kakaibang aura ng Peak Diamond Rank.

Patuloy parin ang ensayo niya. Bawat araw ay iba iba ang ginawa niyang training gaya na lamang ng Physical, Mental, Spiritual, Emotional Trainings. Ang iba ay Combat Training, Weapons Training, Survival Training, Alchemy Pill and Medicine Making External and Internal Force Training. Sa lahat ng ito ay mas mas pinagtuunan niya ang Internal and External Force Qi Absorbing Training. May nahanap siyang mga Technique sa mga scrolls na nahanap niya noong nakaraang buwan, pinagtuunang pansin niya din ang Fast Refinement Technique at Active Formations Technique at iba pa. Kaya ngayon ay halos na-master na niya na ang lahat ng mga bagay-bagay ukol dito kaya't nakarating na siya sa Peak Diamond Rank. Nanghinayang si Van Grego dahil anim na buwan ang nasayang sa kanya dahil sa training at pagpapataas ng ranggo.

Nanghinayang pa siya? Kung malalaman lang ng ibang Marital Artist Cultivator ang mabilis na pagrank ni Van Grego sa loob ng Anim na buwan ay siguradong lalaki at baka lumuwa yung mata ng ibang Martial Cultivators dahil sa malahalimaw na bilis ng paglevel-up ng rank ni Van. Akalain mo ba naman na sa loob ng Anim na buwan ay napakabilis ng pagbabagong nangyari sa buhay niya maging ang kanyang Cultivation.

Dahil sa iba't ibang mga Trainings na pinagdaanan ni Van Grego ay masasabi mong kaya niyang tapatan ang Fourth Stage Martial Knight o mas tinatawag na True Martial Realm.

Ang diamond rank ay masasabing daan upang malapasok ka sa tinatawag na True Martial Realm. Ang bronze stage papuntang Diamond rank ay masasabi mong Beggining of Martial Artist Ranks. Susunod ang True Martial Realm at iba pang matataas na lebel ng isang Cultivator. Depende sa isang Cultivator ang magiging kapalaran nila. Marami pang misteryosong bagay dito ukol sa mundo ng Martial arts. Hindi lang dito nagtatapos ang lahat. Marami pang bagay ang hindi pa alam ng karamihang Cultivator. Para sa mga Martial Artist, matatawag ka ng malakas dahil nakaabot ka sa Diamond Rank pero ang hindi alam ng marami ay malakas ka na dahil nakaapak ka na sa Diamond Rank pero ang totoo ay ito palang ang simula ng pagtahak mo sa tunay na buhay Martial Artist.

Susuko ka ba?

Magiging malakas ka ba sa pagharap sa problema at sa mga kaaway?

Magsisikap ka ba?

Dahil sa pagtahak mo bilang Martial Artist ay wala kang dapat katakutan. Kamatayan ang katumbas ng pagiging mahina, ito ang umiiral sa mundong ito. Hanggang sa masabi mong malakas ka, wala kang magiging kaaway, madaming makikipagkaibigan sa iyo.

Pero hindi maiiwasan mawawala ang traydor at Rebelyon. Kaya masasabi mong napakadelikado ang magtiwala lang basta-basta. Ito ang mga natutunan ni Van Grego at ng iba pang Martial Artist o Cultivator. Sa edad niyang ito ay masasabi mong handa na siya sa buhay na kaniyang tatahakin, sa mundong tanging mga tunay na martial Artist at malalakas lamang ang kayang tumahak at susuong sa nagbabadyang malalaking panganib.

kaya't mamaya lamang ay mati-trigger niya na ang Tribulation.