Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 13 - Chapter 12

Chapter 13 - Chapter 12

Kahit di pa tapos ang pamumuo ulit ng Tribulation, kumikilos ng paiba-ibang posisyon at direksyon ang sphere niya. Minsan pababa, minsan pataas, minsan padiretso na parang naglalakad, may oras na aatras, aabante, may kilos na patalon talon sa ere, minsa'y gugulong pababa, pataas.

Mukhang naging payaso ang sphere ni Van Grego para sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang reaksyon niya. Parang matatawa na matatakot.

Sino ba naman ang gustong hamunin ang langit at galitin ito. Naging blangko ang isip niya. Kailan pa siya nagkaroon ng makulit at matapang na sphere na ito? Ngayon lang niya naisip yun.

Magkagayon pa man ay nag-aalala pa rin siya sa magiging kahihinatnan nito. Masyadong malakas kalangitan para galitin ito, pero nagtitiwala pa rin siya sa sphere, alam niyang may buhay na ito ngayon kaya't pahahalagahan niya ito.

Parte ng buhay niya ito kaya't alam niyang may gagawing kamangha-mangha ang sphere at gusto nitong magpasikat sa kanya. Ramdam niya ito kaya't natuwa din siya sa pangyayaring ito.

Maraming pagbabago ang sphere niya lalo na ang size nito dahil halos 1/8 na ng bahay ang laki nito at ang lubos niyang ipinagtaka ay kung bakit di siya naglevel-up? Kahit ni katitng walang nadagdag sa kanya.

Nalugi siya sa isip-isip niya dahil sa kakaiba niyang sphere. Hindi niya alam kung ano ang nagyari kung bakit walang enerhiyang pumasok sa katawan niya. Naisip niyang parang nauto siya ng libro na nabasa niya idagdag pang Heavenly defying ang Sphere niya.

"Naku naman, parang wala na kong tsansang makaapak sa True Martial, thank you talaga sa tulong mo sphere!" Sigaw ng isip ni Van Grego na animo'y lalabas na ang mga ugat niya sa ulo dahil sa sobrang inis.

Mas nadoble pa ang bilis ng ikot ng Sphere na wari'y niya'y tuwang-tuwa pa at tawang-tawa sa inaasal ni Van Grego na kulang nalang ay magpapadyak sa lupa, parang puputok na bulkan sa inis at wari'y aalis na sa sobrang kapilyuhan ng sarili niyang Sphere.

Gumamit ng Ancient Flying Technique si Van Grego. Agad na tinubuan ng pakpak si Van. Napakabihira lang magkaroon ng Ancient Flying Technique sa kontinenteng ito sapagkat one time, one person use only. Ibig sabihin ay para sa isang tao lang ang isang flying technique at hindi ito pwedeng ibigay o ipaalam sa iba ang naaabing Technique.

Pwedeng ibahagi ang flying Technique kung ito ay sariling technique o kaya ay hindi literal na mga pakpak ang flying Technique kundi mga laws of nature kagaya ng gravity, airwalk, airdance, sword dancing o kung ano-ano pang mga bagay-bagay na natural na kagamitan o enerhiya lang na nasa kapaligiran upang umangat sa ere at makalipad ngunit nasa limitadong oras lamang dahil kayang umubos nito ng lahat ng yung lakas.

Samantala...

Kahit na naiinis si Van Grego sa sphere niya ay hindi niya ito pwedeng pabayaan lalo pa't mas naging nakakatakot ang Tribulation ngayon. Mahirap na dahil parte ito ng pagkatao niya.

Hindi niya naman ugaling maging makulit sa mga seryosong mga bagay kaya lang naisip niyang nakuha ng sphere na ito ang ugali niyang sobrang kulit. Napatawa nalang siya sa iniisip niyang kalokohan.

Ibinuka na ni Van Grego ang kaniyang naggagandahang tatlong pares ng magkaibang pakpak. Sa kaliwang pakpak niya ay naglalagablab na apoy na kulay silvery white na pakpak ang sa pinakaibabaw sa kaliwang bahagi , puti ang nasa gitnang kaliwa at sa pinakailalim nito ay napakatingkad na wari'y kidlat.

Sa kanang bahagi ng pakpak naman na mataas na bahagi ay ang naglalagablab na kulay itim na apoy. Sa gitnang kanang bahagi ng pakpak naman ay ang puting pakpak, sa pinakailalim naman ay ang kulay abong gawa sa ulap na pakpak. Nagmistulang parang diyos ang labas ni Van Grego.

WINGS

Silvery-white Flames <-> Black Flames

White <-> Black

Lightning <-> Dark Cloud

Ibinuka niya ang malalapad niyang pakpak at lumipad patungo sa kanyang sphere. Kahit na pasaway ito ay di maitatangging parte ng katawan niya ito maging ng isip at ugali. Binigyan niya ang sphere ng enerhiya na magpapalakas at magpapatibay pa lalo sa sphere.

Naging mas malaki at malakas na ito lalo pa't mas naging matingkad ang nakapalibot na mga kidlat at maging ang namumuong mga dark clouds na pumapalibot sa kanya. Dahil sa pagbigay ni Van Grego ng mga karagdagang enerhiya pati ang kanyang primary qi na hirap higupin ay nabigay niya kung Kaya't na-adapt ng sphere, may namumuong puti at itim na bagay na masisiguro niyang hindi ito kidlat lalo pa't may buhay ito at hindi siya sigurado sa anong klaseng bagay na ito.

Ang primary qi din ang naiisip na dahilan ni Van Grego kung bakit nagkaroon ng kamalayan ang kanyang sariling Sphere.

Ang primary Qi ay iba sa Martial Qi lalo pa't isa itong pangalawang tawag sa Life Qi na siyang kayang magbigay buhay sa mga anong bagay na labag sa batas ng kalangitan. Hindi ka pinapatawan ng parusa lalo pa't ang Cultivation ay isang gawain na sumasalungat sa kautusan ng langit kung Kaya't ang mundong ng Martial Arts ay walang hanggang Cultivation maging ang pagrank-up.

Hinayaan niya nalang muna ito at ibinalik ang atensyon sa isa namang Tribulation na doble ang lakas kaysa sa naunang Tribulation na lubhang ikinalaki ng mata ni Van Grego.