Mabilis akong naglakad papunta sa receptionist dito sa recieving area ng building.
"Hi, I'm here for the job interview."
Inilahad ko sa kaniya ang appointment slip na pinadala sa akin sa email ng HR ng company.
Tinignan ako ng receptionist mula ulo hanggang paa. Nainis man sa kaniyang ginawa ay magalang akong ngumiti habang hinihintay siya na sabihin kung saa'ng palapag o pinto ako pupunta.
"Top floor," wika niya at agad binigay sa akin ang applicant pass. Naglakad ako papuntang elevator.
Nakita ko ang isang elevator na pasara na pero hinarang ko ng aking kamay upang magbukas. Naipit pa ako ng kaunti pero hindi ko na ininda dahil kailangan ko ng magmadi.
Limang minuto na lang bago mag-alas-otso, kaya kung maghihintay pa ako ng ibang elevator ay baka ma-late na ako, dahil nasa ika-dalawampu na palapag ang pupuntahan ko.
"Next elevator ka na," wika sa'kin ng lalakeng naka-itim na polo ng bumukas ang pinto. Nakatayo ito malapit sa pinto ng elevator. Nasa tatlo lang sila sa elevator pero ayaw nila akong pasakayin.
"Hindi naman ako overweight para mag-overload ang elevator, kaya please, pasakayin niyo na ako," pakiusap ko at pinakurap-kurap ko pa ang mga mata.
Natigilan siya at tinitigan lang ako, kaya naman agad na akong humakbang papasok ng elevator pero hinarang niya ang kaniyang palad sa aking mukha. Napasubsob ako sa kaniyang palad. Pakiramdam ko nasira ang make up na pinaghirapan ko.
"Ano ba naman 'yan," reklamo ko at tinignan siya.
"You're not allowed to use this elevator." Narinig kong nagsalita ang lalake na nakapuwesto sa pinakalikod ng elevator. Tumingkayad ako para tignan siya o silipin.
"At bakit hindi?" tanong ko sa kaniya at nakipagtitigan dito. Pakiramdam ko ay mauubos na ang limang minuto at late na talaga ako.
"Nakita mo ba ang nakasabit na Id sa'yo?" tanong niya habang nakaturo ang kaniyang hintuturo sa inipitan ko ng applicant's Id.
"Use the other elevator or use the stairs." Tinignan ko siya. Uminit ang ulo ko ngunit alam kong hindi ako dapat makipagtalo dahil mauubos na ang oras ko dito.
"Please, pogi. Pagamitin mo na ako ng elevator, male-late na ako sa interview ko," pakiusap ko at pinikit-pikit ko pa ang aking mata.
Napamaang siya sa ginawa ko at pagkatapos nailing. Nginitian ko na siya at sinenyasan kung puwede na ba akong sumakay sa elevator. Pero laking dismaya ko ng umiling siya at humarang na ulit ang dalawang lalake na naka-itim.
"Miss, dine-delay mo lang kami. Mag-hagdan ka na lang kung nagmamadali ka." Inirapan ko ang malaking mama na kanina pa ako hinaharangan.
"Gusto ko lang naman ipasa ang interview na 'to. Kasi ako ang panganay sa aming mga magkakapatid. Ulilang na kami sa ama at may sakit pa ang nanay ko." Umarte ako na naiiyak. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng aking bag at nagpupunas kunwari ng luha. Sinikap ko ding magpatulo ng luha. Success!
"Kung hindi mo po ako pasasabayin dito ay baka wala na kaming makain sa loob ng isang buwan." Pinagbuti ko pa ang pag-arte at nagpakawala ng hikbi.
"Sige na, alas-singko pa akong gumising para magpunta dito. Napaka-traffic kasi kaya inabot na ako ng siyam-siyam." Tulala ang tatlong lalake habang nakatingin sa akin. Ang dalawang lalakeng matapang kanina ay tila naging malambot ang anyo. Mukhang ramdam nila ang pinagdaanan ko.
Habang ang isa naman ay agad binulsa ang celphone na hawak at nakatingin sa akin. Tinignan niya akong mabuti mula ulo hanggang paa.
Nilakasan ko pa ang pag-hikbi. Bumuntong hininga ang lalake na nasa dulo at sinenyasan ang dalawang lalake na nasa pinto.
Ngumiti ako at hahakbang na sana ng magsara ang elevator at nagsimula ng umakyat. Napamura ako ng mahina. Pang-Oscar ang mga gano'n na acting ko, tumatalab 'yon sa mga kaibigan ko, pero ang lalaking 'yon mukhang may matigas na puso.
Lumong-lumo ako habang palabas ng elevator dito sa 20th floor. Late na ako ng ten minutes at mukhang nawala na sa akin ang chance para sa interview.
Nilapitan ko ang sekretarya at sinabi ko na narito ako para sa interview. Mataray niya akong tinignan mula ulo hanggang paa. Bumuntong hininga ako at tahimik na nagdadasal na sana ay hindi magtuloy-tuloy ang kamalasan ko ngayong araw.
"Sit on the last chair." Tinuro niya ang mahabang hilera ng upuan. Madaming mga nakaupo na tila mga aplikante din ngayong araw.
Napangiti ako at nagpasalamat sa kaniya bago dumiretso sa upuan na tinuro niya.
Alas-dose na ng tanghali at nandito pa din ako. Naiinip at sumasakit na ang puwet ko sa pag-upo ng apat na oras.
Kumakalam na din ang sikmura ko. Nagugutom na ako at natutuyuan na ang aking lalamuna. Nilabas ko ang baon kong tubig na sinalok ko lang mula sa gripo ng Manila water.
Malaki ang tiwala ko na ang trabaho na ito ang mag-aahon sa akin sa kahirapan. Malaki ang pasahod at may magandang benefits.
Tumayo ako at nilapitan ang secretary sa kaniyang table.
Akmang ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko pero inunahan na niya agad ako magsalita. Maghintay daw ako at magla-lunch pa ang mag-interview sa akin.
Dumating ang ala-una at naiinip na ako. Umalis ang secretary at mukhang gumamit ng banyo. Tumayo ako at lumapit sa pinto ng opisina ng boss niya. Sinubukan kong ipihit ang pinto at hindi nga ito naka-lock. Sisilipin ko lang kung busy ba ang boss at inabot na ako ng ala-una dito. Samantalang bago mag-alas-dose ay tapos na ma-interview lahat ng mga applicants. Ako na lang ang tanging naiwan.
Tinulak ko ang pinto ng mahina at sumilip sa maliit na awang. Bumungad sa akin ang mga ungol at halinghing. Nanlaki ang mga mata ko.
Hindi ko magawang umalis habang nakatingin sa malapad at matipunong likod ng lalake na hubo't-hubad habang nasa gitna siya ng hita ng babae na nakahiga sa mesa.
Tila natauhan ako ng makita ang ginagawa nila. Dahan-dahan kong sinara ang pinto at naglakad pabalik sa kinauupuan ko.