Chapter 6 - Chapter 6

Pinilit kong ngumiti nang makita ko si Madam sa labas ng opisina.

"May ginawa ba siyang masama sa'yo? tanong niya agad.

"Wala po madam. Nagkaasaran lang po kami." Ngumiti ako.

"Okay, kung may gawin siyang hindi maganda, sabihin mo sa akin. Ako ang bahala sayo."

Nakangisi kong sinulyapan si Sir. Nasa hamba siya ng pinto at seryosong nakatingin sa aming dalawa ng mommy niya.

"Thank you po, Madam," nakangiti kong pasalamat, pagkatapos ay nakangisi kong sinulyapan si Sir.

Narinig mo iyon? Hindi mo ako basta-basta masesesante. Backer ko ang mommy mo.

"Aalis na din ako." Tumalikod si Ma'am pero muli ding pumihit paharap sa amin. "Ano'ng oras kayo uuwi ngayon?"

Tinignan niya ako. Nang wala siyang makuhang sagot sa akin, si Sir ang tinignan niya.

"Five thirty."

"Okay, see you later, Petra..."

Bakit?

Hindi na ako nakapagtanong pa dahil pumasok na siya agad sa elevator.

Tumingin sa akin si Mady. Nagkibit balikat ako dahil wala naman akong alam. Maging ako nagtataka din at napapaisip sa sinabi ni ma'am.

Hindi ako pinag-overtime ni Sir. Pabor naman sa akin dahil mamayang gabi ang schedule ng pagbagsak mga truck ng gulay sa palengke.

Kukuha kami ng tag-sampung kilo na mga gulay at ang mapagbentahan namin ay papaikutin namin.

Susubukan ko ding magpaalam na um-absent kay Sir pagkasahod namin. Plano kong magpagawa ng kariton na lagayan ng paninda na gulay ng mga bata. Ideya nila ito. Iikot daw nila ang paninda sa buong barangay, para pandagdag kita sa kanilang kalakal. Ayaw nilang bitawan ang pangangalakal dahil sayang daw ang three hundred hanggang five hundred pesos na kita nila kada araw.

May alkansya kami na hinuhulugan kada araw. Barya lang pero pagdating ng araw, lalaki din ito.

Sana umayos ang buhay namin. Para hindi na sila magutom. Ang liliit pa nila. Ayaw kong maranasan nila ang mga naranasan kong hirap mula nang magkamalay ako.

NAGLAKAD ako hanggang sa kanto. Doon ako sasakay ng jeep. Pero bago pa ako makapara ng sasakyan, may huminto na itim na kotse sa tapat ko.

Bumaba ang salamin ng binatana at sumilip doon si Madam.

"Halika, hija. Ihatid na kita sa inyo."

"Naku, Ma'am, nakakahiya po..." Mommy ng boss ko, ihahatid ako. Ayaw kong maging abusada.

"Sige na..." Kita ko sa mukha ni ma'am na hindi niya talaga ako titigilan.

"Salamat po, Madam."

"Walang anuman, hija."

Tinuro ko sa driver ang address namin. Habang nasa biyahe kami, nagkuwentuhan kami ni Madam tungkol sa mga bata na kasama ko sa bahay.

Nauna ko na ding sinabi sa kaniya ang itsura ng aming tinitirhan na barung-barung. Baka mabigla siya.

"Dito na po ako," sabi ko sa driver. Luminga-linga si Madam sa buong paligid.

Tinuro ko ang bahay namin. Kita ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha.

"Diyan kayo nakatira?" Natatawa akong tumango.

"Ate!" sabay-sabay na tawag ng mga kapatid ko sa akin nang makita nila ako.

Ang dudungis nila dahil galing sila sa maghapon na pangangalakal..Mukhang hindi naman nandiri si Madam sa kanila. Sa katunayan nga kita ko ang pagkamangha sa kaniyang mga mata.

"Boss ko pala," sabi ko sa mga kapatid ko.

Nag-isang linya ang mga bata mula sa pinakamatanda gang sa pinakabata. Bibo nilang pinakilala ang mga sarili nila.

Tuwang-tuwa naman si Ma'am.

"Kumain na ba kayo?" tanong niya sa mga ito.

"Opo, Ma'am. Kumain po kami ng tinapay kanina," sagot ni Badjao. Iyon lang siguro ang kinain nila ng tanghalian.

"Gusto niyong kumain sa labas?" nakangiting tanong ni Ma'am. Nagkatinginan sila bago sila sabay-sabay na umiling.

Ngumiti ako. Kabilin-bilinan ko sa kanila na tigilan na nila ang pamamalimos.

"Come on, ililibre ko kayo. Ayaw niyo ba?"

Alam kong gustong-gusto nila kaso alam nila ang number one rule ko.

"Petra, minsan lang ito. Tara na..." pangungumbinsi ni Ma'am sa akin.

"Sige po, Ma'am. Salamat po."

"Mga bata, maghugas muna kayo at magpalit ng damit. Mga two minutes dapat bihis na kayo."

Tumawa si Ma'am. "Kahit five minutes, ayos lang. Hindi tayo nagmamadali."

Naglabas ng bangko ang mga bata. Mga plywood lang ito na napulot namin tapos ginawa naming upuan para may gamitin kami. Walang arte na umupo doon si Madam habang naghihintay kami sa mga bata.

MASAYANG-MASAYA ang mga bata habang kumakain. Ang daming in-order ni ma'am para sa kanila. Ang sabi niya huwag daw silang mahiya, hindi naman daw araw-araw ito.

"Napakabuti mo, Petra," sabi ni Ma'am bago siya umalis. Nagsabi din siya na baka gusto kong magtrabaho sa kaniya kapag day off ko. Sino ba ako para tanggihan ang trabaho. Kailangan ko ng pagkakakitaan.

KINAUMAGAHAN, may dumating na babae ni Sir. Dahil may ka-meeting si Sir na kasosyo niya, pinaghintay namin siya.

Maarte ang babae. Maiksi ang suot na damit, kulot ang buhok at makapal ang kaniyang make up.

Hawak niya ang kaniyang mamahaling celphone. Kung hindi nagdudutdot, may katawagan siya. English speaking. Mukha siyang yayamanin.

Ibang mga mayaman na babae, hindi alam ang halaga nila. Binigyan sila ng kanilang mga magulang ng magandang buhay, pero sisirain lang nila ito dahil sa isang lalake na ilang babae na ang naimemesa. Ginagawang parausan.

Ang babae na nagpunta noong interview ni Sir, hindi na ulit nagpunta. Ang sabi ni Mady, past time lang daw ito ni Sir. Mga nakikilala lang daw niya ito sa pinupuntahan niyang mga bar.

PAGKATAPOS ng meeting ni Sir. Agad lumapit sa kaniya ang babae.

"Hi, babe!" Sinampay ng babae ang kaniyang kamay sa magkabilang balikat ni Sir.

Nagkatinginan kami ni Mady. Gusto kong matawa dahil nagmukha kaming intrimitida at tsismosang kapitbahay.

"Tapos na ang meeting mo, wanna have lunch with me?" Hinaplos ng babae ang balikat ni Sir hanggang sa dibdib niya.

Ngising-ngisi silang dalawa.

Mukhang may mesahan na namang magaganap.

"Let's go?" tanong ng babae.

"Yes. We should go now. May mga tsismosa pa man din dito," sabi niya sabay sulyap sa akin.

Kunwari nagtatrabaho naman ako.

"Sa Shangrila kaya tayo kumain," sabi ng babae. Shangrila, mall iyon tapos may hotel din yata.

Tanghaling tapat. Naghohotel.

PAGKAALIS nila, nag-lunch na din kami ni Mady sa may pantry. Birthday daw ng nanay niya kahapon kaya may dala siyang mga pagkain.

"Ano 'to?" tanong ko nang may iabot syang plastik.

Agad ko itong tinignan. Damit.

"Regalo ko sa'yo," sabi niya.

Nabili daw niya ito online pero hindi kasya sa kaniya. Nangako ako na babayaran ko siya sa sahod dahil nakakahiya. Mukhang kulang isang libo ang halaga nito.

"Naku, huwag na. Sa'yo na lang."

"Isusuot ko ito bukas." Pinagmasdan ko ang damit. Tumawa siya.

"Oo, bagay iyan sa'yo. Agahan ko bukas, para ako ang unang makakita."

ALAS-TRES ng hapon nang makabalik ng opisina si Sir. Mukhang napagod siya ng husto. Buti at nakapasok pa.

"Oh, Sir. Akala ko hindi ka na babalik?" biro ni Mady sa kaniya.

"Hindi na nga sana. Naalala ko may tsismosa pala dito..."

Kunwari hindi ako affected. Tumawa pa nga ako. Masungit naman niya akong tinignan.

"Huwag ka ng magsalita pa," singhal niya sa akin nang ibubuka ko pa lang ang aking bibig. Tumawa na lang ako.

"SABI na, e. Bagay talaga sa'yo ang damit!" Nilapag ni Mady ang kaniyang bag. Tinitigan niya ulit ako mula ulo hanggang paa.

Nakabili ako ng bagong sapatos kagabi sa ukay-ukayan, nilibre ito sa akin ng mga kapatid ko. Pinag-ipunan daw nila. Kailangan ko daw ng magandang damit at magandang sapatos para sa pagpasok ko sa trabaho.

"May dala din pala ako para sa'yo..."

Binigyan niya ako ng bag.

"You're welcome..." aniya.

Tote bag na tag-singkwenta lang kasi ang gamit ko sa pagpasok sa trabaho. Iyong leather na extra na bag ko sa bahay, nagbabakbak na kasi.

Kung sa bangkay, naaagnas na. Baka mamaya madagdagan na naman ang panlalait sa akin ni Sir. Sabihin kabaong na lang ang kulang.

Dahil maaga pa naman, inayusan ako ni Mady.

Inahitan niya ang aking kilay. Tinanggal lang niya ang ilang nagkalat para magmukhang malinis. Pagkatapos ay ginuhitan niya ito ng lapis. Nilagyan din niya ako ng eyeliner at make up. Simple lang pero may nagbago sa aking itsura.

"Ewanl ko na lang kung laitin ka pa ni Sir."

Kapag laitin niya ulit ako, masasapak ko na talaga siya.

Pumasok si Sir sa kaniyang opisina na hindi man lang kami binabati o tinitignan ni Mady.

Excited pa man din sana ako na makita ang reaksyon niya sa ayos ko ngayon.

Nagpunta ako ng pantry upang ipagtimpla siya ng kape.

"May babae sa loob..." bulong ni Mady sabay turo sa may saradong pintuan ng opisina.

Nilapag ko na muna ang tasa sa maliit na mesa sa gilid. Ang aga pa, may bisita na agad si Sir.

Tsk. Palay na talaga ang lumalapit sa manok.

Nagkatinginan kami ni Mady nang marinig namin ang tila nagtatalo na boses nina Sir at ng babae na kasama niya.

Ilang sandali pa nga ay tumunog na ang intercom.

"Where's my coffee?" masungit niyang tanong.

Kumatok ako ng dalawang beses bago ko tinulak ang pinto. Nakatayo si Sir habang nakapamewang. Ang babae naman ay nakatayo sa gilid ng chair niya.

Nagsalubong ang aming mga mata ni Sir. Lihim akong napangisi nang napakurap-kurap siya habang nakatingin sa akin.

Nagulat ako nang maglakad siya palapit sa akin.

Dumikit pa siya sa akin na kinataka ko.

"I have a favor to ask..." bulong niya.

Nagtatanong ang aking mga mata na tumingin sa kaniya.

"Magpanggap ka na girlfriend ko..." bulong niya ulit.

Ano?

"Milan, meet my girlfriend..."

"What?! Sinabi mo sa akin na single ka habang nakapatong ka sa akin nang isang gabi!"

Aba! Walang hiya talaga ang lalakeng 'to!

"Ano'ng girlfriend? Hindi niya ako girlfriend, uy!"

Masama akong tinignan ni Sir.

"Wala akong nobyo na may AIDS noh! Eww!"

Nanlalaki ang mata nila pareho. Hindi makapaniwala sa aking sinabi.

"Hindi ako pumapatol sa lalake na kung saan-saan at kani-kanino na lang pinapasok ang tubo. Lalo na sa mga butas na mukhang hindi malinis."

At dahil doon sinabihan ako ni Sir na umuwi na ako.

Binigyan niya ako ng three thousand, bayad daw sa ilang araw na pinasok ko.

Dapat nga daw hindi na niya ako babayaran, ako pa daw ang magbabayad sa kaniya dahil sa paninira ko ng puri niya.

May puri pa pala siya? Akala ko ubos na?

Sinampal kasi siya ng babae kaya siguro nadoble pa ang galit niya sa akin.

Nakakainis ang buset!

Hindi ko sana kukunin ang pera, kaso sayang. Kailangan ko 'to. Pinagtrabahuan ko naman.

"Ano'ng nangyari?" naiiyak na tanong ni Mady.

Tipid akong ngumiti sa kaniya.

"Sana hindi ka na lang kasi nagsalita pa."

Hindi ako nagsisisi na ginawa ko iyon.

Anong tingin sa akin ng babaerong 'to, na isa akong babaeng puwede niyang gamitin na lang?

Ngayon na pasok sa taste niya ang suot ko, basta na lang akong ipakikilala na girlfriend niya?

Samantalang nang nakaraang araw lang, diring diri siya sa akin.

Di bale na lang.

Maghahanap na lang ako ng ibang trabaho.