Chapter 7 - Chapter 7

"Ate, ang aga pa, a..."

"Nasesante ako." Pinilit kong tumawa, ayaw kong malungkot ang mga bata dahil sa nangyari sa akin ngayong araw.

Natahimik sila. Nagkatinginan. Kita ko ang awa sa kanilang mga mukha.

"Huwag na kayong malungkot. Ayos lang iyon. Makakaraos din tayo."

"Maganda kasi ang trabaho mo, Ate. Sayang naman. Bakit ka pala nasesante?"

"Gago kasi ang boss ko." Pinilit kong ngumiti.

"Hayaan niyo na. Bad vibes iyon. Maglalaba na lang ako at maglilinis. Tapos mamayang hapon tutulak na tayo papuntang palengke."

MADAMI kaming nabenta na gulay kinagabihan. Inabot pa kami ng alas-singko ng madaling araw. Sinamantala namin na madaming mamimili.

Tulog kami hanggang sa tanghali. Kung hindi lang dahil sa katok ng may-ari ng tindahan, hindi pa kami magigising. May tumawag daw sa akin. Pinapapunta daw ako sa bahay niya.

Ang mommy iyon ni Sir. Gusto akong magpart time sa kaniyang bahay. Baka magpapalinis o kaya magpapalaba.

Nag-isip pa ako ng ilang sandali kung pupunta ako o hindi.

Kaso nakakapanghinayang ang kikitain ko sa kaniya.

Tumawag ako sa telepono bago ako sumakay ng bus. Si Madam ang nakasagot, sabi niya hihintayin niya ako.

Hinarang ako kanina ng guwardya sa labas ng subdivision. Tapos tinawag pa niya ang pagdating ko kay Madam. Sinundo naman ako ng driver nina Madam.

Ang taray di ba?

Napakalaki ng bahay nina Madam. Sa labas may malaking estatwa at may fountain.

Hindi ko alam kung ano ang ibibigay na trabaho ni madam sa akin gayong napakadami naman pala nilang katulong.

Hinatid ako ng isang katulong sa garden kung saan naroon si Madam. Donya na donya ang awrahan ni Madam habang nakaupo siya sa isang kahoy na upuan at humihigop ng kape.

"Hello po, Madam..." bati ko. Pasimple na naman niya akong tinignan mula ulo hanggang paa.

Nakasuot ako ng jumper skirt ngayon at tshirt sa loob na binili ko sa ukay-ukayan ng bente pesos. Nakasuot din ako ng sandal, wedge daw ang tawag nito sabi ng kapitbahay namin. Binenta niya sa akin ng isandaan. Ayaw ko sanang bilhin kaso sabi niya bagay daw sa paa ko.

"Hi, Petra! Ang ganda mo naman ngayon..."

So, ngayon lang ako maganda?

Kita mo 'tong si Madam. Feeling ko talaga sa kaniya nagmana si Sir, e. May pagkapintasera din 'tong nanay niya. Pasimple akong pinipintasan.

"Salamat po. Gandang one hundred sixty pesos lang po ito..." sagot ko. Ito ang halaga ng lahat ng suot ko ngayon.

Tumawa naman si Madam.

Sinabi niya na maupo daw ako, saluhan ko daw siya.

Naghanda ang mga katulong ng mga pagkain, juice at kung ano-ano pa.

Hindi naman ako makakain ng madami dahil nahihiya ako. At isa pa naiisip ko ang mga kapatid ko.

"Bakit mo po pala ako pinapunta dito, Madam?" tanong ko dahil trenta minutos na ang lumipas hindi pa din namin napag-uusapan ang trabaho. Hindi naman niya ako siguro pinapunta dito para lang magkape at makipagkuwentuhan sa kaniya.

Tumawa si Madam. "Kamuntik ko nang makalimutan."

"May ipapalinis ako sa'yo na condo unit namin. Ikaw na lang ang kukunin ko kaysa kumuha pa ako sa cleaning services."

"Sige po, Madam. Saan po ba iyon?"

"Sa may Makati lang," sagot niya. Inutusan niya ang katulong na nakatayo sa gilid, para sabihan ang driver na aalis si Madam. Pinapahanda ang kaniyang sasakyan.

Pinarada ni Madam ang sasakyan sa harapan ng isang matayog na building. Tinawag niya ang isang staff na nakatayo malapit sa receptionist.

"Bigyan niyo siya ng susi. Siya ang maglilinis ngayon ng unit..."

Bahagya pang yumukod ang staff bago ako giniya papasok.

Iniwan ako ni Madam. Sabi niya susunduin niya ako mamayang hapon. Tatawag daw siya sa telepono mamaya.

Pumasok ako sa isang malawak na unit na nasa twenty fifth floor.

Maaliwalas din ang sala dahil sa malaking salamin, gaya ito sa opisina ni Sir.

Kaso nga lang napakakalat.

Nagkalat ang mga damit, may mga bote din ng beer, tissue at mga pinagkainan.

Sino naman kaya ang nakatira dito? Bakit parang wala man lang siyang concern sa kaniyang tinitirhan?

Nagpunta ako ng kusina. Kung gaano kakalat ang sala, mas lalo na ang kusina.

Ang ibabaw ng mesa ay nagkalat. May natumbang mga bote at baso. Sa sahig ay ang nabasag na pitsel at ilang mga plato. Kamuntik pa akong mabubog.

Hindi ko tuloy alam kung alin ang uunahin kong linisan.

Naghanap ako ng trash bag sa mga cabinet. Mabuti na lang at meron.

Pinulot ko ang mga bubog. Nilinis ko ang mesa at ang mga hugasin ay nilagay ko sa may lababo.

Nagwalis ako at nag-mop. Hinugasan ko ang mga nasa sink bago ako lumipat sa may sala.

Pinulot ko ang mga damit. May polo, blazer at pantalon. Nalukot ang aking mukha nang mapagtanto ko na brief ang hawak ko.

May panty din. Panty na hindi kayang takpan ang puwet at tinggil.

Grabe naman!

Mag-asawa kaya ang may-ari ng condo na 'to? Hindi man lang marunong maglinis ang babae.

Dugyot!

Ang mga bote ng beer ay nilagay ko sa separate na trash bag. Ang mga pinagkainan ay nilagay ko din sa isa pa.

Pinulot ko ang mga tissue na nalukot at nagkalat sa sahig.

May amoy!

At bakit ganito ang amoy? Bahagya kong dinikit sa aking ilong. Amoy zonrox!

Bakit amoy zonrox?

Nanlaki ang aking mga mata nang maalala ko ang usapan ng mga kaibigan ko tungkol sa mga nobyo nila. Na amoy zonrox nga daw ang modtakels ng mga lalake.

Kadiri!

Kumuha ako ng walis at winalis ito imbes na damputin.

Pagkatapos ng isang oras nalinis ko na ang sala. Nag-mop pa kasi ako at pinunsan ko na din pati ang mga dingding.

Isa na lang ang kailangan kong linisan. Ang kuwarto.

Pumasok ako sa silid. Hindi naman locked.

Ang unan ay wala ng mga punda. Nagkalat ang mga ito sa sahig. Nahubaran na din ang kutson. Ang kumot ay lukot na lukot na din.

Amoy zonrox din!

Narinig ko ang pagtulo ng tubig mula sa banyo.

May tao pala!

Hindi ko mawari kung lalabas ba ako o tatapusin ko ang aking ginagawa. Wala naman akong ginagawang masama.

Pinapunta ako dito ni Madam para maglinis. Hindi din malikot ang kamay ko.

Inipon ko sa labas ng pinto ang mga damit, kobre kama, punda at kumot. Para masama na mamaya sa lalabhan ko.

Nagwalis ako at nag-mop. Inayos ang mga nagkalat na mga gamit bago ako naghanap ng bedsheet sa cabinet na nasa gilid.

Hindi pa din tapos ang kung sino man na naliligo doon. Hindi naman siguro ito iyong lalake. Kasi ang tagal maligo, e. Chics kung maligo.

May anak ba si Madam na babae? Ang wild din ng anak ni Madam na babae kung ganoon. Mukhang mahilig din sa mesa.

Nag-init ang aking mukha sa aking iniisip.

Petra, masyado ka talagang pakialamera. Gawin na mo iyang trabaho mo!

Habang inaayos ko ang kobre kama, bumukas ang pintuan ng banyo.

Nakatalikod ako habang nakatuwad, habang pinapatag ang kama.

Narinig ko ang kaniyang mga yabag palapit sa akin. Sumipol siya. Tatayo na sana ako at lilingon nang bigla nitong hawakan ang tagiliran ko.

Hinalikan pa niya ang aking leeg saka kinagat ang aking tenga.

"Hey there, babe..." bulong niya.

Tang-ina! Si Sir Joshua!

Tinulak ko siya. Pumihit ako at hinampas siya ng unan.

"Kahit kailan, manyakis ka talaga!" Ilang beses ko siyang hinampas.

"Hey! What the hell?! Stop!"

"Manyakis kang bwisit ka!"

Hinuli niya ang aking palapulsuhan. Napakurap-kurap siya nang mamukhaan niya ako.

"Petra?"

"The one and only!"

Sinapak ko ang braso niya.

"Hindi mo pala kilala kung sino ako basta ka na lang hahalik at hihimas!"

"I thought you're someone else..." palusot pa niya.

"Kung tagalinis lang pala, papatulan mo pa din? Ibang klase ka talaga. Kahit pader siguro basta masuotan ng palda papatusin mo. Basta may butas basta mo na lang papasukan."

Muli ko siyang sinapak.

"Namumuro ka na, huh!" banta niya sa akin. Susugurin ko sana siya nang matigilan ako..

Napatanga na lang ako nang malaglag ang tuwalya na nakatapis sa kaniyang bewang.

"Shit!" Nagmamadali niyang pinulot ang kaniyang tuwalya.

Napakurap ako at nang makabawi ako, umismid ako.

"Nahiya ka pang gago ka!" Tumalikod ako.

"Sabagay, nakakahiya nga naman. Ang babaero, pero pagkaliit-liit naman pala."

Bumulanghit ako ng tawa.