Chapter 5 - Chapter 5

PAGBALIK ni Sir ng office, nakaantabay na ako sa anumang ipag-uutos niya. Pinaaalalahanan ko na din ang aking sarili na huwag agad iinit ang ulo kapag may gawin o ipagawa na naman siyang nakakainis.

Pero natapos na kaming mag-coffee break ni Mady, hindi niya ako tinawag.

Mukhang babawi siya kung kailan uwian na, para hindi ako makauwi ng maaga.

At tama nga ako, nakakainis talaga siya!

May pinapa-print siyang mga documents na kailangan para bukas ng maaga. Binilinan din niya kami ni Mady na before seven in the morning, nandito na kami.

Tutulungan sana ako ni Mady kanina pero may iba siyang pinag-utos sa kaniya.

Inabot ako ng dalawang oras sa pagpi-print at pag-aayos. Bumili din ako ng mga folder na pinaglagyan ko ng mga dokumento. Mag-alas-otso na naman ako umalis ng trabaho.

Sa palengke ako dumiretso. Nabilinan ko na ang mga kapatid ko kagabi na kapag sumapit ang alas-siete na hindi pa ako nakakauwi, mauna na lang sila sa palengke.

INAANTOK pa ako pagpasok ko kinaumagahan. Bumili ako ng dalawang tinapay na tag-limang piso para tumigil na ang pag-iingay ng aking tiyan. Uminom ako ng mainit na chocolate drink para hindi ako sikmurahin.

Wala pa sina Mady at Sir kaya umidlip na muna ako pagkatapos kong kumain.

"Good morning! Dito ka ba natulog?" tanong ni Sir na nagpagising sa akin.

Mabilis akong umayos ng upo saka nag-inat.

"Good morning, Sir. Maaga lang po akong pumasok," sagot ko habang kinakapa ang magkabilang gilid ng aking mga mata para tanggalin ang muta sa mata.

"Dalhan mo ako ng coffee, hugasan mo muna ang kamay mo, huh?"

Inirapan ko ang kaniyang likuran. Diring-diri talaga itong lalakeng 'to sa akin.

Balang araw, maglalaway ka din sa akin. Kapag sumahod na ako, magpapa-make over talaga ko.

KASAMA sa mga dumalo sa meeting ay ang mommy ni Sir. Nang makita niya ako, muli na naman niya akong tinignan mula ulo hanggang sa paa.

Nakasuot ako ngayon ng Sleeveless na mahabang dress. Pinatungan ko ito ng jacket para hindi ako ginawin.

Mabuti na lang at hindi niya ako pinipintasan gaya ni Sir, dahil kung hindi isasama ko na siya sa listahan ko ng ekis na tao sa akin.

"Kumusta ka, Petra?"

"Okay naman po, Ma'am..." Ngumiti ako at tinikom ang aking bibig. Ayaw kong magdaldal na naman at baka kung saan na naman ang masabi ko.

"May nagpunta na naman bang babae dito?"

"Wala po, Ma'am..."

"Sure ka? Tinakot ka ba niya at pinagbantaan?"

Tumawa ako. "Hindi po. Saka pakiramdam ko, nalilito po si Sir..."

Kumunot ang noo ni Ma'am. "Nalilito?" maging siya ay nalilito na din.

"Opo," sabi ko. "Nalilito po yata siya sa kaniyang kasarian..." Ilang sandaling nagsalubong ang kaniyang kilay bago siya bumulanghit sa tawa.

"Oh my God! Ikaw pa lang ang nagsabi ng ganiyan sa anak ko..." sabi niya habang hindi matigil-tigil sa pagtawa.

Ngumuso ako. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa.

"Don't you find him attractive?" tanong ni Ma'am, sabay ng pagtaas-baba ng kilay.

"Kung nagaguwapuhan po ako sa kaniya?" tanong ko.

"Oo."

Tamad akong bumuntong hininga. "Opo, guwapo po si Sir." Ngumiti ako.

"No opened po, Ma'am, ha."

Kumunot ang noo ni ma'am, sabay bungisngis.

Mali ba ang sinabi ko?

"Hindi po ako nagaguwapuhan kay Sir. Malayong-malayo po siya kay Christian Gray na makalaglag panty kahit masikip pa ang garter..."

Keme akong tumawa. Nakitawa naman si Ma'am. Mukhang hindi naman siya na opened.

"That's good to know. Dahil ang last na assistant at secretary niya..." Saglit siyang nag-isip.

"Minesa niya din po?" Nanlalaking mata na tanong ko.

Ngumiwi si Ma'am pero tumawa pa din siya kalaunan.

"Parang ganu'n na nga..." Grabe si Sir. Nakakadiri naman siya. Ang hilig pala niya talaga!

"Hindi po ako magiging katulad nila. Pareho po kami ni Sir na nandidiri sa isa't isa, kaya wala pong mesahan na magaganap."

Tumawa si Ma'am. Napakalakas.

"Okay, okay..." Tinapik-tapik niya ang braso ko.

"Pagbutihin mo ang trabaho mo. I like you already..."

"Thank you po, Ma'am."

"Oh, hijo? Nandiyan ka pala. Kanina ka pa diyan?" tanong ni Ma'am, habang nakatingin sa may likuran ko.

Dahan-dahan akong lumingon. Nakita ko si Sir na seryoso ang mukha habang nakahalukipkip sa may hamba ng pintuan dito sa pantry.

"Gusto mo po ng coffee, Sir?" tanong ko.

"Yes. Pakidala sa opisina ko," seryoso niyang sagot bago siya umalis.

May nasabi ba ako na kinagalit na naman niya? Gusto kong umuwi ng maaga ngayon, eh!

Agad kong sinunod ang utos ni Sir para wala na naman siyang dahilan para bigyan ako ng trabaho kung kailan uwian na.

"Your coffee, Sir..." sabi ko bago pinatong sa kaniyang mesa. Nakatayo siya sa dingding na salamin, kung saan kita ang buong siyudad.

Pumihit siya paharap sa akin. Seryoso at taimtim siyang tumingin sa aking mga mata, bagay na hindi naman niya ginagawa noon.

Nailang ako kaya nag-iwas ako ng tingin. Mas sanay na ako sa nandidiri niyang itsura kapag nakatingin sa akin.

Humakbang siya ng diretso papunta sa akin, kaya umatras naman ako.

Nakailang lunok ako dahil biglang sinalakay ng kaba ang aking dibdib. Hindi naman siya nakakatakot. Hindi ko din maipaliwanag kung bakit mabilis ang tibok ng puso ko.

Ngumisi si Sir.

"Hindi ka pa guwapong-guwapo sa lagay na iyan, huh?"

Nag-iwas ako ng tingin saka tinikom ang aking labi. Muli siyang humakbang kaya umatras ako.

"Palagi mo na lang sinasabi na bakla ako. You knew that I'm not gay... Saksi ka pa nga." Ngumisi siya.

Wala talagang kahihiyan ang lalake na ito. Proud pa siya na ipaalala sa akin ang nakita ko na ginagawa niyang kababalaghan. Kung iba iyan, mahihiya talaga. Siya, wala.

"Ts-in-ismis mo pa ako kay mommy at Mady."

Mukhang sesesantehin na niya ako. Wala pa nga akong isang linggo.

"Gusto mong makahalik sa akin, di ba?"

Ano? Napamaang ako.

"Hindi ah..." nakangiwi kong tanggi. Mukhang plano niya akong halikan!

Umatras ako, habang panay naman ang hakbang niya palapit sa akin. Hanggang sa wala n akong maatrasan.

Hindi din ako makaiwas sa kaniya dahil ang dalawang kamay niya ay nakatukod sa magkabilang gilid ko.

Dalawang pulgada na lang ang layo ng aming mga mukha. Ramdam ko na ang mainit niyang hininga. Ang bango ng kaniyang hininga.

Ngumiti siya na kinamaang ko. Nilapit pa niya ang kaniyang mukha. Ang kaniyang labi sa aking tenga.

"I will never... kiss you..." bulong niya. Para bang isang malaking insulto ang sinabi niyang iyon.

"Never. Ever."

"Mas lalo naman ako!" sigaw ko. Hinawi ko siya. "Umalis ka nga diyan. Nagsasalita ka pa ng napakalapit sa akin, buti sana kung mabango ang hininga mo. Hindi din kita gustong halikan, Sir."

Akala mo, huh! Ang kapal talaga ng mukha niya! Ininsulto pa niya ako.

Okay lang iyan, Pipay. Atleast, hindi ka niya sinesante dahil sa kadaldalan mo.