CHAPTER 53 - GOODBYE ETHAN
--------
ETHAN SMITH POV
I just took the chance and opportunity para once and for all ma-settle na din namin to ni Penelope. Para maging malinaw na din ang lahat.
"Ahm. Penelope?"
Tumingin sakin si Penelope.
"Pwede ba tayong mag usap?"
Di ako nakatanggap ng sagot kay Penelope. Tahimik lamang siya.
"Penelope I miss you." mangiyak ngiyak na sinabi ni Ethan
"Namiss ko yung dating tayo. Alam mo, hinihiling ko na bumalik na yung dati nating pagsasama. Yung sobra tayong close."
Nginitian niya lang ako. Pero patuloy pa din ako sa mga bagay na gusto kong sabihin sa kanya.
"Namiss ko yung dati nating ginagawa gaya nung sasamahan mo akong magbake kahit na naiinip ka. Hindi pa ako marunong nun kaya ending madalas sunog at kung hindi naman sunog, hilaw naman. I never made a perfect cupcake or cookies kaya lagi mo akong pinagtatawanan pagkatapos pero nauubos pa din naman natin.
Tapos yung time na nasa baguio tayo nun, sobrang saya. First time natin mag byahe nun. Pano ba naman kasi mag mall lang sana tayo pero sabi mo na hindi kapa
nakakrating dun kaya dinala kita kahit na delikado dahil ako ang nagdrive at minor pa ako nun although meron tayong driver pero pinaupo lang natin siya sa likod in case na merong check point or tollgate para di tayo mahuli.
Sobrang saya ng moment natin na yun. Countless times na nakayakap ka lang sa akin kahit na may jacket kana, blanket pero you just love hugging me kasi sabi mo.."
Napatigil ako dahil bigla nalang din siyang nagsalita.
"Sobrang lamig kasi talaga nun. Kaya kita yinayakap dahil yung jacket mo mainit init." wika ni Penelope habang pumapatak ang luha sa mga mata at pinipilit na ngumiti.
"Oo yun nga, tapos foodtrip sa night market. Na enjoy natin ng sobra halos lahat kinaen natin tapos dali dali tayong umuwi dahil alam mo na. May nakaen tayo na talagang nag sakitan ang mga tiyan natin. Hahaha."
Napangiti din si Penelope. I know na malinaw pa sa alaala niya yun. Kasi parehas kaming sumasakit ang tiyan. Napaiyak na ako nun kasi siya ang nauna sa banyo tapos hindi din nakatulong yung malamig na klima.
"Yeah I still remember that. Ang baho kasi paglabas ko. Kadiri ka nga nun e." matawatawang sinabi ni Penelope habang sinisipon dahil sa kanyang pag iyak kanina.
"We really had a lot of great moments together. And I cherished all of those. Sobrang sarap mo kasing kasama. Ikaw yung tipong walang arte e. Competitive ka masyado kaya one time pumunta tayo sa restaurant we ordered yung best seller nila na dish and dessert tapos di natin alam na palaka na pala yung nakaen natin hahaha."
"Yeah, we just found out nung sinisipsip mo na yung leg part tapos napansin ko yung paa looks like paa ng frog nag freaked out tayo parehas tapos sinabi nga sa atin ng waiter dun na yun ang best seller nila. Hahaha." natatawang sinabi ni Penelope habang umiiling iling dahil sa naalala na pangyayari nila ni Ethan.
We laughed it out.
I thought na okay na kami nun. Pero..
"But Ethan, that will be just a part of our past. I don't think na maibabalik pa natin yung closeness natin dati. Dederetsuhin na kita, Yes, maaaring mapatawad kita pero yung closeness, I'm sorry to say, hindi na. I am over it na Ethan, I don't wanna be hurt again. Kahit na pina arranged marriage tayo ng family mo, don't expect na magiging okay tayo. I am just doing this para lang kay Daddy. Mag iipon lang ako,after a year na makaipon ako. I will file a divorce at babayaran ko ang utang ng Dad ko sa family mo. I'm sorry Ethan. Pero wala na talaga. Just bury the past at tigilan mo na yang pag iilusyon mo. Hindi mo na maibabalik pa ang mga nakaraan." sabay tahimik pagkasabing iyon ni Penelope.
Hindi rin nito mapigil ang kanyang mga luha. At kahit na may media pa sa labas, binuksan ni Penelope ang pinto at lumabas diretso sa elevator. As expected, pinagkaguluhan si Penelope ng mga media pero hinawi lang niya ang mga nagtangkang humarang sa daan niya.
The moment na sinabi ni Penelope sa akin ang mga salita na yun. Para akong sinampal.
Nakatulala lang ako at tinatry i-digest lahat ng mga sinabi niya.
I think that answers my question. Hindi na ako aasa pang maging maayos kami ni Penelope.
Ang kailangan ko nalang gawin ngayon ay tanggapin ang masaklap na katotohanan.
Tutal sa kanya na din naman nanggaling.
-------------
Lumipas ang isang araw.
Hindi ako nakadalaw sa hospital. Pero nag sabi naman ako kay Tita na hindi muna ako makakapunta dahil busy ako sa aking trabaho.
Hanggang sa lumipas pa ang ilang pang mga araw na hindi na talaga ako nagpunta pa ng hopsital. Pero humihingi naman ako ng update mula kay Tita Patricia tungkol sa kalagayan ni Tito Harvey. Pero tikom ang bibig ko kada tinatanong niya yung about sa amin ni Penelope.
Tska naisip ko din na, tumigil muna. I decided to keep myself busy again. And I started accepting clients na interesado for collaboration with me and patrnership.
Sunod sunod ang mga business meetings. At finally naisakatuparan na din yung matagal ko nang pinaplano na bigtime business ang Auto Paradise kung saan magbebenta ako ng mga wordclass na kotse at dadalhin dito sa pilipinas.
Dahil dito, isang big event ang dadluhan ko. Kung saan kailangan kong umalis ng Pilipinas at pumunta ng ibang bansa. Uunahin naming pupuntahan ang bansang UAE. Kakatagpuin ko ang dalawa sa anim kong mga business partners para sa malaking proyekto na ito.
At ang sunod at huling pupuntahan ko ay sa U.S naman kung saan kailangan kong manalagi ng higit isang linggo. Kaya total of 2 weeks ang itatagal ko sa ibang bansa para sa project na ito.
----------
TIME CHECK: 8:00 am
AT THE AIRPORT
Okay. Suit check, Chopard black sunglasses check, mask check, at yung mga dokumento check na check. Your Doctor/ Businessman is ready to go.
At as usual pag tungtong pa lang ng airport may mga media na agad pero buti nalang andyan yung mga security to protect me. 2 weeks akong mawawala sa Pilipinas for business purposes. Mamimiss kita Pilipinas. Hanggang sa muli.