CHAPTER 58 - THE TRUTH ABOUT THE 2 BILLION DEBT
---------
ETHAN SMITH POV
Noon ko pa talaga to gustong malaman. Dahil nagulat ako noong time na nagkwentuhan kami ni Kuya Patrick. Isa ito sa mga napagkwentuhan namin na curious din daw siya kung paano nagkaroon ng ganun kalaking utang si Tito Harvey Kay Daddy. At wala din akong idea talaga sa tunay na na nangyari kaya nangako ako sa kanya na kay Daddy ko mismo itatanong para mabigayan na din ng linaw ang lahat.
DON ALBERT SMITH POV
Ganito kasi yan Son. Every weekend, kami ng mommy mo ay laging naghahanap ng mapag lilibangan. After ng zumba sa hapon napag isipan namin noong araw na yun na magtry naman kami mag casino tapos nagdala lang kami ng pera na halagang 2million cash. That was the amount na kaya naming ipatalo and we promise na pag natalo yung bitbit namin we will stop and just leave and go home. No need na bawiin pa ang talo.
But your mom kept on always winning so yung 2 million na capital namin naging 20 million. Alam mo bang hanggang ngayon hindi pa din natatalo yung 20 million na yun son? We even open a bank account para sa pang sugal namin na yun.
Anyway, nung unang punta namin nakita na agad namin dun si Harvey and I notice na he's drunk. Spectator lang kasi ako yung Mom mo talaga ang naglalaro. I don't know if everyday na nandun siya.
Basta everytime na pumupunta kami sa casino, nakikita namin siya. Always present si Harvey. Nakatikim pa nga kami ng treat niya nag pa buffet siya, I think he won a lot that time.
Then weeks later,
Pag punta namin, we noticed na parang nag kakagulo sa loob? Open yung door e kasi may lumabas. And we just heard:
"Are you kidding me Harvey? Nagsusugal sugal ka dito sa Casino tapos sasabihin mo na wala kang pera? Siraulo ka ba? Hindi mo ba kilala yung binabangga mo? Pag di mo ako binayaran ngayon mismo may mangyayari sa pamilya mo! "
"Kung ako sayo gumawa ka na ng paraan para mabayaran ang 2 billion na utang mo!"
Pagkatapos nun nag alisan na yung mga lalaki. Lima silang nakapalibot kay Harvey. Pero di naman siya ginalaw sadyang tinakot lang siya. Nilapitan ko siya dahil naaawa ako sa kanya dahil alam ko kung gaano kabait si Harvey. Pero di ko alam na ganun na pala yung halaga na napapatalo nya.
Nagtago lang kami sa may gilid at nung napansin namin na nakalabas na sila, tsaka naman kami pumasok.
Harvey was so drunk that time at parang hindi na niya alam ang gagawin niya. He was crying so hard, yung suot niya lukot lukot na.
Pinuntahan ko agad siya at tinanong kung ano ang atraso niya sa mga yun?
At dun nga din niya sinabi na may utang siya na 2 billion. Tinanong ko din kung anong pangalan ng tao na pinagkaka utangan niya?
"Si Oliver Tan o mas kilala bilang Mr. Tan."
Nagulat ako nang malaman ko na si Mr. Tan pala ang pinagka utangan niya. Siya ang numero unong iniiwasan ko dito sa Casino dahil nung bago pa lang kami dito naikwento sa amin yan ng isang player din dito na itong si Mr. Tan ay isang scammer dahil kapag natatalo siya hindi muna siya mag babayad hanggang sa umabot ang time na siya naman ang mananalo tsaka niya pag babantaan ang buhay mo.
Nabanggit ko din kay Harvey ang tungkol dito at halata naman na hindi siya nakinig.
"2 billion harvey? Bakit naman ganun kalaki? Dapat kasi nung nakita mo na ang pagmumukha ng Mr. Tan na yun, umalis ka na. Diba binaal na tayo dati?
"Yun na nga Don Albert e, pakiramdam ko kasi na akin ang gabi na yun. hanggang sa nag all in siya. Pinusta niya ang mga sasakyan niya ang ilang ari arian kaya umabot ng dalawang bilyon ang bet. At sa kasamaang palad natalo ako. Hindi ko naman akalain na matapos ang laro namin na yun ay inoobliga niya agad ako na magbayad."
Di ko alam ang gagawin ko iniisip ko din yung kaya nilang gawin sa pamilya ko. Mahal na mahal ko ang pamilya ko lalo na yung dalawa kong anak, yung panganay kong lalaki na nagsusumikap sa abroad para sa pamilya niya at yung bunso kong babae na tumutulong sa pamilya namin ngayon. Buti na nga lang at siya ang sumalo sa hospital namin dahil isang clinic lang iyon noon pero nung nakatapos siya sa US inuna niyang pag gastusan ang clinic namin hanggang sa naging isang hospital."
humahagulgol na sinabi ni Daddy Harvey.
I heard his story, the only way para makabayad daw siya ay ibebenta niya ang Hospital na matagal nilang pinag ipunan ng bunso niyang anak. Pero mararamdaman mong labag sa loob niya yun dahil yunh Hospital na yun ang repleksyon ng dugo at pawis nilang mag ama. Kaya ganun na lang ang panghihininyang niya.
Nakwento niya din sa akin kung gaano kasipag ang bunso niya at nagulat ako na isa palang babae ang bunso niyang anak, kaya nagpa kwento lang ako ng nagpa kwento about her daughter. At naisip ko nung time na yun na swak kayo dahil you guys got a lot of similarities.
Wala na sa isip ko yung 2 billion ang nasa isip ko nalang yung pagiging tugma ninyong dalawa. At maliban doon ay mabait ding ama itong si Harvey. Sadyang nagkamali lang siya nang pasukin niya ang mundo ng sugal.
So nagpatuloy ang kwentuhan naming dalawa. And I started to introduce you kay Harvey. I gave him your calling card. I didn't know kung may idea na ba siya non na may plano na akong ipagkasundo kayong dalawa kapalit ng 2 billion.
"Hmm.. Alam mo Harvey, maaari kitang matulungan sa problema mo ngayon. Yun nga lang magkakaroon tayo ng kasunduan."
"Kasunduan? Ano naman yun Don Albert?"
"Una, Kailangan mong isangla ang kalahati ng hospital ninyo. At pag di mo agad nabayaran, kailangan mong ipakasal ang anak mo sa anak ko. Mag seset tayo ng arranged marriage para sa kanila. Deal kaba?"
"Hmm. Maaari ko bang pag isipan muna Don Albert? Parang nakakabigla naman ata yon."
"Nasa sayo yan. Heto ang calling card ko kung sakaling nakapag isip kana. At baka makatulong din, eto naman ang business card ng anak ko."
Umalis na ako at pumasok sa loob ng room kung saan naglalaro ang aking asawa.
Kalahating oras din ang nakalipas at nag aya nang umuwi si Isabel. Pero di ko inaasahan sa may parking lot ng casino.
"Don Albert!"
"Hmm? Harvey?"
"Tinatanggap ko na. Tinatanggap ko na yung offer mo at pumapayag din ako sa kasunduan natin."
"Okay. Mabuti naman. I will call my Attorney tomorrow para sa pirmahan na magaganap bukas. At yung perang kailangan mo ilalagay ko nalang sa bank account mo. So give me your details at ipapaasikaso ko nalang sa bangko and i'll inform you about that. Probably, tomorrow mo makuha yun. Tsaka isa pa, make sure din na dala mo ang documents ng Hospital ninyo. Maraming Salamat."
Niyakap ako ni Harvey habang siya'y umiiyak.
"Maraming salamat Don Albert, at sa inyo pong mag asawa. Hindi ko po alam kung ano nang gagawin ko sa buhay ko kung wala kayo. Niligtas ninyo po hindi lang ako kundi ang pamilya maraming salamat po."
"Wala yun Harvey. Pero tandaan mo yung kasunduan natin. In 3 days, ibabalik mo sa akin yan but if you failed. Wala ka nang magagawa kundi mafoforce ang anak mo na mapakasalan ang anak ko. Actually it will be a win win situation for you no matter what."
"Maraming salamat po Mr and Mrs Smith. Pagpalain po kayo."
"O sya aalis na kami mag iingat ka. Wag kana magpaka lasing. Umuwi kana din."