CHAPTER 59 - MUFFIN MONSTER!
-----------
ETHAN SMITH POV
Yaaaawn! Good morning sayo Ethan. Aba ang saya mo ata ngayon a. Ayy hala nababaliw na ata ako kausap ko na yung sarili ko sa salamin habang nag aahit ng mga patubong bigote.
Hayy medyo puyat din ako ngayon dahil sinubukan kong gayahin yung special muffin ng US. Well, hopefully magustuhan ni Penelope after kong pumunta ng wineberry. Grabe ang dami kong nalaman sa kwentuhan namin na yun ni Dad.
Hmm? Punta na kaya ako dun? Kaso maaga aga pa e. Mamaya na siguro.
Pero I received a text galing kay Tita Patricia and she wants me to be there dahil nakakapag salita na din si Tito Harvey.
Wow! Thank God. At may little celebration daw na magaganap. Balak daw niyang magluto at gusto niya na magtulong kami. Aba hindi naman po tatanggi si Ethan, Mommy Patricia ayy Tita pala. Haha.
"OTW na po Tita ;)"
message sent!
Sasayaw sayaw pa ako bago pumunta sa loob ng CR. Hayy buti ako lang mag isa dito, walang makaka kita ng kabaliwan ko.
Makalipas ang halos dalawang oras...
PENELOPE THOMPSON POV
Good news! Dad is finally doing well. Nakakapag salita na ulit si Dad at unti unti nang nakakarecover galing sa kanyang heart attack although meron pa silang ineexamine pero di pa nila sinasabi dahil di pa naman daw confirm. Pero good sign naman daw yung unti unting paglakas ni Daddy at hopefully na mag tuloy tuloy for the next few weeks.
At paglabas ni Doc, sakto naman ang dating ni Ethan. Pag pasok niya di ko na napigilan nag sarili ko. Niyakap ko si Ethan dahil sobra akong natutuwa na bumubuti na ang lagay ni Dad.
"Ahh sorry, I am just happy. Umiigi na kasi ang pakiramdam ni Dad." wika ni Penelope na nahiya bigla sa pagkakayakap niya kay Ethan.
"Yeah, sabi nga ni Tita. Eto nga pala Penelope oh, pinag gawa kita ng muffin. Kaya din ako natalagan kasi tinry kong gayahin yung muffin ng U.S."
"Salamat, Ethan." nakangiting pasasalamat ni Penelope.
Nilagay ko na muna sa may bed ko yung dala sakin ni Ethan dahil medyo busog pa naman ako.
Nilapitan ni Ethan si Dad at kinamusta. Natutuwa ako na makita silang dalawang mag usap. I can also feel na kumportable din si Dad kay Ethan. Para bang matagal na silang nagkasama.
"I am so happy that you're here Ethan anak. Thank you for making my family happy. Nakikita ko na masaya sila kapag naririto ka. Hindi din ako nagkamali sa pagpili sayo."
"Aww thank you so much po Tito Harvey basta continue lang ang pagpapagaling po a. Eto nga po pala may dala akong fruits at mga juice na makakatulong po sa inyo."
"salamat ng marami." wika ni Tito Harvey habang mangiya ngiyak at yakap yakap si Ethan.
Pagkatapos ng kwentuhan nila. Pinainom muna ni Mommy ng gamot si Dad
Umalis muna kami ni Ethan sa room ni Dad at umupo muna sa may sofa sa living room. Naalala ko, ipapakilala ko nga pala si Bethina kay Ethan. Kaya hinanap ko si Bethina.
ETHAN SMITH POV
Nung pumasok si Penelope sa kabilang room kung nasaan naroon ang bedroom nila ay maya maya lang ay may lumabas na bata at tatakbo takbo. Grabe ang amos ng bata na to. She has a chocolate all over her face.
Hmm? This kid looks very familiar.
Nagkatinginan kami, tapos tatakbo na sana pabalik sa loob ng kabilang room ang bata kaso bumukas naman ang pinto at nakasalubong niya si Penelope na dala ang box na pinaglagyan ng muffin na pasalubong ko sa kanya. Nakasimangot sa akin si Penelope.
"Aba bata ka! Hayy, Bethina naman." malungkot na mukha ni Penelope.
"Ethan look oh." pinapakita ni Penelope ang laman ng box na iisa na lamang ang natitira sa muffin na binigay ko kanina lang.
Napasabi nalang ako na..
"Ohh I remember you na. Haha! Kaya pala parang ilag ka sakin ha." wika ni Ethan sa batang maamos na nakayakap kay Penelope.
Napatanong sila sakin kung "bakit?", kaya nakwento ko yung kaganapan sa eroplano noong pauwi na ako galing U.S sila pala yung kalapit ko noon. Kaya pala parang hawig nga ni Penelope. Medyo chubby chubby lang itong bata na ito.
"Haha eto pala ang salarin ha? Bethina, you are so naughty! Why are you always eating my muffin?!" wika ni Penelope sa noo'y nakayakap sa kanya na si Bethina na tila'y natatakot kay Ethan.
"Haha ang cute mo naman, so you are a Muffin Monster pala? What's your name Muffin Monster?" tanong ni Ethan sa takot na takot pa din na si Bethina.
"Ayy sige na, bati na tayo. I'll make you more muffin kapag nakipagbati ka sakin. Pinky swear." panunuyo ni Ethan.
"Okay, pinky swear. My name is Bethina po." biglang gulat ni Ethan nang makipag pinky swear sa kanya si Bethina.
Dalawa na pala ang ipag babake ko ng muffin. Haha. Penelope liit nga itong si Bethina. Nagpakilala din ako kay Bethina bilang Tito Ethan.
"Aww. Look at your Tita Penelope. She is sad oh, you ate all of her muffins." pangangantsaw ni Ethan.
"No po, Tito Ethan. Look she has 1 more left. Here Tita. Don't worry, Tito Ethan will bake more if you want." pagmamagandang loob ni Bethina.
"Haha wow ha, ni minsan nga hindi ko inutusan yan tapos ikaw na kaka kilala mo lang, uutusan mo agad na ipagbake tayo? Hahaha. Ang cute cute mo talaga Bethina e." panggigigil ni Penelope sa pamangkin na sutil na pisil pisil ang pisngi.
PENELOPE THOMPSON POV
Mamaya maya ay lumabas si Kuya para bantayan si Dad dahil mag uumpisa na daw na mag prepare ng food para sa maliit na celebration. Pasasalamat sa paunti unting recovery ni Dad.
Kaya pumasok na kami sa loob at nandito na kami sa kitchen kung saan katulong ni Mom si Ate Bella na maghiwa ng mga ingredients. Samantalang ako, heto tamang nood lang dahil hindi ko talaga forte ang pagluluto.
Pinakilala din ni Mommy si Ethan kay Ate Bella.
"Ohh, talaga ba? Grabe famous pala ng jowa mo Li'l sis."
"Hindi ko jowa Ate, ano ba."
Eto nanaman yung mga tanong ni Ate Bella. Noon pa man ganito na talaga to eh, sabi niya kasi sakin na once nga na magkaroon ako ng boyfriend talagang kikilatisin niya.
Isa nga siya sa mga tuwang tuwa nung nalaman niya na naghiwalay kami ni Jacob.
"Taray talaga ng lil sis ko, hindi nawawalan ng manliligaw. Infairness ha, maganda ang aura sa akin nitong famous mong manliligaw. Di gaya ng ex mo. Nung nakita ko, hayy talaga kahit wala pa siyang ginagawa parang nababadtrip na ako agad.
"Hahaha, kaloka ka naman Ate. Tsaka wag mo na banggitin yun. Past is past."
"Ayy sorry mukhang awkward din pala dito kay Mr. Famous. Sorry naman ha. Sana di ka matakot sakin kasi ganito talaga ako wala talagang preno ang bunganga. Pero sagutin mo nga ako, bakit ka ba madalas na nadito? Anong meron? I mean ano ang motibo mo?"
deretsahang tanong ni Bella kay Ethan na busy na maghiwa ng ilang ingridients.
ETHAN SMITH POV
Kung ano ang ikinatahimik ni Kuya Patrick ay yun naman ang idinaldal ng asawa niya. Haha, pero wala naman akong problema dun. I think tinetest lang niya ako.
Pero kahit malamig dito sa kitchen pinagpapawisan talaga ako.
"Ano Ethan? May gusto kaba sa Lil sis ko? Para magkaalaman na tayo ngayon pa lang."
Napangiti nalang ako sabay sabing.
"Opo, meron po. Mahal ko po si Penelope."
Everyone stops.
At napatingin lahat kay Penelope. Habang ako ay tuloy tuloy sa pag chop ng ingridients.