CHAPTER 54 - SAD GIRL, PENELOPE
----------
PENELOPE THOMPSON POV
Pagkatapos ng pag uusap namin dun sa kotse niya. Aminado akong naguilty ako.
Sobrang sama ng mga nasabi ko sa kanya. Di ko din alam kung bakit ko ba nasabi yun sa kanya. Nadala na lang siguro ako sa emosyon nung araw na yun gawa nang pagod tapos may mga media pa na nakaabang.
Nainis pa nga sakin si Mommy dahil hindi ko na natanong kay Ethan yung pinapatanong sakin ni Mommy kung ano yung recipe niya sa pag gawa niya ng Carbonara niya.
Mag sosorry nalang siguro ako sa kanya kapag nakapunta siya dito bukas.
KINABUKASAN...
Time Check: 9:00 am
Ito ata ang unang beses na excited akong pumunta si Ethan. Inaabangan ko talaga siya para lang mag apologize sa kanya.
Hanggang sa mag 5:00 pm na. Wala pa ding Ethan na pumupunta.
"Are you okay, sweetheart? Kanina ka pa dyan sa kwarto a. Kumaen kana ba?" tanong ni Mommy Patricia sa anak na tila ba'y buong araw lang na nasa kwarto.
Knock! Knock! Knock!
"Pasok po" wika ni Patrick.
Nabuhayan ako kasi amoy muffin mukhang si Ethan na nga. Napabangon ako sa kinahihigaan ko.
Paglabas ko, agad naman akong sinalubong ni Kuya.
"Ohh babygirl. Padala daw to ni Ethan. Pinadeliver lang daw kasi busy sa trabaho."
"Ehh asan na siya?"
"Busy nga babygirl. Pinadeliver niya lang dito tapos si Assistant Giselle ang nag abot dito."
Okay, siguro nagalit na nga siya sa akin. Edi wow! Kahit wag ka nang pumunta talaga!
Knock! Knock!
"Tao po?"
Boses ng lalaki? Baka siya na to. Dali dali ako sa may pinto.
"Ako na magbubukas ng pinto Mom" excited na sabi ni Penelope.
Pag open ko.
"Eto yung Iced coffee po Ma'am Penelope." wika ng guard na nagdala ng kape ni Penelope.
"Ahh ganun ba, salamat po. hehe." pilit na ngiti ni Penelope na sumilip silip muna sa labas bago isinara ang pinto.
---------
KINABUKASAN
--------
ETHAN SMITH POV
Nakasakay na ako ng eroplano. Actually, nais sana ng isa kong business partner na isakay ako sa Private Plane pero parang di ko naman feel ang ganun.
Mas gusto ko nang nakakakita ng tao dahil sobra akong nabobored kapag kaunti lang ang nakikita kong mga tao. Gusto ko ding nakaka kita ng mga cute na babies sa eroplano. Ako kasi yung tipong gustong gustong nakaka kita ng mga cute na bata tapos papatawanin kapag naka talikod yung mga magulang nila.
Anyways, hindi ko na nakuhang magpaalam ng personal kila Penelope about dito sa pag alis ko na to. She doesn't care na din naman siguro. Pero nag bilin
pa din naman ako kay Jessica kanina na mag deliver ng Choco Muffin sa Thompson Hospital every 9:00 am.
PENELOPE THOMPSON POV
"Sa balitang showbiz naman tayo, controversial na si The Perfect Doctor
namataang mag isa sa Airport papuntang U.A.E. Totoo nga kaya ang mga
bali-balita na break na ang dalawang Doctor?
Alamin sa ulat ni Tina Roman
Doctor Ethan, gaano ka totoo na break na kayo ng rumored girlfriend
mo na si Penelope Thompson?
Once and for all po, can we just kept our relationship private? Kung
anuman ang namamagitan samin or kung okay ba kami o hindi. Pwede
po bang sa amin nalang po yun? I just want a private life po e. Though,
I am so thankful sa mga supporters ko pero sana po respect nalang yung
privacy namin. Lalo na ni Penelope. She deserve a peace of mind right now.
And the thing that I can share right now with you guys is, I am going to...."
"Anak ng pating naman oh! Anong nangyare kuya?"
"Hehe sorry babygirl yung T.v pala yun akala ko charger ko."
Kainis naman tong Kuya ko na to. Ang sarap sabunutan! Nasa exciting part na e.
"Ohh ayan nasaksak ko na ulit."
"LeBron James talo sa huli nilang pre season game....."
"Hayy nako wala na tapos na. Balitang sports na oh. Jusko naman."inis na inis na sinabi ni Penelope habang nag kakamot ng ulo.
"Sweetheart? may choco muffin ka ohh. Pinadala dito." wika ni Mommy
Patricia na nasa tabi ni Daddy Harvey.
Huh? Diba umalis daw siya? Pero nakuha pang makapag padala dito?
Agad naman akong lumabas ng kwarto para tignan.
Tinanong ko din kay Mom kung sino ang nagpadala. At nagulat ako nang sinabi niya na ang Assistant pala ni Ethan ang nagpadala. Lumabas ako
agad para habulin. Dahil meron akong itatanong sa kanya, nabitin kasi ako sa pinanuod kong news kanina.
Tumingin tingin ako sa paligid. Medyo nakakahiya nga e dahil naka pangtulog pa ako pero bumaba pa din ako ng elevator. Ang sabi sakin in Mommy, magandang babae daw tapos brown ang kulay ng buhok tapos mahaba tapos naka pang office
attire na dark blue and white.
"Si Ma'am Penelope yun a. Sinong hinahabol niya?"
"Hala si Doc. Penelope, baka hinahabol niya yung nag titinda ng pandesal.
Nako nakalagpas na."
Ayun mukhang ito na nga siya papasakay pa lang ng sasakyan niya.
"Ms. wait lang po!" habang hinahabol ang assistant ni Ethan.
"Wait lang po Ms." wika ni Penelope na hingal na hingal sa paghabol.
"Yes po ma'am? Water po?" tanong ni Asst. Jessica
Di na ako tumanggit sa alok niyang tubig dahil hingal na hingal talaga ako.
Grabe nga kabog ng dibdib ko.
"Hooh! Thank you ah. May itatanong lang ako, pero bago yun, ako pala si Penelope.
Ikaw ang Assistant ni Ethan right?". tanong ni Penelope habang nag pupunas ng pawis.
"Ahm Opo, Nice to meet you po Ma'am Penelope. Ako po si Jessica. Don't worry po ma'am anak anakan lang po ako ni Doc. Ethan."
"Haha, ano ka ba. Okay lang naman no. Anyways, ang itatanong ko kasi diba wala ang
boss mo ngayon?" nakangiting sinabi ni Penelope.
"Yes po Ma'am. He has an urgent business meeting para sa pag oopen niya po ng bagong business." nakangiti ding tugon ni Jessica.
"Ohh, really? Ehh ilang days siya dun?"
"Ahm. 2 weeks po siya dun Ma'am e. Actually, biglaan lang din po yung meeting niya na yun dahil nung mga nakaraang buwan pa po sana yun naka-line up kaso lagi din pong nauudlot. Kaya ngayong June po, request ng isang business partner na kailangan na po talagang maganap kaya pinilit nalang at bago din po mainip yung ibang business partners.
Total of 6 business partners po sila na mag lalaunch ng bagong business ni Doc Ethan."
paliwanag ni Jessica.
Grabe sobrang bongga ata nitong business ni Ethan. Busy pala talaga siya tapos nagagawan niya pa din ng time na makapunta dito.
"Actually nga po Ma'am after niya pong dumalaw dito every morning hanggang hapon po, kinagabihan meeting naman po sa mga clients si Doc. Ethan."
"Talaga ba? Grabe pala no."
Tapos inaaway ko lang siya. Hay nako.
"After 2 weeks uuwi na din siya diba?" tanong ni Penelope na medyo malungkot ang mukha.
"Yes po ma'am"
Nagpasalamat nalang ako after ng converstion namin ng Assistant ni Ethan. Lalo tuloy akong naguilty. Hindi ko na din makuhang kunin pa ang number ni Ethan dahil urgent nga ang meeting na yun ayaw ko naman makasagabal.
Maybe, I'll just wait for him to come back.