CHAPTER 4 - DRUNK PENELOPE
-------------
PENELOPE THOMPSON POV
"Sana nga kuya makahanap pa ako ng ganyang lalaking katulad ng sinasabi mo, kasi lahat ng mga lalake ngayon mga mangloloko!" hugot ni Penelope.
"Ma'am, wag naman po kayong ganyan magsalita. Kasi hindi lahat ng lalake ay mangloloko. May mga matitino pa din naman. Pero diba malay niyo, balang araw may makakatagpo kang magmamahal din sayo ng totoo. Yung di ka lolokohin." pag patol ng Bartender.
"Ge na kuya, Ang dami mo pang sinasabi eh. Pero salamat ha, dahil kahit papano ehh nabawasan yung sakit na nararamdaman ko." pasasalamat ni Penelope.
"Wala po yun Ma'am, pero tama na po yang pag-iinom ninyo nakakarami na po kayo. Baka kung mapano pa po kayo dito sa bar. Lalo't mukhang mag isa lang po kayo." pag aalala ng Bartender.
"Nako Kuya, Okay lang po ako. Di pa nga ako lasing e." wika ni Penelope na mapungay na ang mga mata.
"Okay Ma'am kayo po bahala." pag sang ayon naman ng Bartender.
--------------
PATRICK THOMPSON POV
Nakarating na ako dito sa bar kung saan nag punta si Penelope,
Pagpasok ko ang daming tao dito sa loob at meron ding natugtog na banda.
At meron ding mga nagsasayawan.
Hinahanap ko din agad si Penelope at baka kung ano pang mangyari sa kapatid ko.
Di pa man din yun sanay uminom.
Pero bago ko pa makita si Penelope, May nakita akong pamilyar na mukha ng isang lalake.
-------------
Si Ethan Smith ay nasa isang bar, kasama ang kanyang bestfriend na si Noah Miller.Kasama din nila yung mga kaibigan nila, Enzo Gomez at Lucas Lee.Nagkakasiyahan sila sa VIP ROOM ng bar na iyon at nagkwekwentuhan tungkol sa kanilang mga businesses and so on..
Nag Invite din si Noah ng mga girls para sa kanilang apat, Kaso hindi sanay si Ethan na may humahawak at umuupo sa kanya.
Dahil ganun na lang nya kung respetuhin ang mga babae.
Pero wala siyang choice dahil sa mga kaibigan niya.
Ngunit di din nagtagal pina alis nya din agad ang babae.
Si Penelope Thompson naman ay nagpuntang bar para uminom dahil sa pangloloko sa kanya ng kanyang boyfriend na si Jacob na na-caught in the act niya.
At sa hindi inaasahang pagkakataon magtagpo ulit ang landas ng dalawang taong matagal nang hindi nagkita. Ano kayang posibleng mangyari?