Chereads / The Perfect Doctor / Chapter 10 - CHAPTER 10 - BESTFRIEND

Chapter 10 - CHAPTER 10 - BESTFRIEND

CHAPTER 10 - BESTFRIEND

--------------

PENELOPE THOMPSON POV

"Hi Beshie Mica, kamusta?" pagbati ni Penelope sa kanyang bestfriend na si Mica.

"Hello Beshie, syempre ayos na ayos bumisita kayo dito e." masayang tugon ni Mica.

"Hello po Mommy, Daddy, and Kuya Patrick." pagbati ni Mica sa pamilya ni Penelope.

"Hello Mica. Ayos dito a. Ang ganda nitong resto mo lakas maka beach vibe." masayang pag puri ni Patrick sa resto bar ni Mica.

"Syempre naman Kuya Pat. Ako nag design na yan e. And look, may pa banda pa kami ohh diba bongga.

Mapapasarap talaga ang kain mo." pagbida ni Mica sa kanyang resto.

"Yup, agree ako diyan Beshie Mica. Good Job! Eto pala pinagkaka busyhan mo a." pag sang ayon ni Penelope.

"Yes Beshie, alam mo yan. Kaya nga ilang taon na akong single kaka conceptualize sa resto bar na to. And worth it naman. Hala bat ang chika ko tara na sa table na nireserve ko sa inyo. I know mga gutom kayo. Mga galing spa e." wika ni Mica.

"Aba syempre beshie. Tinreat ko sila Mom dahil ang tagal na nung huli ko silang naka bonding." wika ni Penelope.

"True beshie! At maigi na dito mo naisip dalhin sila Mom and Dad kahit malayo layo itong resto ko." wika ni Mica.

"Syempre beshie no. Support ako sayo." nakangiting sinabi ni Penelope.

"Aww. Love you beshie." malambing na sinabi ni Mica.

"Love you beshie." tugon ni Penelope.

"Ano Mom, Dad, Kuya? Nakapili na kayo ng oorderin?" tanong ni Penelope.

"Yup, Sweety. Inaantay lang naman namin kayong matapos magchikahan e. Mukhang miss na miss nyo ang isat isa hehehe." biro ni Daddy Harvey.

"Hahaha! Sorry Daddy. Beshie akin na yung list iabot ko na sa waiter." wika ni Mica.

"Here Beshie oh." tugon ni Penelope habang inaabot ang list ng order nila.

------------

30 mins. lang dumating na yung order namin.

I really enjoyed everything the food,The ambiance, may band pa, panalo tong resto ni Mica.

"Okay and here's our next song. Para sa mga mag kakaibigan dyan pero natatakot na umamin na may gusto na sa kaibigan nya. This next song is for you." wika ng vocalist ng banda na tumutugtog sa resto ni Mica.

OMG! Pagkumpas palang nung piano. Bumilis na yung kabog ng dibdib ko.

Hala bakit? Sa daming kanta beshie?

Playing at the Background

BEST FRIEND

By: Jayson Chen

Do you remember when I said I always be there? Ever since we where 10 baby.

At nag flashback nanaman sa akin ang lahat 10 years old ako nun, bagong lipat kami nung time na yun. At may nakita akong parke sa labas may slide, seesaw, at swing. Meron ding mga bata. Kaya lumabas ako, lumaki kasi akong walang kalaro tanging si kuya lang eh, hindi ko naman gusto mga laro niya, basketball, baril barilan at kotse kotsehan.

Natuwa ako kasi sa subdivision na nilipatan namin eh madaming bata, kumpulan sila naglalaro ng Chinese Garter. Lumapit ako para sumali sa kanila pero hindi sila pumayag at bigla nalang akong tinulak at natumba ako at pinalo sa pa braso, Nagulat nalang ako nang bigla nalang silang nag takbuhan.

May dumating palang poging lalaki. Napaka ganda pa ng kulay ng kanyang mga mata, kulay asul.

Hinawakan nya ang braso ko at hinipan. Napatawa nya ako dun at pinatayo nya ako at hinawakan ang aking pisngi na may luha. Pinunasan nya ito. At sinabi nya sakin na sa susunod na may umaway pa sa akin sasabihin ko lang sa kanya.

Tuwang tuwa ako nung araw na yun dahil sa wakas nagkaron nako ng kaibigan..