Chereads / The Perfect Doctor / Chapter 15 - CHAPTER 15 - THIRDWHEEL

Chapter 15 - CHAPTER 15 - THIRDWHEEL

CHAPTER 15 - THIRDWHEEL

-----------

MICA PEREZ POV

After ng pag alis ni Mr. Lee pumasok na kami sa loob at nag decide na uminom ng wine.

Nakakatakam naman kasi talaga itong wine na nandito sa lamesa. At ang sarap pa.

Namiss din namin ni beshie ang mag inom.

Medyo napadami din ang nainom namin kaya maya maya lang nakaramdam na kami ng antok.

Knock! Knock!

Tao po? Ms. Thompson?

Knock! Knock!.

Ms. Thomspson?

"Namulat ako, at hala! Oh no, 7:20 pm na!!" wika ni Mica na gulat na gulat dahil 20 mins na silang late ng beshie nya sa pa-dinner ni Mr. Lee.

Kaya bumangon na agad ako. At pagtingin ko sa beshie ko, Naku! tulog pa din at nakanganga pa.

Ginigising ko siya pero ayaw pa din magising kaya napagdesisyunan ko nalang na siguro ako nalang ang pumunta dahil nakakahiya sa mga ka-dinner namin lalo kay Mr. Lee! Makakahabol pa naman siguro ako.

"Beshie? Huy? Hala late na tayo." wika ni Mica na mangiyakngiyak ang boses sa pag gising sa beshie nya.

"Ikaw nalang ang pumunta beshie, Antok na antok pako at pagod. zzzZZZ" nakapikit na sinabi ni Penelope sa kanyang kaibigan.

Kaya nag madali na akong mag ayos ng aking sarili.

Nag half bath lang ako pagkatapos naglagay na ako ng face powder at ng pang malakasan kong lip tint, pak! Wag kalimutan ang kilay dapat laging on fleek!

at nag spray na din ako ng pang malakasan kong pabango, ang Chanel na regalo pa sa akin ng beshie ko.

At all done!

Yan ang aking 5 min make up routine. Time check? Oh no, its 7:29! Kaya dali dali na akong lumabas ng bahay.

Paglabas ko nakita ko si kuyang driver na nag hatid samin kanina papunta dito sa room namin. Paalis na sya, lagot!

"KUYA WAAAAAAIT !!" sigaw ni Mica sa tinatawag nitong driver ng resort car na akmang paalis na.

Hayy. Buti nalang at nakasakay na ko. Grabe hingal ko bes. Hinabol ko pa si kuya.

Mabilis lang naman ang byahe kaya wala pang 5 mins nasa resto na ako.

At pag pasok ko sa private room bumungad sa akin ang mukha ni Lucas Lee.

Titig na titig sa akin at wow! gentleman. Sinalubong nya ako sa may pintuan papunta sa lamesa.

---------

LUCAS LEE POV

Wow! This is probably the most beautiful version of Mica that I've ever seen.

She looks so beautiful kahit simple lang yung dress nya.

Kaya nung nakita ko na papunta na sya sa table namin, tumayo ako at inalalayan ko siya sa kanyang paglakad.

At pinaupo pag dating sa table namin ni Ethan.

"You look so gorgeous today Mica." wika ni Lucas na manghang sa kagandahan ni Mica.

"Thank you Mr. Lee" sagot ni Mica

"Oh, so you're the business partner right? Nice to meet you po Ma'am." tanong ni Ethan kay Mica.

"No, hind po ako yun. Ako po yung bestfriend nya. Oo nga pala Mr. Lee pasensya na ha hindi makakapunta ang beshie ko, Pano ba naman tulog na tulog nag halo ang pagod tapos uminom pa kami ng wine dun sa room. Ginising ko nga yun, tapos ang sabi nya ako nalang daw ang pumunta. Kaya ayun ako lang ang nandito ngayon. Baka bumawi nalang yun sa susunod. Sorry talaga Mr. Lee and Sir" pag explain ni Mica ukol sa hindi pagsipot ng beshie nya sa dinner nila.

"It's okay. I truly understand. Lalo't mahaba ang binyahe nyo. Anyways pakilala ko pala. Mica ito pala yung friend ko, Si Mr. Smith isang doctor and businessman. And Mr. Smith ito pala yung bestfriend ng business partner ko, si Mica Perez." pagpapakilala ni Lucas.

"Nice to meet you, Ms. Perez." wika ni Ethan.

"Nice to meet you too, Mr. Smith. Anyway, kahit Mica nalang po ang itawag nyo sa akin." sagot ni Mica.

"Okay Mica." tugon naman ni Ethan.

"Pasensya na nga pala Mica, akala kasi namin ni Mr. Smith na hindi na kayo matutuloy kaya nauna na kaming kumain.

Pero pwede pa din naman kitang sabayan.

Here's the menu.

You can pick anything you want" wika ni Lucas.

"No problem naman Mr. Lee." sagot ni Mica.

-----------

ETHAN SMITH POV

Hmm? Simula pagdating palang ni Ms. Perez or should I say Mica, e grabe na kung makatitig itong si Lucas at first time ko din syang makitang nakanganga sa babae. I think Lucas likes the girl. Di naman kasi sya ganyan sa iba.

"Hey bro? Can you please tell me? why do I feel like there is something between you and Mica?" pabulong na tanong ni Ethan kay Lucas na katabi nya sa table.

"Haha. What are you talking about bro? Mica is just my friend." pabulong na sagot ni Lucas.

"Come on bro, you can't hide it. Kanina kapa naka titig sa kanya.

Actually, parehas nga kayong dalawa." tanong ni Ethan na pilit hinuhuli ang kaibigan.

"Mr. Lee? Eto nalang yung oorderin ko. Pork sisig nalang tsaka etong vanilla ice cream nalang for the dessert." pag singit ni Mica sa nag uusap na magkaibigan.

Nakatawag na ng waiter at naiorder na din ng food si Mica at Lucas.

"So, Mica 1 week pala kayong nandito ano? tanong ni Lucas kay Mica.

"Yes, Mr. Lee. Bakit ayaw mo ba?" pabirong tanong ni Mica.

"Haha, what are you saying? Alam mo kahit nga lifetime kana dito e. Hahaha!" pabirong hirit din ni Lucas.

"Tsaka alam mo, you can just call me Lucas. Masyadong pormal yung Mr. Lee eh."

"Okay Lucas." sagot ni Mica.

"Okay, so ganito pala feeling ng maging thirdwheel. Waiter alak please!" pabirong hirit ni Ethan.

"Hahahaha! Kasi naman Mr. Smith asan po ba ang jowa nyo?" tanong ni Mica.

"Haha. You know what Mica? Mr. Smith is allergic to girls. Siya na nga ang hinahabol ng mga babae pero ayaw nya pa din. Ewan ko ba dito, balak ata magpari ng kaibigan kong to e." pangangantsaw ni Lucas sa kaibigan.

"Ganun ba? Bakit ba ayaw mo pang mag girlfriend Mr. Smith?" tanong ni Mica.

"Well, wala pa kasi talaga akong time for that. Masyado pa akong busy para mag lovelife. Di ko pa kayang mag commit sa ngayon." sagot ni Ethan.

"Sus, ganito kasi yan Mics. Ethan is just waiting for her Chilhood Bestfriend to return. But imagine, 12 years na silang hindi nagkita malamang may sarili nang pamilya yun ngayon. Diba? Kaya nga kung sino sino na nirereto namin dito but he remain loyal sa bestfriend nya na yun." wika ni Lucas.

"Pano kaya kung ireto natin yung beshie ko dito kay Mr. Smith? Sakto single na ngayon yun. Hahaha."

pabirong hirit ni Mica.

Bigla namang dating ng order nila Mica at Lucas. Kaya agad na naputol ang usapan.

Grabe itong dalawa na to. Nag susubuan ng mga pagkaen dito pa sa harap ko. Talagang thirdwheel na thirdwheel ang dating ko dito. Naka formal attire pa naman ako.

Sana pala nag tshirt nalang ako hayy..

"Nga pala Mr. Smith be ready tomorrow ha. Wake up early. I'll give you a resort tour. 3 day resort tour para masulit mo yung vacation mo dito." wika ni Lucas.

"Wow sounds great bro. I am excited. What time ang start bukas?" tanong ni Ethan.

"Hmm. Maybe 8 am bro." sagot ni Lucas.

"Lucas, sama naman kami ni beshie ko dyan. Gusto namin kayo maka bonding" wika ni Mica.

"Of course, Mics. Ikaw pa ba? I'll also asks my partner kung pwede nya akong matulungan as a tourguide sayo bro. Hopefully pumayag siya. We do this special tour sa mga special na bisita." wika ni Lucas.

"Aww. Thanks bro! Bawing bawi bro sa pagiging thirdwheel ko sa inyo ngayong gabi hahaha." pasasalamat ni Ethan sa kaibigan.

"Welcome bro, I am just happy na itong resort ko ang napili mo para pag bakasyunan." wika ni Lucas.

"Syempre bro. I got you! That's how I support my friend. Love you, bro!" Ethan showing brotherly love kay Lucas.

"Love you, bro!" sagot ni Lucas.

"Ayy grabe may pa love you love you pa. Edi kayo na." pagsingit ni Mica sa usapan ng magkaibigan.

"Selos ka naman? Don't worry. I love you Mics." wika ni Lucas habang naka tingin kay Mica.

"Mukha mo! Umayos ka nga Lucas Lee!" sagot ni Mica na mukhang naiilang kay Lucas.

"Sus, kinikilig ka lang dyan e. Hahaha." panunukso ni Lucas.

"Aray! Oh see? Bat ka nangungurot? Hahahah."

"Kinikilig si Mica, Kinikilig si Mica." patuloy pa din sa panunukso si Lucas.

Habang nag kukulitan sila Mica at Lucas, umalis na ako sa aking kinauupuan at tumingin nalang sa magandang view sa labas.

Hayy. Penelope. Asan kana ba kase?....