Chereads / The Perfect Doctor / Chapter 17 - CHAPTER 17 - MR. SMITH MEETS THE GORGEOUS TOUR GUIDE

Chapter 17 - CHAPTER 17 - MR. SMITH MEETS THE GORGEOUS TOUR GUIDE

CHAPTER 17 - MR. SMITH MEETS THE GORGEOUS TOUR GUIDE

----------

ETHAN SMITH POV

Tinawag na ako ni Lucas para simulan na ang aming unang araw sa 3 Day Resort Tour.

Imagine kung gaano kalaki at daming activities dito sa Resort na ito. That's why I am really excited!

Bago umalis, outfit check muna tayo. Naka suot ako ng white polo at 2 ang naka unbotton.

Of course, a little flex sa pinaghihirapang work out natin tuwing umaga.

I am also wearing a black na shorts at naka suot na din ng Chopard sunglasses at face mask.

Lumabas na ako at nakita ko sila na naka abang sa akin habang papunta sa resort car.

----------

PENELOPE THOMPSON POV

Pinaalam nga sa akin ni Mr.Lee yung about sa resort tour para sa friend niyang mag 1 week vacation dito sa resort.

And he asks me a favor na maging tour guide para sa friend nya na yun. At pumayag naman ako since hindi nga ako nakadalo sa pa dinner nya kagabi.

Tsaka enjoy din naman maging tour guide kasi malilibot ko din ang buong resort na matagal ko nang hindi nagawa ever since na pina renovate ni Mr. Lee itong buong resort.

Ang dami na nga daw nabago dito. And I am excited kung ano ano ang mga yun.

After umalis ni Mr. Lee dun sa cafeteria to check his friend, dali dali kami ng beshie para makapag ready. Kasi alam mo na.

Need pa mag ayos kahit konti. At ang pinaka importante and sunblock!

Nakapag bihis din kami agad ng beshie ko almost 10 mins din grabe, achievement. Ang bilis naming mag prepare..

Pak! Please welcome my kabogerang beshie.

Wearing a plain white brassier bikini top at tropic moon volley boardshorts. At meron pang Chanel sunglasses.

At ako naman, simple lang. Wearing a final resort two piece ruffle sleeve mini set at breach hat.

We're good to go!

Dinala na din kami ni Kuya Robert sa Villa na pinag tutuluyan ng friend niya.

Maya maya lang din ay dumating na si Mr. Lee kasama ang kaibigan nya.

---------

LUCAS LEE POV

I saw Ethan coming at simalubong ko na sya para sabay kaming pumunta sa car at formal na ipakilala kila Ms. Thompson.

"Sorry Girls, for waiting. Kasama ko na ang friend ko, Please Welcome Mr.Smith."pagpapakilala ni Lucas sa kaniyang kaibigan.

"Good Morning, Mr. Smith." nakangiting bati nila Penelope at Mica.

"Hi, Good Morning." tugon ni Ethan na medyo nahihiya hiya pa.

"Bro, I know you already know Ms. Perez. Pero ito ang ipapakilala ko sayo, ang business partner si Ms. Thompson" masayang pagpapakilala ni Lucas kina Ms. Thompson at Mr. Smith.

Habang kilig na kilig naman si Mics sa may gilid.

--------

ETHAN SMITH POV

Ready na ako for tour, All is set. It's time na ma-meet yung business partner niya na kanina pang or kagabi pa na kinukulit ni Lucas.

Well, finally gising na siya.

At naglalakad na kami ni Lucas pa punta sa resort car. At sa hindi malamang dahilan lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

Kinakabahan ata ako sa pagkikita namin ng business partner ni Lucas. Hayy, bahala na. Mawala din naman siguro to pag nagsimula na ang tour namin.

"Bro eto nga pala si Ms. Thompson my business partner, At Ms. Thompson eto naman ang friend ko si Mr. Smith." nakangiting sinabi ni Lucas.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Ms. Thompson. Penelope? Pinagpapawisan ako ng malamig.

Di ko mapaliwanag ang nararamdaman ko lalo na nung nag shake hands kami.

Nakita ko din yung birthmark nya sa may right arm. Confirmed na si Penelope nga. Same din sa nakita ko sa bar ni Noah noon.

I can finally see her beautiful face ng malinaw. Last time kasi medyo madilim pa.

Pero ngayon grabe sobrang ganda na lalo ni Penelope kamukha nya talaga yung Russian model na si Kristina Pimenova. The eyes, hair, and lips are so damn beautiful. Sobrang swerte ng magiging boyfriend nito.

"Hey, Mr.Smith! Almost 10second na po tayong na shashake hands.

At nanginginig ka sir ah are you alright?" pag puna ni Penelope kay Ethan na nakatulala lang sa kanyang kagandahan.

"Ahh, Yes. Yes. Sorry Pen.....ah I mean Ms.Thompson… Sorry." tugon ni Ethan na kabadong kabado pa din sa muling pagkikita nila ni Penelope.

"Bro, relax. Sorry, Ms. Thompson, Mr.Smith is not just used to touching girls that's why." pag explain ni Lucas kay Penelope tungkol sa halatang ninenerbyos na si Ethan.

Minabuti ko munang tumabi kay Kuya Robert para maikalma ko ang sarili ko.

Samantala si Penelope naman ang naka pwesto mag isa sa may gitna ng resort car at Mica at Lucas ang magkatabi sa may likuran.

At nagstart na ang tour. Actually, wala naman talaga akong naiintindihan sa mga ineexplain nila.

I'm just staring at Penelope all the time from the internal mirror ng resort car.

Well, masasabi ko na kalmado na ako. Dahil medyo kinakausap ako ni Penelope while explaining dun sa mga paligid ng resort. Like kung bakit ganun ang mga napili nilang design sa mga villa, and yung theme ng kanilang resort at marami pang iba.

Hayy. Sana di ako mahalata ni Penelope. Natatakot kasi ako baka masira ko yung pag bakasyon nila dito.

And we are at the first stop! Ang Eve's Garden.

----------

PENELOPE THOMPSON POV

"Welcome Mr. Smith dito sa Eve's Garden. As you can see Mr. Smith wala kang nakikitang garden diba?

That's right kasi need pa po natin umakyat dun sa hagdan na iyon(naka point ang nguso sa may hagdan).

Ohh bat naman mga nakatawa kayo dyan?" tanong ni Penelope sa mga nakangting sina Lucas at Mica.

"Haha ang haba kasi ng nguso mo beshie. Baka manginig nanaman si Mr. Smith nyan. Hahaha. Titig na titig pa naman sayo." pabirong banat ni Mica.

"Hay nako puro kayo kalokohan. Pag untugin ko kayo dyan e." naka irap na sinabi ni Penelope sa mga tawang tawa pa din na sina Lucas at Mica.

"Anyway Mr. Smith, wag mo nalang silang pansinin. Sadyang yang mga may sayad na yan ang talagang nagkaka intindihan.

Mabalik ako sa sinasabi ko Mr. Smith ano, para makita ang Eve's Garden kailangan muna natin umakyat patungo sa hagdan na iyon which is merong 300 steps. Malaki naman ang katawan mo Mr. Smith kaya alam kong sisiw lang sayo yan. Wag kang gagaya sa kaibigan mong si Mr. Lee na nasa 100 steps pa lang hinihingal na." pagbawi ni Penelope sa isa sa mga mapang asar na si Lucas

"Hoy, grabe ka naman. Sisiw nalang din sakin yan no. Nag wowork out na ako. (Inangat ang suot nitong shirt para maipakita ang ilan sa abs nya) Look oh, resulta ng hardwork." pagmamayabang ni Lucas.

"Eww!" wika ni Penelope na may arte pa na nasusuka.

"Maka "eww" ka naman Ms. Thompson pero yung katawan ng kaibigan ko tinitignan mo. Oh, wag mo ideny pano mo nalaman na malaki ang katawan niya kung di ka tumingin? Hahaha. Isara mo naman kasi yang polo mo Mr. Smith nabobosohan kana." pang aasar ni Lucas kay Penelope.

"Hay nako, Tara na nga Mr. Smith hayaan na natin yang mga alaskador na yan. Baka di ako makatimpi imbis na Eve's Garden ang punta natin baka sa Heaven's Gate ko sila dalhin." Naka irap na sinabi ni Penelope sa alaskador na si Lucas.

Grabe, speechless ako dun a. Infairness dito kay Penelope marunong nang lumaban.

Dati kasi lagi nya lang iniiyakan ang mga nang aasar sa kanya.

Pag akit sa akin ni Penelope na umakyat sumunod na din ako.

At tawang tawa pa din sina Lucas at Mica sa likod.