CHAPTER 21 - MR. SMITH'S REAL IDENTITY
----------
PENELOPE THOMPSON POV
Successful naman and pagbaba namin ni Mr. Smith. Naputol yung pagtingin niya sakin nung malapit na kaming bumaba. Di ko na napigilan kaya tinanong ko na siya tungkol dun habang tinatanggalan kami ng harness.
"Mr. Smith? May dumi ba ako sa mukha? Pansnin ko kasi na sa akin ka lang naka lingon the whole time. Is there anything wrong with my face?" tanong ni Penelope.
"Ahh wala naman. Ayaw ko lang kasing nahahanginan ang mata ko. Kahit kasi naka sunglasses ako sa bilis natin napapasukan pa din ng hangin. Pasensya pala kung nailang kita." wika ni Ethan.
"Ahh kaya pala. Hindi wala yun. Curious lang naman ako baka kasi meron akong dumi, Nakakahiya
naman." nakangiting sinabi ni Penelope.
Tapos na kaming tanggalan ng harness. At tinawag na kami ni Mr. Lee para kumaen.
LUCAS LEE POV
Nang makita ko sila na mlapit nang bumaba umalis na muna ako para macheck kung ayos na yung pinapa arrange ko na boodle fight namin ngayong tanghalian. At nung nakita ko na maayos na ang lahat. Pinuntahan ko na sila Ethan para ayaing kumaen. Habang naglalakad papunta sa pagkakainan namin, kinausap ko si Ethan. Dahil ramdam ko na masaya siya. Gusto ko din malaman kung bakit ang tagal nila bago bumaba.
"Kamusta bro? Bakit ang tagal nyong bumaba? Nagkaproblema paba sa zipline?" tanong ni Lucas.
"Hindi bro, wala naman problema. Sadyang kailangan muna pakalmahin si Ms. Thompson. I can see it in her eyes how afraid she is that time." tugon ni Ethan.
"Ohh, oo nga pala. Takot nga pala siya sa heights. Well, matagal na nga niyang pinepetisyon sa akin na bigyan pa ng ibang option yung pagbaba sa Eve's Garden. Pero naka lineup na din naman yun. Maybe next month mafinalize na yung pwedeng gawin para hindi lang zipline at yung 300 steps ang magiging option ng mga tourists. Anyway, bro. Pano mo pala na manage na hindi matakot si Ms. Thompson all the way na maka baba siya? Alam mo bang every zipline na ginagawa niya eh nag ffreakout siya? Halos marinig yung tili niya hanggang sa undergorund parking e hahaha." matawa tawang sinabi ni Lucas.
"Alam mo bro, magpakilala ka na sa kanya wag mo nang patagalin yan. Dahil alam mo for sure, mabubuko ka din naman niya no. Why not, ngayon mo na gawin? Kasi tignan mo kakaen na tayo. Anong gagawin mo? lalagyan mo ng butas yang face mask mo? Hahaha. Matuturn off yun sayo." pang aasar ni Lucas sa kaibigan.
"Oo nga no, I'll eat alone nalang siguro bro. Pasensya na pero ialibi mo nalang kung sakaling magtanong sila na ganito talaga ang personality ko. Ganun nalang siguro bro. I feel na it's not the right time pa kasi para malaman niya(Penelope) kung sino talaga ako." sagot ni Ethan.
Napatungo nalang ako sa sinabing iyon ni Ethan. Dahil no choice naman. Ayaw ko din siya pilitin. Diskarte niya naman yun.
And finally nasa eating spot na kami kung saan naka latag ang pag boboodle fight-an namin.
PENELOPE THOMPSON POV
Sa wakas nandito na kami sa place ng kakainan namin, Well. Sa ilalim lang naman to ng coconut tree at nakaharap sa magandang dalampasigan, Boodle fight pala itong pinaset ni Mr.Lee. Ang sarap may tomatoes, inihaw na bangus, barbecue, shrimp, lobster, corn, galunggong. Grabe hindi magkandamayaw ang tiyan ko sa pagtunog gustong gusto nang lumantak! Nag start na kaming kumaen at napansin ko, wala yung misteryosong friend ni Mr.Lee . So I asked.
"Mr. Lee? Where's Mr. Smith?" curious na tanong ni Penelope.
"Oo nga, Lucas? Asan yung friend mo?" tanong din ni Mica.
"Haha. Yes si Mr.Smith? Ayun oh, Nandun sa loob ng cottage na yun. Hayaan nyo, ganun talaga yun
mas nakaka kaen yun ng maayos kapag nag iisa lang." pagpapaliwanag ni Lucas.
"Ang weird pala ni Mr. Smith no. Pano kaya kapag nag date na sila ng beshie ko? magkaiba sila ng
restaurant ganun? tapos mag video call nalang? Hahaha kawawa pala ang beshie ko dyan. Magusubuan kayo ng pagken on-screen. HAHAHA" tawang tawa sinabi ni Mica.
"Loko ka Mics. Mabibilaukan ako sayo e." maubo ubong sinabi ni Lucas.
"Sino naman ang nagsabi sayong mag dedate kami? Kayo talaga mga malisyoso. Di ko siya type
no!"nakairap na sinabi ni Penelope.
"Haha. Grabe ka naman sa friend ko Ms. Thompson. Give him a chance naman." pagtatanggol ni Lucas sa kaibigan.
"Tumigil ka nga Mr, Lee. Alam nyo kayong dalawa, ang sarap ninyong pag bubuhulin talaga." nakairap na sinabi ni Penelope habang nakaen.
ETHAN SMITH POV
Dali dali akong kumaen kasi ayaw ko namang mafeel nilang lumalayo ako sa kanila o maweirdohan sila saken, After kumaen lumabas nako. Rinig ko ang kwentuhan nila, Tila kinakantsawan nila si Penelope.
"Oh ayan na yung kakampi mo Ms.Thompson." pangangantsaw ni Lucas.
"Sorry guys, nauna na akong kumaen. Samahan ko nalang muna kayo dito hanggang matapos kayo." wika ni Ethan na kakalabas lang galing sa cottage na pinagkainan.
"Ano na palang next activity Bro?" tanong ni Ethan.
"Jet ski ride. Mamayang mga 2:00 pm at paagkatapos nun yung favorite mo bro magboboatride tayo para mapanuod ang pag lubog ng araw. And after that yung star gazing naman. Kaya magkikita kita ulit tayo kinagabihan. Ayos ba yun bro?
Chill day lang muna tayo ngayong 1st day tour mo. Bukas ang mga masasayang activities. Like scuba, parasailing, at kayak boat ride" masayang binalita ni Lucas.
"Wow! Exciting naman nyan bro. Pero looking forward din ako sa sunset at stargazing na yan mamaya." masayang tugon naman ni Ethan.
"For sure bro, walang activities dito ang hindi mo maeenjoy." pagmamalaki ni Lucas.
Tapos nang kumaen sila Penelope at Mica. 12 noon pa lang naman kaya mahaba haba pa ang time namin bago mag jet ski. Humiwalay muna kami ni Lucas sa mga girls at nag stay muna sila dun sa cottage na tinuluyan ko din kanina. Ang cotta ge na yun ay gawa sa bamboo
pero may aircon sa loob.
PENELOPE THOMPSON POV
After kumaen siyesta na. Kanya kanyang pwesto para mag muni muni saglit habang nag iintay ng oras.
Balak sana namin ng beshie ko na bumalik muna sa room namin pero di kami pinayagan ni Mr. Lee
dahil baka daw di na ako bumalik ulit. Hayy nako. Pero okay lang dito nalang kami sa cottage.
"Huy beshie, pag usapan nga natin yung kaibigan ni Lucas? Wala ka bang napapansin sa kanya?" mapaghinalang tanong ni Mica.
"Bakit ano naman ang dapat kong mapansin sa kanya beshie?" tanong ni Penelope.
"Na may gusto siya sayo?" pag aassume ni Mica.
"May gusto saken? Pano mo naman nalaman beshie? Sinabi sayo? tanong ni Penelope.
"Hindi no. Base lang sa kilos nya pagdating sayo. Tapos kanina ikaw pa yung last na binigyan niya nung ginawa nya. Yiehhh! Kilig! "Save the best for last!"." panunukso ni Mica sa kaibigan.
"Hay nako tumigil ka nga dyan beshie. Hmm. Pero alam mo parang may something nga sa kanya e.
May nafifeel akong kakaiba parang kilalang kilala niya ako. The way nya akong kausapin kanina kinomfort nya kasi ako bago kami mag zipline talagang inapproach niya ako samantalang di ko naman sinabi sa kanya na takot ako sa heights. Tapos yung juice! Sobrang familiar ng lasa although napaka tagal ko nang di siya natikman pero almost the same ng lasa ng four season ng Mommy ni Ethan!" paghihinala
ni Penelope kay Mr. Smith.
"Kalasa ng recipe ng juice ng Mommy ni Ethan. Diba si Ethan yung childhood bestfriend mo na pinagpalit ka?! OMG Beshie. Tapos Smith pa yung apelyido! Hindi kaya si Mr. Smith ay...?" wika ni Mica na tila alam na alam kung sino si Mr. Smith. Napalunok ako ng laway...
"Si Mr. Smith ay ang kapatid ni Ethan! Sabi ko na e. Ano bang pangalan nya?" kumpyansang sinabi ni Mica.
Napahampas nalang ako sa noo ko dahil sa sinabi ni Mica.
"Beshie naman. Akala ko pa naman na gets mo na! Ano ka kaba ang hinala ko talaga si Mr. Smith ay si Ethan yung Childhood bestfriend ko." pagbubnyag ni Penelope.
"ANO??!!" wika ni Mica na sobrang nagulat sa kanyang narinig.