CHAPTER 24 - THE FIRST ATTEMPT: SUCCESSFUL BUT FAILED
---------
PENELOPE THOMPSON POV
Nagulat ako nang sabihin ni Mr. Smith na tatanggalin na niya ang kanyang mask. Kaya mula sa
pagkakapikit ko, napamulat akong bigla at inabangan ko ang pagtanggal ng mask nya.
Unti unti na niya itong tinanggal. At ayun, matagumpay na nga niya itong natanggal! At dahil nasa likuran niya ako, tanging likod lamang ang nakikita ko. Buti nalang at medyo may kabagalan ang pag andar namin kaya naisip kong lumapit at silipin ang kanyang mukha ng dahan dahan para di niya ako mahalata.
Kinakausap niya ako habang nangyayari yung unti kong paglapit.
"Hayy, ang sarap ng hangin. Salamat sa concern a Ms. Thompson. I appreciate it. Ano, okay ka lang ba diyan sa likod? Parang kanina ka pa walang imik a." tanong ni Ethan na
nahihiwagaan sa pagiging tahimik ni Penelope.
"Ms. Thompson, okay ka lang?" ulit na tanong ni Ethan na medyo nakakaramdam ng pag aalala.
Sh*t! Nung malapit ko nang makita ang mukha niya bigla naman siyang lumingon sa kabilang side!
At mukhang napansin nga ako ni Mr. Smith dahil dun. At bigla nalanag niyang pinatakbo ng mabilis ang Jetski kaya napayakap nalang ako sa kanya at napa pikit.
ETHAN SMITH POV
Medyo nakakapag alala lang na tumahimik nalang bigla si Penelope, eh hindi naman kabilisan ang andar namin nung time na yun. Iniisip ko baka kung ano na nangyari sa kanya kaya sinilip ko ulit sa may likuran ko. At napansin ko na nakaharap siya dun sa kabila. Hmm. kaya pala medyo napahigpit ang kapit niya
sakin. Sinusubukan niya palang lumapit para silipin ang mukha ko. Kaya walang pagdadalawang isip hinarurot ko agad yung jetski. Actually, di ko alam kung nakita niya ba ang mukha ko. Kaya medyo kinakabahan din ako. Pero mas lalo akong kinabahan nung napayakap siya ng mahigpit sakin.
"What are you doing Ms.Thompson?" kinakabahang tanong ni Ethan.
"Wala! Wag mo kong intindihin. I am just fine at pwede bang bagalan mo ang takbo please?!"pakiusap ni Penelope habang nakapikit at mahigpit ang yakap kay Ethan.
Gustuhin ko man pero hindi maaari at baka malaman ni Penelope kung sino ako. Hindi pa ako ready sa mga maaaring mangyari kapag nalaman niyang ako yung childhood bestfriend niya.
Hanggang sa malapit na kami sa bababaan namin. Nakita ko si Lucas na yakap yakap si Mica. At maigi din na nakita ako ni Lucas kaya minabuti niyang takpan pa ang ulo ni Mica sa pagkakayakap para hindi din niya ako makita. At nakarating na kami sa pampang. Agad kong sinuot ang mask ko na nilagay ko lang sa bulsa ng polo ko. At nakayakap pa din sakin si Penelope.
"Ms. Thompson nandito na tayo." nakangiting sinabi ni Ethan.
Tinanggal na niya ang pagkakayakap sa akin at bumaba. Pero bago siya bumaba ay tinignan niya pa ako.
At hindi ko inaakala na pag tingin niya sakin, na nakasimangot pala siya at bigla nalang umalis.
PENELOPE THOMPSON POV
Tinatanggap ko na, sa moment pa lang na sinisilip ko siya at bigla naman siyang napalingon sa kabila eh failed na itong plano ko na to. Yun lang kasi yung paraan para makita ko siya pero bigla naman niyang binilisan yung pagtakbo kaya nawalan na din ako ng pag-asa. Hmp! Kaya pag baba ko pinaalam ko sa kanya na hindi ako natutuwa sa kanya. Inirapan ko siya. Dala na din ng inis ko sa pagkabigo na plano ko. Umalis na din ako agad pagka baba ko at dumeretso sa beshie ko.
At aba, nakayakap ang marupok kong kaibigan kay Mr. Lee.
"Hoy beshie, napapano ka diyan?" tanong ni Penelope sa kaibigan na nakayakap kay Mr. Lee.
"Hehe Ms. Thompson kino-comfort ko tong kaibigan mo kasi kanina pa iyak ng iyak." paliwanag ni Lucas.
"Pano ba naman kasi tong Lucas na to beshie! Sabi ko nang bagalan lang mas lalo pang binilisan!"sumbong ni Mica sa kaibigan habang umiiyak.
"Hay nako parehas na parehas (sa kaibigan niya). Tara na nga beshie! Balik na muna tayo sa room naten!
At yung mga lalaki dito hindi marunong umintindi!" inis na sinabi ni Penelope na tila ba'y pinariringgan si Ethan.
LUCAS LEE POV
Wow, looks like patama kay Ethan yun? Hinarurot ata ni Ethan yung jetski. Hahaha. Speechless nalang
ako sa nasabing iyon ni Ms. Thompson. Nakita ko na tulala din si Ethan.
Hmm, I think Ethan has to explain something kung bakit bad mood itong si Ms. Thompson. Kaya agad ko siyang nilapitan pag alis ng dalawang magkaibigan.
"Hey, Ethan? What happened between you guys? LQ? Hahaha" kantsaw ni Lucas.
"Ohh, naalala ko kanina nakita kitang walang cover sa face a. Kaya ba siya nagalit kasi finally nagkakilala na kayo?" dagdag na tanong ni Lucas.
"Ahm. I'm not sure kung nakita niya e. Inalis ko kasi she asked me and concern siya na baka daw ma suffocate ako kaya yun, tinanggal ko. But I saw her trying to look into my face kaya hinarurot ko and I think dun siya nagalit." paliwanag ni Ethan.
"Ohh I see. Kaya pala mahigpit ang kapit niya sayo. At kaya din pala feeling niya naka relate siya kung bakit naiyak si Mics. Hahaha. Pano na tayo ngayon niyan bro? We need to make up something for them para makabawi. Hahaha." wika ni Lucas.
"Yeah, ganun na nga bro. You have an idea bro?" tanong ni Ethan.
"Tara at my place bro. Let's talk about it there." wika ni Lucas."
PENELOPE THOMPSON POV
Badtrip na badtrip talaga ako ngayong araw! Pero actually di naman talaga ako galit kay Mr. Smith. Sadyang naiinis lang ako sa failed attempt ko na yun. At nakakahiya din kasi at feeling ko napansin ni Mr. Smith yung
tangkang pagtingin ko sa mukha niya. Hayy nako. Sana pala di ko nalang dinahan dahan. Pero wala nangyari na e. Ang importante may chance pa ko na makapag plano ulit.
Nakarating na kami sa room namin. At maigi namang tumahan na itong beshie ko at kung maka iyak e parang batang inagawan ng candy.
"Ano beshie okay kana?" tanong ni Penelope sa kaibigan.
"Oo beshie. Bwisit kasing Lucas yun. Hilig akong asarin." nakasimangot na sinabi ni Mica.
"Oo nga pala beshie, ikaw kamusta? Ano nangyari sa binabalak mo? Success ba?" tanong ni Mica.
"Hayy nako. Failed ako beshie. Nung makikita ko na sana yung mukha niya bigla naman lumingon. At ang masaklap pa dun, duon pa sa kabilang side kaya hindi talaga ako nagkaroon ng chance na makita siya. Nakakainis!" inis na inis na sinabi ni Penelope.
"Okay lang yan beshie. Diba madami pa naman tayong activities? tsaka pare-parehas pa tayong 1 week ang vacation dito. Kaya mahaba haba pa ang panahon natin para malaman ang tunay na pagkatao ng Mr. Smith na yan." wika ni Mica habang kino-comfort ang kaibigan.
"Pano pala kung malaman mo na siya nga yung childhood bestfriend mo? Anong gagawin mo?" curious na tanong ni Mica.
"Actually beshie, di ko din talaga alam e. Pero kung dumating man yung time na yun siguro may itatanong lang ako sa kanya. Gaya ng kamusta siya? Anong buhay naba ang meron siya ngayon? tapos kung... kamusta na sila ni Cheska?" wika ni Penelope na bigla nalang naluha nang mabanggit ang pangalan ni Cheska.
"Beshie. Sorry, dapat pala di ko na tinanong" wika ni Mica na kino-comfort ang kaibigan.
"Okay lang beshie. Pero alam mo tanggap ko naman e, na yun ang mas pinili niya. Kung dun naman talaga siya mas naging masaya. Basta ang importante sakin yung kaligayahan niya. Ang bait kasing tao ni Ethan. Lagi niyang sinisigurado na masaya ako. Kaya nung dumating yung time na yun hindi na ako naging selfish kaya
binigay ko sa kanya yung kasiyahan na yun. At kaya ko lang din siyang gustong makita ngayon para makapag paalam ako ng maayos sa kanya. Iniwan ko nalang kasi siya ng biglaan e." wika ni Penelope na humahagulgol na sa pag iyak.