CHAPTER 26 - I LOVE VIEW
----------
PENELOPE THOMPSON POV
Pag alis ni Mr. Lee, nagpalit na din ako ng damit pang swimming. At lumangoy na din tutal busog naman na ako. Salamat sa pa-cookies ni Mr. Smith sobrang nagustuhan ko siya infairness. Ang beshie ko naman ayun nagse-selfie selfie.
"Alam mo beshie, infairness kay Mr. Lee ah kahit na yung ginawa niyang pang peace offering sayo e literal na nakaka highblood e, still diba nag effort siya. Sa tipo nang Mr. Lee na yun mag eeffort sa babae?" wika ni Penelope na nahihiwagaan sa kilos ni Mr. Lee.
"Aray ko beshie!" wika ni Mica.
"Oh, anong nangyari sayo?" nag aalalang tanong ni Penelope.
"Yung buhok ko naaapakan mo. Hahaha!" biro ni Mica.
"Kaloka naman to, akala ko naman kung napano ka na. Hahaha." natawang sinabi ni Penelope.
"Teka, kung nag eeffort na siya sayo, aminin mo nga sakin! kayo naba? O nag start na siyang manligaw sayo?
Kasi simula nung mapunta tayo dito mas madalas na yung oras na magkasama kayo e kesa magkasama tayo." nahihiwagaang tanong ni Penelope.
"Hoy, sumagot ka! At pag ako ginulat mo naman na at bigla mo kong pupuntahan tapos iiyak iyakan moko na niloloko ka ni Mr. Lee? tignan mo dedma ka talaga sakin!" pananakot ni Penelope sa tila'y naglilihim niyang kaibigan.
"Walang namamagitan samin beshie no. Kahit ligaw, wala. Wala naman siyang sinasabi sakin basta masaya lang kami sa isa't isa. Masayang magkaibigan ganun. " paliwanag ni Mica.
"Okay tsaka maigi na kilalanin mo na muna siya, wag yung sunggab ng sunggab. Tapos kapag may feelings kana tsaka mo malaman na may iba pala." wika ni Penelope na hugot na hugot sa kaniyang sinabi.
"Hugot lang beshie?" biro ni Mica.
LUCAS LEE POV
Napuntahan ko na din yung yacht captain namin na si Capt. Gerald. At all is set na, maghihintay nalang ulit ng oras.
Tinatawagan ko si Ethan, para sana mapuntahan sa room niya kaso hindi naman nasagot. Tulog siguro yun. Sabi niya kasi sakin kanina na medyo inaantok nga daw siya. Kaya ang ginawa ko nagpasya na din ako na matulog nalang din para madaming energy kapag nag boat ride na.
Makalipas ang ilang oras, at sakto pag gising ko nakita ko din na papalapit na sina Ms. Thompson at Mics.
Di ko makakaila na paganda ng paganda itong si Mics habang tumatagal. Mas lalo ko din siyang nakikilala.
Gusto ko din yung pagiging kalog niya kaya sobrang sarap niyang kasama. Hindi lang kasi kami bastang landian lang may times din na nagiging seryoso ang mga napag uusapan namin.
"Hoy! Tulala ka nanaman!" pag gulat ni Mica kay Lucas.
"You look so gorgeous Mics, your eyes, your hair, your dress, and your lips. Damn, almost perfect Mics. Alam mo kung ano nalang ang kulang?" wika ni Lucas habang nakahawak sa kamay ni Mica.
"Ano?" tugon ni Mica.
Sabay hatak sa kamay ni Mics at bigla ko siyang niyakap.
"Si Lucas Lee." wika ni Lucas sa malambing na boses.
"Hoy! Hoy! Hoy! Si Mr. Smith ang kulang dito para maka alis na kung ano ano pa yang mga pinag gagawa niyo.
Mr. Lee maigi pang tawagan mo na yang kaibigan mo at anong oras na oh. Yung araw pag lumubog na hindi na yun mababalik kahit na makiusap ka!" wika ni Penelope habang masama ang tingin sa kanya ng dalawa.
PENELOPE THOMPSON POV
Maaga talaga kaming umalis ni beshie dahil nga sa pagkaka kilala ko kay Ethan noon talagang mahilig yan sa mga ganitong view. Yung paglubog ng araw, paglitaw pati pagtingin sa mga butuin tuwing gabi. Sinasama niya pa nga
ako tapos humihiga pa kami minsan sa taas ng bubong namin. Lagi kaming nag aabang kung may babagsak na butuin o yung shooting star. Sabi kasi ng ilan kapag naka kita ka nun mag wish ka lang at matutupad yung hiniling mo. Pero never naman kami naka kita nun.
Kaya nag tataka ako bat wala pa yung Ethan na yun. Hayy napapaisip nanaman tuloy ako baka hopia nanaman ako. Baka ibang tao talaga itong si Mr. Smith.
Makalipas ang ilang oras wala pa ding Mr. Smith na nadating kaya pinatawagan ulit kay Mr. Lee. At sa wakas sumagot din, naka ilang tawag na si Mr. Lee sa kanyaat finally.
ETHAN SMITH POV
Naku! Nakakahiya naman sa kanila. Late nako, napasarap kasi yung tulog ko. Di na nga din ako nakapag ayos ng damit kaya tshirt nalang tong dinampot ko at shorts dahil sa pagmamadali.
At nakababa na ako sa resort car. Nagpasalamat din ako at humingi ng pasensya kay Kuya Robert dahil kalahating oras ko din siyang pinag antay.
"I'm sorry guys. Napasarap yung tulog ko." wika ni Ethan.
"Obvious naman bro hahaha but finally nandito kana. Makaka abot pa naman tayo don't worry. Captain Gerald! Let's f**kin go! Woohooo!" hyper na sinabi ni Lucas habang sumasayaw kasabay ng tugtog sa yate.
Umandar na din yung yate na sinasakyan namin. At ayos, may tugtog na talagang nakaka hype kahit na tipong bagong gising ka e mapapasayaw ka talaga. Pero syempre, di naman natin talent ang pagsayaw kaya naka upo lang ako dito sa loob. Pinapanuod sina Lucas at Mica na sumayaw. Magaling pala tong si Mica a infairness. Kaya pala mala hiphop ang datingan niya eto namang si Lucas, tamang bounce lang ng katawan at ulo Titong tito ang datingan.
Habang tumitingin tingin nakita ko si Penelope nandun sa may labas. Kaya pala kanina ko pang di nakikita. Kaya naisip kong lapitan. Tsaka maganda din kasi ang view dun.
Pumunta ako kung saan naroon si Penelope at umupo na din pero medyo malayo sa kanya. Ang awkward kasi e. Alam ko ding galit siya. Kaya pag upo ko, tingin tingin lang sa view, sa dagat. Hayy ang relaxing ng feeling.
"Ohh bat lumabas ka?" tanong ni Penelope.
"Ahh, ang ingay kasi dun sa loob, tsaka mas gusto ko dito. Nakikita ko yung magagandang view." tugon ni Ethan.
"Alam mo di kita marinig. Bat kasi ang layo mo?" wika ni Penelope.
kahit awkward lumapit ako sa kanya pero hindi pa din kami magkatabi pero kaunti lang naman ang agwat para lang sigurado na marinig niya ko.
"Nag iinom ka pala?" tanong ni Penelope na may bitbit na wine glass.
"Yeah, pero hanggang ganito lang kasi masyadong matapang. Di ko kaya. Eh ikaw bat di ka mag shot dun? Kuha kita?" pag aalok ni Ethan.
"No, wag na. Di naman ako nag iinom e." tugon ni Penelope.
Napaisip tuloy ako bigla kasi nung unang beses ko siyang makita ulit in a very long time, eh nasa bar kami nun. And she's drunk. Siguro di niya lang natatandaan. But whatever, di naman na importante yun.
"Ang ganda ng view no?" wika ni Ethan na sayang saya sa mga nakikita.
"Yeah, at sobrang sarap niya sa pakiramdam. Sobrang priceless ng moment na to. Right Mr. Smith?" nakangiting sinabi ni Penelope.
"Yeah, it is." nakangiti ding tugon ni Ethan habang naka tingin kay Penelope.
Grabe namiss kong kakwentuhan itong si Penelope. It looks like na she's on a mood.
Medyo nawawala na din yung ilang namin sa isa't isa at paunti unting nagkakapalagayan na ulit ng loob. Eto yung mga moment na sana bumagal ang mga oras. Gusto ko lang kasi na makasama siya ng matagal at masulit ang araw na to na kasama siya.