Chereads / The Perfect Doctor / Chapter 31 - CHAPTER 31 - MR. SMITH'S FACE REVEAL

Chapter 31 - CHAPTER 31 - MR. SMITH'S FACE REVEAL

CHAPTER 31 - MR. SMITH'S FACE REVEAL

----------

ETHAN SMITH POV

I was sitting here in my bed after that bathroom incident. Grabe di ko naman inexpect na may gagamit ng bathroom na yun kasi medyo nasa dulong part na siya dito sa 2nd floor at yung isang bathroom malapit sa room nila ang alam kong madalas nilang gamitin.

Actually, di naman ako na nagwoworry na nakita ako ni Penelope, ang kinababahala ko lang yung fact na nakita niya yung katawan ko. Grabe nakakahiya, she just saw everything on me as in everything and for sure nakita niya yung pinagkakatago tago ko because I saw her eyes kung saan siya nakatingin that time. Too late na din nung tinakpan ko siya. Hayy, bahala na nga. It is what it is wala na din naman akong magagawa e.

Talagang na-timingan din, kasi ito na nga yung araw na nakapag decide ako na magpakilala kay Penelope as The Perfect Doctor. I will no longer hide on her para makabawas na sa mga isipin niya dahil nahihirapan din ako kada nakikita siya na di makapag enjoy. Kaya hoping ako na makatulong yung pag lantad ko sa kanya.

Yun nga lang, it is going to be awkward. Pero hoping ako na hindi niya ako nakilala.

Nasa labas na din ako ng villa, dumaan ako galing sa may parking lot. At inaantay ang senyales ni Lucas para fomal na pumasok sa villa.

PENELOPE THOMPSON POV

"Ano ba yan, nakita mo na pala siya Ms. Thompson sayang alam mo surprise sana e. Pero pano mo ba siya nakita?" tanong ni Lucas na walang kaide-idea sa mga nangyari.

"Nevermind Mr. Lee. Asan na pala siya?" balik na tanong ni Penelope habang si Mica ay tawa ng tawa sa

may likuran niya.

"Hey Mics, why are you laughing so hard?" curious na tanong ni Lucas.

"Pano ba naman Lucas, nakita niya yung ahas ni Mr. Smith. Hahahaha!"

"Ahas?"

"Oo nakita ng Beshie ko si Mr. Smith sa banyo, naliligo. Buti nalang kamo di siya natuklaw. Ito naman kasing beshie ko walang katok katok basta lang makapasok ayan tuloy. Nagkakasala ng wala sa oras. HAhaha!" wika ni Mica habang naghahalakhak na nagkwkento.

"Hahaha! Oh my god, really? Man, I can't imagine kung ano ang nararamdaman ng kaibigan ko ngayon. The timing is so ridiculous kung kelan ko pa naman siyang pormal na ipapakilala sa inyo." matawa tawang sinabi ni Lucas.

Maya maya's nag paalam na lumabas si Mr. Lee dahil susunduin na nga daw niya si Mr. Smith. Uhm. Medyo curious at kinakabahan din ako at the same time. But I don't wanna expect. Sawa na akong mabigo e.

Makalipas ang ilang minuto pumasok na ulit si Mr. Lee.

"Let's just forget about what happened earlier. My friend is apologizing to you Ms. Thompson. Anyways, I am here para pormal na ipakilala na sa inyo ang aking matalik na kaibigan. I know you guys probably know him because sobrang sikat nitong tao na to, and the reason why lagi lang siyang nagsusuot ng mask. To have a peaceful vacation here sa ating resort. Please welcome, The Perfect Doctor himself. Doctor. Ethan Smith." pagpapakilala

ni Lucas sa kanyang kaibigan.

ETHAN SMITH POV

The moment na binanggit na ni Lucas ang pangalan ko yun na yung hudyat para pumasok ako sa loob at finally.

The wait is over. Andito na ako sa harapan mo ngayon Penelope Thompson. Nagkamayan, I can feel the nervousness dahil napaka lamig ng kamay niya. Even Mica is gulat kasi never akong nag reveal sa kanya ang alam niya lamang ay ako si Mr. Smith but not as a Perfect Doctor.

Penelope was just staring at me, I didn't know what was on her mind. She was speechless the whole time kahit na nagkekwentuhan na kami nung nag lalunch kami. I hope she was just okay. At para sakin kasi medyo fulfilling na finally nagkaroon na ako ng lakas ng loob na ireveal ang sarili ko sa kanya. No more mask no more glasses no more cap.

At pagkatapos namin kumaen. Umakyat agad si Penelope at sinundan din naman agad ni Mica.

"Congrats bro, I am so proud of you." wika ni Lucas.

"Salamat bro, pero di ko naman alam kung nakatulong ba. Hindi nga siya nagsalita the whole time." malungkot na sinabi ni Ethan.

"Well, baka nag aadjust pa siguro siya or maybe you know, she still feels awkward about you know "the bathroom"." pag comfort naman ni Lucas sa kaibigan.

PENELOPE THOMPSON POV

This time hindi talaga ako nag expect kung sino si Mr. Smith kaya ganun na lang yung pagka gulat ko nung time na pinakilala na siya ni Mr. Lee. Well, for me naman hindi ko pa confirmed na iisa lang itong si Ethan Smith na bestfriend

ko at Doctor Ethan pero they really got a lot of similarities. I used to stalk Dr. Ethan's life ever since na sumikat siya dahil una sa lahat yung name niya at nung dati kong bestfriend ay iisa. Tapos samepa ng color ng eyes. Sa nunal lang naman talaga sa ilong nagkakatalo e. Tandang tanda ko kasi nung mga bata pa kami mahilig akong humiga sa lap ni

Ethan as part of my paglalambing sa kanya at dun ko nga napansin na may nunal pala siya sa nose niya sa ilalim na area.At yun ang naging palatandaan ko.

Kaya ang ginawa ko nung nakilala ko itong si Dr. Ethan talagang binili ko lahat ng magazines, newspapers about him at lahat ng photos niya just to see it at unfortunately wala akong nakita sa lahat ng iyon. Walang ni isang anggulo sa mga photos na yun ang magpapatunay na si Ethan at yung Perfect Doctor ay iisa.

Kaya speechless talaga ako ngayon. I don't know what to do e. I wanna ask him pero ako naman ang hindi pa ready ngayon. Siguro hayaan ko na munang mag sink in sa akin ang lahat. And learn to act normal around him.

"Beshie? Beshie what's the problem." pag aalala ni Mica sa kaibigan.

"I'm fine don't worry about me beshie. I am just shocked, antayin ko lang siguro na mag sink in sakin na ayan na.

Kaharap ko na yung taong matagal ko nang gustong makita. I can finally confirm everything on him." paliwanag ni Penelope.

"Sobrang pogi no? Napaka pogi pala ni Doctor sa personal. Talagang bagay pala yung bansag na Perfect Doctor sa kanya." kinikilig na sinabi ni Mica.

"Pero beshie matanong ko lang ano itsura nung ahas niya?"

"Sira ka talaga. Bahala ka nga diyan! Puro ka kalokohan."