CHAPTER 12 - GOOD HEART ETHAN
----------
ETHAN SMITH POV
Sumabay na ako kila Mom and Dad palabas papuntang parking lot ng Hospital.
At pag uwi ko sa condo ko, heto nanaman. Wala nanaman akong ibang inisip kundi si Penelope.
Napapaisip ako, what if hanapin ko kaya siya? Hmm. Kaso baka may jowa na pala sya baka maka gulo lang ako. Hayy, e pano naman kaya kung wala pa? Ahh sh*t Ethan!Nababaliw kana talaga..
Pero bakit nga kaya sya nasa bar nung gabing yun? Marunong na pala siyang uminom at magpakalasing ngayon. Ano na kayang buhay ang meron sya ngayon? Hmm.
Sana talaga magkaruon pa kami ng pagkakataon na magkita ulit.
-----------
PENELOPE THOMPSON POV
Nag iimpake na ako ng aking mga damit at gamit na kakailanganin bukas para sa 1 week na vacation ko sa aming resort. Nakapag file na din ako ng leave kaya tuloy na tuloy na ang bakasyon.
Hmm? Asan na yun? Bakit wala dito yung favorite dress ko na sinuot ko nung pumunta ako ng bar? Ay oo nga pala. Matawagan nga si Kuya.
Calling Kuya Patrick.
Ring! Ring! Ring!
"Hello Kuya?"
"Yes, Baby Girl?"
"Pa check kung nandyan yung favorite dress ko? Nag iimpake na kasi ako at bukas na ang alis namin ni Mica, And I have no time to go there pa kaya pahelp naman ako kung nandyan pakidala mo dito kuya now na, please my poging Kuya?"
"Okay, Okay as if my choice ako."
And after 45 mins.
Ding! Dong!
"Yes! Andyan na si Kuya!"
At pagbukas ko ng pinto...
"Mom?"
"Haha surprise my sweetheart. Hay nako, bored kasi ako sa house sweetheart e pano ba naman yung Dad mo wala pa 7pm na." wika ni Mommy Patricia.
"Oh babygirl, yung favorite dress mo. Pinalaundry pa ni mommy yan a." wika ni Kuya Patrick.
"Thanks Mom and Kuya, you guys are the best!" pasasalamat ni Penelope.
Pumunta na ako ng kwarto para magpatuloy sa pag iimpake.
"Nag-iimpake kana sweetheart?" tanong ni Mommy Patricia.
"Yes Mom." tugon ni Penelope.
"I'll help you, alam mo sweetheart ang tagal na din nung huli akong nagtiklop ng mga damit mo.
Pano ba naman after graduate mo nag decide ka nang mag condo at mamuhay mag isa. Kaya bilib na bilib kami ng Daddy mo sayo sa pagiging indipendent mo. Tapos naka pundar kapa ng resort although hati kayo ni Mr. Lee pero di din biro ang investment sa ganun lalo't resort pa. I'm so proud of you my sweetheart." masayang kinwento ni Mommy Patricia.
"Aww, Thanks Mom. Syempre saan ko paba namana ang pagiging wais? Edi sa inyo din ni Dad." pagmamalaki ni Penelope.
At habang nagtitiklop si mommy ng mga damit ko, Ako naman naghahanap ng mga damit sa closet.
At shocks! Nasanggi ko yung secret box ko. Tumilapon sa sahig ang mga laman nito.
OMG! That secret box na puno ng laman ng mga litrato ng sikat na Doctor na si Ethan Smith.
Like the newspapers about him, magazine, photo basta about kay Perfect Doctor. May hinala kasi ako na baka siya yung childhood bestfriend ko. At nakakaloka nakita ni Mom!
"Dahan dahan naman Sweetheart, Oh wait, who's that?" nagtatakang tanong ni Mommy Patricia sa mga nakita nitong mga litrato sa nahulog na box ni Penelope.
"Ah Mommy nothing, itatapon ko na talaga to actually nalimutan ko lang, sige na mommy magtupi ka lang, ako na bahala dito." palusot ni Penelope.
Dali dali kong dinampot lahat para di makita ni mommy ang nasa litrato.
But it's too late!
"Oh, sweetheart bakit may picture ka ni Doctor Ethan?" pag iintriga ni Mommy Patricia.
"Hayy nako mommy, matagal na po yan, hindi ko nga po alam na may ganyan pala ako, kung hindi pa nahulog yung box hindi ko pa makikita." pagsisinungaling ni Penelope.
"Eh? Panong matagal, eh bagong release lang yung isang magazine dyan last month lang nilabas yan diba?" tanong ni Mommy Isabel na naguguluhan sa mga sinasabi ng kanyang anak.
"Mommy naman ang daming tanong, Eto na oh nasa trash bin na, Nalimutan ko lang yan itapon.
Anyways bat wala paba si Dad sa bahay Mommy?" biglang pag change topic ni Penelope.
Napa change topic nalang ako dahil kabisado ko itong si Mommy. Sobrang mausisa nito.
"Ay ewan ko ba sa Daddy mo, may inaasikaso daw" naiinis na sagot ni Mommy Patricia.
At successful naman ang pag change topic ko. Maya maya'y nag aya na si Kuya na umuwi.
"Mommy? Matagal pa kayo dyan? Baka nasa bahay na si Dad e." tanong ni Patrick na medyo naiinip na at nag aaya nang umuwi.
"O sya sweetheart, maiwan kana namin a. Ang plano lang talaga namin ng kuya mo sumaglit lang dito. Gusto ko lang din makita itong condo mo sweetheart. Sige na, mag iingat kayo dun a. Tsaka please lang sweetheart, wag na wag kayong iinom ha." paalala ni Mommy Patricia.
"Oo naman po Mommy no. Unwind po ang gagawin sa resort hindi walwal." pag papaliwanag ni Penelope.
"Edi maigi. Balitaan mo nalang kami kapag naka alis na kayo. Bye sweetheart. Iloveyou." bilin ni Mommy Patricia.
"Bye mommy. Love you! Bye kuya
ingat sa pag uwi."
"Bye baby girl."
-------------
Kinabukasan..
8am sa The Smith's Gold River Hospital, ang hospital na pag mamay ari ni Dr. Albert Smith na ipinamana kay Ethan.
ETHAN SMITH POV
Makalipas ang halos mga Apat na oras, Naging successful ang aming operasyon sa aking pasyente.
Paglabas ko ng Operating Room agad kong binalitaan ang mga magulang ng pasyente.
"Hello po Mommy at Tatay. Succesful po ang operasyon.
Magbibigay nalang po ang nurse ko ng mga reseta ng gamot na kakailanganin ng pasyente. But eto po Mommy at Tatay wag nyo na po alalahanin ang mga gamot nya dahil ako na po ang sasagot ng mga yun. Pirmado ko ang reseta kaya ang mangyayare is iaabot nyo nalang po ang reseta sa pharmacist tas kukunin nyo nalang po. Okay po ba Mommy and Tatay?" pag papaliwanag ni Doc. Ethan sa magulang ng pasyente.
"Doc.Ethan maraming maraming salamat po. Hayaan niyo po ipagdasal ka namin bilang bayad sa kabaitan niyo po."mangiyak ngiyak na sinabi ng nanay ng pasyente.
"Aww. Salamat po Mommy. I am just doing my job po." pag comfort ni Doc. Ethan sa nanay ng pasyente.
"Hulog ka talaga ng langit sa aming mahihirap po. Salamat ng marami Doc. Ethan pag palain kapa sana ng ating Diyos Ama." mangiyak ngiyak din na sinabi ng Lolo ng pasyente.
"Amen po. Salamat Mommy at Tatay. Sige po mauna na po ako sa inyo a." pasasalamat ni Ethan.
"Sige po Doc. Ethan mahal na mahal ka po namin." wika ng Nanay at Lolo ng pasyente habang nakayakap kay Doc. Ethan.
Salamat po Mommy and Tatay, Mahal ko din po kayo.
-----
After ko kila Mommy and Tatay minabuti ko na munang maupo muna ang magpahinga.
Hayy, medyo napagod ako dun a. Nakakatuwa din talaga kapag meron kang natutulungan na tao at naaappreciate nila yung mga bagay ginagawa mo sa kanila. At ang sarap din sa pakiramdam na tumulong sa kapwa mo. Lalo yung mga priceless nilang reaksyon.
Okay, So. Since tapos na ako sa pasyente ko na yun may naisip lang akong gawin. I think it's time para maka pahinga naman. And I remebered nun sa bar ni Noah.
Lucas offered me his resort.
Well tignan natin kung totoo nga na anytime I can go there.