Chereads / The Perfect Doctor / Chapter 5 - CHAPTER 5 - WE MEET AGAIN

Chapter 5 - CHAPTER 5 - WE MEET AGAIN

CHAPTER 5 - WE MEET AGAIN

-----------

ETHAN SMITH POV

Pagtapos naming magkwentuhan nila Noah, Nagpaalam na ako na uuwi na, may work pa kasi ako.

Naglalakad na ako papunta sa baba ng bar para makauwi, Nang biglang may nakita ako na isang pamilyar na mukha ng isang babae na matagal ko ng hindi nakikita simula nung umalis siya nuong 16 years old kami. Nabalitaan ko nagpunta daw sa abroad para mag-aral.

At nakita ko siya na katabi siya ng bartender kaya dali dali akong bumaba.

PENELOPE THOMPSON POV

Nakakaramdam nako ng antok. Naku, mukhang lasing na nga ako.

Medyo hilo hilo na din ako kaya tumayo na ako sa kinauupuan ko.

Pero bigla akong nahilo. Gumewang at parang matutumba.

At nagulat ako nang may biglang may humawak sa aking braso.

Nanlaki ang aking mga mata sa gulat nang makita ko kung sino yung taong sumalo sa aking muntik kong pagkakatumba.

Eto lang naman yung taong lihim kong minahal dati. At ang dahilan kung bakit ako nagpasyang lumayo at sumama sa magulang ko sa ibang bansa.

Napansin ko agad yung palatandaan ko sa kanyang mukha.

"ETHAN?!" Napasigaw ako sa gulat!

Nanginig ang aking katawan sa di malamang dahilan.

Pero hindi ako makapaniwala. Maaaring dala lang ng kalasingan ko.

-------------

ETHAN SMITH POV

Di ako maaaring magkamaling si Penelope ito dahil sa birthmark niya sa kanang braso.

Grabe yung kabog ng dibdib ko dahil hindi ko inaasahan na makikita ko siyang muli.

Kaya nung pag tayo ko sa kanya gustong gusto ko siyang kausapin para kamustahin.

At makipagkwentuhan dahil marami akong bagay na gustong itanong sa kanya. Ngunit hindi ko inaasahan ang mga sunod na pangyayari.

Bigla niya akong tinulak at tumakbo palayo. Di ko na sya nasundan dahil sa kasagsagan ng sayawan noon at siksikan sa loob.

Naipit na ako ng mga tao. At naiwan akong nakatulala nalang.