Chereads / The Perfect Doctor / Chapter 6 - CHAPTER 6 - THE GREAT ESCAPE

Chapter 6 - CHAPTER 6 - THE GREAT ESCAPE

CHAPTER 6 - THE GREAT ESCAPE

-------------

PATRICK THOMPSON POV

"Hmm. Asan na kaya si babygirl? Grabe ang daming tao." wika ni Patrick na nagmamasid masid sa mga tao sa paligid ng bar.

At sa pag titingin tingin ko sa mga nag sasayawan, mga nakaupo sa tapat ng bartender.

At sa di kalayuan, Nakita ko si Doctor Ethan yung sikat na Cardiologist o mas kilala bilang The Perfect Doctor, katabi si Penelope nakatayo silang dalawa pero nagulat ako nang itulak niya si Doc.Ethan at tumakbo paalis.

Kaya nung makita kong tumakbo si Penelope sinundan ko agad siya, Buti nalang nandito lang ako sa may entrance pa lang nung time na tumakbo siya kay Doc Ethan.

Hindi nya din ako napansin kaya nung oras na nakalabas na siya, lumabas na din ako.

"Babygirl? Babygirl? Hinto! Nandito ako!" wika ni Patrick habang hinahabol ang tumatakbong kapatid.

"Oh Kuya? Nandito kana pala? Tara na uwi na tayo gusto ko nang matulog. Saan ka naka park?" wika ni Penelope habang hinihingal sa ginawang pag takbo.

"Baby Girl, Bakit tinulak mo si Doc.Ethan nang magkita kayo?" tanong ni Patrick na medyo naguguluhan sa mga kaganapan na nasaksihan sa loob ng bar.

"Mamaya mabalita ka na inaaway mo siya. Ang dami pa namang tao sa loob." dagdag pa nito.

"Kuya sa tingin mo may papansin sa kanya dun? Eh mga sikat din yung ibang nasa loob.

Tsaka sa bar na yun bawal ka kumuha ng litrato. Madami din ang mga nakabantay dun." depensa naman ni Penelope.

"Eh bakit mo nga tinulak si Doc.Ethan?" pag usisa ni Patrick.

"Hay nako, Kuya. Wag nang marami pang tanong. Alam mo umuwi na tayo at gusto ko na din talagang matulog." iritang sinabi ni Penelope sa kanyang makulit kuya.

---------

Mag iisang oras din ang biniyahe namin pauwi.

At nang makauwi na kami sa aming bahay, agad kong ginising si Penelope. Pero tulog na tulog pa rin. Kaya binuhat ko nalang para makatulog na ng maayos sa kanyang kama alam kong lasing na lasing to kaya hindi magising.

Pagdating namin sa kwarto niya inihiga ko agad siya sa kama,

Tinanggal ko na din yung sapatos at nilagyan ko na siya ng kumot.

Hayy babygirl kapa din talaga.

Buti nalang andito si Kuya...

"Good Night Baby Girl."

Lumabas na ako ng kwarto niya.