First weekend after ng first week of class. Every weekend ay umuuwi ang mga kapatid ni Sam mula Manila para mag-spend ng weekend with the family. Maagang nagbibyahe ang mga ito, kaya naman bago mag-lunch ay nakakauwi na sila sa Moonville.
"Is it really okay for us to eat na, Mom?" tanong ni Sam sa inang si Elena. "Wala pa sina Kuya."
"They said na baka ma-late na sila kaya mauna na daw tayong kumain," ang sabi ni Elena sa anak habang pinagsasalin ng sinigang sa designated bowl nito.
Nakarinig ng busina ng kotse ang talong magpapamilya.
"They're here!" ang sabi ni Sam na excited na lumabas ng dining room upang salubungin ang mga bagong dating.
Saktong kalalabas lang noon ng kotse ng Kuya Raul at Ate Glory niya, pati na ang kaibigan ni Raul na si Benjie. Medyo napatigil nga lang sa pagtakbo si Sam nang makita ang babaeng kasama ng tatlo.
"Hey, Sammy!" Inilahad ni Raul ang dalawang kamay na parang naghihintay sa yakap ng kanilang bunso.
Tumalima naman si Sam kahit pa nga medyo nabawasan ng konti ang pagiging enthusiastic niya dahil sa babaeng kasama ng kanyang mga kapatid.
Pagkatapos ay si Glory naman ang binati ni Sam. Pagkatapos noon ay si Benjie naman. Best friend ito ng kuya niya at matagal na nilang kakilala.
Pero iyong babaeng kasama nila, ngayon lang nakilala ni Sam.
"Sam, this is your Ate Helen. She's my girlfriend," pakilala ni Raul dito.
"Hi, Sam! I heard so much about you." Bineso-beso siya ito.
Nagulat si Sam sa sinabing iyong ni Raul. Hindi niya alam na may girlfriend na pala ang panganay niyang kapatid.
Noon naman ay nakalabas na ang kanilang mga magulang. Binati din sila ng mga bagong dating, at ipinakilala na rin ni Raul sa mga ito ang girlfriend. Pansin ni Sam na parang inaasahan na ng kanyang mga magulang ang pagdating ni Helen. Napagtanto niya na mukhang nasabihan na sila ng kanyang kuya bago pa man ang tagpong ito.
"Halina kayo at nang makakain na," ang sabi ni Elena pagkatapos.
"Hayun! Na-miss ko iyong luto ninyo, Tita," ang sabi ni Benjie.
"Ikaw talaga! Ipagbalot mo iyong mga magulang mo pag-uwi. Marami itong nailuto ko," ang sabi naman ni Elena kay Benjie.
"Kaya gustong-gusto ko dito, Tita, eh," ang sabi pa ni Benjie.
Nahuling pumunta sa dining room si Sam. Ewan pero parang hindi pa siya nakaka-recover sa shock ng pagkakakilala niya sa girlfriend ni Raul. Lalo na at parang siya na lang ang hindi nakakaalam ng tungkol doon base sa reaksiyon ng kanyang mga magulang. Siyempre alam na ito ng kanyang Ate Glory. Kasama nila ito galing Manila, eh.
Napansin naman ni Raul ang pananahimik ni Sam the whole time na kumakain sila ng lunch. Kaya naman noong ihahatid na nito si Benjie pauwi sa kanila ay isinama niya si Sam. Nagpaunlak naman ang huli dahil gusto din niya itong makausap tungkol kay Helen.
"Are you mad at me?" umpisa ni Raul nung silang dalawa na lang ang magkasama pauwi sa Moonville.
"Hmm?" Tinignan niya ang kapatid.
"You were very quiet simula nung dumating kami. You were never quiet. You're anything but quiet."
"Ang bait ko kaya." Napasimangot siya.
Ngumiti lamang si Raul.
"Is it about Helen?"
Sinulyapan niya ito.
"You don't like her?"
"You didn't tell me you have a girlfriend. Everyone knew, except me."
"Well, I wanted to surprise you. Were you not surprised?"
Hindi nakasagot si Sam.
"I'm sorry. I didn't know na masa-shock ka pala instead of surprise."
"When you said that you have a surprise for me, I thought it was a book or a new gadget... Instead, it was a human being."
Napangiti si Raul. "Magiging doktor ka nga balang araw."
Hindi naman tutol si Sam kay Helen. Nagulat lang talaga siya. Medyo na-disappoint, she must admit. Kasi nga akala niya kung anong bagay iyong sorpresa ng kuya niya sa kanya. Never did she imagine that the surprise he meant was a girlfriend.
"She seems nice."
"She is nice."
"She's beautiful."
"Very beautiful."
Humarap si Sam sa kapatid. "Do you like her?"
"Of course, I do! I don't only like her. I love her."
Hindi nakasagot si Sam. Alam ni Raul kung ano ang dahilan noon.
"When you grow up, you'll know what I mean. You will also fall in love, and when that happens, I hope you will remember this conversation we are having right now."
"How does love feel?"
She knows how it feels to love someone. She loves her parents. She loves her siblings. Her friends, even. Pero alam niyang that kind of love is different from what her Kuya Raul is feeling for Helen.
"I don't know. I also don't understand, you know. I just... I just feel happy when I'm with her. Like I wanna be with her all the time. I miss her even though I just saw her an hour ago. I want to see her again."
"I think you're going crazy."
Raul chuckled. "I guess I am."
Biglang may naalala si Sam. Crazy in love. Siguro iyon na nga iyon.
"How about you? Wala ka bang crush sa mga bago mong classmates?"
"Crush?"
"Oo. Someone you're interested with."
Pilit inalala ni Sam iyong mga bago niyang kaklase. Parang wala namang interesting sa mga iyon. Pare-pareho lang kasi silang kung hindi mayabang, maere o kaya maarte na parang babae pa nga minsan.
Except for one. That scholar who is always quiet in class. But when he starts talking during recitation, everyone would listen.
"Normal lang naman iyon, yung magka-crush at humanga ka sa opposite sex."
Crush na bang matatawag iyong ganoon? Sam does not know, but she's sure that interest she is experiencing about that classmate of hers does not invoke other feelings inside her aside from curiosity. Iyon lang.
"Wala pa, Kuya."
"Bata ka pa kasi. Tsaka, huwag ka nga muna. Hindi pa pwede."
"Kailan pwede?"
"Kapag forty ka na."
"Kuya!"
Tinawanan lang ni Raul ang kapatid.
And that was it. Okay na ulit silang magkapatid. Maging si Helen ay okay na rin kay Sam. She's spending the weekend sa bahay nila, at sa kwarto ng Ate Glory niya ito magsi-stay. It turns out, classmate pala niya ito sa Med school.
"Gusto ko rin pong maging doctor pagdating ng araw," ang sabi ni Sam dito.
"Really? Oh! That's wonderful! Huwag kang mag-alala. I will help you when that time comes. I will be your tutor and mentor sa Med school. Kaya lang, baka naman mas magaling ka pa sa akin, ha? I heard you were accelerated. Naku! Ako nga wala man sa honor roll eh."
"Hindi naman po, Ate." Bigla siyang nahiya sa pagiging matalino niya.
"Hindi na lang kita tutulungan sa Med school. Hmm... tuturuan na lang kita kung paano maging maganda. Okay ba iyon?"
Tumawa lang si Sam.
Sam realized that Helen is this very likable person. Kaagad na nahulog ang loob ni Sam dito at kaagad niya itong natanggap bilang girlfriend, and probably future wife na rin, ng kanyang pinakamamahal na Kuya Raul. Mula noon ay naging malapit na rin si Helen kay Sam, at parang tunay na ate na ang naging turing nito sa kanya.