Now playing: Just One Kiss - Loving Caliber feat. Mia Niles
Violet POV
Paalis na ako ng bahay nang biglang ihagis sa akin ni Nana Erica ang susi ng aking Sasakyan. Mabuti na lamang ay nasalo ko ito kaagad at hindi tumama sa mukha ko.
"Drive safe, okay?" Sabay kindat na sabi nito sa akin. Malawak na ngiti ang iginawad ko sa kanya habang napapailing. Nilapitan ko ito para yakapin at bigyan ng halik sa kanyang pisngi.
"Hindi mo na 'yan nagagamit eh. Sige ka, baka masira pa yan sa kakaingat mo." Wika nito sa akin. Napatango ako bago kumalas.
"I love you, Nana." Buong puso na sabi ko sa kanya. Hinalikan ako nito sa pisngi at ginulo ang buhok ko.
"Mag-iingat ka. Tama na ang kaka-commute mag-drive ka ng sarili mong sasakyan." Malawak ang ngiti na sabi nito sa akin bago ako tuluyang tumalikod na at nagmamadaling lumabas na ng bahay.
Napasulyap ako sa suot kong relo. Hindi ko rin mapigilan ang mapamura sa aking sarili dahil sobrang late na ako sa interview ko.
Hays! Kung bakit naman kasi hindi ako nagising sa alarm ko? Ang tulog mantika ko pa rin talaga hanggang ngayon. Dismayadong sabi ko sa aking sarili at agad na pinasibad na ang sasakyan.
Hindi ko rin mapigilan ang hindi kabahan dahil tiyak na magagalit ang interviewer sa akin, kung saang final interview ko na ay doon pa ako male-late. Hays!
Pero hindi na bale, gagalingan ko na lang. Magaling naman ako sa lahat ng bagay eh. Pangmamayabang na sabi ko sa aking sarili. Mang-mana yata 'to kay Mama Pearl.
Gosh! Sa mga ganitong panahon ko siya mas namimiss eh. Masyado na kasi itong abala sa kanyang negosyo. Actually, pati naman si Nana Erica eh. Kanina lang nga kami nagkaabutan sa bahay, kaya may konting oras na makapaglambing. Hehe.
Sabi ng marami, anak naman daw ako ng mayaman pero bakit nag-a-apply pa ako ng trabaho sa ibang tao? Anak naman daw ako ng mayaman, bakit kung magtrabaho ako, daig ko pa ang walang mamanahin. Mayaman naman daw ang mga magulang ko, pero bakit grabe raw ako kung magtipid.
Eh iyon na nga eh. Anak lang ako ng mayaman. Hindi naman talaga ako ang mayaman. Mayaman ang mga magulang ko, lalo na si Mama Pearl, pero ako, hindi naman. Isa pa, sa kanila namang pera iyon, hindi sa akin.
Kaya ako nagsisikap ng para sa sarili ko at walang tulong sa kahit na ano o gumagamit ng kahit na anong connection, eh dahil mas gusto kong nagsisikap para sa sarili ko. Ayaw ko kasi na isinusubo na lang sa akin 'yung mga bagay-bagay. Gusto ko, pinaghihirapan ko.
Mas masarap kaya sa feeling na makakamit mo 'yung isang bagay na alam mong dugo't pawis mo talaga ang puhunan. Hindi dahil sa koneksyon lamang ng iyong mga magulang.
Isa pa, gusto ko rin kasing patunayan sa sarili ko na kaya kong makaangat sa buhay nang dahil sa sariling pagsisikap ko lamang.
Bagay na lubos na ipinagpapasalamat ko sa mga magulang ko dahil hindi nila ako pinipilit. Sinusuportahan lamang nila ako sa mga bagay na gusto kong gawin, kung saan, alam nila na mas mag-go-grow ako.
Natutuwa pa nga si Mama Pearl dahil ang tapang ko raw na lumipad mag-isa. Kasi hindi ako katulad sa ibang anak mayaman na umaasa lang talaga sa kanilang yaman. Sa yaman ng kanilang mga magulang.
Mabilis na ipinarado ko ang aking sasakyan pagdating sa tapat ng coffee shop na aking pinag-apply'an. Hindi ko nga rin alam kung naiparada ko ba ito ng maayos eh. Mabilis din kasi ang kilos na bumaba ako kaagad at pumasok sa loob dahil swear, late na late na ako ng sobra.
"Ah, Miss. Ako 'yung nag-apply kahapon---"
"Thank God! Dumating ka na! Kanina ka pa hinihintay ni Ma'am Nicole!" Putol sa akin ng barista at sa pagkakatanda ko rin ay siya 'yung interviewer kahapon.
"Please, this way." Iginaya niya ako patungo sa isang pintuan na mayroong nakalagay na 'DO NOT DISTURB'.
"Ay, hehe. Sorry. Nilagyan ko kasi kanina dahil ayaw paistorbo ni ma'am. Nag-aaral kasi siya eh." Paliwanag nito sa akin.
Napatango na lamang ako habang mas kumakabog ng kumakabog pa ang dibdib ko.
"Katok ka lang ha? Tapos pasok ka na lang din." Sabi nito sa akin.
"O-Okay. Thanks." Pasasalamat ko sa kanya.
Nagbilang muna ako ng tatlong beses bago kumatok. At noong may marinig akong boses na nagsasabing pumasok na ako ay napa-inhale at exhale muna rin ako ng tatlong beses, bago tuluyang pumasok na sa loob.
Ini-expect ko na rin ang galit na mukha nagsasalubong sa akin. Lalo na kapag ganitong gorang na ang mag-i-interview? Naku! Sure akong umuusok na talaga ang ilong sa galit, dahil kapag tumatanda na talaga ang tao, umiiksi na lang din ang pasensya.
"I-I'm sorry, I'm late." Utal na paghingi ko ng tawad.
Kasabay din noon ang gulat na makita ang pigura ng isang babae na hindi pa naman pala gorang katulad sa aking inaasahan. Nakatayo ito nang pumasok ako kaya mabilis ko siyang nasipat sa kanyang katawan at kasuotan.
Hindi ko pa makita iyong itsura niya dahil sa nakayuko ito. Nakasuot ito ng fitted white dress na hanggang tuhod nito ang haba. At hinayaang nakalugay ang kanyang kulay blonde na buhok. Para siyang barbie na nabuhay sa tunay na buhay.
Gosh!
Ngunit mas laking gulat ko nang makita ang mukha ng babae na hindi ko inaasahan na makikita ko pa palang muli. Dahan-dahan na iniangat nito ang kanyang mga mata para salubungin ang aking paningin. Kapwa pa kami napasinghap nang muli magtama ang aming mga mata for the second time around.
Hindi ko alam pero kusa na lamang na similip ang maliit na ngiti sa gilid ng aking labi noong mapagmasdan kong muli ang kanyang kagandahan. Daig ko pa yata ang nanalo sa lotto sa mga sandaling ito, alam ninyo 'yung feeling na hindi pa nagsisimula ang isang laban pero pakiramdam mo panalo ka na?
Ganun na ganun ang nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko magawang alisin ang aking mga mata sa kanya. Baka kasi nananaginip lang ako. Kulang na lang halos ayaw kong ikurap ang mga mata ko dahil baka sa isang pagkurap ko lang ay maglaho siyang muli sa paningin ko.
Hindi ko inaasahan na pagtatagpuin kaming muli.
Gusto kong sabihin sa kanya, na ang tagal ko siyang hinanap. Gusto kong sabihin sa kanya na ilang gabi, linggo at buwan niya akong hindi pinatulog kakahanap sa kanya.
Swear! Kung saan-saan ko siya hinanap. Pero hindi ko naman kasi nakuha ang pangalan niya noong araw na iyon kaya malabo talaga na mahanap ko siya.
But thank God, you find a way para muli kaming magkitang dalawa.
I just can't believe this. She's now standing right in front of me, staring at me the way she had stared at me that day.
Kulang ang salitang maganda para sa kanya. Nawawalan ako ng sasabihin at tila ba ayaw ko na ring magsalita pa. Iyon bang sasabihin ko na lang sa kanya lahat ng gusto kong sabihin sa pamamagitan ng pagtitig sa kanya? Pero alam kong hindi naman pupwede iyon dahil unang-una, trabaho ang ipinunta ko rito.
Kaya sa pangalawang pagkakataon ay muli akong napangiti sa aking sarili
Ngunit mas sumimangot ito sa akin. Malamang dahil naalala niya sigurong late ako. Haha. Nakakahiya!
"You're late." Matigas na sabi nito sa akin bago naupo na ng tuluyan. At pasimpleng pinasadahan ako ng tingin sa aking kabuohan.
Kaya naman, napayuko na lamang ako bago naupo sa couch na nasa harapan ng kanyang lamesa. bago muling ibinalik ko ang aking mga mata sa kanyang magandang mukha.
Haaaayyyy!! Napakaganda talagaaa! Para akong nasa harap ng mga tala, parang gusto ko na lang siyang titigan buong buhay ko. Jusko!
"You know this is your final interview, but let yourself be late." Panimula nito habang diretsong nakatingin lamang sa akin. Habang ako naman ay wala talagang balak na alisin ang paningin sa kanya.
Napansin ko ang sandaling pagkunot ng noo n'ya. Baka dahil nawewerduhan na siya sa akin.
But who cares? Hindi ko kasalanan na ipinanganak siya ng mga magulang niya na ganito kaganda. Kaya hindi niya ako masisisi ngayon kung bakit ganito ako kung makatitig sa kanya.
Noong unang beses pa lamang na nakita ko siya, para bang slow motion na agad ang lahat sa akin. At naniniwala ako na siya ang soulmate ko. Tapos, hinalikan niya pa ako ng walang pahintulot ko?
Gusto kong mapangiti ng pagkalawak-lawak noong maalala ko ang mga sandaling iyon. I didn't know na gagawin niya yun. She seemed want to save me that day but she didn't really save me, she just stole my heart away.
Ilang buwan din akong nabaliw sa kakahanap at umaasang magkikita kaming muli. But I failed.
Ngayon, naniniwala na ako sa kasabihan na, huwag mong hanapin ang para sa'yo. Kasi kusa siyang darating at kakatok na lang bigla sa buhay mo. And then, she came.
Pero hindi na yata maaalis sa isipan ko na, taken na siya. Yes, I know that the man who approached her that day was her boyfriend.
Kasi kung hindi, hindi naman siya tatawagin nitong 'love'.
"Now, why should I hire you? How can you ensure you will not be late for your work if I hire you?" Dire-diretsong tanong nito sa akin.
Napalunok ako sandali. Ito na nga ba ang ikinakatakot ko. Kailangan kong magsalita at sagutan ang katanungan niya.
Wala akong maisip. Nabablangko ang utak ko. Pero bahala na. Kailangan kong mairaos ang interview na ito kahit na anong mangyari.
"First, you have no choice but to hire me. Second, you still have NO CHOICE but to hire me." Alam mo 'yung feeling na sobrang kinakabahan ka kaya hindi mo na alam kung ano ang lumalabas sa labi mo? Basta may naisasagot ka, okay na sa'yo?
Ganun ang mismong nararamdaman ko ngayon. Kaya naman hindi nito napigilan ang mapanganga in disbelief.
Sarkastiko rin itong napatawa.
Go, Violet. Kaya mo yan! Impress here sa paraang alam mo. Or kahit na anong sagot, yung hindi ka niya makakalimutan kahit na kailan at palagi ka niyang maaalala kahit na ano pa ang ginagawa niya. Pampalakas ng loob na sabi ko sa aking sarili.
"You kissed me without my permission so you should hire me. You will hire me because I said so." Pagkatapos ay napa-cross arms pa ako, para kunwari cool pa rin kahit na ang totoo ay nangangatog na ang mga tuhod ko at pinagpapawisan na rin yata pati singit ko.
Gosh!
Muli na naman kaming nagkatitigan but this time, mas intense na.
Para bang nababaliw na ako ngayon sa paningin niya.
"I don't know what you're talking about." Matigas na pagtatanggi nito at pagsisinungaling na rin. "Get out of my office, before I call the guard." Sabay turo nito sa pintuan kung saan ako pumasok kanina.
But who said that I will leave just like that? No way! I will not leave here until sabihin niyang hired na ako.
Napahinga ito ng malalim.
"Okay, what do you want?" Pormal na tanong nito sa akin.
Seryoso na binigyan ko lamang ito ng tingin.
"YOU." Bigay ko sa aking sagot. Awtomatiko rin akong napakagat sa labi ko dahil kung anu-ano ang lumalabas sa bibig ko kapag sobrang kinakabahan ako. Lalo na ngayon, grabe kasi siya kung makatitig sa akin. Nakakapanghina ng tuhod lalo.
"What?!" Natatawa na tanong nito sa akin.
Mabilis na napailing ako bilang depensa. "I-I mean I want you to hire me. Please, I need this job. Swear, I won't be late. At gagawin ko ng maayos ang trabaho ko at---"
Natigilan ako bigla noong bigla itong may idi-nial na number sa telepono.
"Jordi, please come here." Sabi nito sa kung sino mang kausap niya mula sa kabilang linya.
Maya-maya lamang ay may pumasok sa pintuan at iniluwa noon iyong barista na babae.
"Yes ma'am!"
"Jordi, please show her the way out." Utos nito kay Jorde.
"Huh? Pero ma'am---okay, sabi ko nga po." Biglang pagpayag naman nung isa dahil tinignan na siya ng masama ng kanyang amo na tinawag nitong Ma'am Nicole kanina.
Napapabuntong hininga na lamang ako at malungkot na tinapunan siya ng tingin bago tuluyang lumabas ng kanyang office.
Hays! Mukhang kailangan ko nang maghanap ng ibang maa-apply'an.