Chapter 14. Memories
Aeon's POV
After our intense lunch in the canteen, napagdesisyonan nung tatlo na pumunta ng mall habang ako naman ay pumunta nalang sa pad. Pinipilit nila ako kanina ngunit ayoko talagang sumama at kelangan ko ring makausap si T. I need to talk to him about the psychiatrist na pinapahanap ko sakanya. I have to see a doctor before I lose my sanity. Ng makarating ako sa pad agad akong nagpalit. I put my uniform in the hamper, saka ako naglakad palabas ng kwarto at nagpuntang balcony. Kinalikot ko ang teleponong hawak ko saka ko tinawagan si T. Mga ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag ko.
"Hey, A" bungad niya sakin.
"My request. Is it done?" hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. Sinabi ko agad kung anong pakay ko sakanya.
"Yes. I already book an appointment with her and it's tonight. Alam ko namang sa gabi ka lang pwedeng lumabas eh" sagot niya sakin.
"Her?" I asked, my forehead creasing.
"Yes, she's a well known psychiatrist. She's good in her field even though she's only 24" saad niya.
"Okay. Where will I meet her?" tanong ko sakanya.
"I already sent her the address so you don't have to worry" T really knows me. Alam niya kung anong tumatakbo sa utak ko.
"Thanks T" simpleng sagot ko tsaka ko pinatay ang tawag. Napatanaw ako sa compound ng school. I scanned my eyes as if searching for something. Then my eyes landed on him. Trasher. He's doing a hand to hand combat with one of his friends. I think it's that stupid guy, Colton. They are both good, but Trasher is better. He's faster and the attacks he makes are powerful. I watched him closely. There's something wrong with him. I can see it in his every move. He's uneasy and frantic. Lumaki nalang ng bahagya ang mata ko ng bigla niyang sinugod si Colton, akmang itatarak na sana niya sa mata ni Colton ang hunting dagger na hawak niya ng sabay sabay na sumigaw ang mga kaybigan niya na nanonood pala sakanila.
"Trasher!" sigaw ng tatlo saka sila napatayo. Gulat sila sa nangyari at ganun din ang reaksyon ng kanyang kaybigan na si Colton, dahil kung hindi nila ito napigilan ay naitarak na ni Trasher ang hawak niya sa mata ng kanyang kaybigan.
"What the hell man, do you have a plan on killing me?" galit na sigaw ni Colton sakanya. Nabitawan naman ni Trasher ang dagger na hawak niya ng mapagtanto kung ano ang ginawa niya. He faced Colton with a sorry look.
"I-i-i'm sorry man" sabi niya saka niya iniwan ang mga kaybigan.
"What's wrong with him?" tanong ni Adrion.
"Are you okay?" tanong naman ng kambal ni Colton na si Clay sakanya.
"I'm fine, man. Nag aalala ako diyan kay Ire. Simula nung dumating yung ugok na yun, nagkaganyan na siya" sagot niya rito. Napakunot noo nalang ako sa sinabi niya. Dumating? Sino? As if sensing my thought. Nakita kong napalingon ang isa sa magkakaibigan sa direksyon ko. Si Clay. Diretso ang titig niya sa akin. Hindi ko mawari kung anong emosyon ang kinukubli ng mga titig niya. Ilang segundo lang ang lumipas ay siya rin ang nagbawi ng tingin. Saka siya naunang naglakad palayo. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng mga titig na iyon. I can't read his eyes nor his mind. Abomination. I think they're keeping something. Kelangan kong malaman kung ano iyon, no matter what.
Kinagabihan, pagkatapos naming kumain sa may dining hall with Dark, Thalia and the new girl Holly, dumiretso na ako sa pad namin ni Dark. As usual, hinintay ko munang lumalim ang gabi bago ako lumabas ng school. Sinulyapan ko ang kamang katabi ko. Mukhang tulog na si Dark, hindi ko makita ang mukha niya dahil sa kabila siya nakaharap. She's facing the wall, her back on me. Time check, 2:05 in the morning. Madaling araw na, kailangan ko ng umalis dahil kailangan ko ring makabalik ng maaga. Sinulyapan ko si Dark sa huling pagkakataon saka ako naglakad patungong balkonahe. Maliwanag ang buong paligid hindi lang dahil sa mga light post na katabi ng mga bench sa paligid kundi dahil din sa bilog na bilog at malaking buwan. Hindi ko man lang napansin na full moon pala ngayon. Mas delikado ang gubat ngayon kaya kelangan kong magdoble ingat. Sana lang I wouldn't run into one of those rogues in the forest. Nilibot ko muna ang paningin ko sa buong paligid para maniguro. When I saw that there are no guards and officials that roam around the campus, tumalon na ako mula balcon pababa. Mabilis ang mga kilos ko ngunit maingat pa rin ako. Dapat walang makahuli o makakita man lang sakin, I have to be discreet.
Nagpalinga linga muna ako bago ako tumalon mula sa punong tinutungtungan ko bago ako tumalong muli sa may pader pababa. Ng makababa ako sa may pader, agad akong nagtago sa may malapit na puno, ng masiguro kong walang kahit na sino nagsimula na akong maglakad. Ilang minuto na akong naglalakad ng bigla akong may narinig na kaluskos di kalayuan sa kinaroroonan ko. Nagtago ako sa may pinakamalapit na puno. Ilang sandali pa ay may nakita akong isang puting lobo. A wolf bourne. Pinagmasdan ko siya ng ilang segundo. Mukhang wala naman siyang balak na umatake, ngunit ganun nalang ang gulat ko ng biglang may umalulong sa di kalayuan saka may biglang umatake sa puting lobo. Rogue. Biglang umigik ang puting lobo sa sakit ng bigla siyang kagatin nung itim. I watched them brawl for a second. Dehado ang puti dahil mas malaki ito, not to mention it's also a rougue. I know rougues, I can sniff them. Rougues are those rebel wolf bournes. Nang makita kong hindi na masyadong lumalaban ang puting lobo I decided to help it. I can't just stand here watch someone dies. I'm not that cold hearted.
Humanap muna ako ng tamang pagkakataon para umatake. Ng biglang lumayo ang itim na lobo para sana dumistansya at umatakeng muli dun nako pumagitna ngunit ganun nalang ang gulat ko ng malapit na ang itim na lobo sakin at makita ako ay bigla siyang tumigil sa pag atake. Ilang sandali siyang tumigil sa kinatatayuan niya at pinakatitigan ako. Hindi pa siya nakuntento sa pagtitig sakin ay bigla siyang lumapit sakin. I'm surprised with my own self nang hindi man lang ako natinag sa kinatatayuan ko at wala ni isang takot na lumukob sakin. Hindi ko mabasa ang mata nito. Ilang minuto pa niya akong tinitigan ng bigla nalang siyang yumuko. Nang nag angat siya ng tingin ay nagngingitngit siya sa galit. Handa na sana akong umatake ng bigla nalang siyang tumakbo palayo. Napakunot noo nalang ako dahil sa ikinilos nito. Ilang sandali pa ay lumingon ako sa kinaroroonan ng putting lobo ngunit laking gulat ko ng wala na ito doon. Napakunot noo nalang ako.
"Where the hell is it?" bulong ko sa sarili ko.
Iwinaksi ko nalang sa isip ko ang puting lobo at dumiretso nalang ako sa pakay ko. I have to hurry dahil kung hindi baka maabutan ako ng sikat ng araw. It's not the sun that I am concerned about, I don't even care about it. We abominations can get out even in the daylight, what I am worried about is the fact that there will be guards and officials roaming around when the sun comes out. I can't risk it.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa aking destinasyon. Ilang minuto pa akong naglakad hanggang sa marating ko ang lugar kung saan kami magkikita ng doctor. Pinakatitigan ko ang bahay na nasa harapan ko. It's been actually a while since I've been into this house. Ilang taon na rin akong hindi bumisita dito. I don't have a reason to be here anymore cause that reason died three years ago. Seeing this house again. It brings back the old memories that I had here. Umiling nalang ako saka ako naglakad papasok sa pintuan ng bahay tsaka ito binuksan. Nasa akin pa rin ang susi ng bahay na ito. Nang makapasok ako sa bahay, maayos pa naman ito dahil may caretaker naman na araw araw pumupunta dito. Kumpleto pa ang mga gamit at malinis ang buong bahay ng makapasok ako. Kung titingnan mo ang kabuoan ng bahay akala mo ay may nakatira dahil lahat ng gamit ay kumpleto. Binilin ko kasi sa caretaker na dapat araw araw malinis at maayos ang bahay at taon taon ay pinaparenovate ko ito dahil ayokong masira nalang ng ganun ang bahay dahil ito nalang ang ala ala ko sa pamilya ko at ayokong pati ito ay mawala pa. Yes, this is our family house, kaya kailangan ko itong alagaan at protektahan because this belongs to my family. Naglakad ako papuntang taas ng bahay tsaka ako dumiretso sa dating opisina ng daddy ko. Nang makapasok ako sa opisina ng aking ama ay nilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng kanyang opisina. I miss this place. Naalala ko pa na dito kami nag lalaro dati, naghahabol habulan tapos pag nadatnan kami ni papa dito, pagagalitan kami then after that makikipaghabulan din naman siya sa amin. A tear escaped from my eyes as the memory of me and my family had in here flashes through me. I miss them. Pinahid ko muna ang luha sa pisngi ko saka ako naglakad sa mesa na nagsisilbing study table ni papa. Hinaplos ko ang kanyang mesa. Walang pinagbago ang boung opsina niya. Kung ano ang ayos ng huli siyang pumasok dito ay ganto padin. Itutuon ko na sana ang atensyon ko sa mga libro ni papa na nasa likod ng kanyang mesa ng biglang nahagip ng mata ko ang isang miniature ng isang kabayo na may tao itong sakay sa gilid ng mesa. If my memory is correct this is the miniature of President Theodore Roosevelt of the United States together with his horse sa pelikulang Night at the Museum. Papa is a fan of that movie so he bought the miniature. Napakunot noo nalang ako ng sa ibang direksyon nakatungo ang kabayo. Papa is an OCPD, he wants everything in order and in place, so it's not like him. Naaalala ko pa ng naglalaro kami sa opisina niya at pinakialaman ang mga libro niya.
Flashback
"Papa is coming. Dali ibalik na natin ang mga books niya" humahangos na sabi ng aking kapatid habang palapit sakin. Mabalis naman ang mga kilos namin at ibinalik lahat ng mga librong nagkalat sa sahig sa lalagyan ng mga libro. Saktong pagbukas niya ng pintuan ay tapos na rin naming ilagay lahat ng librong kinalat namin. We stilled when he saw us standing beside his bookshelf. He eyed us suspiciously then his eyes flew into the books on his bookshelf.
"What are you two doing here?" tanong niya saka sinara ang pintuan. We smiled sweetly at him before answering.
"Nothing. We're just playing around" sagot ko na nakangiti parin sakanya.
"Playing, around? What are you guys playing?" he asks while walking toward us. Your books, my other mind shouts at me. Nagkatinginan naman kami ng kapatid ko.
"Well?" tanong ulit ni Papa.
"Barbie"
"Doll house" sabay na sabi namin. Nasapo ko nalang ang noo ko ng iba ang sagot niya. Tinignan niya kami na lalong nagsususpetsa.
"Barbie. In a doll house" mabilis namang bawi ng kapatid ko.
"Yup" mabilis ko namang pagsang ayon.
"Then where is this barbie and doll house of yours?" nakapamaywang na tanong niya samin while tapping his shoes impatiently waiting for the truth. Napipilan kami ng aking kapatid sa tanong niya.. Natahimik nalang kaming dalawa ng wala na kaming maisip na palusot ngunit bahagyang lumaki ang mga mata namin ng bigla nalang may nahulog na libro sa sahig. Patingin kaming magkapatid sa libro pati narin si Papa saka nag aalangan kaming tumingin sakanya. Napangiti nalang kami ng nakita naming nakakunot ang noo niyang nakatingin samin.
"You're at my books again, aren't you?" tanong niya samin saka pinulot ang librong nalaglag sa sahig. I just cursed through my breath. Hindi namin inayos ng mabuti ang pagkakalagay ng mga libro.
"Nope" sabay naming sabi ng kapatid ko.
"But why do I sense that your lying?" tanong niya samin saka binalik ang libro sa tamang pwesto non at hindi sa pinaglagyan namin kanina. Napaawang nalang ang labi naming magkapatid.
"And why is this here?" he asks while looking at us over his shoulders.
"And this? And this?" sunod sunod na tanong niya habang hinuhugot ang mga librong tinutukoy niya.
"You know that I hate things that aren't in order" napalabi nalang kaming magkapatid.
"You do know that I have a code when it comes to my books' arrangements" dagdag pa niya. We just shook our heads.
"Papa, we're sorry, alam niyo namang we love reading the books you have" malambing na sabi ng kapatid ko saka nagpakarga kay Papa. I saw my father's face softened by my sister's sweetness. He's really softy when it comes to us.
End of flashback