Chapter 20. Shapeshifters
Someone's POV
I grin evilly when I saw her enter the pad's building. Nang makita ko siyang tuluyan nang makapasok ay naglakad na ako palayo at nagtungo sa sariling pad building namin. I shift into my original form while walking towards the building. When I successfully entered the building, I shift back completely.
Hinugot ko ang aking cellphone sa bulsa nang jeans na suot ko saka ko siya tinawagan. Ilang ring lang ang lumipas nang sinagot na niya ang tawag.
"Did you receive the email I've sent you?" tanong ko sakanya ng sagutin niya ang tawag ko.
"Yes. We're now analyzing it. I'll just call you if everything is ready" sagot niya saka pinatay kaagad ang tawag. Napangisi nalang ako.
Everything is going well according to plan.
Aeon's POV
Those things are bothering me. Hindi ako mapakali. I know, something's not right.
"Dark, can I talk to you for a sec?" tanong ko kay Dark nang makapasok kami sa classroom. Galing kami sa cafeteria para bumili nang snacks. It's already break time. Tumango lang siya bilang sagot. Umupo muna kami sa kanya kanyang upuan namin. Since my table is behind her umupo ako paharap sakanya na hindi ginagalaw ang pwesto nang upuan.
"So what is it?" tanong niya saka siya kumagat sa sandwich na hawak niya.
"Do you have an idea if there are shapeshifters here in our school?" diretsong tanong ko sakanya. Nakita kong napakunot noo siya sa tanong ko.
"Why? Do you know someone who is a shapeshifter?" tanong rin niya sakin.
"Answer my question first" sabi ko sakanya. Pinatong ko ang aking braso sa backrest nang upuan saka ko pinatong ang baba ko sa nakapatong kong braso.
"Didn't you know?" tanong niya. Nagtataka akong tumingin sakanya.
"Know what?" I ask her.
"Shapeshifters are forbidden to enter our school" turan niya. Napakunot noo ako.
"What? Since when?" tanong ko sakanya. Now I am a lot curious than before.
"Three years ago. They are considered traitors. I don't know the whole story but one day their kind is prohibited to study and enter in the schools premises. Sa pagkakaalam ko napatawan sila ng parusa for committing treason" sagot niya. Masyadong maraming tanong ang nagsipaglabasan sa utak ko na gustong mabigyan ng kasagutan dahil sa impormasyong nakuha ko.
"Paano nasisiguro nang eskwelahan na walang shapeshifter na nakapasok rito? Shapeshifters are well known for their cunning tactics. They can shapeshift into anything or anyone not to mention that they can copy someone's DNA" sabi ko.
"The security system has some kind of technology that identifies shapeshifters, not to mention that this school has a spell to banish them" sagot niya sa akin. I am not yet convinced. My gut is telling me that those traitors already infiltrated the school.
"Now, it's your turn to answer my question. Do you know someone?" tanong niyang muli. Napatitig ako sakanya ng ilang sandali bago siya sinagot.
"Nah. I'm just curious" maikling sagot ko nalang sakanya. Alam kong hind siya naniniwala sa sagot ko. And to avoid any more suspicions from her tinalikuran ko nalang siya at umayos na ng upo. I can't trust anyone.
I am spacing out the whole period before lunch, ni hindi ko namalayan na tanghalian na pala kung hindi pa ako tinanong ni Dark.
"Are you okay?" tanong ni Dark.
"Yeah. Let's go" simpleng sagot ko nalang. Tumayo na ako ng hindi siya kumbinsido sa sagot ko at nagsimula nang maglakad papunta ng cafeteria para hindi na siya makapagtanong pa. Nang makarating kami sa cafeteria ay agad na kaming umorder ng pagkain saka kami naghanap ng bakanteng upuan. Nagsimula na kaming kumain ng makaupo kami.
"Can we talk this afternoon after class?" nagulat nalang kami ni Dark ng biglang may nagsalita sa tabi namin. Si Thalia. Kelan pa siya nandito?
"Oh my. Thalia, you nearly gave me a heart attack" sabi ni Dark habang sapo niya ang kanyang dibdib.
"I need to talk to you" I sense something in his voice the moment she talks. It sounds serious.
"Bakit mamayang hapon pa? Why not now? Marami pa naman tayong oras" sagot ni Dark. Tumingin ako sa likod niya at sa paligid bago nagtanong.
"Where's Holly?" tanong ko.
"I don't know. But this matter is between us only" sagot niya.
"See you after class" sabi niya saka nagpaalam na siya. Nagkatinginan kami ni Dark sandali.
"Ano sa tingin mo ang pag uusapan natin?" tanong ni Dark saka sumubo ng pagkain. I just shrug. I think she knows something. Thalia is the student government president. Normal lang na may alam siya sa mga bagay bagay na patungkol sa eskwelahan. Now i'm starting to wonder. Sino siya para pagkatiwalaan ng headmaster ng ganung kataas na posisyon. How did she get the position?
Natapos ang buong klase maghapon na lutang ako. Maraming mga impormasyong hindi ko pa mabigyan ng kasagutan.
"Let's go" aya sa akin ni Dark. Naglakad kami palabas ng classroom ngunit bago pa kami makalabas ay bumungad sa harapan namin si Holly.
"Where are you going? Mind if I join you?" tanong niya. I stayed silent. Wala akong balak sagutin o kausapin siya.
"I'm sorry but I have an errand to attend to. School stuff" si Dark ang sumagot. Nakita ko siyang sumimangot.
"Ganun ba? Sayang naman. Matagal ko na kayong hindi nakakasama eh. Medyo busy rin kasi sa department namin" sagot niya.
"Maybe next time" ani Dark saka nagsimula ng maglakad. Magsisimula na rin sana akong maglakad ng bigla siyang magsalita.
"How about you Aeon? Mind if we hang out?" nakangiting tanong niya.
"You should know by now that I don't like to have a company" seryoso kong sagot. Napakagat labi siya sa sagot ko. Tss.
"Maybe next time then" sabi niya saka siya ngumiti. "See you" paalam niya saka maglalakad na sana ng may bigla siyang nabangga. Tumingala siya at nanlaki ang kanyang mata ng makita kung sino ang nabangga niya saka yumuko at sinapo ang kanyang noo na parang nasasaktan.
"Aww" arte niya habang sinasapo niya ang kanyang noo. Gusto kong umirap ngunit bago ko pa ito magawa ay biglang sumigid ang sakit sa ulo ko then a sudden scene flashes through my mind. The same scene that I am looking at right now but the girl's face isn't Holly. It's someone else. But I can't see her face, it's blurry but it felt familiar. Like I've seen that scene before but what intrigues me is the guy in that memory. It's Trasher.
"Hey, you okay?" tanong ni Dark na nasa tabi ko na pala. Hindi ko namalayan na sapo sapo ko na pala ang ulo ko.
"My head hearts" simpleng sagot ko saka ko kinalma ang aking sarili para hindi ako tuluyang matumba dahil sa sakit ng ulo ko.
"Kaya mo bang maglakad?" tanong niya saka ako inalalayan. Nagpaubaya nalang ako dahil hindi ko rin alam kung kakayanin kong maglakad hanggang sa pad.
"What's wrong?" bigla kong narinig na tanong ni Trasher.
"Nothing" simpleng sagot ko nalang saka ko ako nagumpisang maglakad habang inaalalayan ni Dark. Hindi na ako nag abalang lumingon pa sakanila. Hindi ko maipaliwanag kung ano nanaman ang nangyari sakin. Ilang linggo na simula ng first session ko sa aking psychiatrist at walang nagbago. May mga panaginip pa rin akong hindi maintindihan ngunit ang bumabagabag sa akin ay ang mga memoryang pumapasok nalang bigla sa utak ko. My head aches together with my heart ng bumalik sa akin ang ala alang nakita ko kanina, ngunit ang ekspresyon ni Trasher ang nangibabaw sa isipan ko. When he and Holly bump into each other and then she pretended that she hurt her head, the look on his face shows many emotions that I couldn't name. Hindi ko alam ngunit bigla nalang pumatak ang ilang butil ng luha sa mga mata ko saka ko sinapo ang dibdib ko. What the hell is wrong with me? Yumuko nalang ako para hindi ako makita ni Dark. I don't want to show any weakness to anyone. Dahil baka pagsamantalahan nila ang kahinaan kong iyon.
Nang makarating kami sa pad ay naabutan namin si Thalia sa labas. Pinahid ko ang luhang pumatak sa aking mga pisngi kanina saka inayos ang sarili ko.
"What happened? Is she okay?" halata ko ang pag aalala sa boses nito. Why is she worried?
"Her head hurts" simpleng sagot ni Dark saka binuksan ang pad upang makapasok kami. Inalalayan ako ni Dark hanggang sa makahiga ako sa aking kama.
"Do you need anything?" tanong niya.
"Nah. I'm good. Bigla lang sumakit ang ulo ko, but I'm okay" sagot ko sakanya saka ako bumangon para isandala ng sarili ko sa headboard ng aking kama.
"Are you sure you're okay?" tanong nanaman ni Thalia.
"I'm fine" sagot ko sakanya saka ngumiti ng konti para hindi na siya magtanong pa.
"What is it that you want to talk about?" I cut to the chase and get straight to the point. Nakita ko siyang nagpapalit palit ng tingin sa amin ni Dark bago tuluyang nagsalita. She has her doubts.
"It's better if I show you" sagot niya saka may hinugot sa bulsa ng coat niya. Her cellphone. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Here" she said then gave us her phone. Nakita ko ang isang video. Si Dark ang pumindot nito para magplay ang video. Mas lalong napakunot ang noo ko sa napanood kong video. It's a video of someone who's shifting back into a person. Hindi makikita sa video ang mukha nito dahil masyadong madilim sa lugar na pinagtataguan niya.
"What the" tanging sabi ni Dark.
"Someone sent me that video last night" ani Thalia.
"I thought shapeshifters are forbidden here?" tanong ko sakanila.
"They are" simpleng sagot naman ni Thalia.
"Then, how is that thing here?" tanong ko sakanya.
"We don't know either, but we can't let this information leaked. Mas lalo lang gugulo ang sitwasyon, lalo na't malapit na ang ball" turan ni Thalia.
"So what do you want to do? What will the school do to handle this?" tanong ko.
"Isn't this too much for a coincidence?" biglang tanong ni Dark.
"What do you mean?" nagtatakang tanong ni Thalia kay Dark. I sense something by the way she talks.
"This morning, you asked me if there are shapeshifters here inside the school" ani Dark habang matiim akong tinitingnan.
"What the hell are you talking about Dark?" tanong ni Thalia sakanya saka siya tumingin sakin with the look of demanding an explanation.
"I ask because I was curious" simpleng sagot ko saka ko siya tiningnan ng diretso sa mata.
"Why the sudden curiosity?" taas kilay niyang tanong. I never imagined that she's this type of person. Nosy as hell.
"I don't need to answer you" sagot ko sakanya. Magsasalita pa sana siya ng biglang tumunog ang telepono ko. Hinugot ko ito mula sa bulsa ng coat ko. Hindi na ako nag abalang tingnan kung sino ang tumawag at basta nalang itong sinagot.
"Yes?" tanong ko.
"It's me" sagot ni T sa kabilang linya.
"What do you got for me?" tanong ko sakanya. Nakita kong nakakunot noong nakatingin sakin ang dalawa. Hindi ko nalang sila pinansin at tinuon ko nalang ang atensyon ko sa pakikipag usap kay T.
"I've already sent you the information that you needed" sagot niya.
"What did you find out?" tanong ko sakanya. Hindi na ako nag abalang umalis ng kwarto o umalis sa kinauupuan ko dahil alam kong maririnig lang din nila ako.
"You have a very interesting circle" sagot niya sakin. "Anyway, I need to hang up. Be careful A" paalam niya saka niya pinatay ang tawag.
"Who is that?" tanong ni Thalia sa akin. Nahiga muna ako bago siya sinagot. "My friend" tanging sagot ko.
"Friend?" taas kilay na tanong ni Dark. Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya. Dark can be annoying as hell sometimes. Kinuha ko ang aking cellphone saka ko binuksan ang email na pinadala ni T. Hindi na ako nag abalang basahin ito. Binigay ko sakanila ang aking telepono.
Si Thalia ang kumuha ng aking telepono saka nila binasa ni Dark ang email.
"What the hell" sabay nilang sabi sakin.
"How did you find out about this?" tanong ni Thalia.
"I hired someone to investigate her" sagot ko. Hindi ko na kailangang itago pa ito.
"Why?" tanong ni Dark. Napatingin ako sakanya.
"Because I don't trust anybody" diretso kong sagot habang nakatingin ng matiim sakanya.
"Is that the reason why you also investigated us?" tanong niya habang sinasalubong ang tingin ko.
"What?" gulat na tanong ni Thalia. Looks like she doesn't know at all.
"You finally caught up.Well, what can we expect from an ex-agent in A5?" I said while grinning. Hindi na kailangan pang itago ang mga bagay bagay.
"Kindly explain to me what the hell is going on in here?" tanong naman ni Thalia na halatang hindi alam kung anong sinasabi namin ni Dark. Sasagot na sana si Dark, ngunit bago pa siya makasagot ay may bigla kaming narinig na tili sa building na katabi ng pad namin. Nagkatinginan kaming tatlo saka dali daling lumabas ng unit namin.