Chereads / Empire High University: University of monsters / Chapter 20 - Chapter 19. OFF Part 2

Chapter 20 - Chapter 19. OFF Part 2

Chapter 19. OFF Part 2

Aeon's POV

1 week. Isang linggo nalang bago ang ball and everyone's been talking about it and they're making such a big deal out of it. I don't see the need to be frantic and make a fuss about it. And as I walk through the hall to my class wala akong narinig na ibang usapan kundi tungkol sa ball. Taas noo akong naglakad sa corridor patungong classroom at ipinagsawalang bahala ang mga estudyanteng walang ginawa kundi magchismisan.

Nang makapasok ako sa loob ng classroom ay dumiretso ako agad sa upuan ko. Nasulyapan kong wala pa si Dark sa kanyang upuan. Where could she be? Pagkagising ko kanina ay wala na siya sa kanyang kama o sa loob ng pad so I assumed na baka narito na siya pero mukhang mali ako. Umupo nalang ako saka ko sinubsob ang ulo ko sa mesa ng upuan ko. Maaga pa naman at wala pa ang prof namin sa unang subject.

Maingay ang paligid kaya hindi lang din ako makakapag isip ng maayos.

"Good morning class" bati ng isang boses sa kalagitnaan ng maingay na klase. Dahan dahan kong inangat ang ulo ko at tumingin sa harap. Our first subject is with our homeroom teacher, math. Great.

Walang pumansin sa professor at patuloy parin sila sa pag iingay dahilan para hindi nila napansin kung sino ang kasama ng guro na pumasok. Napaiktad nalang ang mga kaklase kong maiingay at biglang tumahimik ng biglang pabagsak na binaba ni Thalia ang hawak niyang mga libro at kung ano ano sa mesa sa may harapan.

"Have some respect you people. Kung hindi niyo babatiin ang professor at least shut the fuck up. This is your first warning!" sigaw ni Thalia. Fierce. Well, what can you expect from the president of the student government?

Napanganga nalang kaming lahat ng bigla niyang dinampot ang isa sa makapal niyang libro at binato sa kung saan. Nang tingnan ko kung kanina niya binato ay nakita ko ang isang babaeng ngayon ay may dumudugo nang noo.

"Don't test my patience. Isa pang pag irap at yang mga mata mo na ang isusunod ko. I'll make sure that your name will be added to the list of those who won't get out of here" nanlilisik niyang sabi. Napansin kong pinipigilan ng babae ang kanyang galit. So this is the side of Thalia when she's performing her duty.

"Now, let's go back to-" bago pa niya maituloy ang kanyang sasabihin ay biglang bumukas ang pintuan at iniluwa non si Trasher at ang kanyang mga kaibigan. I leaned in at my chair then I cross my arms and legs at the same time. Well, well, well. What a sight to see.

Pinagkrus ni Thalia ang kanyang mga braso bago nagtanong.

"Why are you late?" tanong nito. Hindi nag abalang sumagot si Ire kaya isa sa mga kaibigan niya ang sumagot.

"Sorry. We got caught up with something" sabi ni Adrion saka nagkamot ng batok na parang nahihiya.

"That's not enough excuse and mind you alam kong lagi kayong pumapasok ng late. It doesn't mean that you guys have the upper hand here eh magagawa niyo na ang gusto niyo. I don't know if you have a superior complex or something. Don't go around flaunting it" naiinis niyang turan sakanilang lima.

"And who the hell are you to say that?" napasinghap nalang ang buong klase nang sa isang iglap ay sinasakal na ni Trasher si Thalia. Napansin kong bigla nalang nanlaki ang mga mata ni Thalia and there I saw it. She's not afraid of the people inside her domain but she's afraid of this one guy that is beyond her's.

Nagulat naman kaming lahat ng sa isang kisap mata ay nasa tabi na ni Trasher si Adrion at hawak ang kanyang kamay saka umiling. Ilang sandali pa ay binitawan na ni Trasher si Thalia at naglakad patungo sa upuan niya at pabagsak na umupo na sinundan namin ng kanyang mga kaibigan maliban kay Adrion na kinakausap si Thalia.

"Are you okay?" tanong ng binata sakanya. Tumango naman si Thalia habang hinahaplos ang kanyang leeg na namumula dahil sa pagkakasakal ni Trasher.

"Why are you here?" rinig kong tanong ni Adrion sakanya.

"I'm here to distribute the invitations" sagot naman ng isa habang medyo nahihirapang huminga.

"Oh, yeah. The invitations. I'll take care of it. You should go to the infirmary. Palagyan mo ng ice para hindi mamaga" he said. Okay? I think there's something going on with these two.

"Thank you" simpleng sagot naman ni Thalia saka nagpaalam sa professor namin at lumabas na ng classroom. Sinundan ko nalang siya ng tingin hanggang sa makalayo ito. Well, that's quite a show.

"Listen up" pagkuha ni Adrion sa atensyon ng buong klase.

"So as you all know 1 week from now we will be having our Acquaintance Ball. So the school provided this invitation cards to avoid trespassers and uninvited guests. So bring with you your invitations and present them to the officials before entering the venue. Thank you" anunsyo nito saka umupo na sa kanyang upuan.

"Kelan ka pa naging spokesperson ng student government president?" narinig kong mapang asar na tanong ni Colton na siyang katabi niya. Napapangiting umiling nalang ang isa.

*

Pagkatapos ng eksenang nangyari sa classroom kanina ay pinagpatuloy ng professor ang pagkaklase at hanggang sa matapos ang lahat ng subject namin ngayong umaga ay hindi pumasok si Dark kaya nagtataka ako kung anong ginagawa niya ngayon dito sa cafeteria.

It's lunch time and now i'm having my lunch together with Dark and Holly. Wala si Thalia. Baka nasa infirmary parin. Ilang minuto na kaming kumakain at kanina ko pa nararamdaman na pasulyap sulyap si Dark sa gawi ko. Nang hindi na ako makapagtimpi ay hinuli ko ang kanyang tingin saka siya tinaasan ng kilay na sinalubong naman nito.

"Pasensya na late ako" ani ng tinig ni Thalia na kadarating lang. Naunang nag iwas ng tingin si Dark saka sumulyap sa gawi ni Thalia na ngayon ay nakaupo na sa tabi nito.

"Anong nangyari sa leeg mo? Bat namumula yan?" nagtatakang tanong ni Dark ng mapansin ang leeg ni Thalia. Sumubo ako ng isang scoop ng ice cream saka ko binalingan si Thalia. Namumula parina ng leeg niya pero hindi na gaano.

"Sinakal ako ni Ire" diretsong sagot ni Thalia saka sumubo ng pagkain.

"Hah?" gulat naman na tanong ni Dark. Thalia just shrug.

"Gago talaga ang isang yun" naiinis na turan ni Dark.

"Sino si Ire?" tanong namin ni Holly. Holly is from the other department, so is Thalia. Me and dark are English majors while Thalia is in Political Science and Holly is in Business.

"Ire is a jerk" simpleng sagot ni Dark na kinakunot ng noo ni Holly. She doesn't know him?

"Ire is way worse right now before she entered here" may lungkot na turan ni Thalia. She?

"Sinong she?" tanong nanaman ni Holly.

"Just someone" biglang sagot ni Dark bago pa makapagsalita si Thalia. I didn't pry anymore dahil alam kong may alam ang dalawang ito. What do you know? And who is that she that you're talking about? Anong tinatago niyo?

*

"Are your gowns ready?" tanong ni Thalia. I don't know what happen but these girls started hanging out in our pads. Hindi naman mukhang tambayan ang pad namin, and they have their own pads. Can't they stay in there? Speaking of gowns. Ngayon I dedeliever ang mga gagamitin ko sa ball. T suggested to let someone deliver it instead of snicking out again to get it. Masyado na daw delikado kung lagi akong lumalabas kapag madaling araw, baka may makakita sa akin. Sumang ayon nalang ako dahil alam kong tama naman siya and something's not right. Hindi ko alam kung nakakatunog na si Dark but something is off with her. I think she has her eyes on me.

"Hhmm" tango ni Dark at Holly. "How about you?" balik tanong niya kay Thalia.

"Idedeliever palang mamaya" nakangiti niyang sagot.

"How about you Aeon?" biglang tanong ni Holly.

"Idedeliever palang din mamaya" maikli kong sagot.

"I'm so excited" rinig kong masayang sabi ni Dark na sinang ayunan naman nung dalawa. What's there to be excited about? Napatingin nalang ako sa aking relong pambisig para tingnan kung anong oras na. It's already 7. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama saka tumayo.

"Where are you going?" nilingon ko si Dark dahil sa tanong niya. And there, that look. Napangisi nalang ako sa loob loob ko.

"Dining hall. I'm starving" sagot ko saka nagsimula nang maglakad.

"Shit. It's already 7" narinig kong sabi ng isa sakanila saka sila sumunod sakin.

Pagdating namin sa dining hall ay lahat na ng estudyante ay nakaupo na ngunit hindi pa sila kumakain. Nang may mahanap kaming bakanteng upuan at doon na umupo. Nang makaupo ako ay pumitas ako ng ubas na nakahain sa may hapag kainan. Nakita kong napatingin sa akin hindi lang ang mga kasama ko kundi pati narin ang mga estudyanteng malapit sa paligid ko. Sinubo ko ang ubos saka ito nginuya at tinaasan sila ng kilay.

"I think no one is allowed to eat yet" ani ng katabi ko na si Thalia. Hindi ko pinansin ang sinabi niya sa halip ay kumuha ulit ako ng ubas saka ito kinain. Ilang segundo pa ay biglang bumukas pintuan ng dining hall. Hindi na ako nag abalang bigyan ito ng pansin at pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ng ubas at iba pang mga prutas na nasa mesa.

"Since everyone is here. I'll make my announcement right now" narinig kong anunsyo ng headmaster sa harapan. Nagulat nalang ako ng may grupo ng mga kalalakihan ang biglang umupo sa bakanteng upuan sa harapan namin. At kung minamalas ka nga naman it's him and his circle of friends. Nag iwas ako ng tingin ng mapansin niyang nakatingin ako sakanya.

"As you all know, I ordered the student government to distribute an invitation card for the ball" panimula niya. Nakinig nalang ako at hindi na ako nag abalang tumingin sa gawi niya.

"It's actually not necessary for us to do that but we need to take precautions to have a peaceful ball. Well not that someone will dare to enter uninvited or will be a 'ball crusher'. Our schools security system is pretty tight but we still need to be careful" napatigil ako sa pagkain at napatingin sakanya ng biglang nag iba ang tono niya ng binanggit niya ang salitang careful. He's not confident that the security system of this school is tight and unbreakable.

"That's all. You may start eating" ani niya. Bigla namang umingay ang paligid nang magsimula nang kumain ang lahat. Nagsimula na rin akong kumain. Hindi pa ata ako nakakalimang subo sa pagkain ko ng bigla akong magsalita.

"What?" inis kong tanong kay Trasher. Nararamdaman ko kasing kanina pa siya pasulyap sulyap sa akin. Nakita ko namang napatingin ang mga tao sa paligid namin.

"What?" balik tanong niya. Napairap nalang ako sa hangin bago ko siya sinagot.

"Oh cut it! If you want to say something then speak!" naiirita kong ani sakanya.

"When will you give my jacket back?" nakataas kilay niyang tanong sa akin. Marahas akong tumayo sa kinauupuan ko dahilan ng pagkuha ko ng atensyon hindi lang ng mga taong nakapaligid sakin kundi pati na rin ng nakapansin sa akin.

"That's it! Don't give me that crap again because I don't even know what you're talking about!" sigaw ko sakanya saka ako naglakad paalis at palabas ng dining hall. Napagdesisyonan kong wag na munang bumalik sa pad at magpahangin muna saglit kaya naglakad ako sa patungo sa may library. Nagtungo ako sa parte nang library na hindi pinupuntahan ng mga estudyante. Nitong mga nakaraang buwan itong parting ito ng library ang naging tambayan ko.

Naupo ako sa upuang naroon at idinukdok ang ulo ko sa may mesa. Ilang minuto pa ay naramdaman kong bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. Kinukuha na ako ng antok at papikit na ang mga mata ko, nagiging tahimik at madilim na rin ang paligid ng biglang nag ingay ang kaharap kong upuan at gumalaw ang mesa dahilan para mawala ang antok ko.

Biruin niyo na ang gising wag lang ang taong malapit nang matulog! Handa na akong bangasan ang kung sino man ang gumising sa natutulog kong diwa ng bumungad sa akin ang mukha ni Trasher.

"What the hell" tanging sambit ko sakanya. He's too close to me. Ilang dangkal lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Nilukumos ng mga palad ko ang mukha niya saka ito inilayo.

"What are you doing here?" inis kong tanong sakanya. He just shrugged then he crossed his legs and arms at the same time. Napairap nalang ako sa hangin.

"Did I pissed you off earlier?" tanong niya. Hindi ako nag atubiling tingnan siya ngunit sinagot ko siya.

"Isn't it obvious?" nakataas kilay kong tanong sakanya.

"Anong gusto mong maramdaman ko? Magtatatalon ako sa tuwa?" sarkastikong dagdag ko pa.

Narinig ko siyang tumawa na mas lalong dahilan ng pagkainis ko.

"I didn't know that you have a sense of humour" tatawa tawa niyang sabi. Hindi ko magawang mainis ng sobra dahil sa sinabi nang makita ko siyang tumawa.

"Hindi ko alam na marunong ka palang tumawa" bigla kong sabi na dahilan ng paghinto niya sa pagtawa. He cleared his throat before answering. Amusement is still in his face.

"Well, the word laughter and smile is still in my vocabulary" nakangiting turan nito. I am intrigued at the same time shock when he laughed and smiled but nothing changes. The feeling that I have right now is not the usual feeling that I have for him sometimes. I don't feel anything right now. No fast heartbeats. Nothing. And that reminds me of the same sensation of those two people. Something is definitely off here.