Chapter 19 - CHAPTER 18: OFF

CHAPTER 18: OFF

Aeon's POV

I glanced at Dark one more time to make sure if she was really asleep or not. Tonight, I'm going to sneak out of the school to meet T and the person he's talking about that'll help me with my gown for that stupid ball.

Nang masiguro kong tulog na nga ito ay tumalon ako mula sa balkonahe pababa. Siniguro ko munang walang mga gwardya o opisyal na nagroronda sa paligid bago ako kumilos.

Hindi naging mahirap ang paglabas ko sa eskwelahan dahil lagi lagi ko naman itong ginagawa at maingat naman ako sa paglabas.

Ilang minuto pa akong nagpalakad lakad sa may gubat hanggang sa makarating ako sa lugar kung saan kami magkikita ni T.

"Hey" bati niya sa akin ng makarating ako roon.

"Hi" balik bati ko. "So, where is this person that you're talking about?" tanong ko.

"She's inside" sagot naman niya, saka nauna nang naglakad papasok na sinundan ko naman. She. So she's a girl.

Nang makapasok kami ay may nakita akong babae na nakatalikod sa akin. She has a chestnut brown wavy hair na hanggang balikat niya. Her back looks sexy. I can't believe that I just said that.

Tumikhim si T sa tabi ko para kunin ang atensyon niya. Nang humarap siya sa amin ay napanganga nalang ako. One word to describe her, gorgeous. With her plump red lips, almond shape eyes, and honey-colored eyes.

"Jan, this is Aeon, Aeon this is Jan" pagpapakilala ni T.

"Hi," nakangiting bati niya sa akin, saka niya nilahad ng kanyang palad upang makipagkamay na tinanggap ko naman. The moment our palm touches each other my forehead creased. This feeling. I already felt this familiar sensation with Holly and that psychiatrist. The feeling of nothingness.

"Hello" simpleng bati ko sakanya saka bumitaw sa pagkikipagkamay.

"So do you have any particular color of gown you want to wear?" tanong niya sakin. I stared at her for a second to see or should I say sense something in her but nothing. I can't sense her and I can't read her mind.

"Black" maikling sagot ko sakanya. Nakita ko siyang kiming ngumiti.

"Perfect choice. The moment I saw you, I know black will be the best color for you" masigla niyang sabi. She's very cheerful despite her age, I mean human age. I think she's in between the age of 26 or 27. I quit don't know her age because I don't know if what creature she is.

"I want everything in black. From my gown, shoes, and my mask" dagdag ko.

"I'm pretty sure you'll say that" sagot naman niya saka tumalikod sakin at may hinalungkat sa dala niyang shoulder bag na nakalagay sa may sofa . Nang makita ko kung ano yun ay nagsalita ako.

"No need" turan ko saka may nilabas sa bulsa ng jeans ko na nakatuping papel. Inabot naman niya ito at binuklat.

"Great" napapantastikuhang ani niya saka tinupi ulit ang papel at nilagay sa loob ng bag at sinukbit ito sa balikat niya.

"So, I'm just gonna send T the designs of your gown, mask, and shoes so you can choose and revise it if you want too" dagdag niya.

"When?" maikling tanong ko. Ilang linggo nalang bago ang ball.

"Mmm, if I start sketching now, I'll be done by evening then I'm gonna send it right away" sagot niya.

"Thank you" pagpapasalamat ko sakanya.

"No problem" simpleng sagot niya saka nagpaalam na siya sa amin.

"Anong laman nung papel na binigay mo sakanya?" nagtatakang tanong ni T sa akin. Nagsimula akong naglakad palabas.

"My measurements. You know I don't like when people touch me or even lay a finger on me" sagot ko sa tanong niya. Nakita ko siyang bahagyang natawa sa sinagot ko.

"Yeah I know because every time people attempt to touch you they end up either with a broken bone or bloody nose" napapantastikuhang turan niya.

"Whatever" I just said then rolled my eyes at him.

"Thanks anyway. See yah" paalam ko sakanya then we go our separate ways.

Ire's POV

Ilang minuto na akong palipat lipat ng posisyon sa pagkakahiga ngunit hindi parin ako makatulog. I tried to close my eyes and focus on sleeping but I failed. Naiinis akong bumangon sa pagkakahiga saka ako lumabas ng kwarto at nagtungo sa may balkonahe ng kwarto ko. From here I jump down saka ako naglakad lakad. Magpapahangin nalang ako at baka sakaling makuha ko na ring matulog mamaya.

Ilang minuto pa akong nagpalakad lakad ng dalhin ako ng aking mga paa sa may lawa. Hindi pa ako nakakarating sa may lawa ay may nakita na akong likod ng isang babae na nakaupo malapit rito. I know who that back belongs to just by looking at her. Naglakad ako palapit sakanya. Ng makalapit ako ay tumikhim ako upang makuha ang kanyang atensyon. Ng marinig niya ako ay umangat ang kanyang ulo. The moment our eyes met I felt nothing. Nakita kong bahagyang nanlaki ang mata niya ng makita ako at mabilis rin siyang umiwas. What's wrong with her?

"What are you doing out here?" tanong ko saka ako umupo sa tabi niya ngunit binigyang distansya ko ang katawan naming dalawa.

"Wala naman" ninenerbyos na sagot niya. There's definitely wrong with her. Hindi ko pa nakita si Aeon na ninenerbyos. Nakita kong niyakap niya ang kanyang tuhod saka pinatong ang kanyang baba rito. Napansin kong hindi siya nakasuot ng jacket kaya hinubad ko ang jacket ko saka ko pinatong sakanya. Napansin kong natigilan siya saka tumingin sakin. Our eyes met for the second time but just like earlier I felt nothing. Again. Who is this girl? What's wrong with her? Or should I question myself? What's wrong with me? Bakit wala akong maramdaman? Bakit hindi tumitibok ng malakas ang puso ko hindi gaya ng pagtibok ng puso ko para sakanya tatlong taon na ang nakakaraan o nung bumalik siya.

Nag iwas nalang ako ng tingin sakanya upang iwaksi ang maraming tanong na nasa utak ko.

"Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" tanong niya pagkatapos ng mahabang katahimikan na namamagitan sa amin.

"Can't sleep" maikling sagot ko. Hindi na siya nagsalita pagkatapos non at ilang minutong katahimikan nanaman ang bumalot sa amin ng mapagpasyahan kong tumayo na at bumalik na ng pad.

"You're leaving?" tanong niya. Yumuko ako upang makita ang mukha niya pero hindi ko ito makita dahil nakatingin siya sa may lawa at natatakpan ng kanyang buhok ang mukha niya.

"Yeah" sagot ko. Maglalakad na sana ako ng bigla siyang magsalita.

"Thank you for the jacket" sabi niya saka tinanggal ang jacket sa pagkakapatong sa sakanya at akmang ibibigay sana niya sakin ng pinigilan ko siya.

"Hindi ka pa papasok?" tanong ko.

"Nah. I'm gonna stay here for a while" sagot niya.

"You can just return the jacket some other time" sabi ko saka nagsimulang maglakad pabalik ng pad. Papasok na sana ako sa building ng pad ng mapasadahan ko ng tingin ang isang bulto ng babae sa may puno malapit sa pad na parang nagmamasid sa kapaligiran. Nang mapansing walang tao sa paligid ay lumabas siya sa pagkakatago sa puno. Hindi niya ako makita dahil may nakaharang na puno mula sa kinaroroonan ko. Bigla siyang tumalon pataas ng building.

"Aeon?" nagtatakang sambit ko sa pangalan niya. How the hell did she get there?

Aeon's POV

I stretched my body the moment our professor exited the room. Nangangawit na ang buong katawan ko sa pagkakaupo.

"Let's go?" sabi ni Dark na hindi ko napansin ay nasa tabi na pala ng upuan ko. Lunchtime.

Tumayo na ako sa upuan ko saka ko sinukbit ang bag ko sa balikat at nagsimula ng maglakad. Saktong natapat ako sa upuan ni Trasher ay tumayo na rin siya dahilan ng sandaling pagtigil ko sa paglalakad. Hahakbang sana ako ng bigla siyang masalita.

"When will you return my jacket?" tanong niya. Napaangat ako ng tingin dahil sa tanong niya. Nakaangat ang isang kilay niya na tila ba naghihintay ng sagot na kinakunot ng noo ko. Magtatanong na sana ako ng bigla nalang siyang nag iwas ng tingin.

"Whatever" ani niya saka nagsimulang maglakad. Nakita ko namang nakatingin ang mga kaybigan niya sakin na may nagtatakang ekspresyon sa mukha. Kinunotan ko lang sila ng noo bilang sagot.

"Let's go" aya ni Trasher sa mga kaibigan niya ng mapansin niyang hindi nakasunod ang mga ito sakanya na sinunod naman nila. Okay? What just happened?

"Anong jacket ang sinasabi niya?" tanong ni Dark sa may likuran ko. Akala ko nauna na itong lumabas sakin. I just shrugged then started walking. Habang naglalakad papuntang cafeteria ay hindi ko maiwasang magtaka sa sinabi niya. Anong jacket ang sinasabi niya?

*

Natapos na ang lahat ng klase ko sa hapon at nandito na rin ako sa pad, nakapalit na't lahat lahat pero lumilipad pa rin ang utak ko pabalik sa tanong ni Trasher kanina at kanina ko pa hinahalungkat ang utak ko kung may binigay ba siyang jacket o pinahiram sakin ngunit wala talaga akong maisip.

Marahas akong bumangon sa pagkakahiga sa kama ko saka ginulo ang buhok ko. Mukhang hindi nanaman ako makakatulog ng maayos nito mamaya. Mabuti nalang at wala si Dark dito kung hindi kukulitin nanaman niya ako mamaya gaya ng ginawa niya sa cafeteria kanina na sinundan nang pangungulit ng dalawa at tiyak akong pagkakamalan niya akong nababaliw na dahil sa itsura ko ngayon. Ilang minuto pa akong nakaupo sa kama ko at nagmumuni muni ng biglang tumunog ang cellphone ko na nasa bedside table. Inabot ko ito at binuksan. It's a text message from T.

I've sent you the drafts of the design of your gowns, mask, and shoes from Jan.

-T

Pagkabasa ko ng text ni T ay agad kong kinuha ang laptop ko na nasa drawer ng bedside table saka ito binuksan at nagpunta sa email. Clinick ko ang sinasabing email ni T. The moment my eyes lay on the drafts I can't help but smirk. Not bad. Actually, they are all beautiful. Tinignan ko ang lahat ng design ng gown, mask at pati na rin ang mga iba't ibang heels. They're all beautiful but there's one design that catches my attention in every category. I message T and told him the design I chose then I hit send. I grin at the designs that I've chosen. It's not in my nature to be smug or vain but this is the first ball that I'll be attending here in this school so might as well go all out. I want to leave an impression on this school's history. An impression that they will never forget.