Chereads / Shaken (Filipino) / Chapter 2 - Chapter 02

Chapter 2 - Chapter 02

"Ma una na ako!" paalam ni Rhiane sa Mama niya na nasa kusina at naghahanda ng kape.

"Okay ingat ka," nakangiting sambit naman nito sa kanya.

Tumango lang siya rito bago humalik sa pisngi ng Mama niya. Umalis din naman siya pagkatapos.

"Rhi! Sunduin ka ni Darryl? Pasabay!" sabi ng kapatid niya na nagmamadaling bumaba ng hagdan. Napailing siya. Late na naman ito ng gising.

"Dalian mo," pag-apura niya rito at nauna nang lumabas.

Habang hinihintay ang ate niya ay kinuha niya cellphone sa bulsa ng kanyang tattered jeans at tinawagan si Darryl.

Hindi strikto sa dresscode ang University. Walang uniform ang mga college students maliban na lang sa mga medical related courses kaya malayang makapag damit ang mga studyante ayon sa gusto nila.

"Nasaan ka na?" tanong niya sa boyfriend nang sagutin nito ang tawag.

"Papasok na akong village niyo," saad nito.

"Hmm okay. Lalabas na lang akong gate. Sasama nga pala si ate sa'tin."

"Okay."

Ibinaba na niya ang tawag at nilingon ang bahay nila.

"Ate tara na! Malapit na si Darryl!" tawag niya kay Darlene.

"Nandiyan na!" sigaw naman nito at nagmamadaling lumabas.

Napailing si Rhiane at naunang tumungo sa gate nila. Kasunod niya rin naman si Darlene. Saktong paglabas nila ay ang pagparada naman ng itim na porsche ni Darryl.

Agad na siyang sumakay sa front seat at si Darlene naman sa backseat.

"Hi," bati niya rito at hinalikan ito sa pisngi.

Hindi ito umimik at tumango lang. Inayos niya na lang ang upo at binaling ang tingin sa bintana.

"Tara na," sabi niya rito. Agad naman nitong tinapakan ang gas at pinasibad ang sasakyan.

Fifteen minutes later, pumarada na ang sasakyan nito sa usual spot nito sa parking.

Naunang lumabas si Darlene na halos tumakbo na sa pagmamadali. Mukhang late nga talaga ito. Siya naman ay may thirty minutes pa bago magsimula ang klase. Si Darryl ay mamaya pa talaga ang klase pero dahil sinundo siya nito ay maaga ito ngayon. They give each other their schedules kaya kabisado na rin niya ang oras ng pasok nito.

Magkahawak kamay silang pumasok ng campus. Halos di naman magkamayaw ang mga usesira sa gilid na kung makapag bulungan ay daig pa ang sumigaw sa bangin sa lakas.

Hindi niya na lang 'yon pinansin. Sanay na rin naman siya. Araw araw ba naman.

"Hindi kita masusundo mamaya, may gagawin ako sa headquarters," nilingon niya ang boyfriend.

"Anong gagawin mo?" tanong niya rito. She feels something is odd. Ang tahimik nito ngayon.

Kagabi pa 'to ah.

"Just for my last fraternity project," sagot nito. Nag iwas siya ng tingin.

Her boyfriend is apparently the fraternity leader of Cryptics Ang kaisa isang fraternity sa University. May partner itong sorority na kapareha din ng pangalan. She dislike that fact.

Ayaw niya sa fraternities. Alam iyon ni Darryl pero wala na rin naman siyang nagawa nang sumali ito at naging leader pa. Kaya nga hindi na lang siya nagsasalita sa tuwing in-open nito ang topic na frat at baka may masabi lang siyang masama na maging dahilan ng away nila.

"Here we are. Sabay na lang tayong mag lunch mamaya," anito at hinalikan siya sa noo. Tumango siya at hinintay muna itong umalis bago pumasok sa classroom niya.

Wala pa ang prof pagkarating niya ng classroom pero may mangilan ngilan ng mga studyante.

"Hoy Rhiane Marie Ferguson!"

Isang maarteng tinig ang nagpalingon sa kanya. Agad na bumungad ang nakangiting mukha ni Martina Sandejas sabay turo sa katabing upuan ng arm chair nito.

Agad namang napangiti si Rhiane at lumapit sa kaibigan.

"Bakla ka Martina! Ba't wala ka sa party?!" tanong niya rito sabay hampas sa braso at upo sa tabi nito.

Sumimangot naman si Martina,"Gaga ka! Sabi nang wag mo akong tawaging Blake! Belinda nga kasi! Imbyerna to! Tsaka sobrang godpa ako kahapon! Iniwan mo pa ako at nakipag lampungan ka kay papa Darryl!" Kunwari'y tampo tampuhan pa nito.

Natatawang umiling siya bago kinuha ang libro na gagamitin sa subject nila ngayon.

Si Martina ang maituturing niyang totoong kaibigan bukod sa mga kaibigan niya rito.

"Hoy sistur, may chika ako," biglang sambit nito at naghalukay ng kung ano sa bag.

Inayos niya ang libro sa mesa at lumapit rito. "Ano yun?"

Inabot nito sa kanya ang cellphone nito.

'Cryptics is looking for the new Mistress.'

'Yan ang nakalagay sa picture na nakita ni Rhiane sa Official page ng St. Ignacio's University. Sa ibaba nito ay may mga qualifications at rules ng naturang organisasyon.

Napataas ang kilay niya. Ito kaya ang aasikasuhin ni Darryl mamaya? Binalingan niya si Martina. Ganoon na lamang ang pagkunot ng noo niya nang makita ang pagniningning sa mga mata nito.

"Oh? Anong meron?" tanong niya pa rito.

Maarteng hinawi ni Martina ang bangs nito at inilagay ulit ang cellphone niya sa kanyang shoulder bag. Oo, shoulder bag. Nakasuot lang naman kasi ito ng isang jeans at pink na blouse. Tinernohan pa nito ng itim na headband ang hanggang batok nitong buhok. Mataas ang bangs nito na pinasadya talaga kaya malakas ang loob na mag headband.

Agad na nangasim ang mukha ni Martina at pinatulis pa ang nguso, "Sistur naman eh. Seryoso kasi." Hinawakan nito ang kamay ni Rhiane na mas nag pataas ng kilay nito. Ano ba kasing gusto nitong sabihin?

"Bakit ba kasi?"

"Eh kasi nga friend I just want to ask for your permission kasi alam mo na baka ma jelly ka sa'kin pag palagi kaming magkasama ng loverboy mo eh alam mo namang part yun ng pagiging mistress at supremo ng Organization."

Tila nag hang ang buong katawan ni Rhiane sa sinabi nito. Ilang segundo pa siyang natanga bago niya nakuha ang gustong sabihin nito at ganoon na lamang ang pag halakhak niya nang makuha ang gusto nitong sabihin. Nagtinginan tuloy ang mga kaklase nila sa kaniya.

Agad na tinakpan niya ang bibig para pigilan ang pagtawa pero talagang hindi niya 'yon kinaya at naibaon na lang ang mukha sa arm chair.

Napasimangot si Martina, "Ehhh! Rhiane naman ehh!"

Pilit na kinalma ni Rhiane ang sarili tsaka tiningala ang kaibigan pero pagkakita niya pa lang sa mukha nito ay natawa na naman siya.

"Alam mo Martin este Martina, wala naman akong problema kung sasali ka kaya lang nakita mo yung qualifications diba?"

Natatawa niyang inabot ang shoulder bag nito at kinuha ang cellphone. Ni zoom in pa niya ang qualifications ng naturang search.

FEMALE

"Friend, kulang ka kasi ng FE! " Humagalpak ulit siya ng tawa.

"I hate you na Rhiane." Kunwari ay nagtatampong sambit ni Martina sabay bagsak ng shoulder bag nito sa hita.

Kinagat ni Rhiane ang sariling labi para pigilan ang tawa sa naghihimutok niyang kaibigan. Ewan ba niya pero ang laswa kasi tingnan ng pagpapa cute nito. Idagdag pa na ang tayog ng pangarap ni bakla.

Napailing na lang siya rito. Balak pa sana niya itong asarin kaya lang saktong dumating na yung professor nila kaya tumahimik na rin sila. Panay pa ang pagsulyap sa kanya ni Martina sabay labi pero tinatawanan niya lang ito kaya ang ending ay umiirap na lang si bakla na tinatawanan niya ulit.

***

"Class dismissed."

Agad na nagsitayuan ang mga studyante nang magpaalam na ang professor.

Sa sobrang pangangawit sa tatlong oras na discussion ay nag unat unat muna si Rhiane bago niligpit ang mga gamit niya.

"Grabe nakakangawit sa pwet ang lecture ni Prof Alienza!" reklamo pa ni Martina habang nag aayos din ng kanyang mga gamit.

Nakangusong tumango si Merian at isinilid na sa bag ang lahat ng gamit.

Sabay silang lumabas ng classroom. It's almost lunch time. May vacant siya ng one hour bago mag lunch kaya sasama na muna siya kay Martina habang naghihintay ng oras. May klase pa kasi ang barkada at kapatid niya ngayon. Si Darryl naman ay paniguradong nasa headquarters so di bale na.

"Sistur, samahan mo nga ako," anas ni Martina pagkababa nila ng building.

Kumunot ang noo niya,"Saan naman?"

"Hallur! Edi doon sa headquarters ng frat! Tara na! Start pa naman ng screening today! Let's go!"

Wala na siyang nagawa pa nang hilahin siya ni Martina papunta sa headquarters ng fraternity na nasa tabi lang ng student council office.

"Huwag mo na akong tawanan sissy!" banta pa nito nang akmang tatawa na naman siya.

Tinakpan niya na lang ng kanyang kamay ang bibig para pigilan ang pagtawa pero talagang tawang tawa na siya kaya di na niya na napigilang humagalpak.

Ang ending ay nag walk out si Martina. Pero maya maya pa ay nakita niya na ito sa registration area. Mas natawa tuloy siya lalo na nang makita niya ang kunot na kunot na mga noo ng mga fratmen at sorority girls na naroon.

Nakatayo lang siya malapit sa nagkukumpulang mga studyante, na mukhang mag papa screening din. Binalingan niya ang registration booth at natanaw na lang niyang mukhang may inaaway na si Blake. Hysterical itong nagpapadyak padyak habang itinuturo ako sarili. Agad na napailing si Rhiane at pinuntahan na ito.

Nadatnan niyang nagsisigaw ito.

"Bakit ba? I'm a girl! Sa puso, sa isip at kita naman diba? Physically I'm a girl! I'm qualified!" Pagpupumilit nito sa isang fratman na walang ginawa kundi ang ngisihan at pagtawanan siya.

Mula sa loob ay lumabas na rin ang reigning sorority president ng Cryptics Sorority, si Chloe ang tinaguriang queen bitch ng Business Administration department.

"Hoy Martina Sandejas mahiya ka nga! My God do you really think na papayag akong maging sorority president ka? Excuse me, ni pagpasok mo sa org. hindi ko papayagan!" Maarteng tinulak nito si Martina.

Nanggalaiti naman si bakla at akmang sasakmalin ang babae pero napigilan ito ni Rhiane. Hindi niya tuloy mapigilang isipin na kaya siguro papalitan ito ay dahil sa kagaspangan ng ugali. Napailing na lang siya at akmang hihilain na si Martina pero lalaki pa rin ito kaya hindi niya ito kinaya.

Nakipagtagisan ito ng tingin kay Chloe at talagang handa nang lumaban. Kinabahan tuloy si Rhiane kaya pilit niya itong dinistract.

"Hoy Martina halika na nga! Mag boy hunting na lang tayo! PE ng sophomores oh!" Hinila niya ulit ito pero hindi pa rin ito nagpadala.

Sa inis niya ay siya na ang humarap kay Chloe.

"Alam mo Chloe, the University is promoting equality to all and we are also supporting the LGBT community so siguro naman pwede niyo siyang i consider bilang applicant?" Mataman niya itong tiningnan pero tumawa lang ito at ni head to foot siya.

"You have no rights here Ferguson so back off." Maarte itong tumalikod na ikinakulo naman ng dugo niya.

How dare she?! Eh siya nga itong walang manners! Siya pa itong may ganang mag maganda!

Buwisit na buwisit siyang umalis doon at walang tigil naman siyang pinapakalma ni Blake. Parang kanina lang ay ito ang gustong sumugod kay Chloe pero ngayon ito na ang nagpapakalma sa kanya. Sino ba naman kasi ang hindi mabubwisit sa babaeng 'yon na kung makaasta ay parang kung sino.

"Okay ka na sis?" Tango lang ang isinagot niya sa kaibigan bago umupo sa isang bench na nasa bukana ng gymnasium.

"Alam mo, pansin ko ha, bakit di mo bet ang frat at sorority? Paano kayo nag wowork out ni papa Darryl?" Pang uusisa ni Martina sa kanya.

Nag iwas siya ng tingin at bumuntong hininga.

"Kuya Luke was once part of a frat. Hindi dito yun. Sa labas. Fourth year highschool sila noon habang ako naman ay second year. Nakita ko kung paano umuwi si kuya ng duguan dahil sa mga fratwar. Alalang alala pa si Mama noon. Muntik na rin siyang makulong noon at muntik na siyang kunin sa amin nang napuruhan siya sa isang fratwar kaya simula noon ayoko na talaga sa mga fratmen. Other than that, I hate violence. Initiation pa lang nila bayolenteng bayolente na. Remember noong last year na nag open sila for membership? Muntik nang ma expel sina Darryl dahil sa hazing na ginawa nila," gigil na sagot niya habang inaalala ang nangyaring initiation last year.

That was their biggest fight. Kaya nga hindi na siya nagsasalita ukol sa frat dahil baka maulit na naman 'yon. Muntik na kasing mamatay 'yong na hazing na studyante at nagsampa ng demanda ang magulang nito.

"Isama mo pa 'yang mga fratwars na 'yan. Anong kinalaman niyan sa brotherhood chuchu nila?" dagdag niya pa.

"Ironic. Boyfriend mo supremo ng fraternity." Napailing siya . I know right.

"Hayys. Ang complicated naman ng lovelife mo girl." She couldn't agree more.

"Hays tama na nga ito! May gagawin ka ba? Sama na lang ako sa'yo." Tumayo na siya at hinintay din itong tumayo.

Nagkibit balikat si Martina at tumayo na rin.

"So saan tayo?" tanong niya rito. Humagikhik si Martina at binulungan siya

Naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito. Nakangising tiningnan niya ito.

"Gusto ko yan," sagot niya pa at itinaas baba ang kilay. Nagtawanan silang dalawa at tumakbo papunta sa soccer field kung nasaan ang mga soccer varsity players.